You are on page 1of 11

KASAYSAYANG PANG-EKONOMIYA NG PILIPINAS

Bago Dumating ang mga Kastila Bago dumating ang mga Kastila, masasabi na may sariling
sistemang pampulitika at pang-ekonomiya ang ating bansa.Dahil ang Pilipinas ay napaliligiran ng
karagatan, ang mga sinaunang Pilipino ay naninirahan sa tabi ng dagat. Karamihan sa ating mga
ninuno ay umaasa sa ating mga likas na yaman upang matugunan ang pangunahing pangangailangan
ng tao. Dahil kakaunti pa lamang ang tao masasabi na wala pang gaanong kompetisyon. Ang
sistemang pang-ekonomiya sa panahon na ito ay ang barter na kung saan hindi gumagamit ng
salaping pangbayad ng produkto bagkus ay pagpapalitan ng produkto. Ang bansang Tsina ang
kapalitan ng ating mga ninuno sa pamilihan. Dala ng mga Tsino ang porselana, banga, at seda kapalit
ng produktong katutubo tulad ng pagkain at kagamitan. Panahon ng Kastila Sa pagdating ng mga
Kastila, ipinakilala nila ang bagong sistema ng pamilihan. Nagmula sa simpleng sistema ng
pagpapalitan ng kalakalan hanggang sa napalitan ito ng bagong sistemang ipinakilala ng mga Kastila
sa ating mga ninuno noong 1521. Dahil sa patuloy na paglaki ng populasyon at pagdami ng
pangangailangan ng tao at naging komplikado ang sistemang barter, ang pamahalaang kolonyal ay
nagpakalat sa paggamit ng tansong barya na tinatawag na barilang Espanyol. Sila ang nagturo sa atin
ng paggamit ng iba't ibang uri ng sinaunang teknolohiya sa pagtatanim tulad ng araro, suyod, at
kawit. Sa kanilang pagdating, bumuo sila ng sistema ng pagtatanim at nagmistulang amo ng mga
katutubo ang mga Kastila kaya lumaki ang pangangailangan dahil sa buwis na ipinapataw sa mga
katutubong Pilipino. Napilitan silang magtanim sapagka't hindi na sapat ang dating kinamulatan sa
paghahanapbuhay. Natutong gumawa ng produkto na sobra sa kanilang pangangailangan at ang mga
sobrang ito ang siyang nagsilbing pambayad nila sa lahat ng uri ng buwis na ipinataw ng mga
Kastila. Sa Simula, hindi kailangan ng pera sapagka't nagbabayad ang mga Pilipino ng buwis sa
gusto nilang halaga. Sa panahong ito, nakilala ang reales na ginagamit ng mga Pilipino sa
pagbabayad ng buwis sa halip na produkto, pero hindi nagbabayad ang mga Pilipinong nagtatrabaho
sa pamahalaan ng Kastila tulad ng cabeza de barangay. Dahil sa hindi husto ang kaalaman at hindi
nakapag-aral ang mga Filipino noong panahon ng Kastila, nakaranas ng pag-aaubuso at
diskriminasyon. Binigyang pabor ng mga Kastila ang mga tao na nagbibigay sa kanila ng benepisyo
tulad na lamang ng mga Tsino sapagka't mas malaki ang buwis na kanilang binayaran. Nagkaroon
din ng klasipikasyon sa estado ng tao noong panahon ng Kastila. Ang mga Pilipino ay tinawag na
indio samantalang mestizo ang mga Pilipinong ang ama ay Tsino at ang ina ay Pilipino. Kung may
kabutihan na naidulot ang mga Kastila sa ekonomiya ng Pilipinas, mayroon ding mga suliraning
dulot ang sistemang ipinakilala ng mga Kastila. Nagkaroon ng sistema kung saan ang isang pueblo
ay kailangang maglaan ng ilang bahagi sa kanilang produkto upang ipagbili sa pamahalaan.
Pagkatapos ipunin ang mga nalikom na produkto, dadalhin ang mga galyon sa Acapulco, Mexico.
Nagsimula ang sistemang ito mula ika-16 siglo at tumagal ito hanggang 1815. Tanging ang mga
Kastila at Tsino lamang ang nakinabang sapagka't mula sa Tsina ang mga produktong dinadala sa
Acapulco ng mga galyong dumadaan sa Pilipinas. Hindi pinapayagang bumili basta basta ng
produkto ang sinumang tao kung walang reales comfras, tawag sa salaping pambayad sa binibiling
produkto sa galyon. Hiniling din ng pamahalaang Kastila na magbigay ng kontribusyon sa mga
simbahan ang mga katutubong Filipino tuwing may pista at mahahalagang okasyon na pinagdiriwang
sa kanilang nayon. Inatasan ng pamahalaang Kastila na magtrabaho ang mga kalalakihan sa loob ng
apatnapung araw para sa pamahalaan ng walang bayad. Tinatawag itong poloy servicios o forced
labor. Nagkaroon ng pagbabago sa sistemang pang-ekonomiya at pangpulitikal noong ranahon ng
Kastila. Dumating mula Espanya ang mamumuno sa bansa na tinatawag na Gobernador-Heneral. Isa
si Gob. Hen. Jose Basco Y Vargas na gumawa ng mga programa ukol sa ekonomiya ng bansa. Sa
panahon niya, umunlad ang agrikultura ng bansa at natuto ang mga tao ng pagtatanim ng bulakat mga
sangkap sa pagkain tulad ng paminta. Nagkaroon ng mga plantasyon, binigyang-halaga ang paggamit
ng kalabaw sa pagtatanim, lumaganap ang monopolyo ng tabako, at lumago ang produkro nn
nagmumula sa agrikultura. Dahil dito, nakilala ang Pilipinas ng mga mangangalakal na Europeo at
nabuksan ang malayang kalakalan sa pagitan ng Ingles at Pilipino. Sa panahon na umunlad ang
Pilipinas sa paggamit ng lupa, kasabay naman nito ang pag-usbong ng sistemang enkomyenda. Sa
pamamagitan ng kautusan ng Hari ng Espanya na iparehistro ang mga lupa, sinamantala ng mga
mayayamang Espanyol ang halos lahat ng lupa. Dahil walang kaalaman ang mga katutubong Pilipino
ukol dito, walang nagawa kundi tanggapin ang kanilang kalagayan. Dito nagsimula ang
