You are on page 1of 16

Ang balangkas ay isang nakasulat na plano ng

mahahalagang bahagi ng isang sulatin na


nakaayos ayon sa pagkakasunod-sunod ng
mga ito. Mahalagang bahagi lamang ang
nakapaloob dito upang magsilbing patnubay
sa gagamitin ukol sa magiging nilalaman ng
isang sulatin.
Mahalaga ang paggawa ng balangkas sa
paghahanda ng ulat o anumang sulatin
katulad ng pag-uulat, pananaliksik, at
pagsasaayos ng mga impormasyon. Matapos
makuha ang mga impormasyong kailangan
sa iyong ulat ang susunod mong iisipini ay
kung alin sa maraming impormasyon mong
nakuha ang iyong isasama sa ulat. Sa
bahaging ito, mahalaga ang paghahanda ng
isang balangkas.
 Pamaksang Balangkas (topic outline)

Ito ay binubuo ng salita o parirala lamang


dahil matipid ito sa pananalita o pahayag.
Madalas ginagamitan ito ng mga
pangngalang-diwa (gumagamit ng panlaping
makangalan na pag).
 Pangungusap na Balangkas (sentence
outline)

Ito ay binubuo ng mga buong pangungusap na


naglalaman ng pangunahing ideya at maynor
na ideya.
 Patalatang Balangkas (paragraph outline)

Ito ay binubuo ng mga pangungusap na


naglalahad ng nilalaman ng buong mga talata
ng
sulatin.
1. Basahin muna nang pahapyaw ang isang tekto bago magtala ng mga paksa
o detalye.
2. Suriin ang pagkakaayos ng mga ideya sa binasang teksto. Ito ba ay nasa
ayos na kronolohikal,  mula sa simple patungo sa kumplikadong mga ideya,
sanhi at bunga, malawak na paksa patungo sa mga tiyak na ideya, mga
tiyak na ideya patungo sa malawak na paksa o lohikal na ayos at iba pa.
3. Pag-aralan kung ano-ano ang mahahalaga o pangunahing ideya at ang mga
pantulong na ideya.
4. Tiyakin kung anong uri ng balangkas ang angkop na gamitin sa paksa.
5. Sundin ang halimbawa ng pormat ng balangkas na nakalarawan sa teksto.
6. Gumamit ng wastong bantas.
7. Tandaan na ang balangkas ay maaaring baguhin o palitan kung
kinakailangan.
1. Piliin ang mga pangunahing paksa. Gamitin ang
bilang Romano tulad ng I, II, III, o IV. Ayusin ang mga
bilang nang magkakapantay.
2.  Isulat ang maliliit na paksa tungkol sa pangunahing
paksa. Gamitin ang malalaking titik tulad ng A, B, C, o
D. Lagyan ng tuldok ang malaking titik at isulat nang
may kaunting pasok ang maliit na paksa.
3.  Para sa mga detalye ng bawat maliit na paksa,
gamitin ang mga bilang na 1,2,3,4 at iba pa.
4.  Gamitin ang malaking titik sa simula ng pangunahing
paksa, maliliit na paksa at mga detalye.

You might also like