You are on page 1of 1

Summative Test in Araling Panlipunan 7

Pangalan:________________________________________ Iskor:____________________
Seksyon: _____________________________ Petsa:____________________
Panuto: Itambal ang kaukulang taguri sa hanay A sa bansang inilalarawan nito sa hanay B. Isulat lamang ang titik ng tamang sagot sa
sagutang papel.
A B
1. Land of the Rising Sun A. China
2. The Pearl of the Orient Seas B. Lebanon
3. Land of the Morning Calm C. Nepal
4. Birth Place of Christ D. Sri Lanka
5. Land of Smiles E. Tajikistan
6. Land of the Tajik F. Thailand
7. Isle of Sorrow G. Israel
8. Only Hindi Kingdom H. South Korea
9. Land of Cedar I. Philippines
10. Sleeping Giant J. Japan
PANUTO: Basahin ang mga sumusunod na pahayag. Tukuyin ang inilalarawan sa bawat bilang. Piliin sa kahon ang tamang sagot sa
mga pahayag at isulat sa sagutang papel ang tamang sagot.

Urbanisasyon Ozone Layer Desertification


Migrasyon Global Climate Change Ecological Balance
Death Rate Red Tide Populasyon
Birth Rate Siltation Literacy Rate
Unemployment Rate Deforestation Life Expectancy Rate

___________________________11. Isang suson sa stratosphere na naglalaman ng maraming konsentrasyon ng ozone.


___________________________12. Pagbabago ng pandaigdigan o rehiyonal na klima na maaaring dulot ng likas na pagbabago sa
daigdig o ng mga Gawain ng tao.
___________________________13. Ito ay sanhi ng dinoflagellates na lumulutang sa ibabaw ng dagat.
___________________________14. Parami at padagdag na deposito ng banlik na dala ng umaagos na tubig sa isang lugar.
___________________________15. Pagkaubos at pagkawala ng mga punongkahoy sa mga gubat.
___________________________16. Tumutukoy sa pagkasira ng lupain sa mga rehiyong bahagyang tuyo o lubhang tuyo na kapag
lumaon ay hahantong sa permanenteng pagkawala ng productivity nito.
___________________________17.Tumutukoy sa inaasahang haba ng buhay ng isang tao.
___________________________18. Balanseng ugnayan sa pagitan ng mga bagay na may buhay at ng kanilang kapaligiran.
___________________________19. Tumutukoy sa dami ng tao sa isang lugar o bansa.
___________________________20. Tumutukoy sa bahagdan ng populasyon na marunong bumasa at sumulat.
___________________________21. Tumutukoy sa bahagdan ng populasyong walang hanapbuhay o pinagkakakitaan.
___________________________22. Tumutukoy sa bilang ng mga batang ipinanganganak nang buhay bawat 1000 katao sa loob ng
isang taon.
___________________________23. Tumutukoy sa bilang ng mga taong namamatay bawat 1000 katao sa loob ng isang taon.
___________________________24. Tumutukoy sa paglipat ng mga tao ng tirahan sa ibang pook sa loob ng bansa o sa ibang bansa.
___________________________25. Tumutukoy sa paglaganap ng mga tao sa lungsod.
Panuto: Isulat ang salitang TAMA kung tama ang isinasaad ng pangungusap at MALI kung mali ang isinasaad ng pangungusap. Isulat
ang sagot sa sagutang papel.
___________26. Pinakamalaki ang kontinente ng Asya kung ihahambing sa ibang mga kontinente sa daigdig.
___________27. Ang Asya ay binubuo ng magkakatulad na anyong lupa at anyong tubig.
___________28. Ang uri ng kapaligirang pisikal ng isang lugar ay epekto ng uri ng klima nito.
___________29. Ang mga rehiyon sa Asya ay may magkakatulad ng likas na yaman na bumubuhay sa mga taong naninirahan doon.
___________30. Katangi-tangi ang Asya bilang isang kontinente sapagkat naririto ang napakaraming uri ng mga bagay na may buhay
na patuloy na dumadaan sa isang uri ng ugnayan at bumubuo ng kapaligiran.

You might also like