pangangamkam ng lupa at ang paglawak ng pagtatayo ng hacienda. Pamunuan ng mga Amerikano.
Sa panunungkulan ng mga Amerikano, umunlad ang pagtatanim ng abaka, tabako, asukal, palay, at
iba pang produkto. Umunlad ang pagsasaka at gumamit ng mga makabagong pamamaraan sa
pagratanim at dahil dito lumaki ang produksiyon na nagdulot ng pag-unlad sa pamumuhay ng mga
Pilipino. Sa pamamagitan ng mga patakarang panlabas na ipinatupad ng Amerika tulad ng Payne
Aidrich Act at Underwood Simmons Tariff Act, mabilis na umunlad ang industriya ng
Pilipinas. Panahong Komonwelt Noong 1934, sa pamamagitan ng Batas Tyding-McDutfie,
binigyaug-ganap ng Kongreso ng Amerika ang kasarinlan ng Pilipinas.Pinagtibay ng Asemblea
Nasyonal ang Commonwealth Act No.2 o National Economic Council upang magsilbing tagapayo ng
pamahalaan ukol sa mga isyung pang-ekonomiya ng bansa. Sa panahon ding ito itinatag ang National
Development Company. Layunin nito na pangalagaan at pangasiwaan ang operasyon ng mga
industriya ng bigas. Naitatag din ang National Power Corporation upang niatugunan ang
pangangailangan ng bansa sa elektrisidad. Umusbong din ang pagmimina sa panahong ito. Nakilala
ang Pilipinas sa pagmimina ng ginto. Panahon ng Hapones Sa panahong dumating ang mga
Hapones sa bansa, masasabi na labis na nakaranas ng paghihirap ang mga Pilipino. Bumagsak ang
ekonomiya ng Pilipinas dahil sa digmaan. Nasira ang mga pananim, humina at tuluyang tumigil ang
produksiyon sa pabrika at nagkaroon ng kakapusan sa mga pangunahing pangangailangan ng tao
tulad ng damit, pagkain, at tirahan. Dahil sa matinding kahirapang naranasan ng mga tao nawalan sila
ng pinagkakitaan, napilitan na silang ipagbili ang kanilang pag-aari upang sila ay mabuhay at
bumaba ang halaga ng salaping Mickey Mouse Money na ipinalabas ng pamahalaang
Hapon. Panahon ng Republika Pagkatapos ng ikalawang digmaang pandaigdig, idineklara naman
ang kasarinlan ng Pilipinas noong 1946. Isa sa mga pangunahing suliranin ng Pilipinas ay ang
pagbabangon sa bumagsak na ekonomiya ng bansa. Winasak ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig
noong 1941-1945 ang malalawak na lupain na pinagkukunan ng kabuhayan ng mga Pilipino. Upang
makabangon at makapagsimula ng bagong sistema, humingi si Pangulong Manuel Roxas ng tulong
sa Estados Unidos para simulan ang malawakang pagbabago sa ekonomiya ng bansa. Sa
administrayon niPangulong Roxas noong 1946-1948, ipinairal ang mga patakarang pang-
ekonomiya: (1) sistema sa tenent farming — sa sistemang ito, ang pitumpong porsiyento ng ani ay
mapupunta sa nagmamay-ari ng lupa at ang naiwang bahagi ay ilalaan para sa mga magsasaka.
Ginawa ito para mapalakas ang kapakanan ng magsasaka at mahihirap sa kanyunan; (2) pagbibigay
ng Parity Rights sa mga Amerikano — ito ay pagbibigay ng pantay na karapatan sa mga Pilipino at
Amerikano sa paglinang ng likas na kayamanan ng Pilipinas. Dahil dito, maraming rnahalagang
economic activities, gaya ng pagmimina, paggawa ng mga beverage, at iba pa ay nanatiling nasa
kontrol ng mga Amerikano. Itinatag din sa panahon ni Roxas,ang Rehabilitation and Finance
Corporation upang mamahala sa distribusyon ng mga pautang at tulong na ipinagkaloob ng Estados
Unidos sa rehabilitasyon ng ating bayan. Si Elpidio Quirino(1948-1953) ang nagpatuloy naman ng
patakarang pangkabuhayan na naiwan ni Roxas. Ipinatupad niya - ang patakarang paghalili sa
inangkat na produkto. Naniniwala si Quirino na may kakayahan ang Pilipinas na magsarili upang
tugunan ang pangangailangan ng mga Pilipino. Ayon kay Quirino, kayang tugunan ng bansa ang
lumalalang depisit sa balanse ng mga pandaigdigang bayarin sa pamamagitan ng pagkontrol sa mga
inangkat na produkto. Nakilala din ang Import Control Law noong 1950 na nagbigay ng malawak na
kapangyarihan sa Bangko Sentral ng Pilipinas na higpitan ang ng dayuhang produkto sa
bansa. Taong 1954-1957, nagkaroon ng malaking pagbabago sa Pilipinas sa ilalim ng
administrasyon ni Ramon Magsaysay, kinilalang "Idolo ng Masa." Ang mga sumusunod ay ang
pagbabagong pang-ekonomiya: (1) pagpapabuti sa kalagayan ng mga baryo, (2) Land Reform Act —
layunin nito na lutasin ang alitan sa pagitan ng magsasaka at ang may-ari ng lupa; (3) National
Resettlement and Rehabilitation Administration — layunin nito na bigyan ng lupa ang walang lupa at
paunlarin ang hangganan ng lupa; at (4) paunlarin ang kalidad ng ani ng mga magsasaka. Si
Pangulong Carlos P. Garcia (1957-1961) ay nakilala sa patakarang pang-ekonomiyang "Pilipino
Muna" na humihikayat sa mga negosyanteng Filipino na pumasok sa retail at dayuhang kalakalan.
Layunin ng programang ito na maging malaya ang ekonomiya ng Pilipinas sa kontrol ng mga
dayuhang bansa tulad ng Estados Unidos. Binigyang-pansin din niya ang industriya ng Pilipinas sa
pamamagitan ng pagtataguyod ng Retail Nationalization Trade Act na nagpapahintulot sa mga
negosyante ng pabebenta ng tingi-tingi lamang. Ipinatupad din niya ang Austerity Program sa
