You are on page 1of 11

Mapanuring Pagbasa sa Akademiya: Pagbuo ng Tala- Basa o Reader-

Response Journal

ABOT- TANAW
Pagkatapos ng araling ito, inaasahang maisagawa ng mga mag- aaral ang
sumusunod:
1. Naipaliwanag ang kahulugan, katangian, at proseso ng mapanuring pagbasa sa
akademiya;
2. Naisasagawa ang pagsulat ng talata, mga tanong at mga panggrupo at pang-
indibidwal na Gawain kaugnay ng mapanuring pagbasa; at
3. Nakaububuo ng reader- response journal (tala- basa) o tala ukol sa binasa.

GAOD- KAISIPAN
Mapanuring Pagbasa, Mapanuring Pag- iisip, Mapanuring Mambabasa

 Isa sa mga hindi maiiwasang gawain sa loob ng akademiya ang pagbasa.


 Libro, manwal, artikulo, report at ibat’t ibang anyo ng sulatin at awain na
kailangang basahin at gawin,
 Ang mga akademiko o yaong mga nasa akademiya at labas ng akademiya.
 Lilinawin ditto na ang tekstong binabanggit ay hindi lamang yaong nababasa
gaya ng libro, artikulo,manwal, pamanahong papel, mapa, report, polyeto, at
iba pa.
Gayunpaman, higit na bibigayang diin ang ppagbasa ng tekstong nakasulat
sa aralin bunga ng ilang limitasyon.
Maraming tekstong binabasa pagdating sa kolehiyo, Ang uri, anyo,
ekstruktura,layunin, at pinal na output nito, gayunman, ay nakabatay sa kurso.
Narito ang ilang halimbawa:

Panitikan
- Tekstong pampanitikan (tula, dula, nobela, sanaysay, maikling kuwento,
telenobela, pelikula, at iba pa)
- Artikulo ng panunuring pampanitikan
Pamamahayag o Komunikasyong Pang- brodcast
- Artikulo sa diyaryo
- Balita, report sa radio, telebisyon, Internet, tabloid
- Interbyu
- Programa
- Editoryal
- Datos sa social media
- Programa sa radyo at telebisyon
Pisika
- Resulta ng Eksperimento
- Siyentipikong report
Sining
- Akdang pansining
- Rebyu ng akdang pansining
Antropolohiya
- Case study sa isang komunidad
- Artikulo/ libro ng pag- aaral sa isang pangkat- etniko
- Interbyu sa isang komunidad
Sikolohiya
- Eksperimento sa laboratory
- Case study
- Siyentipikong report
Lingguwistika
- Analisis ng grammar ng isang wika
- Pag- aaral ng diksiyonaryo at bokabularyo ng isang wika

Sa kabila nito, karamihan sa mga babasahing akademiko, lalo na sa unang taon


ng pag- aaral sa mga asignaturang pangkalahatang edukasyon, ay may mga
pangkalahatang ekstruktura at proseso. Mahalagang matutunan ang mapanuring
pagbasa ng mga tekstong akademiko upang makaangkop sa buhay- kolehiyo.

Ekstruktura ng Tekstong Akademiko

Pangkalahatang ekstruktura ng mga tekstong akademiko ang makikita sa


mga artikulo at sanaysay ng karaniwang binabasa sa kolehiyo. Narito ang mga
elementong ekstruktural ng akademikong teksto.

