You are on page 1of 7

UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA ARALING PANLIPUNAN VI

PANGALAN: ____________________________________PETSA:___________ ISKOR: ________


BAITANG AT PANGKAT: ________________________GURO: RICHELLE E. VILORIA
I. Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ito sa patlang bago ang bilang.
_______1. Ito ay ang pinagsamang guhit latitud at longhitud.
A. Grid C. Digri
B. Ekwador D. Meridian
_______2. Bakit kailangang matiyak ang lokasyon at sukat ng bawat bansa?
A. Upang matiyak ang teritoryo ng bawat isa.
B. Upang maipatupad ang Doktrinang Arkipelago.
C. Upang mapangalagaan ang likas na yaman.
D. Upang magkasundo ang mga mamamayan.
_______3. Ito ay nasa pagitan ng 4˚-21˚ hilagang latitud at 116˚-117˚ silangang longhitud.
A. China C. Japan
B. Pilipinas D. Korea
________4. Ito ay lupang bumubuo ng maraming pulo o pangkat ng mga pulo.
A. Globo C. Arkipelago
B. Ekwador D. Grid
________5. Pulo na pinag-aagawan ng iba’t ibang bansa sa Asya.
A. Spratly Island C. Boracay Island
B. Hundred Island D. Camiguin Island
________6. Bakit iba’t ibang uri ng katubigan ang nakapaligid sa Pilipinas?
A. Dahil ito ay isang kapuluan.
B. Dahil nasa rehiyon ito ng Asya.
C. Dahil maraming lupang Asyano rito.
D. Dahil labing isa ang malalaking pulo nito.
________7. Ang lawak ng Pilipinas ay humigit kumulang ______ kilometro kuwadrado.
A. 30, 000 C. 3,000
B. 300,000 D. 3
________8. Ang nagbigay ng 200 milyang lawak ng karagatan sa palibot ng kapuluan.
A. United Nation Convention C. Exclusive Economic Zone
B. Nautical Miles D. Archipelagic Doctrine
________9. Ito ang nagsasaad na ang karapatan ng isang bansa ay nakapaloob sa mga batayang guhit na
nagdurugtong sa mga pinakalabas o pinakadulong bahagi ng mga pulo na sakop ng kapuluan.
A. United Nation Convention C. Exclusive Economic Zone
B. Nautical Miles D. Archipelagic Doctrine
_______10. Ito ay tumutukoy sa pag-aaral ng iba’t ibang katangiang pisikal ng mundo.
A. Ekonomiya C. Kasaysayan
B. Heograpiya D. Politikal
_______11. Ang Pilipinas ay nasa mababang latitud kaya ito ay nabibilang sa bansang _______.
A. may taglagas C. may tagsibol
B. palaging may bagyo D. tropikal
_______12. Ang Pilipinas ay kapuluang matatagpuan sa ____________ Asya.
A. Timog-Silangan C. Hilagang-Kanluran
B. Silangan D. Kanluran
_______13. Ang Pilipinas ay nakahimlay sa ______________ o Circum-Pacific Seismic Belt.
A. Pacific Ring of Air C. Pacific Ring of Fire
B. Pacific Ring of Land D. Pacific Ring of Water
_______14. Ito ay isang artipisyal na daluyan ng tubig na nagdurugtong sa Mediterranean Sea at Red Sea.
A. Suez Canal C. West Canal
B. Swiss Canal D. Zeus Canal
_______15. Ito ang tawag sa Pilipinong nakapag-aral noon.
A. Edukado C. Propesyunal
B. Ilustrado D. Mahistrado
_______16. Siya ay dumating noong 1869 sa Pilipinas upang manungkulan bilang gobernador-heneral.
A. Carlos Mario de la Torre C. Carlos Torre
B. Carlos Miguel de la Torre D. Carlos Maria de la Torre
_______17. Layunin nito ang pagbuo ng isang Sistema ng pampublikong edukasyon sa Pilipinas.
A. Dekretong Edukasyon ng 1861 C. Dekretong Edukasyon ng 1863
B. Dekretong Edukasyon ng 1862 D. Dekretong Edukasyon ng 1864
_______18. Anong taon nagbukas ang Suez Canal?
A. 1866 B. 1867 C. 1868 D. 1869
_______19. Sino ang nag-utos ng pagtatatag ng paaralang primary para sa mga lalaki at babae noong
1863?
A. Hari ng Espanya C. Hari ng Amerika
B. Hari ng Pilipinas D. Hari ng Britanya
_______20. Sila ang mga paring walang kinabibilangang orden at karamihan ay mga Pilipino.
A. Paring Regular C. Paring Martir
B. Paring Sekular D. Paring Heswita
_______21. Ang pangyayaring ito ang gumising sa damdaming makabansa ng mga Pilipino.
A. Pagbitay sa mga bayani C. Pagbitay sa tatlong pari
B. Pagbitay sa hari D. Pagbitay sa mga madre
_______22. Sila ang mga paring kabilang sa iba’t ibang orden na pawing mga Espanyol.
A. Paring Regular C. Paring Martir
B. Paring Sekular D. Paring Heswita
_______23. Alin sa mga sumusunod ang HINDI layunin ng kilusang Propaganda?
A. Ang sekularisasyon ng mga parokya.
B. Magkaroon ng kalayaan sa pananalita at pamamahayag.
C. Pamunuan ng mga Kastila.
D. Kilalanin ang bansang Pilipinas.
_______24. Ito ang opisyal na pahayagan ng Kilusang Propaganda.
A. La Solidaridad C. La Solidad
B. La Liga Filipina D. La Filipina
_______25. Nang malaman ni Bonifacio na maraming katipunero ang hinuli sa pagkatuklas sa KKK,
nagkita-kita sila ng iba sa Pugad Lawin at nagplanong ipagpatuloy ang paghihimagsik at sabay –sabay
nilang pinunit ang kanilang __________.
A. damit C. pantalon
B. sedula D. sombrero
_______26. Sa mga sumusunod na pahayag, alin ang tama tungkol sa naging kinalabasan sng Kasunduan
sa Biak-na-Bato?
A. Natigil ang labanan sa pagitan ng mga Pilipino at Español sa Zambales at Ilocos Sur.
B. Pinatawad nang lubusan ng mga Español ang mga rebolusyonaryong Pilipino.
C. Maraming kawal na Pilipino ang hindi nagsuko ng kanilang mga sandata.
D. Ang lahat ng repormang hiningi ng mga Pilipino ay natupad.