layunin na matuto ang mga Pilipino na magtipid. Si Pangulong Disdado Macapagal (1961-1965) ay
nakilala sa kaniyang programa na "Isang Bagong Panahon" sa ekonomiya. Tinawag na dekontrol ang
patakarang pang-ekonomiya ni Pang. Macapagal dahil sa pagkontrol ng inaangkat at salaping
dayuhan na nagdulot ng malaking depisit sa balanse ng pandaigdigang bayarin ng Pilipinas. Dahil
dito, nagkaroon ng pagbagal sa pag-unlad ng produktong inililuluwas. Sa kaniyang administrasyon,
pinagtibay ng Kongreso noong 1963 ang Batas Republika Big. 3844 o Agricultural Land Reform
Code. Batas na nag-aalis ng sistemang kasama sa pagbubungkal ng lupa. Si Pangulong Ferdinand
E. Marcos ang may pinakamahabang panununungkulan bilang pangulo ng bansa. Umabot ng
dalawampung taon ang kaniyang panununungkulan (1966-1986). Sa administrasyon ni Pangulong
Marcos napagtibay ang Atas ng Pangulo Blg. 27 na nagtatakda ng pag-aari sa pitong ektarya
ngpalayan at maisan. Ang programang "Masagana 99" ang naglunsad ng bagong paraan sa pagsasaka
at pag-unlad ng agrikultura. Pinagbuti din niya ang proyektong turismo at pangkultura sa Pilipinas.
Sa panahon din niya napagbuti ang pagpapagawa ng mga kalsada, tulay, at proyektong
imprastraktura. Ngunit sa panahon din niya lumaki ang pagkakautang ng malaking halaga ang ating
bansa na umabot sa $25 bilyon noong 1984 at lumaganap ang katiwalian at ang pagkontrol ng mga
malalapit na kamag-anak at kaibigan ni Marcos sa iba't ibang produkto at serbisyo at mga
korporasyong pag-aari ng pamahalaan. Kasabay ng pagbagsak ng pamahalaan ni Marcos ang hindi
paglaki ng pambansang kita ng Pilipinas at pagkaranas natin ng krisis pang-ekonomiya. Nanumbalik
ang demokrasya sa panahon ng panunungkulan ni Pangulong Corazon C. Aquino (1986-1992).
Ang mga patakarang pang-ekonomiya na naganap sa ilalim ng administrasyon ni Pang. Aquino ay
ang pagsasapribado ng korporasyong dating pagmamay-ari ng pamahalaan, pagtatayo ng Presidential
Commission on Good Government na kung saan layunin na makuha ang mga ninakaw na yaman ng
bayan. Ipinasa din ang Comprehensive Agrarian Reform Law, at ang Local Government Code.
Nanumbalik ang institusyong pangdemokrasya at malayang kalakalan ang pakikisangkot ng
pamahalaan sa pandaigdigang kalakalan. Ngunit dahil sa maraming pagtatangka na pabagsakin ang
pamahalaan ni Pang. Aquino, naging mahina pa rin ang ekonomiya ng bansa. Sa ilalim ni
Pangulong Fidel V. Ramos (1992-1998) nagkaroon ng pagbabago sa ekonomiya ng bansa. Sa
pamumuno ni Pang. Ramos nagkaroon ng aktibong paggalaw ng ekonomiya ng Pilipinas. Naipatupad
ang patakarang nagtanggal sa mga monopolyo sa telekomunikasyon, pananalapi, at iba pang sector
ng pamahalaan. Binigyang-pansin ng pamahalaan ang pagtatamo ng katayuan ng bansa na maging
Newly Industrialized Country (NIC). Pinagbuti ang pakikipagkalakalan sa labas ng bansa at rag-
anyaya ng mga dayuhang mamumuhunan. Naging sentro rin ng ating bansa ng pagpupulong ng mga
lider ng mga bansang nasa rehiyong Asia-Pacific. Ang Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC)
Summit ang isa sa mga naging matagumpay na kumperensiyang idinaos dito sa bansa. Nagtipun-
tipon ang mga pinuno ng 18 bansang kaanib ng APEC upang magbalangkas ng mga hakbangin tungo
sa pagpapaunlad ng kalakalan sa rehiyon. Si Joseph Estrada ang ika-13 pangulo ng
Pilipinas. Inihalal ng mahihirap at isang idolo ng pelikula. Nakilala ang administrasyong Estrada sa
programang "Erap Para sa Mahirap." Sa kaniyang State of the Nation Address na "A Challenge of
Unity for the Filipino Nation" noong July 1998, ipinahayag ni Pang. Estrada ang mga programa sa
ilalim ng kaniyang administrasyon. Ang mga sumusunod ay ang: (1) pagtatanggal ng pork barrel, (2)
pagpapalawak ng GNP ng 2-3%, (3) paggamit ng badyet ng pamahalaan ng tama at pagpapatupad ng
mga proyekto na makatutulong upang mapaunlad ang ipon ng bansa, (4) pagtulong sa mga
mamamayan mula sa kahirapan, (5) pagpapatupad ng Visiting Forces Agreement. Sa ilalim ng
kaniyang administrasyon ay nagkaroon ng pandaigdigang pagbulusok at ang bansa ay nalugmok sa
matinding kurapsiyon at katiwalian, pagsusugal, droga, at iba pang krimen. Si Estrada ang kauna-
unahang pangulong pinatalsik ng Kongreso, nilitis, at humarap sa parusang kamatayan. Noong Enero
2001, pinatalsik siya ng People Power Two Movement.Si Gloria Macapagal-Arroyo ang ika-14 na
presidente ng Pilipinas. Sa ilalim ng kaniyang idministrasyon nakilala siya sa mga programa na (1)
paghihikayat sa mga Pilipino na magtrabaho sa ibang bansa, at nakilala din siya sa "OFW-Bagong
mga Bayani," (2) pagpapaunlad ng ekonomiya ng mga iba't ibang rehiyon lalo na ang mga
probinsiya, (3) pagdadala ng produktong probinsiya sa lungsod upang, mapataas ang GDP ng bansa.
Sa ilalim panunungkulan ni Pang. Arroyonaganap ang mga pandaigdigang pagpupulong ng mga
bansa sa Asya tulad ng ASEAN Summit sa Cebu. Nangako din si Pang. Macapagal-Arroyo na
tutulungan ang mahihirap, paunlarin ang ekonomiya, at lalabanan ang krimen.