1. Deskripsiyon ng Paksa
Kasama rito ang depenisyon, paglilinaw, at pagpapaliwanag.
Karaniwan itong makikita sa simula ng teksto.
Halimbawa:
“Nahahati ang pagsusuri sa dalawang bahagi. Naglalahad ang unang
bahagi ng mga pagdadalumat sa pambansang panitikan na
matatagpuansa ilang mga kalipunan at kasaysayang pampanitikan…
ang ikalawang bahagi nama’y pumapasok sa usapin ng saklaw at bias
ng naturang konsepto, batay sa ugnayan nito sa mga Panitikang
Rehiyonal at Panitikang Sektoral…”
R.T. Yu at R. Tolentino
“Tungo sa Panibagong Pagbabalangkas ng Pambansang Panitikan”, Phil. Humanities
Review, vol. 5, 2001, pp 144-157

2. Problema at Solusyon
Dito tinutukoy sa pamamagitan ng paksang pangungusap ang
pinakatema ng teksto at ang punto at layunin ng paksa, ang gustong patunayan,
ipagitan, isangguni, ilahad, at paano ito mauunawaan. Dito umiikotang pagtalakay
sa buong teksto, at iba pa.
Halimbawa:
“May mga paraan upang mapakinabangan ang texting na kinababaliwan ng mga
mag- aaral at itinuturing ng mga guro na sagabal sa kanilang pag- aaral.”
P.C. Rodriguez
“Texting at Pag- aaral” 2009

3. Pagkakasunod- sunod o Sekwensiya ng mga Ideya


Maaari itong kronolohikal (panahon) o hierarkikal (ideya).
Halimbawa:
“ Upang maging malinaw ang pagtalakay sap ag- unlad ng wikang
Filipino bilang wikang pambansa at wikang opisyal ay susuriin ang mga
pinagdaanan nito sa iba’t ibang yugto ng pag-iral nito.”
L.G.T.Rubin, et al.
Wikang Filipino, Retorika at Sulating Pnanaliksik 1994, .p.1

4. Sanhi at Bunga
Nagagamit ito para pagbatayan ang mga ebidensya at katuwiran sa
teksto.
Halimbawa:
“Isa sa mga maaaring tingnanay ang epekto ng kalamidad sa
kabuhayan ng mga tao.”
Z. Salazar, (Pat)Sikolohiyang Panlipunan at Pangkalinangan, 2004, p.252

5. Pagkokompara
Kaugnay ito ng pagkakapareho at/ o pagkakaiba ng mga datos upang
patibayan ang katuwiran.
Halimbawa:
“Ang dyipni ay katulad ng maraming bagay at ugaling bahagi na ng
buhay- Pilipino. Ang disenyo ay halo- halo na maski paanong tulad ng sangkap ng
lutong pakbet, at makulay na parang ati- atihan sa Aklan. Ang loob ay sing- ingay
ng palengke ng Dibisorya, ngunit relihiyosong tulad ng simbahan ng Quiapo…”
V. Nofuente, “Alisin kamo ang Dyipni?” Binhi 1990, p 166
6. Aplikasyon
Iniuugnay nito ang paksa at mga ideya sa tunay na nagaganap sa
buhay.
Halimbawa;
“Maging ang urban lore ay nagpapahiwatig ng kontradiksiyong
panlipunan. Ang white lady sa Balete Drive, biktima ng sexual abuse at heinous
violence, ay muli’t muling bumabalik sa alaala at espasyo ng marahas at baliw na
syudad.”
R. Tolentino, “Modernidad sa Produksyong Pampanitikan sa Syudad.”
Diliman Review vol. 49, nos. 1-2, 2001, pp 97-101

May mga particular naming ekstruktura ang tekstong akademiko, depende sa


layunin nito. Narito ang tatlo:

1. Ekstruktura ng Tesis
Kaugnay ito ng mga tekstong nangangatuwiran o may pinapatunayan.
Narito ang dayagram:

INTRODUKSIYON
Paksang Pangungusap

KATAWAN
Paksang Talata
Mga Detalye
Argumento
Katuwiran
Paksang Pangungusap
Mga Detalyeng Pangungusap
KONGKLUSYON
Argumentong Kongklusyon
2. Ektrukturang Problema- Solusyon
Tinatalakay nito ang mga problema o isyu at posibleng solusyon

