You are on page 1of 6

Learning Area Araling Panlipunan Grade Level 4

W7 Quarter 3 Date

I. LESSON TITLE Mga Programa ng Pamahalaan tungkol sa mga imprastraktura


II. MOST ESSENTIAL LEARNING Nasusuri ang mga programa ng pamahalaan tungkol sa pang-imprastraktura
COMPETENCIES (MELCs)
III. CONTENT/CORE CONTENT Naiisa-isa ang mga programa ng pamahalaan tungkol sa pang-imprastraktura
Suggested
IV. LEARNING PHASES Timeframe
Learning Activities
A. Introduction Sa araling ito ay iyong matututunan ang mga programa ng pamahalaan
Panimula tungkol sa pang-imprastraktura.
Kaya bilang mag-aaral inaasahang:
1. Naipapaliwanag ang kahulugan ng imprastraktura
2. Nakapagbibigay ng halimbawa ng mga programang pang-
imprastraktura ng pamahalaan
3. Nasusuri ang mga programa ng pamahalaan tungkol sa pang-
imprastraktura
4. Napahahalagahan ng mga programang pang-imprastraktura ng
pamahalaan

Maaari mong basahin ang teksto kalakip ng LeaP na ibinigay ng guro.


Maaari mo ring mabasa ito sa Araling Panlipunan Kagamitan ng Mag-aaral
Ikaapat na Baitang pahina 298-303 Unang Edisyon 2015.

Mga Programang Pang-imprastraktura


Ang pagpapaunlad ng imprastraktura ay kabilang sa mga
nangungunang prayoridad ng pamahalaan upang mapanatili ang paglago
ng ekonomiya, makabuo ng mga bagong trabaho at mapabuti ang kalidad
ng buhay ng mga mamamayan sa bansa.
Ang imprastraktura ay tumutukoy sa mga pangunahing sistema at serbisyo
na kailangan ng isang bansa o organisasyon upang mapatakbo nang
maayos. Para sa isang buong bansa, kasama dito ang lahat ng mga
sistemang pisikal tulad ng mga network ng kalsada at riles, mga gusali, mga
linya ng telepono, kuryente at tubig, mga cell tower, mga air control
tower, tulay, tunnel, daungan, paliparan, at iba pa, kasama ang mga
serbisyo kabilang ang pagpapatupad ng batas, pangangalaga ng
kalusugan, edukasyon, at iba pa. Ang Kagawaran ng Pagawaing Pambayan
at Lansangan o Department of Public Works and Highways (DPWH)
ay ang pangunahing ahensiya ng pamahalaan na responsable sa
pagpapatayo at pagpapanatili ng mga imprastraktura. Ang Public-Private
Partnership (PPP) ay isang kasunduang kontraktwal sa pagitan ng
pamahalaan at isang pribadong kompanya na nakatutok sa
pamumunuhan, pagpaplano, pagpapatupad at pagpapatakbo ng mga
pasilidad sa imprastraktura at serbisyo. Ilan sa mga halimbawa ng mga
proyekto sa ilalim ng PPP ay ang North Luzon Expressway (NLEX)at South
Luzon Expressway (SLEX). Ang NLEX ay isang walumput-apat (84) na
kilometrong expressway na nagkokonekta sa Metro Manila sa mga
probinsiya ng Gitnang Luzon. Habang ang SLEX naman ay limamput-isang
(51) kilometrong expressway na nagkokonekta sa Metro Manila sa mga
probinsiya ng Rehiyon 4-
A o CALABARZON.
Ang Kagawaran ng Edukasyon o Department of Education (DepEd) ay may
programang tinatawag na School Building Program. Ang programang ito ay
may layunin na pabutihin at panatilihin ang mga pasilidad sa paaralan. Saklaw
nito ang pagpaptayo, pagkukumpuni at pagpapanatili ng mga pasilidad sa
paaralan. Maraming bata ang nakakapag-aral dahil halos lahat ng
barangay ay may paaralan.
Ang Kagawaran ng Transportasyon o Department of Transportation (DoTr)
ay may tungkuling mangalaga at magpalawak ng maaasahang sistema
ng
Suggested
IV. LEARNING PHASES Timeframe
Learning Activities
transportasyon sa bansa. Isa sa mga proyektong kasalukuyang isinasagawa
sa ilalim DOTr ay ang Light Rail Transit (LRT) 2 East Extension, na
nagdaragdad ng apat (4) na kilometro ng bagong linya mula sa istasiyon sa
Santolan hanggang sa Masinag sa Antipolo. Ang mga proyektong ito ay
inilunsad upang matugunan ang pangangailang pang-transportasyon ng
bansa. Isa pa rin sa labis na pinagtutuunan ng pansin ng pamahalaan ay
ang pagpapatayo at pagpapaayos ng mga paliparan at mga daungan. Ang
mga paliparan at daungan ay makatutulong sa mabilis na paglalakbay at
paghahatid ng mga tao at kalakal. Halimbawa na dito ang Iloilo
Commercial Port Complex at ang Mactan-Cebu International Airport.
Sinimulan din ng Pasig River Rehabilitation Commission ang rehabilitasiyon
at pagpapaunlad ng Ilog Pasig at mga kaakibat nitong mga estero.
Pinangangasiwaan naman ng Department of Information and
Communications Technology (DICT) ang paggamit ng mga makabagong
teknolohiya upang mapabilis ang komunikasyon ng mga tao. Nilalayon ng
National Broadband Plan na mapabilis ang paglawak ng paggamit ng fiber
optics cables at wireless na teknolohiya upang mapagbuti ang bilis ng internet.
Ang Kagawaran ng Agrikultura o Department of Agriculture (DA) at Kagawaran
ng Repormang Pansakahan o Department of Agrarian Reform (DAR) ay
responsable sa pagtatayo ng farm-to-market roads, post-harvest facilities, at
mga pasilidad na patubig o irrigation. Ang mga proyektong ito ay isang
mahalagang sangkalp sa pagpapabuti ng produksiyon at pagpapanatili ng
sektor ng agrikultura sa bansa.
Sa mga proyektong pang-imprastraktura ng pamahalaan na ipinatupad
at ipatutupad pa, inaasahan na pasisiglahin nito ang mga gawain sa
maraming lungsod at lalawigan. Ang mga trabahong lilikhain ay
makatutulong sa pagpapaangat ng kalidad ng pamumuhay ng mga Pilipino.