Madidilim na pamana: ang ekonomya sa


ilalim ni Arroyo
In Filipino, IBON Features on June 15, 2010 at 5:57 am
Ang kaliga-ligalig na pagkakaiba sa pagitan ng kayamanan ng iilan at kagalingan ng marami ang
pinakanakapag-aalalang pamana na iniiwan ng panguluhang Arroyo – at kabilang sa
pinakadambuhalang hamon na kailangang harapin ng papasok na administrasyon kung maghahatid
ng anumang tunay na pagbabago.
Ni Sonny Africa

Lathalaing IBON – Maaalala ang administrasyong Arroyo sa pagkapabaya sa mga mahahalagang


hakbang sa pag-unlad at pagsuong sa harap ng pag-unlad ng ekonomya. Mas malala ang kalagayan
ng mga Pilipino ngayon kaysa nang manungkulan si Pangulong Gloria Macapagal-arroyo siyam na
taon na ang nakararaan.
Nasa pinakamataas na tantos ang disempleyo, bumagsak ang tunay na kita ng sambahayan, tumaas
ang insidente ng kahirapan, lulala ang di-pagkakapantay-pantay, at natulak palabas ng bansa ang
pinakamaraming Pilipino sa kasaysayan. Ang mga pag-asa’y naunsyami ng tuluy-tuloy na pagguho
ng lokal na manupaktura at agrikultura, ng mabilis na lumalalim na krisis pampinansya, at pabigong
mga patakaran sa pandaigdigang kalakal at pamumuhunan. Samantala, nagpatuloy sa substansyal na
pagyabong ang tubo ng pinakamalalaking korporasyon sa bansa at ang kayamanan ng
pinakamayayaman nitong pamilya.

Ang kaliga-ligalig na pagkakaiba sa pagitan ng kayamanan ng iilan at kagalingan ng marami ang


pinakanakapag-aalalang pamana na iniiwan ng panguluhang Arroyo – at kabilang sa
pinakadambuhalang hamon na kailangang harapin ng papasok na administrasyon kung maghahatid
ng anumang tunay na pagbabago.

Binigyang-puri ng administrasyong Arroyo ang paglago ng ekonomya sa termino nito – na tinawag


na pinakamahusay sa nakalipas na 30 taon – bilang ginintuang pamantayan ng gawain nito. Nag-
abereyds sa 4.5% taun-taon ang upisyal na iniulat na pag-unlad sagross domestic product (GDP) sa
ilalim ng administrasyong Arroyo (2001-2009) kumpara sa 3.9% sa ilalim ni Aquino (1986-1991),
3.8% sa ilalim ni Ramos (1992-1997) at 2.4% sa ilalim ni Estrada (1998-2000). Lumapad ang
ekonomya nang 47.2% sa totoong termino mula 2001. Subalit nagsasalita para sa sarili nila ang mga
resulta.
Tumitinding disempleyo at kahirapan
Ang panahong 2001-2009 ang pinakamahabang panahon ng mataas na disempleyo sa kasaysayan ng
bansa kung saan ang tunay na tantos ng disempleyo ay nag-abereyds ng mga 11.2% (tinatama ang di
pagbilang ng gubyerno sa milyun-milyong walang-trabahong Pilipino bilang ‘unemployed’ mula
2005). Ang bilang ng walang-trabaho at kulang-sa-trabahong Pilipino ay tumaas sa 11.4 milyon
noong Enero 2010 na 3.1 milyong higit kaysa sa noong Enero 2001, nang manungkulan si Pang.
Arroyo. Ang 4.3 milyong walang-trabahong Pilipino bandang Enero ay pagtaas nang 730,000 mula
sa siyam na taong nakararaan; ang 7.1 milyong kulang-sa-trabaho ay 2.4 milyong mas marami.
May mga 877,000 trabahong nalikha taun-taon mula Enero 2001 para umabot ng 36 milyon noong
Enero 2010. Subalit napakahina ng kalidad ng mga trabahong nalikha: 3.8 milyon ay “di-bayad na
nagtatrabaho sa pamilya” (585,000 na pagtaas mula Enero 2001), 12.1 milyon ang “mga may-trabaho
sa sariling puhunan” – mas yaong mga nasa impormal na sector (1.6 milyong pagtaas), at mga 12.6
miyon ang “mga manggagawang sumusweldo” subalit walang nakasulat na kontrata. Ang bilang sa
trabahong di-pultaym ay tumaas nang 3.8 milyon at naging 12.3 milyon nitong Enero at ngayo’y
bumibilang nang isa sa tatlong trabaho.