INTRODUKSIYON
Pahayag ng Problema at/o Solusyon

KATAWAN
Mga Detalye
Mga Ebidensiya
Mga Katuwiran
Mga Posibleng Solusyon

KONGKLUSYON
Resolusyon/Mungkahing Solusyon o
Kawalan ng Solusyon

3. Ekstrukturang Factual Report


Walang pinapanigang isyu o katuwiran ito. Isa lang itong ulat.
INTRODUKSIYON
Pangunahing Paksa
KATAWAN
Mga Detalye
Mga Paliwanag

KONGKLUSYON
Pangkalahatang Buod

Mapanuring Pagbasa: Mga Estratehiya

Ang tekstong akademiko ay nangangailangan ng maingat, aktibo, replektibo,


at mapamaraang pagbasa. Makatutulong ang mga ito upang higit na maunawaan
ang binabasang akda.
1. Maingat dahil kailangang usisain, busisiin ang mga ebidensiya, at
suriin kung gaano kalohikal ang teksto at hindi batay sa haka- hakka lamang.
2. Aktibo dahil habang nagbabasa ay may pagtatala at anotasyong
ginagawa ang mambabasa upang maging malinaw ang ipinapahayag ng teksto.
3. Replektibo dahil nabibigyang katibayan o patunay ang nabasa
kaugnay ng mga kaalaman at sariling karanasan ng mambabasa.
4. Maparaan dahil maaaring gumamit ng ilang estratehiya upang
maunawaang mabuti ang teksto.
Pre- viewing o Pre- reading (Bago Bumasa)
Bubusisiin muna ang sinulat at huling bahagi ng artiulo. Kung libro,
puwedeng tingnan ang pabalat, ang likod ng pabalat na kung minsa’y may
paliwanag ang may- akda tungkol sa libro o kaya’y mga pahayag ng ilang
personalidad tungkol dito. Maaaring magtala ng ilang impormasyon.

Skimming
Hindi babasahin ang kabuuan ng teksto sa prosesong ito ngunit
titingnan ang mga pangunahing bahagi upang magkaroon ng pangkalahatang
kaalaman sa tekstong binabasa.
Brainstorming
Ito ang talakayan ng grupo upang makapagbigay ng input ang bawat
miyembro at magkaroon ng pangkalahatng ideya kaugnay ng teksto.

Metakognitonitibong Pagbasa Tungo sa Mapanuring Pagbasa at


Mambabasa

Tatlong teorya, pananaw, o kalakaran ang umiiral sa larangan ng literasi o


pagkatuto kaugnay ng pagbasa. Ang una ay ang tradisyonal na pananaw, kung
saan matatagpuan na sa teksto ang lahat ng ideya, impormasyon, at kahulugan para
sa mambabasa. Nagreresulta ito sa isang pasibong pagbasa, kung saan ang
mababasa ay nagiging pasibong tagatasa na nakatuon lamang sa mga salita at
ekstruktura ng teksto. Kaugnay ito ng bottom- up na paraan ni Patrick Gough
(1972).

Ang pangalawa ay ang pananaw ng kognitibo, kung saan may interaksiyon


ang mambabasa sa teksto.
Ang pangatlo ay ang metakognitibong pananaw (Klein et al. 2004).
Pangunahing katangian nito ang pag- iisip kung ano ang ginagawa habang
nagbabasa.
Ang metakognitibong pananaw ay kaugnay sa Transactional Reader-
Response Theory (W. Iser at Rosenblatt), kung saan ang mambabasa ng lumilikha
ng kahulugan sa teksto mula sa mga kaalaman at karanasa.
Proseso ng Metakognitibong Pagbasa

Bago basahin ang teksto:


