You are on page 1of 4

Ang Pagbabalangkas

glory ann molina Filipino 2


Ang balangkas ay isang naksulat na plano ng mahahalagang bahagi ng isang sulatin na
nakaayos ayon sa pagkakasunod-sunod ng mga ito. Mahalagang bahagi lamang ang
nakapaloob dito upang magsilbing patnubay sa gagamitin ukol sa magiging nilalaman ng
isang sulatin.
Mahalaga ang paggawa ng balangkas sa paghahanda ng ulat o anumang sulatin katulad ng
pag-uulat, pananaliksik, at pagsasaayos ng mga impormasyon. Matapos makuha ang mga
impormasyong kailangan sa iyong ulat ang susunod mong iisipini ay kung alin sa maraming
impormasyon mong nakuha ang iyong isasama sa ulat. Sa bahaging ito, mahalaga ang
paghahanda ng isang balangkas.

Mga Uri ng Balangkas

Pamaksang Balangkas (topic outline)

Ito ay binubuo ng salita o parirala lamang dahil matipid ito sa pananalita o pahayag.
Madalas ginagamitan ito ng mga pangngalang-diwa (gumagamit ng panlaping makangalan
na pag.

Pangungusap na Balangkas (sentence outline)

Ito ay binubuo ng mga buong pangungusap na naglalaman ng pangunahing ideya at


maynor na ideya.

Patalatang Balangkas (paragraph outline)

Ito ay binubuo ng mga pangungusap na naglalahad ng nilalaman ng buong mga talata ng


sulatin.

Mga Dapat Isaalang-alang sa Paggawa ng Balangkas

 Basahin muna nang pahapyaw ang isang tekto bago magtala ng mga paksa o detalye.
 Suriin ang pagkakaayos ng mga ideya sa binasang teksto. Ito ba ay nasa ayos na
kronolohikal, mula sa simple patungo sa kumplikadong mga ideya, sanhi at bunga,
malawak na paksa patungo sa mga tiyak na ideya, mga tiyak na ideya patungo sa malawak
na paksa o lohikal na ayos at iba pa.
 Pag-aralan kung ano-ano ang mahahalaga o pangunahing ideya at ang mga pantulong na
ideya.
 Tiyakin kung anong uri ng balangkas ang angkop na gamitin sa paksa.
 Sundin ang halimbawa ng pormat ng balangkas na nakalarawan sa teksto.
 Gumamit ng wastong bantas.
 Tandaan na ang balangkas ay maaaring baguhin o palitan kung kinakailangan.

Mga Tuntunin sa Pagsulat ng Balangkas

1. Piliin ang mga pangunahing paksa. Gamitin ang bilang Romano tulad ng I, II, III, o IV.
Ayusin ang mga bilang nang magkakapantay.
2. Isulat ang maliliit na paksa tungkol sa pangunahing paksa. Gamitin ang malalaking titik
tulad ng A, B, C, o D. Lagyan ng tuldok ang malaking titik at isulat nang may kaunting pasok
ang maliit na paksa.
3. Para sa mga detalye ng bawat maliit na paksa, gamitin ang mga bilang na 1,2,3,4 at iba
pa.
4. Gamitin ang malaking titik sa simula ng pangunahing paksa, maliliit na paksa at mga
detalye.

Mga Pormat sa Pagbabalangkas


Pagbabalangkas
Ang pagbabalangkas ay maayos na pagtatala ng mga pangunahing kaisipan o
paksa ayon sa pagkakasunud-sunod sa isang katha o seleksyon.

ANYO NG BALANGKAS

Papaksa – isinusulat ito sa anyong parirala


Pangungusap – isinusulat sa buong pangungusap

PARAAN SA PAGGAWA

1. Hanapin o alamin ang pangunahing diwa ng buong seleksyon.


2. Isulat ito bilang pinakapamagat ng balangkas
3. Isulat ang pangunahing diwa ng bawat talata na bumubuo sa
seleksyon.
4. Gamitin ang roman numerals (I, II, III…) sa pagsulat ng pangunahing
diwa o paksa.
5. Gamitin ang malaking letra sa pagsulat ng unang salita at lahat ng
mahahalagang salita ng bawat pangunahing diwa.
6. Maglagay ng tuldok pagkatapos ng roman numerals at malaking letra.
7. Isulat nang may pasok sa ilalim (indention) ng pangunahing diwa ang
mga kaugnay na paksa.
8. Gamitin ang malaking letra (A, B, C…) sa bawat kaugnay na paksa
(sub topic).
9. Gamitin ang arabic numerals (1, 2, 3…) sa unahan ng mga detalye na
sumusuporta sa kaugnay na paksa.
10.Isulat ito nang may pasok sa ilalim ng kaugnay na paksa. Simulan
ito sa malaking letra.

You might also like