You are on page 1of 9

I.

Layunin

Matapos ang aralin , ang mga mag- aaral ay inaasahang :

1.) Nalalaman ang mga dahilan ng simula ng himagsikan para sa kalayaan at ang
pagkakatatag ng Katipunan.
2.) Nauunawaan ang layunin at mga gampanin ng mga kasapi ng Katipunan .
3.) Naipapahayag ang damdamin ng pagpapahalaga sa bahaging ginampanan ng Katipunan
sa pagsibol ng kamalayan ng Pilipino.

II. Nilalaman

A. Paksa: Himagsikan Para sa Kalayaan: Pagtatatag ng Katipunan


B. Sanggunian: Pilipinas Kasaysayan at Pamahalaan I
Panapanahon Kasaysayan at Lipunan I
C. Kagamitan: Mga larawan, Drawing materials, cartolina, marker

III. Pamamaraan

A. Motibasyon

Naghanda ang guro ng ibat-ibang larawan para sa mga mag-aaral. Isang sampung pisong
papel na pera na kung saan kailagang punan ng mag-aaral ang nawawalang bahagi nito at
matapos ito ay tutukuyin ng mga mag-aaral ang armas na may kinalaman sa bahaging
nawawala sa perang ipinakita. Matapos punan ang mga nawawalng bahagi ng larawan
ipapaanalisa ng guro sa mga mag-aaral at tutukuyin ang koneksyon ng dalawang
magkaibang larawan.

? ?
Mga Armas

Baril

Pana

Bomba Kanyo
n

Inaasahang tanong

1. Base sa inyong pag-aanalisa, paano nagkakaugnay sa isat-isa ang mga nawawalang


bagay sa mga larawan?
2. Bakit bolo ang naging kasangkapan ng mga Pilipinong bayani sa kanilang pag-aalsa?
3. Kung ikaw ay isa sa mga bayani alin sa mga armas ang gagamitin n’yo para labanan ang
mga mananakop?

B. Aktibiti

Kaugnay sa unang gawain na natunghayan natin hindi lang sa tahimik na paraan


lumaban ang mga bayaning Pilipino sa mga Espanyol. Nagtatag sila ng isang
rebolusyonaryong samahan na nag – lalayong pabagsakin at tapusin ang mapaniil na
pamamahala ng mga Espanyol.

Para sa indibidwal na gawain:

Magkukuwari ang mga mag-aaral na nabubuhay noong huli ng ika- 19 na siglo; may 18
na taon kang gulang. Batid ninyo ang kahirapan dahil sa marahas at di makataong pagsakop
ng mga Espanyol at hangad ang kalayaan ng Pilipinas bilang sariling bansa. Nais mong
sumapi sa Katipunan, isang patagong samahang na naghahandang lumaban para sa
kalayaan, ngunit bago ka sumanib dito kinakailangan mong masagot ang tatlong tanong
upang maging miyembro ng Katipunan.

a. Ano ang kalagayan ng


Pilipinas bago dumating
ang mga Espanyol?

b. Ano ang kalagayan


ng Pilipinas sa panahon pananakop
ng mga Espanyol ?

c. Ano ang magiging kalagayan


ng Bansang Pilipinas kapag
napatalsik ang mga
Espanyol dito?
Bibigyan ng pagkakataon ng guro na makapagbahagi ang mga mag-aaral ng kanilang mga
kasagutan.

C. Analisis

1. Bilang kabataan na nasa murang gulang anu- ano ang mga dahilan mo para sumapi
sa katipunan?
2. Ano ang mga bagay/estratihiya ang pwede mong maitulong sa samahang ito?
3. Sa inyong palagay, bakit kailangang gumamit ng marahas na paraan ang mga Pilipino
para makamit ang kalayaan?
4. Anu ang inyong naramdaman bilang isang kabataang Pilipino sa pakikibaka sa mga
ganitong gawain?

