You are on page 1of 1

Submitted by: Rachell Mae Vacal Date: 2/21/23

Midwifery 2A

MONUMENTO OFRECIDO AL PUEBLO POR LA CLUB XYZ

Mahigit isang daang taon nang nakatayo ang momument ni Rizal sa lugar na tinatawag ding
Plaza dela Revolution sa bayan ng Lucban.Isang bantayog ni Jose Rizal na pinamagatang
"Bantayog na inihandog sa pamayanan ng XYZ Club", ito ay isang obra maestra ni Ysmael
Villaseňor, pinasinayaan noong Disyembre 29,1915.
Si Ysmael Villaseñor, miyembro ng asosasyon, ay isang pintor at iskultor, naging sikat noong
ang bansang Espanya dahil sa kanyang "Internacional Exposicion" ,ang gumawa ng likhang
sining na ito. Ang disenyo o "bozeto" (scale model) ng monumentong ito na pinangalanang "
Monumento Ofrecido Al Pueblo Por La Club XYZ" ay napabilang sa apatnapung (40) bozeto na
naging kalahok sa kompetisyon sa pagpili ng monumentong itatayo sa Luneta noong 1907.
Ang kompetisyong ito ay nilahukan ng magagaling na eskultor mula pa sa Europa at ibang
bansa na pinagtibay ng United States Philippine Commission Act No. 243 na nilagdaan ni
President Theodore Roosevelt noong ika 28 ng Setyembre 1901.

Source: Lucban Historical Society,


“LUCBAN: Historic Places, Ancestral Houses, People and Events“

You might also like