Tumaas ang insidente ng kahirapan kahit sa mababang upisyal na linya ng kahirapan ng gubyerno.
Ang bilang ng mga mahihirap na pamilya ay tumaas nang 530,642 o 13% mula 2,000 at umabot sa
4.7 milyon noong 2006. Ang bilang ng mahihirap na Pilipino ay tumaas nang 2.1 milyon sa loob ng
parehong panahon at umabot sa 27.6 milyon. Subalit ang upisyal na linya ng kahirapan ay P42 kada
tao kada araw lamang noong 2006 na nakabibili lamang ng isang kilo ng bigas at isang itlog ng
manok; ang mas mataas na hangganan ng P86 ay dumodoble pa sa bilang ng Pilipinong nabibilang sa
mahihirap.

Sa gayon, bumagsak ang tunay na kita ng mga sambahayan sa abereyds na 20% sa lahat ng nasarbey
na tahanan mula 2000 hanggang 2006 – ang nakarekord na 19% taas sanominal income sa panahong
iyon ay madaling nabawi ng 38% pagtaas sa mga presyo. Ang pinakabagong datos sa kahirapan ay
para sa 2006 kayat ang padron na ito ay naganap matagal pa bago ang kaguluhang pandaigdig at mga
natural na kalamidad mula 2008 na lalo lamang magpapalaki sa mga numero.
Lumalaking di-pagkakapantay-pantay
Nananatiling masahol ang mg di-pagkakapantay-pantay sa bansa. Noong 2006, ang netong halaga ng
20 pinakamayayamang Pilipino lamang – kabilang ang malalapit na alyado ng mga Arroyo na sina
Lucio Tan, Enrique Razon, Jr., Eduardo Cojuangco, Enrique Aboitiz at iba pa – a P801 bilyon
(US$15.6 bilyon) na katumbas na ng pinagsama-samang kita sa taong iyon ng pinakamahihirap na
10.4 milyong pamilyang Pilipino.

Ang netong kita ng Top 1,000 na korporasyon sa bansa ay tumaas mula P116.4 bilyon noong 2001
hanggang sa abereyds na P416.7 bilyon taun-taon sa panahong 2002-2008. Sa kabilang banda,
nagisnan ng mga manggagawa ang pinakamaliit na pagtaas sa kanilang tunay na sahod sa ilalim ng
administrasyong Arroyo kumpara sa iba pang gubyerno mula noong panahon ng diktadurang marcos.
Tumaas nang P5 lamang ang minimum na sahod sa NCR sa tunay na halaga sa loob ng halos isang
dekadang panunungkulan ni Arroyo kumpara sa P82 noong panahon ni Aquino, P16 noong panahon
ni Ramos, at P22 ni Estrada (ang mga pigura ay inadyas ayon sa inflation batay sa mga presyo noong
2000).
Ang ipinangalandakang pag-unlad sa ekonomya ay nakakonsentra nang husto sa Metro Manila na
nagtaas ang bahagi sa GDP ng bansa mula 30.9% noong 2001 na umabot sa 33.0% o sangkatlo ng
pambansang ekonomya noong 2008. Ito ay sa kapinsalaan ng 10 iba pang rehiyon na bawat isa’y
bumagsak ang bahagi sa GDP – Cordillera, Ilocos, Cagayan Valley, Central Luzon, Southern
Tagalog, Eastern Visayas, Zamboanga Peninsula, Davao, ARMM at CARAGA. Dalawang ibang
rehiyon lamang, ang Northern Mindanao at SOCCSKSARGEN, ang bawat isa’y tumaas nang 1%
ang bahagi sa GDP.

Nagsanhi itong ibayong lumaki ang pagkakaiba-iba sa kita. Noong 2001 ang kita kada tao sa Metro
Manila, ang pinakamayamang rehiyon, ay walong (8) beses kaysa sa pinakamahirap na rehiyong
ARMM. Pagdating ng 2008, ang kita kada tao sa Metro Manila ay naging 12 beses kumpara sa
ARMM.

Gumuguhong produksyong lokal


Gumuho ang mga batayan para sa pagmomodernisa ng ekonomya. Bumagsak ang bahagi ng
manupaktura sa GDP sa 21.8% noong 2009 o kasing-liit ng bahagi nito noong 1950s. Lumikha
lamang ang sector ng 15,370 trabaho taun-taon mula Enero 2001 na umabot nang 3 milyon noong
2010. Kabaligtaran, pitong beses na mas maraming trabahong pang-kasambahay ang nalikha sa loob
ng parehong panahon – 107,730 ang nadagdag kada taon na umabot sa 2.1 milyon noong nakaraang
Enero. Malapit nang mapantayan ng bilang ng mga kasambahay sa bansa ang bilang ng mga
manggagawa nito sa manupaktura.

Numipis naman sa 18.1% ng GDP ang sektor ng agrikultura o sa pinakamaliit nitong bahagi sa
kasaysayan ng bansa. Sa nakaraang siyam na taon, 172,600 trabahong agrikultural lamang ang
nalikha na umabot sa 11.8 milyon nitong Enero, na karamiha’y mababa – o wala man lamang –
sahod. Nananatili ang kahirapan sa kanayunan, bukod sa iba pang dahilan, dahil sa mabagal na takbo
ng repormang agraryo: ang Department of Agrarian Reform (DAR) ng administrasyong Arroyo ay
nakapagpamahagi lamang ng abereyds na 119,301 ektarya taun-taon (2001-2008) na mas maliit
kaysa sa ilalim ni Estrada (121,274 ha), Ramos (296,395 ha) at Aquino (169,063 ha).

