You are on page 1of 12

DOMENICK C.

FANDAGANE EE II SETYEMBRE 24, 2015

KABANATA II-REBYU NG MGA PANITIKANG KAUGNAY

Sining biswal: ang kahulugan

Ang sining, ayon sa the 21st Century Websters International Encyclopedia, ay


ang kagalingan sa pagbuo at paggawa. Subalit, ang terminolohiyang sining ay
kadalasang tumutukoy sa "fine arts" na kinabibilangan ng pagpipinta, iskultura,
literatura, sayaw, musika, at film.

Ayon naman sa the Grolier Childrens Encyclopedia, 2004:19.Ang sining ay kahit


anong malikhaing bagay na ginagamit upang mailathala ang ang mga imahe at upang
ilahad ang damdamin-mula sa pagguhit, pagpinta, sculpture, hanggang sa arkitektura at
computer graphics.

Ang sining ay walang katapusan at walang limitasyong larangan, na nagbigay laya sa


paghahayag ng tao sa paraang pisikal, sosyal, o pag-uugali (VSA,2015).Ang sining ay
pandaigdig na wika na may kakahayang pag-isahin ang lahat ng sangkatauhan.

Tinutukoy ng sining ang lahat ng malikhaing pagsisikap ng tao. Ang sining ay


isang pangmalawakang kataga para sa anumang naibubunga ng pagkamalikhain na
mula sa anumang larangan ng tao (Wikipedia, 2001). Ang mga pagsisikap na Ito ay
nauugnay sa mga araw-araw na pamumuhay.

Ang teorya ng sining kung saan patuloy itong hinahanapan ng kahulugan, ay


inilalahad ang epekto, kahalagahan,paraan ng paggawa, o nagbibigay ng
makasaysayan at makalipunang konteksto para sa interpretasyon mula pa noong
sinaunang griyego at patuloy na nagiging paksa ng diskusyon ng mga pintor, mga
iskolar, at mga kritiko.

Ang ideya ng pagtatag ng teorya ukol sa pagpipinta ay sinunod mula sa teorya


ng musika na suhestiyon ni Goethe noong 1807, at naging maugong sa mga manlilikha
ng taong 1920's, sa panahon ng Weimar Culture, tulad ni Paul Klee(wikipedia,2005).
Sinabi rin ni Goethe noong 1807 na ang pagpipinta ay kulang ng katanggap-tanggap na
teorya na mayroon ang musika. Taong 1911, sinang-ayunan ng marami na ang
pagpipinta ay nangangailangan ng pundasyong teorya, at ang teorya ay dapat isunod
sa modelo ng music theory (kandinsky, 1911), at idinagdag na mayroong malalim na
kaugnayan sa pagitan ng musika at pagpipinta.
Ang kasaysayan ng pagpipinta ay umaabot sa panahon ng mga artipakto mula
sa sinaunang tao. Nagrerepresenta ito ng patuloy kahit na naputol sa ibat ibang yugto
na naging tradisyon na sa kalumaan (Wikipdia, 2007). Tinawid ang kultura, pati na ang
mga kontinente at milenya, ang kasaysayan ng pagpipinta ay isang ilog na patuloy na
umaagos ng pagkamalikhain, na nagpatuloy sa ika dalawamput isang siglo. Hanggang
noong 20th century ay dumedepende lamang ito sa representasyonal, relihiyoso, at
klasikal na palamuti, kalaunan ay mas naging purong abstract at konseptwal na
pamamaraan (Wikipedia, 2006). Ang pagyabong naman ng Eastern painting ay
sumalunggat sa Western painting, na sa pangkalahatan ay nauna ng ilang siglo.

Gaya ng pagguhit, ang pagpipinta ay mayroon ding dokumentadong


pagkakakilanlan sa mga kweba at bato(EUR, 2015). May tinatantyang 32, 000 years old
na nasa kweba ng Chauvet and Lascaux sa Timog Pransya.

Mga paintings naman ng human figures ang makikita sa mga libingan ng


sinaunang Ehipto. Ang mga griyego ay nagkaroon din ng kontribusyon sa pagpipinta
ngunit karamihan ng kanilang mga gawa ay naglaho (totally history, 2015). Ang isa sa
mga natitirang likha ang "mosaic of the Battleof Issus at Pompeii". Ang mga Greek at
roman art ay nagbigay kontribusyon sa Byzantine art noong 4th century, na nagumpisa
ng tradisyon ng icon painting.

