gusali, daanan at pasilidad na ginagawa ng Pamahalaan na gamit ang pondong ating ibinabayad sa ating mga buwis. Programang Pang-imprastraktura Ang imprastraktura ay tumutukoy sa mga estrukturang mahalaga sa pag-unlad ng bansa tulad ng mga kalsada, tulay, riles ng tren, paliparan at daungan ng mga barko. May ilang mahahalagang programang pang- imprastraktura na kasalukuyang pinauunlad ng pamahalaan tulad ng pagsasaayos ng mga kalsada, pagpapalit ng mga bagong tren, pagbubuo ng mga daluyan ng tubig at marami pang iba. Nangunguna ngayon sa mga proyektong pang- imprastraktura sa buong bansa na itinayo ay ang mga sumusunod: sistemang roll-on/roll-off (RORO) sa mga pangunahing pantalan, ang Light Rail Transit Line 2 (LRT 2) at ang Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 (NAIA 3)