Ang paghina ng lokal na manupaktura at agrikultura ay mainam na paliwanag sa matumal na


pagkalikha ng mga trabaho. Binibigyang-diin din kung papaano mula 2001-2009 napwersang
mangibang-bansa ang pinakamaraming Pilipino sa kasaysayan ng Pilipinas. Ang pagpapangibang-
bansa sa ilalim ng administrasyong Arroyo ay nag-abereyds nang 1.04 milyon taun-taon kumpara sa
469,709 (Aquino), 713,505 (Ramos) at 839,324 (Estrada); 1.42 milyon ang nadeploy noong
nakaraang taon na katumbas ng halos 3,900 Pilipinong umaalis araw-araw. Ang labis na pagsandig
ng bansa sa mga remitans ay umabot sa pinakamatataas na antas sa ilalim ni Arroyo at, noong 2005,
ay umabot sa pambihirang antas na katumbas ng 10% ng GDP.

Ang pagguho ng pambansang produksyon ay sumasanhi rin ng labis na pag-depende sa mga panlabas
na mapaghuhugutan ng pag-unlad – laluna ang trabaho sa labas ng bansa, pero tulad rin ng
mababang-halagang pagmamanupaktura para sa eksport at business processing outsourcing
(BPO). Subalit ang mga aktibidad na ito sa esensya ay hindi kaugnay ng pambansang ekonomya at
hindi nakakapag-ambag sa anumang malawakang-saklaw na dinamismong pang-ekonomya.
Halimbawa, ang mga BPO ay ipinangalandakang mabilis na lumalago mula 5,000 empleyado at
US$56 milyong kita noong 2001 papuntang 442,164 empleyado at US$7.2 bilyong kita noong 2009.
Subalit ang sektor ay babahagyang bahagi lamang ng ekonomya at noong 2001 ay 1.3% lamang ng
kabuuang empleyo at 2% lamang ng GDP.
Mga suliraning piskal
Malinaw ring walang ginawa upang harapin ang mga ugat na sanhi ng mga problemang piskal ng
bansa. Lalabas ang administrasyong Arroyo sa pinakamatarik na pagtaas ng depisito ng pambansang
gubyrno sa kasaysayan ng bansa– P286 bilyon o 2,300% na pagtaas sa loob lamang ng dalawang
taon mula P12.4 bilyon noong 2007 hanggang P298.5 bilyon noong 2009. Ito’y bukod pa sa
pinakamasasama nang depisito sa pinagsama-samang depisito ng pambansang gubyerno ng P1.35
trilyon sa loob ng 2001-2009 o higit pa sa triple ng pinagsama-samang mga depisito ng mga
administrasyong Aquino, Ramos at Estrada (P422 bilyon).

Nagpapamana rin ito ng mabigat na pasaning utang na umabot na sa P4.36 trilyon noong Pebrero
2010, o higit doble ng P2.17 trilyong utang na namana mula sa gubyernong Estrada. Epektibo nang
umutang nang P243 bilyon taun-taon ang administrasyong Arroyo mula nang manungkulan. Ito’y
matapos pang mabayaran ang P5.1 trilyon sa pagseserbisyo ng utang mula 2001-2009 na halos triple
ng P1.8 bilyong pinagsama-samang bayad-utang sa loob ng 15 taon ng mga administrasyong Aguino,
Ramos at Estrada.

Halos hindi makahabol ang pagsisikap sa pagbubuwis ng gubyerno sa nominal na pag-unlad sa gross
national product at ang mga hakbang na panakip-butas lamang – gaya ng ratsadang pribatisasyon –
kabilang ang pagbebenta noong 2007 ng kasing-laki ng benta sa nakaraang 15 taon ng tatlong
administrasyon – ang pansamantalang nagpamukhang nasa lugar naman ang mga repormang piskal.
Ginawang lalong regresibo ng administrasyong Arroyo ang sistema sa pagbubuwis ng bansa,
pinapasan ito sa mahihirap (gaya ng RVAT) at pinagaang ang pasanin ng mga may kakayahan
naming magbayad (gaya ng pagpapababa ng buwis sa kita ng mga korporasyon). Samantala ang
pinakamahahalagang pinagmumulan ng problema sa depisito ay hindi hinarap: korapsyon at
katiwalian, liberalisasyon sa kalakal, mga insentiba sa dayuhang pamumuhunan, di-produktibong
pagbabayad-utang at lumobong gastusing-militar.

Mga pagkakamali sa patakaran


May mga pandaigdigang pangyayari nitong mga nakaraang taon na labas sa kontrol ng
administrasyon. Gayunman, naroon na ang mga suliranin bago pa nito – mahinang pag-unlad sa
trabaho, pagbagsak ng manupaktura, mababang kita sa kanayunan, at lumolobong impormal na
ekonomyang serbisyo. Ang mga suliraning ito ay hindi pangunahing dahil sa sunud-sunod na krisis
sa pagkain, langis at pinansya kundi dahil sa mga maling patakaran sa ekonomya.
Itinulak ng administrasyong Arroyo ang estratehiyang pang-ekonomya na itinindig sa mga
patakarang ‘malayang pamilihan’ ng globalisasyon – pag-alis ng sagka sa kalakal, pagtanggal ng
kontrol sa pamumuhunan, pagsapribado ng mga pampublikong gamit at serbisyong panlipunan,
deregulasyon, at tuluy-tuloy na pagbabayad-utang. Itong masasaklaw na hakbang na ito ang
pinakamalalaking salik sa likod ng masahol na suliraning pang-ekonomya ng bansa at
kinakailangang mabaligtad upang magkaroon ng pag-asang madirehe ang ekonomya patungo sa
tunay na pag-unlad na panlipunan. Kahit ang korapsyon, na tunay naming lumala, ay hindi nakalikha
ng gayong kapinsalaan.