D. Abstrasyon

Magbibigay ang guro ng sipi sa mga mag-aaral na magsisilbing gabay nila sa talakayan.
Para sa pagsisimula ang guro ay magpapakita ng chart na maglalaman ng mahahalagang
impormasyon na dapat maunawaan ng mga mag-aaral. Gayundin magpapakita ang guro
ng isang larawan na kumakatawan sa isang Katipunero.

Magpapakita ang guro ng isang Organizational Chart na naglalaman ng mahahalagang


impormasyon na tutulong sa mag-aaral para sa mas maayos na talakayan.

Katipunan

K-

K-

K-

Nagtatag Layunin Kasapi Password

Andres Bonifacio Politikal Katipon “Anak ng Bayan”

Deodato Arellano Moral Kawal GOMBURZA

Ladislao Diwa Sibiko Bayani Rizal

Teodoro Plata
Gamit ang isang larawan ng isang magiting na katipunero ilalagay ng mga mag-aaral
ang kanilang mga ideya sa isang katipunerong nakikibaka para sa kalayaan.

Natunghayan natin sa mga nakaraang talakayan


na bagamat nabigong makamit ng mga
propagandista ang kalayaan natin ay
nagtagumpay parin ang Kilusang Propaganda na
maimulat ang mga Pilipino upang ipaglaban ang
kanilang karapatan.

Ano sa tingin nyo ang naging silbi ng mga


Propagandista sa pagkabuo ng Kilusang
Propaganda?
Sila ang nagsiwalat ng mga pagmamalabis ng
mga espanyol sa malikhaing paraan.
Tama, naging napakahalaga ng ginampanan ng
mga Propagandista sa panahon ng pananakop ng
mga espanyol gamit lamang ang panulat
malikhaing isip ay nabuksan nila ang kamalayan
ng Pilipino gamit ang “Kilusang Propaganda”.

Gayun paman nahirapan sila na magtagumpay


gamit ang tahimk na paraan dahil sa malakas
talaga ang empluwensya ng mga espanyol sa
panahong iyon,
Ano ang sunod nilang naging estratihiya sa
paglaban ng kanilang karapatan ?
Dahil sa hindi naging matagumpay ang tahimik
na paglaban ng mga Pilipino , ito ang nag udyok
sa kanila nila na gumamit ng marahas na paraan
upang makamit ang kalayaan.
Tama, nagtatag sila ng isang rebolusyonaryong
samahan ng mga Pilipino. Ang itinatag na
naglalayon na makamit ang kalayaan mula sa
pananakop ng Espanya.
Anong samahan ang kanilang itinatag?
Ang pagsilang ng Katipunan o Kataas- taasan,
Kagalang-galang na Katipunan ng mga anak ng
Bayan
Tama, ngayon mula sa ating aktibiti kanina
nagkunwari kayo na sumapi sa Katipunan na
hangad ang kalayaan para sa sariling bayan.

(Gamit ang isang larawan ng isang magiting na


Katipunero, ilalagay ng mga mag-aaral ang mga
nabuong ideya sa kanilang isipan sa isang
Katipunero na nakikibaka para sa kalayaan.
Ang isang magiting na Katipunero ay:
 May taglay na katapangan
 Paninindigan sa sarili
 Makabayan o may pagmamahal sa
sariling bansa
 Nagnanais ng kalayaan
(Ipapaanalisa ng guro ang kanilang mga
kasagutan)

Lahat kayo ay may ideya, ang makabilang sa


samahang ito ay hindi madali kaylangan ng
prinsipyo at malakas na paninindigan upang
makamit ang kalayaan.

Itinatag ang katipunan noong Hulyo 7, 1892.