Ang pinaka unang halimbawa ng sining biswal ay ang mga cave paintings na
inukit sa mga bato. Ang pinakamatanda ay humigitkumulang 40,000 years ago (The
Grolier Childrens Encyclopedia, 1998).halos lahat ng sinaunang sining ay iniaalay sa
mga diyos dahil importante ang relihiyon at pagsamba noong panahong iyon. ngunit sa
paglipas ng mga siglo ang mga istilo ng sining ay nagbago.

Noong panahon ng renaisssance sa ika 14th, 15tth, at 16th centuries unang


ginamit ang salitang artist (GCE, 2004PAGE 22). Bago iyon, ang mga 'painters ay
inaakalang skilled craft workers. Ang renaissance ay nangangahulugang muling
pagsilang at ang mga artist tulad nila michael angelo at leonardo da vinci ay humuhugot
ng mga ideya mula sa mga gawa ng sinaunang griyego at romano.

Sa panahon ding ito, unang gumamit ng mga buhay na modelo. gamit ang
liwanag at dilim, nabigyan ng kalaliman ang mga gawa nila na nagresulta sa 3D art.
Nauso din ang paggamit ng "perspective" para malaman kung malapit o malayo ba ang
isang bagay.Sa panahon ng 16th century, mas naging personal ang sining.sa pagunlad
ng siyensya, nagsimulang kuwestiyonin ng mga tao ang kanilang relihiyon, at naidepikto
ito sa sining ng baroque era.

Sa panahonng 17th century, nagsimulang maipinta ang araw araw na


pamumuhay at mga ordinaryong tao. dahil noon ay inakala nila namga importanteng tao
at magagandang tema lamang ang dapat ipinta(GCE,2004PAGE 23). Ang mga pintor
tulad ni Remebrandt ay nagbukas sa karakter ng nakatataas o sitter, at ang mga gawa
naman ni Hogarth at tumutuligsa sa kondisyon ng sosyodad.

Sa mga taon ng 1700s at 1800s, maraming manlilikha ang nakaramdam ng


pangangailangan ng pagbabago ng istilo, pamamaraan at ideya. Sa huling yugto ng
1800s, ang mga "french imressionist" tulad ni Claude Monet, Auguste Renoir, at Edgar
Degas ay mas naging natural.(GCE,2004PAGE 24) Sa panahong 1900s, nag-
eksperimento ng mga bagong paraan. dito nauso ang "cubism" tulad nila Picasso at
Georges Braque. Nabuksan din ang daan para sa abstract art. Ang mga surrealist tulad
nila Rene Magritte at Salvador Dali ay ginamit ang mga panaginip para malaman ang
mga nakatagong damdamin.

MGA YUGTO NG SINING-BISWAL

ang Renaissance

Maliban sa manuskriptong gawa ng mga Monghe sa panahon ng middle age ang


sunod na kontribusyon sa kasaysayan ng sining-biswal ay ang Renaissance painters ng
Italya(Wikipedia.org,2014). Mula kay Giotto ng ika 13th century, hanggang kay
Leonardo Da Vinci at Raphael ng early 16th century, ito ang pinakamayamang yugto
ng Italian art nang ang chiaroscuro technique ay ginamit sa paggawa ng 3D space
illusion art.

Ang mga painters sa Northern Europe ay naimpluwensyahan din ng Italian


school. sina Jan van Eyck, Peter Bruegel at Hans Holbein ang ilan sa mga sikat na
pintor ng panahong iyon. Ginamit sa panahong ito ang glazing technique at oil para
magkaroon ng kalaliman at kaliwanagan ang mga obra maestra ng yugtong ito.

Ang Dutch Golden Age

Sa 17th Century naman yumabongang mga Dutch Masters katulad ni


Remembrandt nakilala sa mga portrait at bible scenes at si Vermeer na nakilala sa
depiksiyon ng Dutch life.