27. Alin sa mga sumusunod na probisyon ang hindi nakasaad sa Kasunduan sa Biak-na-Bato?
A. Lubusang kapatawaran sa lahat ng rebolusyonaryo at pagsusuko ng kanilang mga sandata.
B. Pagkakaloob ng Espanya sa mga rebolusyonaryong Pilipino ng halagang P800, 000.
C. Ititigil ng mga pinunong rebolusyonaryo ang labanan at maninirahan sila sa HongKong.
D. Pagkakaloob ng Espanya sa hinihinging kalayaan ng mga Pilipino.

_______28. Kailan nangyari ang Sigaw sa Pugad Lawin?


A. Agosto 19, 189 B. Agosto 22, 1896 C. Agosto 23, 1896 D. Agosto 29, 1896

_______29. Ano ang sabay-sabay na isinigaw ng mga Katipunero pagkatapos nilang punitin ang kanilang
sedula?
A. Mabuhay ang Pilipinas! C. Para sa Pagbabago!
B. Mabuhay Tayong Lahat! D. Para sa Kalayaan!

_______30. Bakit mahalaga si Andres Bonifacio sa kasaysayan ng kalayaan ng bansa?


A.Itinatag niya ang Katipunan C. Naging mabuti siyang katipunero
B. Ipinanalo niya ang himagsikan D. Naging inspirasyon siya sa mga Pilipino

_______31. Nagdesisyon ang mga katipunero na ituloy ang himagsikan sa kabila ng maraming
kakulangan nila nang ___________
A. mabulgar ang samahang ito C. matuklasang mananalo sila sa laban
B. matantong wala silang magagawa D. magbigay ng suporta ang ibang lalawigan

_______32. Ang tunay na dahilan ng pagkabigo ng Kasunduan sa Biak-na-Bato:


A. pagkamatay ni Andres Bonifacio C. pagsikat ni Emilio Aguinaldo
B. pagkabulgar ng Katipunan D. pag-aalinlangan ng mga Kastila at Pilipino

_______33. Sino ang tumutol na bigyan ng pwesto si Andres bonifacio sa Pamahalaang Rebolusyunaryo?
A. Candido Tirona B. Daniel Tirona C. Mariano Trias D. Emilio Aguinaldo

_______34. Siya ang kauna-unahang Pilipinang namuno sa pakikipaglaban,siya rin ang Joan of Arc ng
Ilocos.
A. Gabriela Silang C. Melchora Silang
B. Gregoria Silang D. Teresa Silang

_______35. Kinilala siya bilang Ina ng Himagsikang Pilipino.


A. Melchora Aquino C. Kris Aquino
B. Cory Aquino D. Maria Aquino

_______36. Siya ang maybahay ni Andres Bonifacio,kinilala bilang Lakambini ng Katipunan.


A. Trinidad de Jesus C. Marina de Jesus
B. Gregoria de Jesus D. Agueda de Jesus

_______37. Siya ang Joan of Arc ng Visayas.


A. Teresa Aquino C. Teresa de Jesus
B. Teresa Silang D. Teresa Magbanua

_______38. Kailan pinasinayaan ang Kongreso ng Malolos?


A. Setyembre 15, 1898 C. Setyembre 16, 1898
B. Setyembre 17, 1898 D. Setyembre 18, 1898

_______39. Saang simbahan sa Malolos, Bulacan ginanap ang pagpupulong na pinamunuan ni Felipe
Calderon?
A. Simbahan ng Baras C. Simbahan ng San Jose
B. Simbahan ng Sto. Cristo D. Simbahan ng Barasoain

