You are on page 1of 2

I.

Kaligiran ng Sistemang Integyumentaryo


A. Mga Bahagi ng Balat
1. Epidermis
2. Dermis
3. Hypodermis

Bagamat, mailalarawan mo ang salitang organ sa puso, utak at iba pa, isa sa mga
bahaging ito ay ang balat. Sa katunayan, ang balat ang pinakamalaking organ ng ating
katawan at ito rin ang sistemang pinakamakikita sa lahat kung ikukumpara sa iba pang
mga sistema. Sa paksang ito, malalaman mo ang mga bumubuo sa balat at kung paano
ito tumutugon sa mga pinsala at mga sakit na nakaaapekto rito.

Bilang pinakamalaking bahagi ng katawan, ito ay umaabot sa halos labing-limang


porsyento (15%) ng bigat ng ating katawan. Binubuo ito ng dalawang pangunahing
bahagi na tinatawag na epidermis at dermis. Ang epidermis ay ang bahagi na makikita
sa pinakalabas ng ating katawan. Ang sumunod naman sa bahaging ito ay ang dermis.
Ito ay mas malalim sa epidermis na makikita sa loob ng ating balat. Dito makikita ang
mga mahahalagang parte ng balat tulad ng ugat na siyang dahilan kung bakit tayo
nakararamdam ng mga bagay sa ating paligid.

Dagdag pa sa mga bahaging ito ay ang hypodermis. Ang bahaging ito ay hindi
man maituturing na tunay na parte ng balat ngunit, ito ay mahalaga sapagkat ito ang
nagdurugtong ng ating balat sa ating buong katawan.Ito rin ay bahaging malambot na
nagsisilbing proteksyon laban sa mga bagay na maaaring tumama sa ating balat
sapamamagitan ng pagpapahina ng epekto nito sa ating balat.

Kahalagahan at Gamit ng Balat

1. Proteksiyon Laban sa Mikrobyo


2. Produksiyon ng Bitamina D
3. Regulasyon ng Temperatura sa Katawan
4. Pakiramdam
5. Retensiyon ng Tubig

Maliban sa mga bahaging ito, may mga mahahalagang tungkulin ding


ginagampanan ang balat sa ating katawan. Ang mga tungkuling ito ay ang mga
sumusunod:

 Proteksyon laban sa mikrobyo


 Produksyon ng bitamina D
 Regulasyon ng temperatura sa katawan
 Pakiramdam
 Retensyon ng tubig

Ang balat ang pinakaunang depensa laban sa mga mikrobyong nagnanais


pumasok sa ating katawan. Lahat ng mga bagay na maaaring tumama sa ating balat ay
posibleng may mga dalang mikrobyo. Ngunit, sapamamagitan ng ating balat ay
nahihirapan ang mga mikrobyong ito na makapasok sa ating katawan. Bago ito
makapasok ay dadaan muna ito sa mga cornified stratum corneum (mga naipong patay
na bahagi ng balat) na makikita sa ating epidermis.

Hindi lamang proteksyon sa laban sa mikrobyo ang tungkulin ng balat. Isa rin sa
mga tungkulin nito ay ang paggawa ng bitamina D na maaaring makuha sa sikat ng araw.
Kapag ito ay tumama sa balat, aayusin ito ng atay at bato sa ating katawan upang maging
bitamina D. Ang bitamina D ay mahalaga sapagkat para ito sa pagsipsip ng nutrisyon,
partikular ng calcium, sa mga pagkain papunta sa pagdaloy ng dugo. Ang calcium ay
mahalaga sa pagpapatibay at pagsasaaayos ng buto sa katawan.

Isa rin sa mga tungkulin ng balat ay ang pagwawasto ng temperatura sa katawan.


Kapag ang ating balat ay nakaramdam ng init, maaari itong maglabas ng pawis na
nakatutulong upang mapalamig ang pakiramdam ng katawan ng tao.

Bukod pa rito, ang isa rin sa mga mahahalagang tungkulin ng balat ay ang kakayahan
nitong makaramdam. Ang ating balat ay binubuo ng mga ugat na nagbibigay ng
senyales sa ating utak para maramdaman ang mga bagay na nasa paligid.

Kabilang rin sa mga tungkulin ng balat ang kakayahang magpanatili ng tubig sa labas
ng ating katawan. Ang ating katawan ay binubuo ng milyon-milyong selula at kapag ang
mga selulang ito ay nalubog dahil sa dami ng tubig ay maaari itong mamaga. Pero dahil
sa ating balat, partikular na sa epidermis, nabibigyan nito ng proteksyon ang mga selula
laban sa mga tubig na tatama sa ating katawan.

A. Impeksyon na dulot ng Parasitiko


1. Kurikong (Scabies)

Ang Kurikong o Scabies ay isang impeksiyon na dulot ng mga parasitikong


tungaw. Ito ay nagdudulot ng maliliit na pulang bukol sa balat na dalubhasang
nangangati. Ang pagpapantal-pantal at ang pangangati ay dulot ng paghuhukay
ng tungaw sa balat, at ito’y nangingitlog na nagdudulot ng allergic reaction. Ang
Kurikong o Scabies ay isang nakakahawang sakit na maaaring kumalat sa
pamamagitan ng direktang o hindi direktang pakikipagugnayan.
Pangkasalukuyang ointment ay puwedeng mailagay sa balat upang mapatay ang
mga tungaw na nagdudulot ng impeksyon.

You might also like