Mga Sanggunian:
Adriano, MC, Caampued, M, et. al. (2015). Araling Panlipunan – Ikaapat
na Baitang Kagamitang ng Mag-aaral. (Unang Edisyon), 258, 273-303.
Adriano, MC, Caampued, M, et. al. (2015). Araling Panlipunan – Ikaapat
na Baitang Patnubay ng Guro. (Unang Edisyon), 125-134, 141.
National Economic and Development Authority. (2017). Chapter 19:
Accelerating Infrastructure Development. Philippine Development Plan 2017-
2022. 171-185. http://pdp.neda.gov.ph/wp-content/uploads/2017/01/19-04-07-
2017.pdf
Laiza Laureen. (January 16, 2021). Araling Panlipunan 4 Q3 W5
Programang Pang-ekonomiya at Pang-imprastraktura. Youtube.
https://m.youtube.com/watch?v=llN993tILaw .
Market Business News. (2021 February 23). What is Infrastructure?. Definition
and Examples. https://www.marketbusinessnews.com/financial-
glossary/infrastructure-definition-means/

Mga Tanong:
1. Ano ang kahulugan ng imprastraktura? Ipaliwanag.
2. Ano-ano ang programang pang-imprastraktura ng pamahalaan?
3. Sa palagay mo nakatutulong ba ito sa pamumuhay ng mga
Pilipino? Paano?
4. Ano ang kaugnayan ng imprastraktura sa pag-unlad ng bansa?
5. Mahalaga ba ang mga programang pang-imprastraktura ng
pamahalaan? Bakit?
Suggested
IV. LEARNING PHASES Timeframe
Learning Activities
B. Development Gawain sa Pagkatuto Bilang 1
Pagpapaunlad Panuto: Sagutin kung Tama o Mali ang mga sumusunod na pangungusap.
Isulat ang sagot sa malinis na papel.

