You are on page 1of 2

HOME EC0 Pagsasaayos ng Sirang Kasuotan

Aralin 16

I. NILALAMAN:

Tatalakayin sa araling ito ang pangunahing paraan ng pangangalaga ng damit. Ang


pagsusulsi ay isang paraan upang maisuot muli ang isang damit na napunit o nasira. Ang
iba’tibang paraan ng pagsusulsi na dapat isagawa ng mga mag-aaral ay pagsusulsi ng tuwid na
punit, at may sulok napunit. Ang bahagi ng Malaki na ang punit at naging manipis na ang damit
ay maaring tagpian upang maging matibay muli ang damit.

II. LAYUNIN :

1. Natutukoy ang mga pamamamaraan ng pagsasa-ayos ng mga payak nasira ng


damit.
2. Naisasa-ayos ang payak na sira ng damit sa pamamagitan ng pananahi sa kamay
(Hal. Pagsusulsi ng punit sa damit o pagtatahi ng tastas
3.Naisasagawa ang pagsusulsi ng iba’tibang uri ng punit

II. PAKSANG-ARALIN:

Paksa: Pangangalaga ng Sariling Kasuotan- (Pagsasa-ayos ng payak na Sira)


Sanggunian :Aralin K to 12 – EPP5HE-0c-6, Makabuluhang Gawain 5 TXt., TM
Kagamitan :Iba’tIbang larawan, retaso na may iba’t ibang uri ng punit, mga kasuotang
may punit o sira

III. PANIMULANG PAGTATAYA


Ipasagot sa mga mag-aaral ang mga sumusunod gamit ang Powerpoint presentation.

1. Sa pagsusulsi, ang sinulid ay kailangang _______ ang kulay ng damit.


2. Ang sumusunod ay iba’t ibang uri ng pansara ng damit. Alinang HINDI;
a. Kapirasong putol ng damit
b. Two-hole button
c. Kutsetes
d. Straight eye
3. Ang tahing pampatibay ay _________.

IV. PAMAMARAAN:

A. PAGGANYAK
Pagpapakita ng mga punit gamit ang mga retaso, at ng halimbawa ng wastong
pagsusulsi ng sira, punit at pagtatagpi.
B. PAGLALAHAD
- Ipagawa sa mga bata ang nasa ALAMAIN NATIN SA LM.
-Ipatukoy sa mga bata mula sa Alamin Natin ang mga wastong paraan ng
pagsusulsi ng iba’t ibang punit ng damit. Bigyang halaga ang mga katangian at
pamamaraan ng matibay na pagsusulsi ng damit.

C. PAGPAPALALIM NG KAALAMAN
Pangkatin ang mga bata at ipagawa ang LINANGIN NATIN na nasa LM
Pag-uulat ng bawat pangkat

D. PAGSASANIB
Itanongsamga mag-aaral.
Anoangkabutihangdulotngpagkakaroonngkaalamansapagsasaayosngpayaknasir
angkasuotan.

E. PAGLALAHAT
Anu-ano ang mga bagay na dapat tandaan sa pagsasaayos ng mga sirang
kasuotan sa pamamagitan ng pananahi sa kamay?

V. PANGWAKAS NA PAGTATAYA

Pasagutan ang Gawin Natin sa LM.

VI. PAGPAPAYAMAN NG GAWAIN

Pasagutan sa mga bata ang isinasaad ng Pagyamanin Natin sa LM.

KARAGDAGANG SANGGUNIAN:

Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan 4 (TG & LM)


Makabuluhang Gawaing Pantahanan at Pangkabuhayan 5 (TG & TXTBOOK)

You might also like