Baroque Era

Nagsimula pagkatapos ng renaissance mula late 16th century hanggang late


17th century. Ang mga sikat na pintor ng panahong ito ay sina Caravaggio na sumikat
sa paggamit ng tenebrism at Peter Reubens na gumawa ng illusionistic ceiling painting
genre(Slideshare,2011). Karamihan ng pagbabago ng yugtong ito ay dahil sa Protestant
Reformation at ng Counter Reformation na nagpatanyag sa panahong ito sa dramatic
lighting at overall visuals.
Impressionism

Ang impressionism at nag-umpisa sa France noong 19th century. Kung saan ang
mga pintor gaya nina Claude Monet, Pierre-Augustre Renoir at Paul Cezanne na
nagsimula ng pagpinta ng realismo ng modernong pamumuhay sa labas imbis na sa
loob(Dummies'2001). Ang istilo ay mas naging dinamiko, na gumagalaw at nag-aadjust
sa bagong pananaw ng dining. Mas hindi na naging important ang detalye, imbis, mas
lumawak ang inspirasyon ng mga pintor sa scenaryo at mas natural sa mata ng
manlilikha.

Post-impressionism

Sa pagtatapos ng 19th century, may ilang pintor ang nagdala sa impresyonismo


sa ikalawang anta's, gamit ang geometric shapes at kulay para maidepekto ang
emosyon sa kanilang mga gawa habang binibigyan ng mas malalim na
simbolismo(Visual-arts-cork,2013). Isang partikular na halimbawa si Paul Gauguin, na
naimpluwensyahan ng Asian, African at Japanese art,Vincent von Gogh, isang dutch na
nakilala dahil sa mga gawa nya tungkol sa panggabing buhay sa distrito ng Montmerte
sa Paris.'

Symbolism, expressionism at cubism

si Edward Munch, Isang norweigan artist, ay nahasa ang kanyang pagiging


simbolistiko, si Manet bilang kanyang inspirasyon. ang kanyang pinakasikat na gawa ay
nabigyang kahulugan bilang reprersentatibo ng pagdaidigang antisipasyon ng tao(the
scream,1893). Resulta ng impluwensiya ni Munch, ang mga expressionist sa simula ng
20th century tulad ni Ernst Kirschner at Erich Heckel ay nagsimulang palitang ang
realidad ng emotional effect(teacheroz,2010). Sa kabilang banda, ang istilong tinatawag
na cubism ay yumabong sa Pransya. si Pablo Picasso at George Braque ay ang
pangunahing nagtatag nito. angmga bagay ay sisirain, aanalisahin, at aayusing muli
bilang isang abstract form. sa panahong 1920's ang istilong ito ay nadevelop sa
surrealism sa pangunguna ni Dali at Magritte.

Sining: ang ebolusyon ng istilo sa pagpipinta

Ang pagpipinta ay isa sa pinakaluma at pinakaimportanteng sining-biswal. Mula


pa sa panahong prehistoriko, ang mga tao at gumuguhit at pagpipinta na upang
maihayag ang kanioang ideya tungkol sa tao at sa mundo. Mga sining na nagkaroon ng
masidhing kahulugan sa sangkatauhan. Binigyan nito ang tao ng kaligayahan at
impormasyon
Ang mga painting ay mas naging makulay at maskumplikado mula ng yugtong
midyebal ayon sa isang pag-aaral(Scientific Reports, December 11, 2014). Mahigit
9000 na mga painting sa 10 yugto, ay nagpapakita ng pagbabago at pag-iiba sa
kagamiitan at ideya. Ito din siguro ang mga sanhi ng pagbuo ng makabagong istlo sa
pagpipinta.

Gamit ang digital imaging techniques, inimbestigahan ang paggamit ng kulay,


pag-iiba nito, at ang pagbabago sa liwanag ng 8,798 na obra mula 11th hanggang 19th
century. ang mga ito ay nahati sa sampung yugto sa kasaysayan: Medieval, Early
Renaissance, Northern Renaissance, High Renaissance, Mannerism, Baroque,
Rococo, Neoclassicism, Romanticism, at Realism.