_______40. Ilang sangay ang bumubuo sa itinatag na Republika ng Pilipinas?


A. 1 B. 2 C. 3 D. 4

_______41. Kailan naganap at pinagtibay ang kasunduan sa Paris?


A. Disyembre 10, 1898 C. Disyembre 11, 1898
B. Disyembre 12, 1898 D. Disyembre 13, 1898

_______42. Ito ay naganap noong Disyembre 2, 1899.


A. Labanan sa Imus C. Labanan sa Pasong Buaya
B. Labanan sa Pasong Tirad D. Labana sa Pasong Santol

_______43. Sino ang sumakop sa Pilipinas upang maisulong ang panseguridad at pang-ekonomiya nito.
A. Tsina B. Hapon C. Estados Unidos D. Pilipino

_______44. Ito ang tuluyang nagbigay linaw sa Layunin ng Estados Unidos na ituro sa Pilipinas ang
kaalaman at kabihasnan nito.
A. Balanggiga Massacre C. Labanan sa Tirad Pass
B. Kasunduan sa Paris D. Benevolent Assimilation

_______45. Ano ang kinuha ng mga Amerikano bilang gantimpala sa digmaan?


A. 1 kampana ng Balanggiga C. 3 kampana ng Balanggiga
B. 3 kampana ng Balanggiga D. 4 kampana ng Balanggiga

_______46. Siya ay aktibong kasapi ng rebolusyon bilang punong heneral ng lalawigan ng Batangas.
A. Miguel Malvar C. Miguel Lopez
B. Miguel Luna D. Miguel Jaena

_______47. Sino ang tumakas patungong Hilagang Luzon habang patuloy ang pagtugis sa kanya ng mga
Amerikano?
A. Emilio Jacinto C. Emilio del Pilar
B. Emilio Aguinaldo D. Emilio Zamora

_______48. Kailan naganap ang Labanan sa Look ng Maynila?


A. Pebrero 30, 1898 C. Abril 30, 1898
B. Marso 30, 1898 D. Mayo 30, 1898

_______49. Kailan idineklara ni Aguinaldo ang kalayaan ng Pilipinas?


A. Hunyo 12, 1895 C. Hunyo 12, 1897
B. Hunyo 12, 1896 D. Hunyo 12, 1898

_______50. Isang kasunduan na igagalang ng Amerika ang soberanya ng Sultanato ng Sulu kapalit ng
pagsuporta nila sa Estados Unidos.
A. Kasunduang Bates ng 1899 C. Kasunduang Bates ng 1897
B. Kasunduang Bates ng 1896 D. Kasunduang bates ng 1895

II. Kilalanin ang isinasaad ng bawat pahayag. Piliin ang titik ng tamang sagot sa loob ng
kahon. Isulat ito sa patlang bago ang bilang.

A. Marcela Marcelo F. GOMBURZA


B. Antonio Luna G. Procopio Bonifacio
C. Melchora Aquino H. Jose Rizal
D. Apolinario Mabini I. Marcelo H. Del Pilar
E. Trinidad Tecson J. Andres Bonifacio

_______51. Siya ay hinirang ni Aguinaldo na maging direktor ng digmaan.


_______52. Tinaguriang ‘’Dakilang Lumpo’’ at ‘’Utak ng Himagsikan’’.
_______53. Ang tatlong paring martir.
_______54. Nagtatag ng La Liga Filipina.
_______55. Supremo ng Katipunan
_______56. Nagtatag ng Diariong Tagalog.
_______57. Kapatid ni Andres Bonifacio.
_______58. Ina ng Biak-na-Bato
_______59. Ina ng Katipunan
_______60. Tinaguriang ‘’Selang Bagsik’’
KEY TO CORRECTION

1. A 21. C 41. A
2. A 22. D 42. B
3. B 23. C 43. C
4. C 24. A 44. D
5. A 25. B 45. B
6. A 26. B 46. A
7. B 27. D 47. B
8. B 28. C 48. C
9. C 29. A 49. D
10. B 30. A 50. A
11. D 31. A 51. B
12. A 32. B 52. D
13. C 33. D 53. F
14. A 34. C 54. H
15. B 35. A 55. J
16. D 36. B 56. I
17. C 37. D 57. G
18. D 38. A 58. E
19. A 39. D 59. C
20. B 40. C 60. A

You might also like