Agresibong niligawan ang mga dayuhang mamumuhunan at inengganyo ng galanteng mga insentiba,
pati ng kalayaang kumilos nang halos walang obligasyong mag-ambag sa pag-unlad ng pambansang
ekonomya. Ang mga imprastruktura sa transportasyon, kuryente at tubig ay itinatag pangunahin para
pagsilbihan ang pangangailangan ng malalaking dayuhan at lokal na interes sa negosyo.

Ang mga kasunduan gaya ng Japan-Philippines Economic Partnership Agreement (JPEPA) at sa


Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), World Trade Organization (WTO) at iba pa ay
pinasok. Itinulak pa ng gubyerno na isarado ang isang kasunduan ng malayang kalakal sa United
States (US). Lahat ito’y ginawang lalong bulnerable ang Pilipinas at mas nakabulatlat higit
kailanman sa ekonomyang global. Sinasagkaan din ng mga ito ang makabuluhang pagsulong sa
pamamagitan ng paghadlang sa makabayang pagklikha ng mga patakarang pang-ekonomya.

Pagbabaligtad ng pamana
Ang pamanang pang-ekonomya ng administrasyong Arroyo ang magiging pinakamalaking hadlang
sa anumang pagsisikap na pabutihin ang kalagayan ng mamamayan. Subalit bagaman mabigat, hindi
ito imposibleng maabot. Lamang, ang pagtakda ng direksyon patungo sa tunay, sustenable at matibay
na pag-unlad sa ekonomya para sa bansa ay nagsisimula sa pagkilala sa mga realidad na ito at
pagkilala sa batayang kahinaan ng pambansang ekonomya. Kailangan ding tanggapin na ang pag-
depende sa pamilihan, remintans, mga pribadong korporasyon, at dayuhang mamumuhunan na
kusang maghatid ng pag-unlad ay isang malaking pagkakamali.

Kailangang magkaroon ng pag-amin na ang mga patakarang pang-ekonomya ng nakaraan ay bigo at