Sa pag-aaral nakita ang paglawak ng kulay sa sining biswal pagkatapos ng


yugtong midyebal, na nagpakilala sa oil painting at bagong uri ng mga color pigments.
napakita ito sa teknik na sfumato(Leonardo da Vinci, 1452). ang pagtitimbang naman sa
liwanag at dilim o chiaroscuro(Reemenbradnt van Rijin, 1606). ayon naman sa "art and
sciences"(C. Mcline,2003), ang paggamit ng scientific techniques sa pag aaral ng mga
obra ng mga pintor ay magtutulay sa mundo ng sining at siyensya.

Sining at ang lipunan

Naging malaki din ang koneksyon ng sining at ekonomiya. ang ekonomiya ay


isang malaking determinante ng sining biswal (the guardian,2014). sa kasong ito, global
exchange ang naging dahilan ng mga pagkakaimpluensya ng ibang lahi sa sining
nagmula sa kanluran.

Ang sining ay paraan ng tao na ilahad ang kanilang nararamdaman halimbawa


o kaya kung paano nila nakikita ang mga bagay sa paligid(DJHarts,2002). Sa relasyon
ng sining at sosyodad, naipapakita sa mga pinta kung ano ang nangyari sa sosyodad
noong mga panahong iyon. Kung titingnan sa sining-biswal, nakikita ang pagiiba at
pagbabago sa kultura, paligid at istilo.

Ang sining ay nagbibigay ng malaking kontribusyon sa ating gawain at


komunidad(Reeve,2013). Tumutulong ito na ibaon ang mga makalumang pag-iisip at
gumawa ng pangmalawakang kultura bilang kinatawan ng lahat na tao.

Isipin nating ang sining ay bahagi ng ating buhay. Ito ay dahil kadalasan natin
itong nadarama at ginagamit. Ayon nga sa kasabihan, "we aim for beauty in life, and
beauty which is found in nature,is art in itself"(arts and life 2007). Napapaganda din nito
ang pamumuhay sa maraming paraan. Pinapaunlad nito ang personal at akademikong
tagumpay, sa simula ng edukasyon ng isang bata hanggang sa panahon ng pagiging
adulto at larangan ng karera.
Ang sining ay nababago din sa lipunan. Dumedepende ito sa kung paano
kagusto ng tao na bumubuo ng isang ekonomiya na maipahihiwatig ang kanilang
kaisipan at pananaw(art & society relationship,2010). ang relasyong ito ay nag-iiba sa
buong mundo at sa iba't-ibang yugto ng kasaysayan.

Nabago din ng sining-biswal ang sosyodad sa paglipas ng panahon(scholastic


articles, 2011). Sa pamamagitan ng imahe ay natulungan ang tao na gamitin ang
kanilang imahinasyon upang bumago at bumuo ng ideya. natulungan din sila na
maisalin ito sa henerasyon sa hinaharap.

Ang sining-biswal ay isang hamon sa polisiyang sosyal at maari nitong saklawin


ang kaalamang sikolohikal(Orwell,1984). Dahil ang mga “artist” ay gumagamit ng
pagkamalikhain at ibat ibang paraan ng pagoobserba, nagagawa ng sining na mas
makulay at mas may kahalagan ito sapagkat ipinapakita nito sa atin ang isa pangaspeto
ng ating buhay. Halimbawa, ang nobelang “1984” na nagbigay-babala ukol sa
hinaharap kung saan iipitin ng gobyerno ang lipunan at nangyari ito sa Pilipinas sa
panahon ni Marcos. Ipinakita ng nobelang ito kung ang sosyodad ng panahon ngayon
ay may kapareha o nagpapakita ng senyales ng ganitong pangyayari.

Ang sining ayon naman kay allen navarro(2006), ay isang paraan upang
malaman kung saan patungo ang pag-unlad. Pero kahit na hindi lahat ng sining ay
madaling matanggap ng lipunan. ito ay kakailanganin pa rin ng tao. Gutom, giyera, at di
pagkakaunawaan naipinahihiwatig sa anumang uri ng sining biswal ay higit na upang
maapektuhan ang pagbabago sa lipunan kahit sa pinakamaliit na komunidad.

Magkaakibat ang sining at ang pagbabago. sa kabuuan ang pagbabago ng


ekonomiya ang isa sa mga daahilan na nagimpluwensya sa mga manlilikha at sa
kanilang mga gawa(redefined art-icles,2001). Sa kabilang banda, ang sining mismo ay
nakaapekto rin sa pagbabago sa paraang naimumulat nito ang mata ng sosyodad at
ipakita ang pangangailangan para sa pagbabago. Bagamat nagkaroon ng negatibong
epekto ang nangyaring globalisasyon.

