You are on page 1of 40

Apat na Haligi para sa Isang

Disente at Marangal na
Paggawa (DOLE, 2016)
Employment Pillar Tiyakin
ang paglikha ng mga
sustenableng trabahomalaya
at pantay na oportunidad sa
paggawa, at maayos na
workplace para sa mga
manggawa Worker’s Rights
Pillar Naglalayong palakasin
at siguruhin ang paglikha ng
mga batas para sa paggawa
at matapat na pagpapatupad
ng mga karapatan ng mga
manggagawa. Social
Protection Pillar Hikayatin
ang mga kompanya,
pamahalaan, at mga sangkot
sa paggawa na lumikha ng
mga mekanismo para sa
proteksyon ng manggagawa,
katanggap-tanggap na
pasahod, at oportunidad.
Social Dialogue Pillar
Palakasin ang laging bukas na
pagpupulong sa pagitan ng
pamahalaan, mga
manggagawa, at kompanya
sa pamamagitan ng paglikha
ng mga collective bargaining
unit. Kalagayan ng mga
Manggagawa sa iba’t ibang
Sektor
A.Sektor ng Agrikultura
Lubusang naaapektuhan ang
mga lokal na magsasaka dahil
sa mas murang naibebenta
ang mga dayuhang produkto
sa bansa. Mas maraming
insentibo angnaipagkakaloob
sa mga dayuhang kompanya
na nagluluwas ng kanilang
parehong produkto sa bansa.
Sa kabilang banda, may mga
lokal na high class product na
saging, mangga at iba pa na
itinatanim sa atin na
nakalaan lamang para sa
ibang bansa. Ang pagpasok
ng bansa at ng mga nakalipas
na administrasyon sa mga
usapin at kasunduan sa
GATT, WTO, IMF-WB, at iba
pang pandaigdigang
institusyong pinansyal ay
lalong nagpalumpo sa mga
lokal na magsasaka bunsod
ng pagpasok ng mga lokal na
produkto na naibebenta sa
lokal na pamilihan ng mas
mura kumpara sa mga lokal
na produktong agricultural.
Isa sa mga suliranin na
kinakaharap ng mga lokal na
magsasaka ay ang
kakulangan para sa mga
patubig, suporta ng
pamahalaan sa pagbibigay na
ayuda lalo na kapag may mga
nananalasang sakuna sa
bansa tulad ng pagbagyo,
tagtuyot, at iba pa. Bunsod
ng globalisasyon ang
pamahalaan ay nagbigay
pahintulot sa pagkonbert ng
mga lupang sakahan upang
patayuan ng mgasubdibisyon
malls, at iba pang gusaling
pangkomersiyo para sa mga
pabrika, pagawaan, at
bagsakan ng mga produkto
mula sa TNCs. B. Sektor ng
Industriya Katulad ng mga
imposisyon ng IMF-WB
bilang isa sa mga kondisyon
ng pagpapautang nila sa
bansa. Pagbubukas ng
pamilihan ng bansa, import
liberalizations, tax incentives
sa mga TNCs,
deregularisasyon sa mga
polisiya ng estado, at
pagsasapribado ng mga
pampublikong serbisyo.Isa sa
mga halimbawa ng industriya
na naapektuhan ng
globalisasyon ay ang
malayang pagpapasok ng
mga kompanya at
mamumuhunan sa industriya
ng konstruksiyon,
telecommunikasyon,
Kaakibat nito ang iba’t ibang
anyo ng pang-aabuso sa
karapatan ng mga
manggagawa tulad ng
mahabang oras ng pagpasok
sa trabaho, mababang
pasahod, hindi pantay na
oportunidad sa pagpili ng
mga empleyado, kawalan ng
sapat na seguridad para sa
mga manggagawa tulad sa
mga minahan, konstruksiyon,
at planta na nagpoprodyus
ng lakas elekrisidad na kung
saan may mga manggagawa
na naaaksidente o nasasawi.
C. Sektor ng SerbisyoSaklaw
ng sektor na ito ang sektor
ng pananalapi, komersiyo,
insurance, kalakalang
pakyawan at pagtitingi,
transportasyon, pag-iimbak,
komunikasyon, libangan,
medikal, turismo, business
processing outsourcing
(BPO), at edukasyon. kung
binubuksan ng malaya ang
kalakalan ng bansa sa mga
dayuhang kompanya o TNCs
kaya’t sa pagpasok ng mga
produkto at serbisyo mulasa
TNCs nalilimitahan ang bilang
na kalakal at serbisyo na
gawa ng mga Pilipino sa
pandaigdigan kalakalan
Bunga ng isinagawang
patataya ng APEC (2016) ay
kinikilala ang Pilipinas bilang
isa sa “emerging and
developing countries” sa
Asya dahil sa pagyabong ng
sektor ng serbisyo. Isa sa
kinikilalang sanhi nito ay ang
mababang pasahod sa mga
manggagawang Pilipino,
malayang patakaran ng mga
mamumuhunan, tax
incentives. Ngunit kaakibat
nito ang samu’t saring
suliranin tulad ng over-
worked, mga sakit na
nakukuha mula sa trabaho
lalo na sa hanay ng mga mga
manggagawa sa BPO dahil na
rin sa hindi normal na oras
ng pagtatrabaho. Ang
iskemang subcontracting ay
tumutukoy sa kaayusan sa
paggawa kung saan ang
kompanya (principal) ay
komukontrata ng isang
ahensiya o indibidwal na
subcontractor upang gawin
ang isang trabaho o serbisyo
sa isang takdang panahon.
May dalawang umiiral na
anyo ng subcontracting ito ay
ang: Labor-only Contracting
na kung saan ang
subcontractor ay walang
sapat na puhunan upang
gawin ang trabaho o serbisyo
at ang pinasok niyang
manggagawa ay may
direktang kinalaman sa mga
gawain ng kompaya.2. Ang
job-contracting naman ang
subcontrator ay may sapat
na puhunan para maisagawa
ang trabaho at mga gawain
ng mga manggagawang
ipinasok ng subcontractor.
Wala silang direktang
kinalaman sa mga gawain ng
kompanya. Hindi
pinapayagan sa batas ang
job-contracting dahil
naaapektuhan nito ang
seguridad ng mga
manggagawa sa trabaho.
Unemployment and
Underemploymentay ang
paglaki ng bilang ng mga job-
mismatch dahil sa hindi
nakakasabay ang mga college
graduate sa demand na
kasanayan at kakayahan na
entry requirement ng mga
kompanya sa bansa.
Ipinapahiwatig nito na
maraming kurso sa mga
Higher Education Institutions
(HEIs) at mga kolehiyo sa
bansa ang hindi na tumutu-
gon sa pangangailangan ng
mga pribadong kompanya na
nagtatakda ng mga
pamantayan sa pagpili ng
mga manggagawa. Dagdag
pa sa ulat ng DOLE (2016),
aabotsa 275 na iba’t ibang
trabaho ang kinilala ng
kanilang kagawaran na hard
to fill o mga trabaho na
mahirap punan mula sa mga
major at emerging industries.
Halimbawa ng mga nito ay
ang 2-D digital animator,
agricultural designer, clean-
up artist, cosmetic dentist,
cosmetic surgeon, cuisine
chef, multi-lingual tour
guide, at mechatronics
engineer. ang pinakamalaki
bahaghan ng mga
manggagawa na sinasabing
vulnerable ay nasa sektor ng
agrikultura. Samantala, ang
isang malaking bahagi pang
Self employed without any
paid employee ang
tumutukoy sa trabahong
para-paraan o sa sinasabing
vulnerable employment

You might also like