Sino ang namuno sa pagtatag ng samahan ng
Katipunan na tinatawag na Supremo?
Andres Bonofacio isa sa magiting na bayani ng
Pilipinas, siya ang namamahala sa mga papeles,
armas at mga gamit ng samahan.
Mahusay, kabilang din sina Deodato Arellano,
Ladislao Diwa at Deodoro Plata ilan sa kanila ay
mga dating kasapi ng nabuwag na Kilusang
Propaganda. Katulad ng Kilusang Propaganda ang
Katipunan ay may mga layunin din,
Anu-ano ang layunin ng Katipunan?
Ang mga layunin ng Katipunan ay napapaploob
sa usapang politikal,moral at sibiko.
(Gagamit ang guro ng estratihiyang
“Think-Pair- share” bibigyan ang mga mag-
aaral ng dalawang minutong paguusap bago
magbahagi sa klase.)

Pag-sinabi nating layuning Politikal ng Katipunan


ano ang napapaloob dito?
Tumutukoy sa pagkamit ng kalayaan mula sa
mga Espanyol upang mapamahalaan ang
sariling bayan.
Sa inyo bang palagay kung hihiwalay tayo sa
panahon ng pananakop ng Espanyol kakayanin ba
ng Pilipinas na pamahalaan ang sarili nating bansa?

Upo basta magkaroon lang sila ng pag-kakaisa


at pag-tutulungan para isang mithiin ay
magiging maayos ang samahan ng bawat
Pilipino.
Tama,kailangan pumili ng pinuno na kayang mag
pasya para sa muling ikakaunlad ng Pilipinas.
Anu naman ang napapaloob sa layunin ng
katipunan sa usapang Moral?

Ito ang mithiing maibalik ang kabutihang asal sa


mga Pilipino na nawala dulot ng impluwensya
Mahusay, bakit kailangang mapanatili at taglayin ng mga mananakop.
nating mga Pilipino ang mga kagandahang asal
na meroon tayo?

Dahil, isa ito sa yaman at katangian ng mga


Pilipino na kaya nating ipagmalaki
kaninuman,,ganun din ay para mapanatili ang
pag-kakaisa at pagtutulungan sa iisang layunin
Tama, Ano ba mga halimbawa ng mga ang pag-unlad at kalayaan sa sariling bansa.
kabutihang asal na dapat nating mapanatili?

Ang mga kagandahang-asal, ang kalinisan,


tamang pagkilos,pagiging relihiyoso at
Magaling, at bilang isang kabataang Pilipino katatagan ng karakter.
dapat nating mapanatili ang mga kabutihang asal
na ito para narin sa pag-unlad ng ating pag-katao.
Bilang huling layunin ng katipunan ano ang
napapaloob sa usaping pang-sibiko?

Ang layuning sibiko ay tumutukoy sa pagkilos


Mahusay, umiikot ang pansibikang layunin sa at pagtatanggol sa sarili at sa mga inaaapi.
prinsipyo ng pagtulong sa sarili at pagtatanggol sa
mahihirap at inaapi.
Kayo bilang kabataan sa makabagong henerasyon
paano n’yo pinapakita ang layuning pang sibika
ng Katipunan sa panahon natin?

Tulad po ng layunin pangsibika ng katipunan sa


simpleng pagtatawid ng matanda sa kalsada at at
Tama, hindi lang sa panahon ng katipunan pag-tulong sa kapwa studyante namin na
nagamit ang mga layunin na nabanggit nanatili nangangaylangan naipapakita ang layuning ito.
ito sa ating pag-katao at dala ng bawat Pilipino
na nag mamahal sa sariling bansa.

Anu ang tulong na maibibigay ng mga layuning


ito sa mga Katipunero?

Ang mga layuning ito ang tutulong sa mga


kasapi upang maisabuhay ang katungkulan sa
Tama, at ang bawat kasapi ng katipunan ay katipunan.
nahahati sa tatlong antas. Ano ang
pinakamababang antas ng kasapi ng katipunan?