Pinalala ng globalisasyon ang matagal nang kakulangan ng suporta ng gobyerno


para sa mga artista’t manunulat ; nananatili silang mga kontraktwal, walang sapat na
kita at walang benepisyo. Maging ang mga obrang sining at kultura ng mga manlilikha
ay nawawalan ng halaga.

Bunga ng patuloy na globalisasyon, ang mga gawang sining at kultura mula sa


ibang bansa, ay bumaha sa ating bayan at patuloy na pinapatay ang ating sariling mga
likhang sining(CAP, 1999). Bunga nito, maraming mga artista at mangagawang
pangkultura sa sining at literatura ang naisasantabi at naapektuhan ang kabuhayan.
KAHALAGAHAN NG SINING

Ang sining ay ginawa sa maraming kadahilanan. Maaring ito ay para maaliw,


magpahayag, o kaya ay maglahad ng istorya . Isa sa mga ito ang pagpalawak at
pagpapayabong ng linguaheng biswal(Purposes of Art, 2013). Sa pamamagitan into ay
natututo tayo na makita ang isang bagay sa ibang pananaw at maipahayag ito. Ang
paggawa ng linguaheng biswal ay puwedeng intensiyon ng manlilikha o kayay epekto
ng ibang importansya.

Maaaring ang pinakamatandang gamit ng sining ay para sa ritwal(Answers.com,2004).


Mula sa kuweba ng Pransya hanggang sa Sistine Chapel, nagsilbi na ang sining sa
simbahan.naging unang patron ito ng mga pintor. Naidepikto ang pagkabanal ng sining
sa uring ito.

Ang sining ay maaring para sa pag-alala ng isang pangyayari(Meaning of art,2006).


Ang pangyayari ay maaring mahalaga sa kasaysayan o kaya ay sa pinagkunaupang

Naging uri din ng komentaryo ang sining (N. Rockwell, 1997). Ginamit ng karamihan
ang sining upang maipabatid sa lipunan ang mga pananaw ng ibat ibang grupo.

Ang sining, ayon sa yaho ay isang paraan ng pagsasabi ng ating nakikita. Ipinaabot ng
ibang makasining ang pagpipinta ng kung ano ang totoong nakikita ng ating mga mata.

Naging ideya din ng kagandahan ang sining (art 'n beauty, 2011). Ang ideya naman ng
ganda ay naiiba sa modernong panahon. Maraming tao ang lumawak ang kaisipan
kung ano ang totoong kagandahan.

Sining din ang isa sa naging paraan ng karamihan upang maglahad ng storya. Naging
karaniwan ito sa sining ng gitnang panahon (arts in history, 2009). Masasabi nation na
malayo na ang naabot ng sining sa panahon iyon. Naipapahayag na nito ang isang
kwento sa pamamagitan ng isang imahe.

Sining at indibidwalidad

Sa pag aaral naman ng sining, natututo tayo na malinang ang ating "aesthetic
awareness"(mapeh1,3rd edition,pp92). sa pagka-"expose" sa modernong media at
kultura, naging mas malawak ang ating kaalaman sa ibat ibang uri ng sining.

isang malaking tulong din sa indibidwalidad ang sining at ito ay nakikita sa maraming
aspeto.:
 personal na kahulugan at oportunidad- Nabibigay sa bawat indibidwal ang
oprtunidad na piliiin ang ideya o paksa para sa kanyang gawa na
pinakamakahulugan sa kanya.

 hamon indibidwal- Ang pag-aaral ng sining ay nagbibigay sa indibidwal ng


oportunidad na mahasa ang kanyang abilidad

 recognition to the individual- Lahat ay hinihikayat na gumawa ng malikhaing sining


dahil lahat ay may kakayahan na lumikha

 mabilis na paggawa ng indibidwalidad- Binibigyang importansya ng sining ang bawat


manlilikha na gumawa sa sarili nyang bilis

 individual by determined task- Nabibigyan ng prebiliheyo at responsibilidad ang


isang indibidwal na gawin ang isang bagay para sa kanyang sarili

 emotionally personal expresion- Natutulungan ang tao na harapin at maunawaan


ang sariling isip at damdamin

 development of self evaluation- Natututo ang indibidwal husgahan ang sariling gawa
habang ito ay nagbabago at pati na rin ang pagkrtitisa sa isang produktong sining
biswal.

