You are on page 1of 4

LARANGAN NG PANITIKAN

Jose dela Cruz – Siya ay higit na kilala sa tawag na


Huseng Sisiw. Isinulat nya ang La Guerra Civil de
Granada, Jason at Medea, Reina Encantada o Casamiento
por Fuerza, at Principe Baldovino.

Francisco Balagtas – Sumulat ng awit na


pinamagatang Florante at Laura. Binansagang “Prinsipe
ng Makatang Tagalog”.

Marcelo H. del Pilar – Tinagurian siyang


“Pinakadakilang Mamamahayag ng Kilusang
Propaganda”.

Graciano Lopez Jaena – Tinaguriang


“Pinakadakilang Mananalumpati ng Kilusang
Propaganda”.

Jose Rizal – Itinuturing na pinakadakilang manunulat


ng Kilusang Propaganda. Siya ang may akda sa dalawang
nobela na gumising sa nasyonalismong Pilipino.

Lope K. Santos – Binansagang “Ama ng Balarilang


Pilipino”. Isang nobelista, makata, at mambabalarila. Ang
kanya namang obra ay ang Banaag at Sikat

Jose Corazon de Jesus – Siya ay napabantog bilang


Huseng Batute at itinanghal siya bilang unang “Hari ng
Balagtasan”.

Florentino Collantes – Itinanghal naman siya bilang


ikalawang “Hari ng Balagtasan”.

Amado V. Hernandez – Kinilala siya bilang


“Makata ng mga Manggagawa”. Ang kanyang mga obra
ay sumasalamin sa kalagayan ng mga manggagawa sa
Pilipinas.
Genoveva Edroza-Matute – May akda ng
“Kwento ni Mabuti” na nagkamit ng unang gantimpala sa
Gawad Palanca sa kategoyang maikling kwento.

LARANGAN NG PAGPIPINTA, ESKULTURA, AT


ARKITEKTO

Damian Domingo – Siya ay bantog sa pagiging


unang pintor na nagpakadalubhasa sa secular ng pag
pipinta.

Juan Luna – Siya ang lumikha ng Spoliarium na isa


lamang sa mga nagwagi ng unang gantimpala sa
Exposicion national de Bellas Artes sa Madrid, Espanya
noong 1884.

Felix Resurreccion Hidalgo – Siya ang pintor ng


Las Virgenes Cristianas Expuestas al Populacho o The
Christian Virgins Exposed to the Populace na nagdala ng
karangalan sa Pilipinas sa pandaigdigang kompetisyon.

Fernando Amorsolo - Kinilala siya bilang


pinakamahusay na pintor noong panahon ng mga
Amerikano at sa pagsisimula ng Ikatlong Republika.
Pinarangalan siya ni Pangulong Ferdinand Marcos bilang
Pambansang Pintor ng Pilipinas, Siya ang kauna-unahang
tumg 1972. ng Pambansang Alagad ng Sining noong
1972.

Victorio Edades - Siya ang kinikilalang "Ama ng


Makabagong Pagpipinta" sa Pilipinas. Ang pagkilalang
ito ay bunga ng paggamit niya ng modernong istilo o
pamamaraan sa pagpipinta gamit ang mixed media tulad
ng mga acrylic, oil, water color, charcoal, at iba pa.
Carlos "Botong" Francisco - Hinangaan siya sa
pagpipinta ng mural o mga larawang nakapinta sa pader.

Guillermo Tolentino - Itinanghal siya na


Pambansang Alagad ng Sining noong 1976 sa larangan
ng paglililok.

Anastacio Caedo - Dati siyang mag-aaral ni


Guillermo Tolentino. Siya ang lumilok ng MacArthur's
Landing na matutunghayan sa Palo, Leyte.

Eduardo Castrillo - Siya ay isang makabagong


eskultor na lumililok gamit ang metal.

Napoleon Abueva - Siya ay itinuturing na "Ama


ng Makabagong Eskultura ng Pilipinas".

Leandro Locsin - Siya ay isang Pambansang Alagad ng


Sining sa larangan ng Arkitektura.

Juan Nakpil - Gumawa siya ng disenyo ng pagbabalik-


anyo ng bahay ni Dr. Jose Rizal sa Calamba, Laguna.

Antonio Herrera - Gumawa siya ng disenyo ng


Monasteryo ng Guadalupe.
Felix Roxas - Siya ang gumawa ng disenyo ng Simbahan
ng Sto. Domingo sa Lungsod ng Quezon.

Genaro Palacio - Siya ang gumawa ng disenyo ng


Simbahan ng San Sebastian sa Maynila. Ito ang unang
simbahan na yari sa metal at may disenyong gothic.

You might also like