1. Ang mga paliparan at daungan ay ginagamit upang


mabilis na makapaglakbay at makapaghatid ng mga
kalakal sa iba’t ibang panig ng mundo.
2. Maraming bata ang nakapag-aaral dahil halos
lahat ng barangay ay may paaralan.
3. Sa paggamit ng makabagong teknolohiya
napapabilis ang komunikasyon sa buong bansa.
4. Ang Department of Public Works and Highways ang
nangangasiwa sa mga pagawaing bayan at lansangan.
5. Hindi tinutugunan ng pamahalaan ang
mga pangangailangan ng mamamayan.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2
Panuto: Kopyahin ang dayagram. Isulat sa loob ng maliliit na bilog ang
mga kahalagahan ng mga programa ng pamahalaan tungkol sa pang-
imprastraktura.

Mga Programang
pang-
imprastraktura

C. Engagement Gawain sa Pagkatuto Bilang 3


Pakikipagpalih Panuto: Hanapin sa Hanay B ang inilalarawan sa Hanay A. Isulat ang letra ng
an tamang sagot sa isang malinis na papel.

Hanay A Hanay B
1. Department of Public a. Nangangasiwa ng paggamit ng
Works and Highways makabagong teknolohiya sa
komunikasiyon
2. Department of b. Tungkulin na magpatayo at
Agriculture magpalawak ng maaasahang
sistema ng transportasiyon
3. Department of c. Responsable sa pagkukumpuni
Transportation ng mga silid aralan at iba pang
pasilidad
4. Department of d. Responsable sa pagpapanatili
Education at pagsasaayos ng mga daan
e. Responsable sa pasilidad na
5. Department patubig, farm to market roads at
of Information and iba pa
Communications f. Nakatutok sa pamumunuhan,
Technology pagpaplano, pagpapatupad at
pagpapatakbo ng mga pasilidad
sa imprastraktura at serbisyo
Suggested
IV. LEARNING PHASES Timeframe
Learning Activities
Gawain sa Pagkatuto Bilang 4
Panuto: Kopyahin ang tsart. Punan ang bawat kolum ayon sa hinihinging
detalye. Sundin ang ibinigay na halimbawa.

Ahensiya ng Proyekto Paglilingkod


Pamahalaan
1. DoTr paliparan, daungan Mabilis na paglalakbay ng tao
at
paghahatid kalakal
2. DPWH
3. DICT
4. DepEd
5. PPP
Gawain sa Pagkatuto Bilang 5
Panuto: Sumulat ng sanaysay kung paano mo mapahahalagahan ang mga
proyekto ng pamahalaan para sa ating bansa. Gamitin ang rubrik sa ibaba
sa pagtataya ng natapos na gawain.

Nangangailanga
Napakahusay Mahusay Katamtaman n pa ng
Pamantayan
4 3 2 Kasanayan
1
Nilalaman Napakahusay ng Mahusay ang May kahusayan Maligoy ang
pagkabuo ng pagkabuo sa ang pagkakabuo talata. Nakalilito
talata. Malawak talata. Malinaw ng talata. Tiyak at hindi tiyak ang
at marami ang at tiyak ang ang mga mga
impormasyon at impormasyon at impormasyon at impormasyon.
elaborasyon. paliwanag. paliwanag.

Pagtalakay Masusi ang May ilang tiyak May Hindi natalakay


pagkatalakay ng na pagtalakay pagtatangkang ang paksa.
mga paksa. sa paksa. talakayin ang
paksa.
Organisasyon May mahusay na May Hindi gaanong Malabo ang
organisasyon at organisasyon malinaw ang organisasyon
pokus sa paksa. organisasyon. kung mayroon
man.
Paglalahad Angkop ang Karamihan sa Hindi gaanong Hindi gumamit
mga salita at mga salita at angkop ang mga ng tiyak na
pangungusap sa pangungusap ay salita at salitang angkop
paksa at angkop sa paksa pangungusap sa sa mga
mambabasa. at mambabasa. paksa at pangungusap,
mambabasa. paksa, at
mambabasa.
D. Assimilation Ngayon ay may nadagdag akong kaalaman tungkol sa mga programang
Paglalapat pang-imprastraktura ng pamahalaan. Tinutugunan ng pamahalaan sa
pamamagitan ng mga ahensiya o departamento nito ang mga
pangangailangan ng mga mamamayan gaya ng kalsada, paaralan, tulay,
sistema ng komunikasiyon at iba pa. Kaya bilang isang mag-aaral ay
pahahalagahan ko ang mga ito.

