You are on page 1of 7

Magandang Umaga mga BATA!

Sa (bilang ng) pangkat, Mayroon bang lumiban sa inyong mga kamag aral?

Magaling. Simulan na natin ang ating aralin.

Bago tayo magsimula sa ating aralin ipasa niyo na muna ang inyong takdang aralin

Ano ang napag aralan natin noong nakaraang araw? Magaling. Maraming Salamat sa mga kasagutan
ninyo. Mayroon pa bang mga katanungan sa ating huling aralin? Malinaw na ba ang lahat?

Meron akong ipapakitang larawan, tignan niyo ang larawan ito. tutukuyin niyo ang armas na may
kinalaman sa bahaging nawawala sa perang ito.

So, Base sa inyong pag-aanalisa, paano nagkakaugnay sa isat-isa ang mga nawawalang bagay sa mga
larawan? Very good.

Bakit bolo ang naging kasangkapan ng mga Pilipinong bayani sa kanilang pag-aalsa? Mahusay

Kung ikaw ay isa sa mga bayani alin sa mga armas ang gagamitin n’yo para labanan ang mga
mananakop? Magaling.

Kaugnay sa unang gawain na natunghayan natin hindi lang sa tahimik na paraan lumaban ang mga
bayaning Pilipino sa mga Espanyol. Nagtatag sila ng isang rebolusyonaryong samahan na nag – lalayong
pabagsakin at tapusin ang pamamahala ng mga Espanyol.

Para sa indibidwal na gawain:

Mayroon ako ditong mga katanungan.

a. Ano ang kalagayan ng Pilipinas bago dumating ang mga Espanyol?


b. Ano ang kalagayan ng Pilipinas sa panahon pananakop ng mga Espanyol ?
c. Ano ang magiging kalagayan ng Bansang Pilipinas kapag napatalsik ang mga Espanyol dito?
Karagdagang pagsasanay

1. Bilang kabataan na nasa murang gulang anu- ano ang mga dahilan mo para sumapi sa katipunan?

2. Ano ang mga bagay/estratihiya ang pwede mong maitulong sa samahang ito?

3. Sa inyong palagay, bakit kailangang gumamit ng marahas na paraan ang mga Pilipino para makamit
ang kalayaan?

4. Anu ang inyong naramdaman bilang isang kabataang Pilipino sa pakikibaka sa mga ganitong gawain?

Ito ay isang halimbawa ng ating organizational chart ng ating sinaunang mga bayani

Gamit ang isang larawan ng isang magiting na katipunero ilalagay ng mga mag-aaral ang kanilang mga
ideya sa isang katipunerong nakikibaka para sa Kalayaan

Natunghayan natin sa mga nakaraang talakayan na bagamat nabigong makamit ng mga propagandista
ang kalayaan natin ay nagtagumpay parin ang Kilusang Propaganda na maimulat ang mga Pilipino upang
ipaglaban ang kanilang karapatan.

Ano sa tingin nyo ang naging silbi ng mga Propagandista sa pagkabuo ng Kilusang Propaganda?

Tama, naging napakahalaga ng ginampanan ng mga Propagandista sa panahon ng pananakop ng mga


espanyol gamit lamang ang panulat malikhaing isip ay nabuksan nila ang kamalayan ng Pilipino gamit
ang “Kilusang Propaganda”.

Gayun paman nahirapan sila na magtagumpay gamit ang tahimk na paraan dahil sa malakas talaga ang
empluwensya ng mga espanyol sa panahong iyon,

Ano ang sunod nilang naging estratihiya sa paglaban ng kanilang karapatan ?


Tama, nagtatag sila ng isang rebolusyonaryong samahan ng mga Pilipino. Ang itinatag na naglalayon na
makamit ang kalayaan mula sa pananakop ng Espanya.

Anong samahan ang kanilang itinatag?

Tama, ngayon mula sa ating aktibiti kanina nagkunwari kayo na sumapi sa Katipunan na hangad ang
kalayaan para sa sariling bayan.

(Gamit ang isang larawan ng isang magiting na Katipunero, ilalagay ng mga mag-aaral ang mga nabuong
ideya sa kanilang isipan sa isang Katipunero na nakikibaka para sa kalayaan.

(Ipapaanalisa ng guro ang kanilang mga kasagutan)

Lahat kayo ay may ideya, ang makabilang sa samahang ito ay hindi madali kaylangan ng prinsipyo at
malakas na paninindigan upang makamit ang kalayaan.

Itinatag ang katipunan noong Hulyo 7, 1892.

Sino ang namuno sa pagtatag ng samahan ng Katipunan na tinatawag na Supremo?


