You are on page 1of 3

ANG PIPIT : DULANG MAY ISANG YUGTO

Paano mo nga ba tatakasan ang isang bangungot kung ito aynagaganap habang ikaw ay gising?
Kailan matatapos ang isangmasamang panaginip kung ang mga halimaw na tinatakasan mo ayhindi
nawawala sa paglipas ng gabi at dilim?

Mahigit anim na taon nang palipat-lipat ng tirahan ang pamilya ni Eriksimula nang masangkot sa
pagdukot at pagpatay ng isang batanglalaki ang kanyang ama. Habang ang kaniyang ama ay patuloy
nanagtatago at tinutugis ng batas, siya at ang inang si Imelda, magingang siyam na taong na gulang
na kapatid na si Andrea, ay nagtatagorin, hindi sa batas, kundi sa pamilya ng biktimang sila
angpinagbubuntunan ng galit.

Ilang araw bago siya magtapos ng sekondarya, muli silangmahahanapan ng mga magulang ng
biktima, at muli na namangmagsisimula ang bangungot na pilit nilang tinatakasan.

Ang dulang, Ang Pipit! ay isang pagsilip, hindi sa buhay ng biktima ngisang krimen, kundi sa buhay
ng pamilya ng suspek na wala mangkasalanan ay hinuhusgahan at sinisisi pa rin ng lipunang
atingginagalawan. Isa itong pagtatanong sa kasalukuyang estado nanglipunan kung saan, hindi
lamang ang suspek sa isang krimen angnaikukulong kundi maging ang kanyang pamilyang walang
kinalamanngunit pilit sinisingil at ibinabaon.

MGA TAUHAN

ERIK- labing apat na taong gulang,nasa huling taon ng sekondarya

ANDREA- syang na taong gulang,kapatid ni Erik.hindi nag aaral

IMELDA- tatlumpu`t pito,nanay ni Erik, guro sa isang publikong paaralan

MR. CORPUZ- apat napu`t syam, tatay ng biktima ; isang negosyante

MRS. CORPUZ- apat napu`t lima, nanay ng biktima ; isang negosyante


Papasok si Erik sa loob ng kanilang inuupahang apartment, naksuot nguniporme ng eskwelahang
pinapasukan.Madadatnan ang kapatid na si Andrea na nakatunghay sa labas ngbahay, may yakap-
yakap na lumang teddy bear, habang abala naman sa paglalagay ng gamit sa loob ng karton ang
kanyang ina na si Imelda.

Nagkalat ang iba pa nilang mga gamit sa sala, maging ang ilang karton at bag , ang iba pang may mga
laman samantalang ang iba ay naghihintay lamang ng ilalagay doon

Hawak ni Erik ang programa para sa kanyang nalalapit na pag tataposng High School. Lalamukusin
nya iyon at bibitawan bago magsimulang tumulong sa pag aayos, hindi nag sasalita .

Mapapatingin lamang si Imelda doon saka iiwas ng tingin.

IMELDA: magbihis ka muna anak…

ERIK: hindi napo kailangan…

Magsasalita pa sana si Imelda pero tutunog ang mumurahing cellphone na nasa lamesa. Agad na
kukunin iyon ni Imelda at magmamadaling lumabas. Susundan lamang ni Erik nang tingin ang ina.
Mababakas ang galit sa mukha nito.

Magsisimula na kumanta si Andrea sa may bintana kaya`t mapapalingon ditto si erik.

ANDREA: (KUMAKANTA) may pumukol sa sang ng isang kahoy, at nahagip ng bato ang pakpak ng
munting ibon..

ERIK: nailabas mo na ba lahat ng gamit mo?

ANDREA: oo, kuya

ERIK: yung mga laruan mo? Nailabas mo na lahat?

Mapapatingin sa teddy bear si Andrea

ANDREA: hindi ko pwedeng dalhin lahat kuya sabi ni nanay

Mapapatigil si Erik sa ginagawa at mapapatingin sa kapatid na may halong awa.


ERIK: bibili nalang tayo ulit..

ANDREA: talaga kuya? Pangako yan ha!

ERIK: oo namn,kalian ko ba hindi tinupad yung pangko ko sayo? Teka, yung mga damit mo? Naayos
mo na ba?

ANDREA: oo kuya, san ba tayo pupunta?

ERIK: sa malayong lugar..

ANDREA: malayong-malayo??

ERIK: oo

ANDREA: gaano kalayo?

ERIK: basta! malayong malayo

Matatahimik ng panandalian si Andrea ,panonoorin lamang ang kapatid na nag eempake

Mapapatingin si Andrea sa nilamukos na papel ni Erik at lalapit iyon at pupulutin.Susundn lamang ng


tingin ni Erik ang kapatid

Titignan ni Andrea ang nilamukos na papel sa kanyang kamay bago magsalita..

ANDREA: kuya?

ERIK: oh?

ANDREA: hindi na tayo maabot ng mga bato doon?

You might also like