You are on page 1of 8

KONTEMPORARYONG SINING MULA SA MGA REHIYON

Senior High School

INTRODUKSYON

Mga Layunin
1. Nabibigyan ng depinisyon ang kontemporaryong
sining.
2. Natutukoy ang mga anyo ng kontemporaryong
sining bilang rebyu sa kasaysayan ng
kontemporaryong sining.

Konsepto ng Kontemporaryong Sining

Sa pinakapangunahing kahulugan, ito ay tumutukoy sa


sining - gaya ng pagguhit, iskultura (paglililok), potograpiya,
sining installation, pagsasadula, at sining-bidyo na nililikha
sa kasalukuyan.

Maraming mananalaysay ang nagsasabing ang 1960s


o sa mga unang taon ng 1970s nagsimula ang
kontemporaryong sining.
Balik-tanaw sa Kasaysayan: Mga Anyo o Istilo ng
Kontemporaryong Sining

Pop Art

Ang pop art ay isang kilusang sining na nalikha noong


1950s at naging popular noong 1960s sa Amerika at Britanya.
Ito ay nilkha sa pamamagitan ng pagguhit (drawing) mula sa
mga popular na kulturang patalastas o komersyal. Iba’t ibang
kultura at bansa ang nagbahagig ng kanilang sining sa mga
panahong 1960s at 70s.

Nakilala ang pop art dahil na rin sa pagsisikap nitong


labanan ang mga dominanteng paraan sa sining at kultura. Ang
mga pintor sa panahong ito ay nagkaroon ng di-balanseng
pagtingin sa mga teoryang kanilang pinag-aralan at sa
nakikitang halaga ng uri ng sining na ito sa kanilang pang-araw-
araw na buhay.
Nakita nila ang mga makabuluhang imahe na ito mula sa
mga patalastas,musika, komiks, balat ng mga produkto, at iba
pa.

Ang pop art ay nananatiling popular na genre sa


kasalukuyang panahon. Ang mga manlilikha ng sining na ito ay
gumuguhit mula sa masang kultura at patuloy na gumagawa ng
kanilang obra sa tulong ng mga teknik para sa pampublikong
produksyon.

Mga nanguna sa pop art: Andy Warhol at Roy


Lichtenstein

Muling binuhay ni Jeff Koons noong 1980s sa


pangalang Neo- Pop Art.

Photorealism

Ang photorealism ay isang genre ng sining na sumasaklaw


sa pagguhit o pagpipinta, at iba pang graphic media. Pinag-
aaralan ng isang potograpo ang isang larawan pagkatapos ay
lilikhang muli na parang totoo gamit ang iba namang midyum
gaya ng pastel, pagpipintura, uling at iba pa. Ang pangunahing
layunin ng isang photorealist ay makakuha ng isang imahe o
diwa ng isang imahe para sa kanbas (canvas).

Konseptwalismo (Conceptualism)

Sa genre na ito, ay hindi pinahahalagahan ang konsepto ng


sining bilang isang komoditi o kalakal. Sa konseptwal na sining,
ang ideya sa likod ng isang obra ay mahalaga. Ito ay isang
eksperimental na pagkilos ay nagsimula sa mga unang taon ng
21st na dantaon (century). Noon 1960s lamang naging pormal
ang gawaing ito at sa kasalukuyan ay isang pangunahing gawain.
Mga nakilalang manlilikha:

Damien Hirst, Ai Wei Wei, and Jenny Holzer.

Ayon kay Sol LeWitt’s definition of this art, sa isang konseptwal na


sining, ang idea o konsepto ay ang pinakaimportanteng aspekto ng isang
gawain.

Abstrak na Sining (Abstract Art)

Nagsimula ito mula sa mga di-natural na bgay, gaya ng


disenyong geometrik, mga hugis at hulmahan o pormat.
Nakabatay ito sa mga tanawin (landscapes), at mga pigura o
hugis na naglalarawan ng simplisidad, ispiritwalidad at puridad o
kalinisan. Nauukol ito mga kulay, yari,disenyo, komposisyon at
proseso.
Piguratibong Sining (Figurative Art)

Inilalarawan ng piguratibong sining ang isang modernong


sining na nagpapahayag ng makatotohanang larawan sa
pamamagitan ng paggamit ng pigura ng tao.Pangunahing layunin
ng sining ay magpakita ng realistikong representasyon ng buhay
sa pamamagitan ng paggamit ng mga katangiang ilusiyonaryo
(illusionary).

Sa kasalukuyan, hindi lamang ang pigura ng tao ang


ginagamit na representasyon kundi maging ang pigura ng
hayop.May mga manlilikha na ginagamit ang sining na ito bilang
intelektwal na konsepto, may ibang manlilikha naman na
itinatampok ang mga balyung kultural sa mga anyong iskultura,
pagpipinta at larawan.
Minimalist/Minimalism na Sining

Nagsimula ang sining na ito ay nagsimula sa Amerika noong


1960s. Ang minimalist na sining ay pagpapalawak ng isang
abstrak na idea na ang sining ay dapat na may sariling realidad,
ito ay hindi lamang isang imitasyon ng ibang bagay. Ang midyum
o materyal na ginagamit kung saan ito gawa at ang anyo ng
gawain ay ang mismong realidad.

You might also like