Ang katipon, ang unang antas na nagsusuot itim


Tama, may tatsulok na gawa sa putting laso ang na talukbong sa mga pulong.
talukbong na naglalaman ng mga titik na Z.LI.B.
Ano ang kahulugan ng mga titik na ito na nag
sisilbing hudyat o password ng Katipon?

Mahusay, at tinatawag naman nating kawal ang Sila ang mga tinatawag na ANAK NG
ikalawang antas ng kasapi ng katipunan. BAYAN.
Ano naman ang kanilang pagkakakilalan na naiba
sa katipon?

Nagsusuot sila ng berdeng damit at may


nakasabit sa leeg ng kawal namay nakapalwit na
Magaling, na ayon sa lumang tagalog katabi ng medalyang may titik na K.
titik K ang isang Krus na espada at watawat na
nag hudyat nila o password ay GOMBURZA.
Ano naman ang tawag sa pinakamataas na antas
ng kasapi ng Katipunan at anu ang kanilang
pagkakakilanlan?

Tinawag na bayani na nagsusuot ng pulang


maskara at laso na may berdeng linya sa gilid.
Tama, kung mapapansin natin may kanya kanya Sisimbolo nito ang katapangan at pag-asa ang
silang pagkakakilalan at upang makilala ng isang kanilang hudyat ay RIZAL.
kasapi ang iba pa nagkakaroon ng senyas ang
samahan: ilalagay ng isang kasapi ang kanyang
kanang palad sa kanyang dibdib kapag
makakasalubong ang isa pa at mapapatuloy siya
sa paglalakad kapag nakalampas na.
Ano naman ang proseso ng kasapi para maabot
ang pagiging Bayani?

Maaaring maging kawal ang isang katipon kung


makapagdadala sya ng maraming Kasapi sa
kilusan. Samantalang, maaari namang maging
Naging kasapi rin ng katipunan ang asawa at mga Bayani ang isang kawal sa pamamagitan ng
anak at kapatid ng mga katipunero kinilala ng paghahalal sa kanya bilang opisyal ng kilusan.
samahan ang mahalagang gampanin ng
kababaihan sa himagsikan.
Ano ang mga mahahalagang tungkulin ang
ginampanan nila sa katipunan?

Tungkulin nilang tiyaking hindi nagagambala


ang mga pagpupulong ng samahan. Sila rin ang
tumatayong tagapag- ingat ng mhahahlagang
Mahalaga ang bawat kasapi ng katipunan sila ang dokumento; tagagamot ng mga nasugatan at
bumubuhay at tumutupad ng mga mahahalagang may sakit tagapuslit ng mga armas.
layunin at adhikain ng katipunan, iisa lang ang
kanilang mga layunin ang maka laya sa mapaniil
na pananakop ng mga Espanyol at mapamalaan
ang sariling bansa.

E. Aplikasyon
Gagawa ang mga Mag-aaral ng kanilang sariling layunin ng Katipunan kung sila ay
naging isang magiting na Katipunero sa panahon ng pananakop ng mga Espanyol .

“Kung ikaw ay magiging magiting na miyembro ng Katipunan, anu-anong mga layunin


ang nais mong ipatupad?”

F. Pangwakas

Bilang pagtatapos magpaparinig ang guro ng isang awitin na pinamagatang.

“Bayan Ko”
By: Fredie Aguilar

Iaanilasa ng mag-aaral ang kanta at nais ipahayag nito.

Paliwanag: Iisa lang ang mithiin ng mga mamayang Pilipino ang lumaya sa pagkakasakal
at pagkakatali natin sa mga Espanyol. Tulad ng isang ibon gusto din natin
makalaya at malalipad ng may laya sa sariling bayan at mayroong pantay-
pantay na karapatan.
Takdang Aralin:
Sagutin ang mga sumusunod na tanong:
1. Paano natuklasan ng mga Kastila ang Katipunan?
2. Ano ang mga pangyayaring naganap sa Biak na Bato?
3. Saan idineklara ang Kalayaan ng Pilipinas?

You might also like