You are on page 1of 3

Spoliarium

Ni: Princess Aliyya U. Huinda


9-Ven. Father Antonio and Marco Cavanis

Ang obra meastra na ito ay itinuturing na pinaka-sikat na obra sa Pilipinas. Ito rin ay
madalas na namamali sa pagkakabaybay dahil marami ang bumabaybay nito ng Spolarium,
ngunit ang tamang pagkabaybay ay Spoliarium. Ang obra maestro na gumawa nito ay si Juan
Luna. Inabot din ito ng walong buwan para tapusin. Ngunit ang pagsisikap at oras ni iginugugol
para dito ay sulit dahil ito ay nakapanalo ng gintong medalya sa Exposición Nacional de Bellas
Artes o National Exhibition of Fine Arts (Spain) noong 1884 sa Madrid, Spain; ang eksibisyon na
ito ay may pormang pang-kompetisyon at ang opisyal at pinaka malaki na eksibisyon sa
Espanya.

Itong obra ay may taas na 25.18 feet at may midyum na oil on canvas. Ang obra maestra
na ito tungkol sa mga gladiator na namamatay sa isang romanong circus kung saan ang lugar ng
mga pampublikong kaganapan sa imperyong romano noon. Sa obra na ito ay nakikita natin ang
mga gladiator na namamatay at mga taong nagdadalamhati na tila mga kapamilya nila.
Makikita rin natin dito sa gilid ng kaliwa ang mga madlang tao na nakatingin lamang sa mga
nagdudusang mga gladiator. Ang obra ay may madilim na atmospera dahil sa pagka gamit ng
kulay itim. Ito rin ay may mga matalisik na kulay pula, puti, at asul. At ang sa tingin kong
ipinapahiwatig ni Juan Luna sa obra na ito ay ang sakit, paghihirap, pagkatalo, at pagluluksa.

Ang kahulugan naman ng obrang ito ay tungkol sa mga Pilipino noong panahon ng mga
Espanyol sa bansa. Noong panahon ng mga panghihimasok ng mga Espanyol sa Pilipinas ay
maraming mga Pilipino ang naghirap at nagdusa sa sarili nilang lupa at bayan. Sa obrang ito ay
naipapakita ang mga Pilipino bilang mga gladiator na naghihirap upang ipaglaban ang sariling
dignidad at karapatan habang ang mga Pilipinong may kakayahan na tumulong at lumaban
ngunit nagbubulagbulagan ay nasa gilid lamang at tumitingin bilang madla. Ito ay nagpapakita
ng malungkot at masakit na kabanata sa Pilipinas. Kaya ito ay naging sikat at nagkaroon ng
importansya sa atin bilang Pilipino, dahil ang Spoliarium ay isang obra maestra na nagtatalakay
ng mga bagay na binubulagbulagan ng marami sa panahon ng mga kolonisador na mga
Espanyol.
Bilang konklusyon, ang Spoliarium ay isang obra na may magaling na likhang sining
habang nagtatalakay ng isyu na seryoso at kontrobersyal, lalo na’t sa panahon ng pagkagawa
nito ay hindi gaano naitatalakay ang mga paghihirap at pagdurusa ng mga Pilipino sa ilalim ng
mga Espanyol. Mahalagang ito ay ating alalahanin dahil ito ang nagbigay sa atin ng pagkamulat
sa pangaabuso ng mga Espanyol sa atin. Ito rin ay nagpapaalala sa atin kung ano ang dinaranas
ng ating mga ninuno habang ang mga kolonisador ay nagsasaya at nakikinabang sa sarili nating
lupa. Kaya mahalaga na ating tandaan ang parte na ito sa ating kasaysayan upang ang lahat ng
ito ay hindi na mauulit pa.

Sanggunian:

Gaspar. (2015, March 12). “Spoliarium” by Juan Luna. Medium.Com. Retrieved September 16, 2022,

from https://medium.com/@jordangasparr/spoliarium-by-juan-luna-f1b3103ef450

Spoliarium By Juan Luna Analysis, Description, And Real Meaning. (2021, July 28). Corner4men.Com.

Retrieved September 17, 2022, from https://corner4men.com/lifestyle/spoliarium-by-juan-luna-

analysis-description-and-real-meaning-ar229

You might also like