You are on page 1of 5

Mesopotamia

Ang Mesopotamia ay isang lugar sa Timog-kanlurang Asya.Ito ang Iraq at kanlurang Syria
sa kasalukuyan. Sa isang mahigpit na pananalita, ito ang kapatagang alluvial na
matatagpuan sa pagitan ng mga ilog ng Tigris at Euphrates, binubuo ng mga bahagi ng Iraq
at Syria. Sa mas pangkaraniwang gamit, kabilang sa termino ang mga ilog kapatagan nito sa
kabuuan at kasama din ang mga napapaligirang teritoryo ng Disyerto ng Arabia sa kanluran
at timog, ang Golpo Persiko sa timog-silangan, ang mga Bundok ng Zagros sa silangan at
mga bundok ng Caucasus sa hilaga. Kilala ang Mesopotamya bilang ang lugar ng ilang sa
mga pinakamakasaysayang kabihasnan o sibilisasyon sa daigdig.
Kontribusyon ng Mesopotamia
Ang mga kontribusyon ng Mesopotamia ay may kinalaman sa paraan ng pagsulat,
transportasyon at kalakalan, matematika, astronomiya, relihiyon, batas, at iba pa.

Pagsulat
Ang mga manunulat o tagapagtala na Sumeryo ay lumikha ng sistema ng pagsulat na
tinatawag na cuneiform. Ito ang tinatayang pinakaunang pamamaraan ng pagsulat. Matulis
na stylus ang ginagamit na panulat. Sa isang parisukat na tapyas ng malambot na luad ay
umuukit sila ng larawan na sumasagisag sa mga kaisipan at mga pangyayaring naganap.
Pagkatapos, pinatutuyo ang mga ito at itinatago. Nakatala ang kasaysayan sa mga tapyas
na mga batong ito (cuneiform tablet). Gumagamit ang mga mangangalakal ng tatak (seal) ng
namimili, nagbebenta, at saksi. Ang mga selyo ng lagda (signature seal) na ginawa sa
hugis cylinder ay inuukit sa bato at isinusuot ng may-ari na parang kwintas

Ito ay isang halimbawa ng Cuneiform


Tablet. Ang kuneiporme ay isa sa mga
pinakamaagang sistema ng pagsulat. Ito
ang paraan ng pagsulat ng mga Sumerian.
Sa simula, mga marka lamang itong
makikita sa pagdiin sa mga luwad na
tableta. Gumagamit ang mga eskriba ng
isang maliit na patpat na tinatawag na
stylus. Hango ang cuneiform sa salitang
Latin na cunneus o ang kombinasyon ng
mga wedge na ginagamit na tanda nito.
Hindi sa papel sumusulat ang mga
Sumerian kundi sa tabletang luwad na
ginagamitan ng stylus habang malambot.
Pagkatapos, pinatutuyo ito sa araw
hanggang sa tumigas.

Relihiyon
Naniniwala ang mga Sumerian sa maraming diyos ---tinatawag itong politeismo. Bawat
lungsod-estado ay itinuturing na pag-aari ng bawat diyos. Pinaniniwalaan nilang ang diyos
ang pumipili ng pinuno at nangangalaga sa mga lungsod. Ang mga diyos ang nagdadala ng
pagpapala at kalamidad tulad ng baha, taggutom, at iba pa. Ang mga Sumeryo ay
nagsasagawang mga ritwal tulad ng pag-aalay at pasasalamat.
Ang mga ito ay nangangailangan ng dasal o pista. Si An o Anu ay diyos ng langit. Si Ki ang
tagapagtanggol ng daigdig, at si Enlil ang nagdadala ng malalakas na hangin at ulan.
Sina Innana at Dumuzi ang pinagkalooban ng fertilidad.
Pinag-aralan naman ng mga pari ang ibig ipakahulugan ng mga panaginip at galaw ng
mga bituin. Ayon sa kanila, ang mga ito ay may pahiwatig na galing sa diyos.
Naniniwala rin ang mga taga-Mesopotamya na may lugar sa ilalim ng lupa. Sa Epiko ng
Gilgamesh, inilarawan ito bilang madilim na kweba kung saan alikabok at luad ang pagkain.
Matematika at Astronomiya
Sa matematika, ang mga taga-Mesopotamya ang nagpakilala ng talaang multiplikasyon
at dibisyon. Ipinapalagay na sila rin ang nagturo ng pagkalkula sa pamamagitan ng sugkisan
o dyometri at pinagmulan ng kaisipang may 360 digri ang isang bilog at 60 minuto sa isang
oras.
Isa sa pinaka matandang ulat ng astronomiya ay ginawa rin sa Mesopotamya. Itinala nila
ang paiba-ibang posisyon ng mga planeta at iba-ibang yugto ng pag-ikot ng buwan. Hinati
nila ang isang taon sa 12 buwan, at ang isang buwan sa 30 araw.
Ito ay isang halimbawa ng
kalendaryo noong 3,300 BCE
na unang inimbento ng mga
Sumerians sa Mesopotamia.

