You are on page 1of 3

Choices: Kuwentong bayan, Pabula, Epiko, Maikling kwento, Dula, Mga bulong at

Awiting bayan, Alamat, Maikling Kwento, Mga tulang Panudyo, Awiting bayan,
Tugmang de Gulong, Palaisipan , Mito, Sanaysay, Korido

P.S. - di lamang yan yung pagpipilian nyo. Pde nyong isearch sa google kung anong
klase ng panitikan yung gagawin nyo. Pag wala kayong Makita ay hulain nyo na
lamang o suriin nyo na lamang kung ano yung mas angkop. Tapos sa explanation
ko dito ay sarili kong gawa yan. Hint ko sa inyo ay describe nyo lang yung kwento
gamit yung buod na ginawa nyo.
Linggo 1: Batang-bata ka pa - malayang pagtutula

Isa itong kanta ngunit isa rin itong malayang pagtutula dahil gumagamit ito ng mga
saknong sa paglalahad ng nilalaman at mensahe ng kanta. Sa kabuuan ng tula ay may isang
paksa na kung saan nakapokus lahat ang bawat taludtod na nakikita sa tula.

Linggo 2: Ang sundalong patpat - pabula

Isa itong pabula dahil ang mga tauhan sa kwentong ito ay pawang mga hayop at mga
bagay na nagkakaroon ng interaksyon sa isa’t isa. Sa kwentong ito ay ang mga tauhan ditto ay
may sariling identidad at personalidad na sumasalamin sa mga literal na bagay na nagaganap sa
tunay na buhay.

Linggo 3: Isang dosenang klase ng highschool student- Palaisipan

Isa itong palaisipan dahil sa sanaysay na ito ay naglalahad ng mga klase ng identidad na
kung saan ginamitan ito ng mga salitang balbal at napakalawak ang ideya ng bawat identidad na
malalim sa isinasaad na kahulugan.

Linggo 4: Sandaang Damit- Maikling Kwento

Isa syang maikling kwento kahit mahaba ang talata. Sa pagsuri ng kwentong ito, sa
pagpokus sa mga aksyon ng mga tauhan ay limitado lamang na di-gaanong angat sa diyalogong
nakasaad. Mapapansin din sa kwentong ito na nakapokus ito sa atmospera at sa paglalarawan ng
mga bagay at pangyayari na nakapaloob sa kwento.

Linggo 5: Kung bakit umuulan- Kuwentong bayan

Isa syang kwentong bayan dahil ang mga pangyayari dito ay pawang mga kathang-isip
lamang na hindi maaaring mangyari sa totoong buhay. Sa pagsusuri sa kwentong ito, ito ay
parang pinagsamang mito at alamat dahil may mga diyalogong kasama sa kwento at ang mga
tauhan sa kwentong ito ay mga taong may sariling-proklamasyong kapangyarihan.
Linggo 6: Alamat Ni Tungkung Langit- Alamat

Ang kwentong ito ay isang alamat dahil ang kwentong ito ay isang malikhaing pag-iisip
na kuro-kuro kung paano nagkaroon ng langit. Sa alamat ay madalas pinapakita at ikinukwento
kung paano nabuo ang isang partikular na bagay o hayop. Isinasaad din dito na may daloy ang
kwento na kung saan ang mga mambabasa ay maaaring may matutunang aral at magkaroon ng
malawakang pag-iisip para sa mga batang mambabasa.

You might also like