You are on page 1of 2

BILIHANG LUBUSAN NG LUPA

ALAMIN NG LAHAT NA:

KAMI, SPS. AGERICO B. GO AND JOCELYN G. GO, sapat ang gulang,


Pilipino at naninirahan at may pahatirang sulat sa Abaa Rd., Bgy. San Pedro,
Puerto Princesa City, ALANG ALANG SA HALAGANG ISANG MILYON ( P
1,000,000.00) PISO, salaping Pilipino, na sa akin ay ibinayad ni BOLAWAN
CAMAMA AYUNANDATU, sapat din ang gulang kasal kay ABDUL AZIZ
AXUAAN, Pilipino, at naninirahan at may pahatirang sulat sa Bgy. San Pedro,
Puerto Princesa City, NAGBIBILI, NAGLILIPAT AT NAGSASALIN sa
pamamgitan ng Bilihang Lubusan sa nabanggit na si BOLAWAN CAMAMA
AYUNANDATU, sa kaniyang tagapagmana at kahalili, ng isang(1) pirasong
parselang lupa sakop ng Katibayan ng Salin na Titulo blg. 184697, kasama na
ang lahat ng kagalingang naroroon na natatayo sa Bgy. San Pedro, Puerto
Princesa City at lalong makikilala sa sumusunod na paglalarawan:

LOT 5-D-8-D-2, PSD -04-107265

A parcel of land (LOT 5-D-8-D-2 of the subd. plan , Psd-04-107265 being


a portion of Lot 5-D-8-D,l Psd- 045316-01236 LRC Record No.) Island of
Palawan. Bounded on the NE., along line 1-2 by Lot 5-D-8-D-1 of the subd.
plan; on the SE., along line 2-3 by Road( 6.00m wide); on the SW., along line 3-
4 by Lot 5-D-8-E, Psd-045316-061236; and on the NW., along line 4-1 by Lot
5-C, Psd-04-046243, Beginning at a point marked “1” on plan being N. 61 deg.
29’E., 3062.05m. from BLLM No. 1, Puerto Princesa City

Thence S. 88 deg. 52’E., 39.05m. to point 2;


Thence S. 04 deg. 38’E., 12.67 m to point 3;
Thence N. 88 dge. 52‘W., 40.25 m to point 4;
Thence N. 00 deg. 50’E., 12.61 m. to point of

Beginning; containing an area of FIVE HUNDRED (500) SQUARE


METERS. All points referred to are indicated on the Plan and are marked on
the ground by old Ps. Cyl. Conc. Mons. 15x 60 cms.; bearings true; date of the
original survey, September 15, 1979 and that of the subd., survey, December
4, 1997 and was approved on December 19, 1997

Na aking pinanagutan at ginagarantiyahan ang aking karapatan sa


lupang nalalarawan sa itaas nito, at ang aking ganap na karapatang yaon ay
ipagbili, ligtas sa anumang panangutan at mula naman ngayon, ang ganap na
pagmamay –ari at karapatang makinabang ay masasalin sa bumili na si
BOLAWAN CAMAMA AYUNANDATU.

Na ang lupang ito ay hindi sumasailalim ng mga tadhana ng Batas


Republika 3844 o ng mga Kautusang pampanguluhan ukol sa Reporma sa
Lipa.
SA KATUNAYAN NG LAHAT NA ITO, kami ay lumagda sa ibaba nito
ngayong ika- 18 ng Mayo taong 2017 dito sa Lungsod ng Puerto Princesa.

AGERICO B. GO JOCELYN G. GO BOLAWAN C.AYUNANDATU


Nagbili Nagbili Bumili
Id No._____ Id No. ______ Id No.____

NILAGDAAN SA HARAP NI 1._______________________ 2.____________________


REPUBLIKA NG PILIPNAS )
LUNGSOD NG PUERTO PRINCESA )SS
LALAWIGAN NG PALAWAN )

SA HARAP KO, na isang Notaryo Publiko para sa Lalawigan ng Palawan,


ay dumulog ang mga taong naunang nabanggit sa itaas nito na kilala ko at
nalalamang siyang nagsagawa ng naunang Kasulatang nauukol sa Bilihan ng
naunang nabanggit na parselang lupa , pinatutuyan naman nua sa harapan
kong Malaya sa kanyang kalooban at sarili niyang pagpapasya. Aking
pinagtitibay na ang bumili ay kilala ko sa aking ganang sarili, na isang
mamayang Pilipino.

SA KATUNAYAN NG LAHAT, ako ay lumagda at nagtatak ng aking


selyong pangnotaryo, ngayong ika- 18 ng mayo 20147 sa lungsod ng Puerto
Princesa.

KASULATAN BLG.____
DAHON BLG._______
AKLAT BLG._____
TAONG 2017

You might also like