Mahusay, kabilang din sina Deodato Arellano, Ladislao Diwa at Deodoro Plata ilan sa kanila ay mga
dating kasapi ng nabuwag na Kilusang Propaganda. Katulad ng Kilusang Propaganda ang Katipunan ay
may mga layunin din,

Anu-ano ang layunin ng Katipunan?

(Gagamit ang guro ng estratihiyang

“Think-Pair- share” bibigyan ang mga mag- aaral ng dalawang minutong paguusap bago magbahagi sa
klase.)

Pag-sinabi nating layuning Politikal ng Katipunan ano ang napapaloob dito?

Sa inyo bang palagay kung hihiwalay tayo sa panahon ng pananakop ng Espanyol kakayanin ba ng
Pilipinas na pamahalaan ang sarili nating bansa?

Tama,kailangan pumili ng pinuno na kayang mag pasya para sa muling ikakaunlad ng Pilipinas.

Anu naman ang napapaloob sa layunin ng katipunan sa usapang Moral?

Mahusay, bakit kailangang mapanatili at taglayin nating mga Pilipino ang mga kagandahang asal na
meroon tayo?

Tama, Ano ba mga halimbawa ng mga kabutihang asal na dapat nating mapanatili?

Magaling, at bilang isang kabataang Pilipino dapat nating mapanatili ang mga kabutihang asal na ito para
narin sa pag-unlad ng ating pag-katao.
Bilang huling layunin ng katipunan ano ang napapaloob sa usaping pang-sibiko?

Mahusay, umiikot ang pansibikang layunin sa prinsipyo ng pagtulong sa sarili at pagtatanggol sa


mahihirap at inaapi.

Kayo bilang kabataan sa makabagong henerasyon paano n’yo pinapakita ang layuning pang sibika ng
Katipunan sa panahon natin?

Tama, hindi lang sa panahon ng katipunan nagamit ang mga layunin na nabanggit nanatili ito sa ating
pag-katao at dala ng bawat Pilipino na nag mamahal sa sariling bansa.

Anu ang tulong na maibibigay ng mga layuning ito sa mga Katipunero?

Tama, at ang bawat kasapi ng katipunan ay nahahati sa tatlong antas. Ano ang pinakamababang antas
ng kasapi ng katipunan?

Tama, may tatsulok na gawa sa putting laso ang talukbong na naglalaman ng mga titik na Z.LI.B.

Ano ang kahulugan ng mga titik na ito na nag sisilbing hudyat o password ng Katipon?

Mahusay, at tinatawag naman nating kawal ang ikalawang antas ng kasapi ng katipunan.

Ano naman ang kanilang pagkakakilalan na naiba sa katipon?


Magaling, na ayon sa lumang tagalog katabi ng titik K ang isang Krus na espada at watawat na nag
hudyat nila o password ay GOMBURZA.

Ano naman ang tawag sa pinakamataas na antas ng kasapi ng Katipunan at anu ang kanilang
pagkakakilanlan?

Tama, kung mapapansin natin may kanya kanya silang pagkakakilalan at upang makilala ng isang kasapi
ang iba pa nagkakaroon ng senyas ang samahan: ilalagay ng isang kasapi ang kanyang kanang palad sa
kanyang dibdib kapag makakasalubong ang isa pa at mapapatuloy siya sa paglalakad kapag nakalampas
na.

Ano naman ang proseso ng kasapi para maabot ang pagiging Bayani?

Naging kasapi rin ng katipunan ang asawa at mga anak at kapatid ng mga katipunero kinilala ng samahan
ang mahalagang gampanin ng kababaihan sa himagsikan.

Ano ang mga mahahalagang tungkulin ang ginampanan nila sa katipunan?

Mahalaga ang bawat kasapi ng katipunan sila ang bumubuhay at tumutupad ng mga mahahalagang
layunin at adhikain ng katipunan, iisa lang ang kanilang mga layunin ang maka laya sa mapaniil na
pananakop ng mga Espanyol at mapamalaan ang sariling bansa.

Kunin ang inyong kwaderno at sagutin ito.


“Kung ikaw ay magiging magiting na miyembro ng Katipunan, anu-anong mga layunin ang nais mong
ipatupad?”

Bago tayo magtapos pakinggan niyo muna ang awit na ito.

“Bayan Ko” By: Fredie Aguilar

Iisa lang ang mithiin ng mga mamayang Pilipino ang lumaya sa pagkakasakal at pagkakatali natin sa mga
Espanyol. Tulad ng isang ibon gusto din natin makalaya at malalipad ng may laya sa sariling bayan at
mayroong pantay-pantay na karapatan.

Okay isulat ang inyong takdang aralin.

Sagutin ang mga sumusunod na tanong:

1. Paano natuklasan ng mga Kastila ang Katipunan?

2. Ano ang mga pangyayaring naganap sa Biak na Bato?

3. Saan idineklara ang Kalayaan ng Pilipinas?

Paalam class

You might also like