Sining at ebolusyon sa paglipas ng panahon

Taong 350,000 BCE, ang pinta ay naimbento ng sinaunang tao. May mga
kagamitang pandurog ng pinta ang nakita sa kuweba sa Pransya. 31,000 naman nang
maimbento ang Representational painting.500 BCE nang ang Encaustic paints ay
naimbento ng mgaGreek artists sa pamamagitan ng colored pigments at wax. Ang
istilong chiaruscuro ay naimbento , panahong 450 BCE(Wikipedia,2015:1)isang mas
natural na paraan ng representational painting ang naimbento ni Giotto di
Bondone(1306)gamit ang kalaliman, pananaw, at realidad upang ipakita sa isang obra.

Ang paggamit ng sinag ng araw sa pagpipinta ng pigurang three dimensional


ay yumabong(T. Giovanni, 1420). Sumunod na naimbento ang istilong Sfumato taong
1485(art evo, 2005). Kung saan pinalalabong epekto ang nagagawa sa transisyon ng
mga kulay. Naimbento ni Da Vinci at malikita sa kanyang gawang virgin on the rocks at
Mona Lisa.

Naipakita sa the Garden of Earthly Delights ang istilong surrealism (Wikipedia,


2014). Pinaghalong realidad at imahinasyon na masasabing possible at totoo. Taong
1863, nasimulan ang multiple subject painting sa pangunguna ni Edouard Manet at
1874 ng maimbento ang non-linear horizon. 1882, naidepikto ang multiple time
depiction style.
Sa taong 1884, si Georges Seurat, ay gumawa ng pinta na gamit ang maliliit
na tuldok ng di hinahalo ang kulay. Tinawag ang istilong I to na pointillism(art factory,
2015). AngTrompe l'oeil ay naimbento ni William Harnett noong 1886. Lumipas ang
dalawang taon at isang istilo na pagpapakita ng paksa sa ibat ibang pananaw ay
naimbento ni Paul Cezanne.

1891 – isang teknik ng pagpapagalaw ng oras sa mga bagay na di


gumagalaw ay naimbento ni Claude Monet. Ang indeterminate time technique ay
nadiskubre ni Cezanne taong 1902. Ang cubism ay naimbento ni Pablo Picasso at
Georges Braque(art, life and world of modern, 2015). Sa istilong ito, ang paksa
isinasaayos sa multiple views. 1912 nang ang collage ay madiskubre ni Picasso.

Ang Stain painting, kung saan pinatutulo ang pintura sa canvass ay


inimbento ni Joan Miro, James Brooks, at Jackson Pollock. Sa paglipas ng
panahon(BSU,1996). Marami pang nadagdag na istilo at hanggang ngayon ay patuloy
na dumidiskubre ng mga bagong istilo at materyales kabilang ang video at multimedia
techniques pati ang pagkuha ng inspirasyon mula sa sining tradisyonal.

ang buhay sa moderno at kontemporaryong panahon ay dagliang nakaapekto sa


aspeto ng sining-biswal(our world of MAPEH,2011). nagsulputan ang ibat ibang istilo sa
sining mula noong 20th century. mga eksperimentong nahaluan ng inspirasyon ng
modernong pamumuhay at bagong teorya ng sining. tinawag itong non-innovative o
modern art(blogs for artist, 2014). Karamihan ng ma gawa ay binagong istilo ng
nakaraan at binigyan ng ibang pananaw at kahulugan.
ANG KONSEPTO AT ANG LIKHA

Ang pananaliksik na ito ay naglalaman ng kasaysayan, mga pagbabago, istilo at


mga datos na ukol sa pagbabago ng sining sa paglipas ng panahon. ang kaligiran at
aspeto ng sining partkular sa sining biswal ay siniyasat ng mabuti at napag-alaman na
sa dami ng naimbento, nadiskubre, at nagawang contribusyon ay karamihan sa mga ito
ay nalimutan at naglaho. Sinasaklaw naman ng tinatawag na dead art at art of dark
times and ages ang mga sining na tuluyan nang nabaon ng kasaysayan.

