You are on page 1of 2

Ryan L.

Cortes BSEE 2-4

Tiningnan muna na natin kung saang Field of Learning galling ang Art
Application. Ito ay sa ilalim ng Art na nasa ilalim ng Humanities. Nalaman na natin ang
Humanities ay isang pag-aaral para malaman kung paano bam aging tao. Ito rin ang
isang ekpresyon ng damdamin ng isang tao. Kinumpara natin ito sa Agham kung saan
ito naman ang pag-aaral sa mga bagay na kailangan ng ispesipikong kasagutan para
mas maging maayos ang mundo. Hindi mo masusukat ang nasa Humanities pero
masusukat moa ng mga nasa Agham. Mahahati ang Humanities sa tatlong parte:
Sining, Literatura, at Kasaysayan. Sinagot din ang tanong na “who am I?” kung saan sa
bawat panahon ay merong iba’t-ibang kahulugan. Ang Sining ay makikita mo kahit
saan. Puwede rin ito gamitin bilang isang uri ng komunikasyon at para ipakita ang
iyong nararamdaman. Napapakita rin natin sa Sining ang ating karanasan. Parehas
man maganda sa paningin, ang kalikasan ay hindi isang Sining. Ang kagandahan ay
hindi isang sining dahil ito lang ay isa sa mga papuri ng puwede mo masabi sa isang
Sining. Pinagusapan din natin ang paksa ng isang Sining. Tumutukoy ito sa isang tao,
bagay, hayop, o pangyayari na nagrerepresenta sa isang likhang sining. Puwede ito
maging obhektibo kagaya ng pagpipinta, iskultura, graphic arts, literatura at sining
pangteatro. Pwede rin hindi kagaya ng musika, arkitektura, o iba pang functional arts.
Ang Sining ay nagsisilbing paraan ng pagpapahayag para sa atin tulog ng musika at
literature. Nakakatulong ang Sining upang maging matalas ang pang-unawa sa
kapaligiran. May pisikal na function din ang art kagaya ng arkitektura. Halos lahat ng
ginagamit natin sa bahay ay masasabi mong sining.

Ang medium sa sining ay tumutukoy sa materyal o paraan na ginagamit ng mga


artists upang tukuyin ang kanyang damdamin o naiisip. May tatlong klasipikasyon ang
sining na ayon sa sining. Ang visual o space arts ay kung saan maaaring makita ang
medium at sumasakop ng space. Auditory o time arts ay kung saan maaaring marinig
ang medium at pwedeng ihayaga sa pamamagitan ng oras. Combined arts ay kung
saan ang medium mo ay maaaring marinig, makita, at makinig. Mahalaga ang pagpili
ng medium para sa damdamin na maaaring ipahayag na artist. Dapat alam niyang ang
tamang medium na gagamitin.
May iba’t-ibang uri ng Sining na may dimension na 2D kagaya ng mga
sumusunod. Ang pagpipinta ay ang proseso ng paglalapat ng pigment sa - papel, tela,
canvas, kahoy o plaster - upang makuha ang mga magagandang ayos ng mga porma,
linya at kulay. Maraming uri ng pagpipinta kagaya ng encaustic, tempera, fresco, oil, at
acrylic. Ang mosaic ay isang sining ng pagdidikit-dikit ng makukulay na piyesa ng
salamin, bato, o ibang kagamitan. Ang stained glass ay nabuo bilang isang
pangunahing sining nang lumitaw ito bilang isang mahalagang bahagi ng Gothic
Cathedral. Nagsilbi ito ng maraming layunin. Ang tapestry ay mga tela kung saan ang
mga may kulay na disenyo ay hinabi. Ang pagguhit ay ang pinaka pangunahing
abilidad na kinakailangan sa sining. Ang lahat ng mga dinisenyong proyekto ay unang
nailarawan sa mga guhit bago pa talaga ito gawin. Ang printmaking ay isang graphic na
imahe na nagreresulta mula sa isang proseso ng pagduplicate. Ang photography ay
literal na pagguhit o pagsusulat gamit ang ilaw.

May iba’t-ibang uri ng Sining na may dimension na 3D kagaya ng mga


sumusunod. Ang iskultura ay isang form na may three-dimensional na bagay na
itinayo upang kumatawan o imahinasyong hugis.. Ang arkitektura ay ang pamamaraan
at produkto ng pagpaplano, pagdidisenyo, at pagtatayo ng mga gusali o ng ibang mga
pisikal na istraktura. Ang interior design ay ang sining at agham ng pagpapahusay ng
mga interior, minsan kasama ang panlabas, ng espasyo o gusali, upang makamit ang
isang mas aesthetically kapaligiran. Landscaping ay ang artipisyal na pag-aayos ng
mga panlabas na lugar upang makamit ang isang pulos pang-estetiko na epekto.

You might also like