You are on page 1of 1

Ano ang mabisang gamot para sa ubo? Inuubo ang anak ko.

Pero wala po akong pera para sa checkup.

Sagot:

Ayon kay Dr. Rolando dela Eva, isang pulmonologist, ang pag-ubo ay isang sintomas at hindi sakit.

May dalawang uri ng ubo, ayon sa eksperto. Una, ang dry cough o ang tinatawag na ubong matigas. Dulot ito ng sipon,
asthma, o exposure sa alikabok.

"Kapag ang sipon ay tumulo sa likod ng throat nila, makikiliti ang lalamunan at mauubo sila," ayon kay Dr. dela Eva.

Pangalawa, ang wet cough o ang ubong may halak. Sanhi ito ng impeksyon o asthma.

Bukod sa dalawang karaniwang klase ng ubo, mayroon ding tinatawag na whooping cough o ang matagal na pag-ubo na
sinusundan ng malalim na paghinga.

May tatlong uri ng gamot na mabibili sa botika kontra-ubo:

1. Antitussive — mga gamot na pumipigil sa pag-ubo


2. Mucolytic — mga gamot na nagpapalambot ng plema para mas madaling mailabas ng katawan
3. Expectorant — inirerekomenda para sa may halak

Mayroon ding mabisa at murang herbal medicine para sa ubo ayon kay Dr. Jaime Galvez-Tan.

Maglaga ng luyang kasing laki ng hinlalaki sa dalawang tasa ng tubig. Pagkakulo, isalin sa baso, patakan ng isang
kalamansi at maglagay ng kalahating kutsaritang honey. Inumin at sigurado raw na mas madali nang mailalabas ang plema
sa loob ng apat na oras.

"Ang luya, mayroon siyang volatile oils [kaya] nakagiginhawa ng lalamunan. Expectorant din siya, tapos ang kalamansi
naman mayroon siyang citric acid na tinutunaw ang mga plema. Ang honey naman, kung may gasgas na, pinagagaling niya
ang lalamunan," ayon kay Dr. Galvez-Tan.

Ang bawang naman, mayroong taglay na antibiotic at mainam din sa namamagang tonsil. Dikdikin lang ito at ilagay sa isang
kutsara. Dagdagan ng kalahating kutsarita ng honey at maaari nang inumin.

Para maiwasan ang impeksyon na dulot ng ubo, inirerekomenda ni Dr. Galvez-Tan ang paggamit ng virgin coconut oil.
Ibabad lang sa bibig ang isang kutsarang virgin coconut oil sa loob ng labinlimang minuto. Pagkatapos, hayaang kusang
dumikit ang mga plema rito at idura sa banyo.

"Ang virgin coconut oil ay may loric acid at ito ay anti-bacterial, anti-fungal, at anti viral," dagdag niya.

Tandaan: Mas mainam pa rin kung kokonsulta mismo sa doktor para siguradong mas ligtas sa maaari pang maging banta
sa ating kalusugan.—

You might also like