Ang sining at ang saklaw nito ay nabuo sa pagsisikap ng mananaliksik. Sa


pagsasaliksik ng manunulat napag-alaman na malaki ang mga naging pagbabago ng
sining mga istilo. Sa karanasan ng mananaliksik habang ginagawa ang pag-aaral na ito
ay naipalabas ang angking talento. Naliwanagan at nalinang ng manunulat ang
kanyang kultural at makasining na bahagi.

Nagkaroon ng pagpupukaw sa isip at diwa nitong mananaliksik ang kahalagahan


at importansya ng sining sa lipunan. Ang mga ibig ipahiwatig ng mga likha ng mga sikat
na pintor ay nailahad at nabigyang linaw.

Bilang isang estudyante, nagkaroon ng kaalaman at pagkuntento sa sarili bilang


isang mananaliksik at manunulat.

KATUTURAN NG MAHAHALAGANG SALITANG GINAMIT

Artist- taong dalubhasa sa sining

Canvass-gamit sa sining kung saan pinipinta ang gawa ng artist

Collage- uri ng sining gamit ang pianagtagpi tagping image o eksena

Indibidwal- sarili o pansarili

Literatura- panitikan

Milenya- libong taon

Pointilism- istilo ng pagpipinta na ginagamitan ng purong pagtuldok ng pinta ng hindi


hinahalo

Renaissance- Muling pagsilang


REFERENCES:

http://www.tate.org.uk/art/research-publications/camden-town-group/stephen-hackney-
the-evolution-of-painting-technique-among-camden-town-group-artists-r1104377

http://www.robinhewlett.com/understanding-the-relationship-between-art-and-social-
change/

http://www.theoryofknowledge.net/areas-of-knowledge/the-arts/what-is-the-relationship-
between-art-and-society/

http://www.answers.com/Q/What_is_art_and_relationship_between_art_and_society

http://www.homeenglish.ru/refpain.htm

http://www.natureasia.com/en/research/highlight/9640

https://en.wikipedia.org/wiki/History_of_painting

https://books.google.com.ph/books?id=BQF5AgAAQBAJ&pg=PA41&lpg=PA41&dq=ho
w+painting+affect+economy&source=bl&ots=N1NvtkUGN1&sig=fLhZza5mrdyyNZlJvZD
MSmFJuco&hl=en&sa=X&redir_esc=y#v=onepage&q=how%20painting%20affect%20e
conomy&f=false

http://www.scholastic.com/browse/article.jsp?id=3753865

http://www.artyfactory.com/art_appreciation/timelines/art_history_timelines.htm

http://cnparm.home.texas.net/Subj/Art.htm

http://blogs.londonmet.ac.uk/visual-arts-library/2012/07/24/timeline-of-art-history/

http://www.visual-arts-cork.com/genres/history-painting.htm

http://www.stval.fr/index.php/oil-painting/evolution-of-a-painting

http://www.gardenofpraise.com/art.htm

http://mocomi.com/history-of-paint/

http://mocomi.com/history-of-paint/

http://www.azerbaijans.com/content_218_en.html

http://char.txa.cornell.edu/art/introart.htm
http://www.slideshare.net/RegHineElago/thesis-fil2a?related=2

http://www.academia.edu/7634718/Ang_Wikang_Filipino_Bilang_Bahagi_ng_Kultura_t_
Lipunan

http://www.enotes.com/homework-help/what-art-what-contributions-does-its-have-
355054

https://projectneorizal.wordpress.com/2009/03/24/ano-ang-sining-at-ang-saysay-nito-
sa-lipunang-pilipino/
"Understanding Formal Analysis". Getty. Retrieved 9 May 2014.
"Elements and Principles of Design". IncredibleArt.org. Retrieved 9 May 2014.
"What Are the Elements of Art?". About.com. Retrieved 9 May 2014.
"What is Value in Art?".
"Vocabulary: Elements of Art, Principles of Art" (PDF). Oberlin. Retrieved 9 May 2014.
The elements of art

You might also like