0% found this document useful (0 votes)
1K views2 pages

Ako Ay May Lobo Revised

Ang kuwento ay tungkol kay Jeric na nagtatrabaho sa palengke upang kumita ng pera. Tuwing kaarawan niya, binibili niya ang lobo na pinalilipad niya bilang pag-alala sa kanyang pamilya.

Uploaded by

Weyden
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd
0% found this document useful (0 votes)
1K views2 pages

Ako Ay May Lobo Revised

Ang kuwento ay tungkol kay Jeric na nagtatrabaho sa palengke upang kumita ng pera. Tuwing kaarawan niya, binibili niya ang lobo na pinalilipad niya bilang pag-alala sa kanyang pamilya.

Uploaded by

Weyden
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd

AKO AY MAY LOBO

WEYDEN O. RIÑA
MAUBAN, QUEZON

“Happy birthday, happy birthday, happy birthday sakin.”

Awit ni Jeric sa sarili habang humihikab at nag-uunat ng katawan


upang harapin ang panibagong umaga. Narinig ito ng mga kalawang sa paa
ng tulay na bakal, ng sementong pundasyon, ng mga bato sa ilog, at ng
alaga niyang tuta.

“Tara na Yabi, simulan na ulit nating magtrabaho.”

Wika niya sa alagang tuta kasabay ng akmang pagkarga rito.

“Wag ka munang malikot Yabi, aakyat na tayo.”

Pagkarating sa ibabaw ng tulay ay masaya niyang tinungo ang


palengke, suot ang operadong tsinelas, upang umekstra sa pagbubuhat sa
tindahan ni Aling Tina.

“Hoy Jeric! Tanghali ka na naman. Putangina mo! Magbuhat ka na.”

Sigaw ng payat na si Aling Tina na parang sumisipol na takure.


Agad namang nagsimulang magbuhat si Jeric habang nakasunod sa kanya
ang alagang tuta.

“Aling Tina, tapos na po.”

“Mamaya, may bumibili pa.”

“Aling Tina tapos na po ako”

“Mamaya, may inililista pa ako”

“Aling Tina?”

“Punyeta! Ang kulit mo!”

Dumukot si Aling Tina sa kanyang bulsa. Nilampasan ng kamay niya


ang mga papel at kinapa ang mga kumakalansing saka iniabot kay Jeric.

“Ito lang po?”

“Ilan ba ang nakikita mo? Bulag ka ba? Umalis ka na nga!”


“Sige po, salamat”

Muling kinarga ni Jeric si Yabi upang tumungo sa plaza. Masaya


siyang nakipaglaro kay Yabi, hindi iniisip ang pagod at ang pagtrato
sa kanya ni Aling Tina. Masaya silang naghabulan, hindi alintana ang
kumakalam na sikmura.

“Saglit lang Yabi, tara dun sa nagtitinda ng lobo.”

Wika niya sa alaga habang nakangiti at humihingal sa pagod.

“Tsong, magkano po ang isa?”

“Tatlong piso lang utoy.”

“Pabili nga po.”

Tuwang-tuwa na inabot ni Jeric ang lobo mula sa tindero. Ilang


sandali pa ay pinakawalan niya ang tali ng lobo na tila may binubulong
habang ito ay umaangat papunta sa alapaap.

“Utoy bakit mo binitawan? Pinalipad mo lang yung tatlong piso mo. Sana
ay pagkain na lamang binili mo.”

“Tsong, hindi rin naman po kasya na pambili ng ikabubusog ko ang dala


kong pera. Kaya nga po lobo na lang ang binili ko.”

“Bakit mo naman hinayaang lumipad yung lobo mo utoy?”

“Tatlong taon ko na po itong ginagawa tuwing kaarawan ko, gusto ko


lang pong ipaalala sa aking pamilya na buhay pa ako at sana’y hanapin
pa po nila ako dito, kung saan ko noon nabitawan ang lobo.”

Ako ay may lobo


Pinalipad ko sa langit
Hindi ko na makita
Malayo na pala
Nawa’y hindi masayang ang pera
Na ibinili ng lobo
Ate, kuya, mama, papa
Hanapin nyo pa sana ako

You might also like