You are on page 1of 1

SLUG: EDADES

ICON: MOMENTS WITH EDADES


LOC: DAGUPAN CITY, PANGASINAN
SUM: UNANG VICTORIO EDADES DAY, IPAGDIRIWANG BUKAS
=======
ANCHOR:
=======

PAMILYAR SA MGA NAKAKAPASYAL NA SA DAGUPAN CITY MUSEUM … ANG BAHAGING ITO NG HAGDAN
KUNG NASAAN ANG PANGALAN AT ILANG LARAWAN NI VICTORIO EDADES ….

ISANG NATIONAL ARTIST NA MULA SA BARANGAY BOLOSAN … PERO NGAYON … BINUKSAN ANG
ESPESYAL NA GALLERY NA ITO SA CITY MUSEUM NA TINAWAG NA MOMENTS WITH EDADES … PARA SA
KANYANG MGA LIKHA … TULAD NG MGA PORTRAIT NG MGA PILING MODELO…

NAKAEXHIBIT DIN ANG ILAN SA MGA LARAWANG KUHA SA KANYA SA MGA DINALUHANG PAGTITIPON.

SA GITNA … ANG OBRA NG ISA RING LOCAL ARTIST NA TINAWAG NA A TRIBUTE TO EDADES.

SOT: ZENAIDA SINLAO, CULTURE AND ARTS OFFICER


“he was the father of modern painting… a true dagupeno.”

STANDUPPER: MARAMI PANG PUWANG SA GALLERY NA ITO NA NAIS PUNAN NG CULTURE AND ARTS
COMMISSION NG SYUDAD … ANG ILAN SA MGA HINDI NAKADISPLAY … ITINUTURING NA PRICELESS O
WALANG KATUMBAS NA ANUMANG HALAGA NG PERA.

IPINASILIP NA SA ATIN … ANG SKETCH NI EDADES NG KANYANG KINALAKIHANG BAHAY NOON SA


BOLOSAN. HINDI PA ITO ISINASAPUBLIKO DAHIL INIHAHANDA PA LANG ANG CASE NA PEPRESRBA SA
OBRA.

GANUN DIN ANG MEDALYA NA IGINAWAD SA KANYA NANG SIYA AY MAIDEKLARANG NATIONAL ARTIST.

DAHIL SA HINDI MATUTUMBASANG AMBAG …. IPINASA NG SANGGUNIANG PANLUNGSOD ANG


ORDINANSA NA NAGTATAKDA SA DECEMBER 23 BILANG VICTORIO EDADES DAY … KASABAY ITO NG
ANIBERSARYO NG KANYANG KAPANGANAKAN.

SOT: ZENAIDA SINLAO, CULTURE AND ARTS OFFICER


“we want to pay tribute… ang makilala pa siya lalo.”

HINDI NA NADALA ANG MGA LABI NI EDADES DITO SA DAGUPAN CITY NANG SIYA AY PUMANAW NOON
SA DAVAO … PERO UMAASA ANG CITY MUSEUM … NA MAGPAPATULOY ANG KANYANG LEGASIYA … SA
TULONG DIN NG MGA TINATAWAG NA BATANG EDADES.

MGA UMUUSBONG NA ARTIST NG DAGUPAN CITY … NA PAPARANGALAN BUKAS … AT PATULOY NA


SASANAYIN NG LUNGSOD.

EXTRO

You might also like