1. Estratehiya- Tiyakin ang layunin o dahilan kung bakit mo binabasa o
gustong basahin ang teksto.
2. Hanapin o tukuyin ang paksang pangungusap- Ito ang pangungusap sa
loob ng teksto--- kadalasa’y nasa unang talata o introduksiyon--- na tumutukoy sa
paksa o gustong patunayan kaugnay ng paksa.
3. Linawin bigayang- tuon, at ibalik ang layunin ng may- akda habang
binabasa ang teksto – Malinaw ba niyang napaliwanag ang layunin o naliligaw
ang mga argumento? Ano ang gusto niyang patunayan?
4. Piliin, busisiin, at basahing mabuti ang mga detalye o ebidensiya
(halimbawa: Ilustrasyong nagpapaunlad sa layunin kaugnay ng paksa) – Angkop,
kapani- paniwala, mapagkakatiwalaan, o sinaliksik baa ng mga ito?
5. Suriin ang paraan ng pagkakasulat- Organisado baa ng mga ideya?
Ano ang estilo ng pagsulat ng may- akda? May mga kontradiksyon ba? Sa anong
perspektiba niya ito sinulat?
6 Alamin ang gamit ng wika- Angkop ba ito sa uri ng teksto? Sa
layunin? Sa iniisip na mambabasa nito? Ano ang “tono” ng teskto batay sa gamit
ng wika?
7. Gumawa ng tuloy- tuloy na mga prediksiyon kung ano ang susunod
na mangyayari batay sa integrasyon ng mga datos, teksto, salitang alam mo bilang
mambabasa, mga impormasyong mula sa media, karanasan, haka- haka,at
kongklusyon sa mga nauna nang pagbasa.
8. Pagsikapang gawan ng buod ang binasang teksto - Maaaring
ibatay ito sa alinman sa sumusunod:
a. Mga paksang pangungusap sa bawat talata upang makuha ang
ugnayan ng mga bahagi sa kabuuan ng teksto.
b. Pagkakasunod- sunod ng mga ideya mula sa iyong pagtatala.
c. Sanhi at bunga ng mga pangyayari o ideya sa teksto
d. Pagkokompara ng mga pangyayari o mga ideya at datos sa loob ng
teksto
e. Iba pang paraang inaakalang makatutulong upang maipakita ang
pangkalahatang mensahe ng teksto

9. Gumawa ng ebalwasyon o kongklusyon batay sa mga tinukoy


sa teksto, sariling opinion, karanasan, datos, impormasyon mula sa labas ng teskto
(halimbawa: media, pamilya, komunidad, bansa, daigdig,libro, at iba pa), at
sariling makatuwiran at maalam na pagdedesisyon at disposisyon. Natamo baa ng
layunin ng may akda? May maibibigay ba itong kontribusyon sa mundo ng mga
kaalaman?

Mapanuring Mambabasa
Ang mambabasa ang gagawa ng pagsusuri at pagdedesisyon
kung ito ay mahalaga, makabuluhan, may ibubuga, kapani-
paniwala, kasiya-siya, dapat basahin at balik balikan, dapat pag
aralan ng malaliman, o ang kabaligtaran nito.

MGA RESPONSIBILIDAD AT GAWAIN NG MAPANURING


MAMBABASA
1. Bago gumawa ng obserbasyon o reaksyon sa teksto, masusi
itong binabasa at hindi pahapyaw lamang

2. Bukas ang isip sa mga ideyang ipinapahayag ng may akda o ng


teksto.

3. Tumatanggap ng mga bagong ideya at iniuugnay sa sarili


niyang ideya.

4. Bumubuo ng sariling ideya at hindi nakikisakay lamang sa


ideya ng iba.
5. Maalam, nagsasaliksik at naghahanap ng paraan upang
maunawaan ang teksto at paksa mula sa mga libro, panayam,
internet, obserbasyon at iba pa.

6. Gumagamit ng wikang rumerespeto sa anuman ang palagay sa


binasang akda.

7. Nakatutulong ang pagsusuri upang makabahagi sa


pagpapaunlad ng kaalaman

8. Nakagagawa ng pagbubuod o sintesis ng mahahalagang punto


o ideya mula sa teksto

9. Sinusuri ang teksto mula sa iba't ibang lente at hindi mula sa


iisang pananaw

10. Nabibigyang pagpapahalaga at pagtatasa ang mga ideya sa


teksto.

You might also like