na kinakailangan ng masinsing pagbagbago. Kailangang magkaroon ng higit na pagbibigay-diin sa
pagpapanday ng solidong pundasyon ng pambansang ekonomya kaysa sumandig sa panandalia’t
pansamantalang mga hakbang, di-sustenableng pagpipinansya o eksternal na mapagmumulan ng
paglago. Ang makabuluhang pagbabaha-bahagi ng kita at yaman ay matagal nang dapat naisagawa.
Dapat harapin ang korapsyon, subalit gayundin ang mga patakaran ng globalisasyon na nagresulta sa
higit pang di-demokratikong ekonomya na ang mga rekurso at benepisyo ay nakokopo ng iilan.
Laluna, kailangan ng progresibong pamumuno upang mabaligtad ang madidilim na pamana ng
palabas na administrasyong Arroyo. Lathalaing IBON
Ekonomiya ng Pilipinas sa ilalim ng pamumuno ni Marcos(1965-
1986)[baguhin]
Bago ng pamumuno ni Marcos noong mga 1951 hanggang 1965, ang Penn World Tables ay nag-ulat ng
real na paglago sa GDP kada kapita na may aberaheng 3.5%. Sa ilalim ng rehimeng Marcos(1965-1986),
ang taunang aberaheng paglago sa GDP ay 1.4% lamang. Ayon sa ilang sanggunian, ang taunang GDP
ng Pilipinas mula 1976 hanggang 1986 ay 1.8% lamang.[30] Iniulat ng World Bank na ang Pilipinas ay isa
sa pinakamayamang ekonomiya sa Asya noong mga 1950 pagkatapos ng Hapon ngunit naging isa sa
pinakamahirap na bansa sa Asya ngayon.[31][32] Ang mga taon ng maling pangangasiwa sa ekonomiya at
pababago-bagong kondisyon sa politika noong rehimeng Marcos ang nag-ambag sa bumagal na pag-
unlad ng ekonomiya ng Pilipinas.[32] Ang opisyal na palitan ng piso-dolyar noong 1965 ay 3.90 piso kada
dolyar ngunit bumagsak sa 19.030 piso kada dolyar noong 1985.[33] Sa mga dalawang dekada ng
pamumuno ni Marcos, ang mga stratehiya sa pagpapaunlad ng ekonomiya ng Pilipinas ay binubuo ng
rebolusyong berde, ang pagluluwas na agrikultura at kagubatan at pangungutang sa dayuhan. Sa tulong
ng mga pundasyongRockefeller at Ford Foundations ay dinala ni Marcos ang rebolusyong berde sa
Pilipinas. Ang mga repormang ito ay nagresulta sa matataas na mga tubo para sa mga transnasyonal na
korporasyon ngunit pangkalahatang mapanganib sa mga maliit na magsasaka na kadalasang natutulak
sa kahirapan[34] Pagkatapos ideklara ni Marcos ang Martial law noong 1972, siya ay nangakong
magpapatupad mga repormang agrarian. Gayunpaman, ang mga reporma ng lupain na ito ay malaking
nagsilbi upang pahinain ang mga kalaban sa lupain ni Marcos at hindi paliitin ang kawalang pantay sa
mga lugar rural. [35][36] Mula 1972 hanggang 1980, ang produksiyon sa agrikultura ay bumagsak ng mga
30%.[37] Sa ilalim ni Marcos ang mga pagluluwas ng produktong kahoy ang isa sa mga pangunahing
iniluluwas na produkto ng bansa. Ang kaunting pansin ay binigay sa mga epektong pangkapaligiran ng
pagkakalbo ng mga kagubatan. Noong mga maagang 1980, ang industriya ay gumuho dahil ang
karamihan sa mga malalapitang mga kagubatan ay naubos na.[38] Upang pondohan ang ilang mga
proyekto ng pag-unlad sa ekonomiya gaya ng imprastruktura, ang administrasyong Marcos ay nangutang
ng salapi sa dayuhan. Ang mga kapital na dayuhan ay inanyayahan na mamuhunan sa ilang mga
proyektong industriyal. Ang mga dayuhan ay inalukhan ng mga pabuyang eksempsiyon sa buwis at
pribilehiyo ng paglalabas ng kanilang mga kinita sa kanilang salaping dayuhan. Ang isa sa mga
pinakamahalagang programa pang ekonomiya ni Marcos ang Kilusang Kabuhayan at Kaunlaran na
naglalayong itaguyod ang pag-unlad sa ekonomiya ng mga barangay sa pamamagitan ng paghikayat sa
mga ito na magsagawa ng kanilang mga proyektong pangkabuhayan. Ang paglago sa ekonomiya ng
Pilipinas ay malaking pinondohan ng tulong sa salapi ng Estados Unidos at ilang mga pangungutang sa
dayuhan ng administrasyong Marcos. Sa panahong martial law, ang Pilipinas ang isa sa pinakamabigat
na umuutang na bansa. Ang utang sa dayuhan ay kaunti sa 2 bilyong dolyar nang maging pangulo si
Marcos noong 1965 ngunit umabot ng 28 bilyong dolyar nang mapatalsik siya sa pagkapangulo noong
1986. Ang malaking halaga ng mga utang pandayuhang utang na ito ay napunta sa bulsa ni Marcos at
kanyang mga crony.[39] Ang mga utang na ito ay kasalukuyang binabayaran ng mga nagbabayad ng
buwis hanggang 2025.[39] Sa kabila ng agresibong mga patakarang pangungutang at paggasta ng
pamahalaan ni Marcos, ang Pilipinas ay nahuhuli sa mga iba pang bansa sa Timog Silangang Asya sa
rate ng paglago ng GDP kada capita. Ang karamihan ng utang na ito ay ginugol as pagpapabuti ng
imprastruktura at pagtataguyod ng turismo. Ang turismo ay tumaas na nag-ambag sa paglago ng
ekonomiya. Ang karamihan ng mga turistang ito ay mga balikbayang Pilipino na bumalik sa ilalim ng
Balikbayan Program na inilunsad noong 1973. Ang isa pang pangunahing pinagkunan ng paglago ng
ekonomiya ang mga remittance ng mga manggagawang Pilipino sa ibang bansa(OFW) na dahil hindi
makahanap ng mga trabaho sa sariling bansa ay naghanap at nakatagpo ng trabaho sa Gitnang
Silangan, Singapore at Hong Kong.[40] Ang pagluluwas ng mga manggagawa sa ibang bansa ay isang
patakaran ni Marcos noong 1974.[41] Ang mga OFW na ito ay hindi lamang nakatulong sa
pagpapaginhawa ng kawalang trabaho sa bansa sa mga panahong ito ngunit sumahod rin ng higit na
kinakailangang foreign exchange para sa Pilipinas. Sa pagtatangka ni Marcos na maglunsad ng isang
programa ng muling pag-ahon ng ekonomiya, si Marcos ay nakipag-ayos sa mga tagapagpautang na
dayuhan kabilang ang International Bank for Reconstruction and Development, World Bank, at
International Monetary Fund (IMF) para sa muling pag-iistruktura ng mga utang pandayuhan ng bansa
upang magkaroon ng mas maraming panahon na mabayaran ang mga utang nito. Inutos ni Marcos ang
isang pagbawas sa mga paggasta ng pamahalaan at gumamit ng isang bahagi ng mga naipon upang
pondohan ang Sariling Sikap na isang programang pangkabuhayang kanyang itinatag noong 1984.
Gayunpaman, ang ekonomiya ng Pilipinas ay nakaranas ng isang negatibong paglago mula 1984 at
patuloy na bumagsak sa kabila ng mga pagsisikap ng administrasyon. Ang kabiguang ito ay sanhi ng
kaguluhang sibil, ang talamak na korupsiyon sa loob ng pamahalaan ni Marcos at kawalan ng kredibilidad
ni Marcos. Mismong nilihis ni Marcos ang malalaking bahagi ng salapi ng pamahalaan para sa mga
pondong pangangampanya ng kanyang partido. Ang kawalang trabaho sa bansa ay lumobo mula 6.30%
noong 1972 hanggang 12.55% noong 1985. Ang kawalang pantay sa sahod noong Martial law ay lumago
dahil ang pinakamahirap na 60 porsiyento ng bansa ay kumukuha lamang ng 22.5 porsiyento ng sahod
ng bansa noong 1980 na mababa mula sa 25 porsiyento noong 1970 samantalang ang pinakamayamang
10 porsiyento ng populasyon ay kumukuha ng mas malaking bahagi ng sahod ng bansa na 41.7
porsiyento noong 1980 na tumaas mula 37.1 porsiyento noong 1970. Ang mga trend na ito ay kasabay
ng mga akusasyon ng cronyism sa administrasyong Marcos dahil ang administrasyon ay nahaharap sa
mga tanong ng pagpapabor sa ilang mga kompanya na malapit kay Marcos. [42] Ayon sa Family Income
and Expenditure Survey na isinagawa 1965 hanggang 1985, ang insidensiya ng kahirapan sa Pilipinas ay
tumaas mula 41 porsiyento noong 1965 hanggang 58.9 porsiyento noong 1985. Ito ay maituturo sa mas
mas mababang real na mga sahod pang-agrikultura at mas mababang mga sahod para sa wala at may
kasanayang mga manggagawa. Ang real na mga sahod pang-agrikultura ay bumagsak ng mga 25
porsiyento mula sa kanilang 1961 lebel samantalang ang mga real na sahod para sa mga wala at may
kasanayang trabahador ay nabawasan ng mga 1/3 ng kanilang 1962 lebel.

You might also like