Transportasyon
Sa paggamit nila ng gulong, napadali ang pagdadala ng mga produkto sa ibang lugar.
Maging ang paggamit ng layag sa paglalakbay-dagat ay pinangunahan din ng mga taga-
Mesopotamia. Nakatulong ito sa kanilang kalakalan sa malayong lugar.

Ito ang isa sa mga pinakaunang gulong na


naimbento noong 3,500 BCE.
Ang gulong ay naging malaking tulong sa
mga Sumerian hindi lang dahil sa ito’y
naging malaking tulong sa pangangalakal
kundi ito din ay nakatulong sa trasportasyon
at pagpapabilis ng paggawa ng mga
istraktura sa Mesopotamia.
Sining
Ang mga Sumeryo ay mahilig sa magagandang bagay. Ang mga manggagawaang may
kasanayang gumawa ng alahas, kasangkapan sa bahay, at dekorasyon.
Ang musika ay isang kakayahan na kanilang napalawak at napaunlad. Ang mga
instrumentong tulad ng harpa at lira ay ilan sa nagawa nila. Ang mga Sumeryo ay mayroon
ding mga pipa, plauta, at pati na rin tamburin.
Ang pinakakilalang panitikan ng Sumeryo ay ang tulang epiko ni Gilgamesh. Si Gilgamesh
ay isang hari sa Uruk.

Batas
Sa larangan ng batas, kinilala ang Kodigo ni Hammurabi. Sa bato na may taas na 2.44 na
metro nakaukit ang batas ng kaharian. Si Hammurabi, pinuno ng Babilonya noong 1792-
1750 BCE, ang nagpagawa ng mga batas. Naglalaman ito ng 285 na konstitusyon.
Ang batas ni Hammurabi ay may kaugnayan sa lahat na makaaapekto sa pamayanan,
kasama na ang relihiyon, pamilya, kabuhayan, at krimen. Ang mga sumusunod na pahayag
ay nakuha sa Kodigo ni Hammurabi:

 Kung ang sinuman ay nagdala ng isang akusasyon ng krimen sa harap ng mga


nakatatanda at hindi niya ito napatunayan, siya ay papatayin kung ang inakusa niya
ay isang kasalanang may parusang kamatayan.
 Kung ang sinuman ay nagnakaw ng pag-aari ng isang templo o korte, siya ay
papatayin. Ang tumanggap ng ninakaw na bagay mula sa kanya ay papatayin rin.
 Kung ang sinuman ay nagsasagawa ng marahas na pagnanakaw at nahuli, siya ay
papatayin.
 Kung sinaktan ng anak na lalake ang kanyang ama, ang kanyang mga kamay ay
puputulin.
 Kung ang isang tao ay bumungi sa isa, siya ay bubungiin rin.
 Kung binali ng isang tao ang buto ng isa pang tao, ang kanyang buto ay babaliin rin.
 Kung sinaktan ng isang malayang tao ang katawan ng isa pang malayang tao, siya
ay magbabayad ng 10 shekel sa salapi.
 Kung ang alipin ng isang malayang tao ay nanakit sa katawan ng isang malayang
tao, ang kanyang tenga ay puputulin.
 Kung sinaktan ng isang tao ang katawan na mas mataas sa ranggo sa kanya, siya
ay tatanggap ng 60 paghampas sa publiko.
 Kung sinaktan ng isang tao ang isang malayang babae na nalaglag ang kanyang
hindi pa naipanganak na anak, siya ay magbabayad ng 10 shekel sa pagkawala ng
anak.
 Kung ang isang tagapagtayo ng bahay ay nagtayo ng bahay para sa isang tao at
hindi ito tamang itinayo at ang bahay ay bumagsak at napatay ang may ari nito, ang
gumawa ng bahay ay papatayin.
 Kung habang nasa isang dayuhang bansa, ang isang tao ay bumili ng aliping lalake
o babae na kabilang sa isa pang tao ng kanyang sariling bansa; kung bumalik siya
sa kanyang tahanan at nakilala ito ng may ari ng aliping lalake o babae; kung ang
aliping lalake o babae ay katutubo ng bansa, kanyang ibabalik ito nang walang
salapi.
 Kung ang isang lalake ay nag-asawa at hindi siya nagkaanak at ninais ng lalake na
mag-asawang muli: kung kanyang kinuha ang ikawalang asawang ito at dinala siya
sa kanyang bahay, ang ikalawang asawa ay hindi bibigyan ng pagiging pantay sa
kanyang asawa.

You might also like