V. ASSESSMENT Gawain sa Pagkatuto Bilang 6


(Learning Activity Sheets for Panuto: Basahin ang mga tanong. Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat sa
Enrichment, Remediation or
Assessment to be given on
malinis na papel.
Weeks 3 and 6) 1. Ano ang pangunahing ahensiya ng pamahalaan na responsble sa
pagtatayo at pagpapanatili ng mga imprastraktura?
a. DepEd b. DPWH c. DoTr d. DA

2. Ito ang responsable sa pagtatayo ng farm-to-market roads, post-harvest


facilities at mga pasilidad na patubig o irrigation.
a. DICT b. DA at DAR c. DPWH d. DND
Suggested
IV. LEARNING PHASES Timeframe
Learning Activities
3. Ito ang proyekto ng pamahalaan na may walumput-apat
na kilometrong expressway na nagkokonekta sa Metro Manila at sa
mga probinsya ng Gitnang Luzon.
a. NLEX b. SLEX c. LRT 2 d. MRT 3

4. Pinangangasiwaan nito ang paggamit ng mga makabagong


teknolohiya upang mapabilis ang komunikasiyon ng mga tao.
a. PPP b. DoTr c. DICT d. DA

5. Layunin ng programang ito na pagbutihin at panatilihin ang mga


pasilidad ng paaralan.
a. School Building Program c. Public-Private Partnership
b. Commercial Port Complex d. National Broadband Plan

VI. REFLECTION Matapos mong mapagdaanan ang maraming pagsubok sa iyong kaalaman,
gawin ito upang maging ganap ang pagkatuto sa aralin.
Ang paksa ng aralin ay tungkol sa

Ang kahalagahan ng araling ito ay

Prepared by: Josephine V. Garcia Checked by:

Personal na Pagtatasa sa Lebel ng Performans para sa Mag-aaral


Pumili ng isa sa mga simbolo sa ibaba na kakatawan sa iyong naging karanasan sa pagsasagawa
ng mga gawain. Ilagay ito sa Hanay ng LP o Lebel ng Performans. Basahin ang deskripsiyon bilang
gabay sa iyong pagpili.

- Nagawa ko nang mahusay. Hindi ako nahirapan sa paggawa nito. Higit na nakatulong ang
gawain upang matutunan ko ang aralin.
- Nagawa ko nang maayos. Nahirapan ako nang bahagya sa pagsasagawa nito. Nakatulong
ang gawain upang matutunan ko ang aralin.
- Hindi ko nagawa o nahirapan ako nang labis sa pagsasagawa nito. Hindi ko naunawaan
ang hinihingi sa gawain. Kailangan ko pa ng paglilinaw o dagdag kaalaman upang
magawa ko ito nang maayos o mahusay.

Gawain sa LP Gawain sa LP Gawain sa LP


Pagkatuto Pagkatuto Pagkatuto
Bilang 1 Bilang 3 Bilang 5
Bilang 2 Bilang 4 Bilang 6

Susi sa Pagwawasto

Development (Pagpapaunlad)
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1
1. Tama
2. Tama
3. Tama
4. Tama
5. Mali
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2
1. mapanatili ang paglago ng ekonomiya,
2. makabuo ng mga bagong trabaho
3. mapabuti ang kalidad ng buhay ng mga mamamayan sa bansa.
4. makakatulong sa mabilis na paglalakbay at paghahatid ng mga tao at kalakal
5. matugunan ang pangangailang pang-transportasyon ng bansa
6. mapabuti ang produksiyon at mpanatili ng sektor ng agrikultura sa bansa

Engagement (Pakikipaglihan)
Gawain sa Pagkatuto Bilang 3
1. D
2. E
3. B
4. C
5. A

Gawain sa Pagkatuto Bilang 4


Ahensiya ng Proyekto Paglilingkod
Pamahalaan
1. DOTC paliparan, daungan mabilis na paglalakbay ng tao at
paghahatid kalakal
2. DPWH pagawaing bayan at lansangan mabilis na paglalakbay ng tao at
(national roads/highways, tulay paghahatid kalakal
at iba pa)
3. DICT paggamit ng mga mabilis na ugnayang
makabagong teknolohiya pangkomunikasyon ng mga
sa tao
komunikasyon
4. DEPED silid aralan, pasilidad sa mas maraming bata ang
paaralan nakapag- aral dahil halos lahat ng
barangay
ay nagkaroon ng ng paaralan
5. PPP Light Rail Transit (LRT) 2 at Metro natutugunan ang
Rail Transit (MRT) pangangailangan ng bansa sa
transportasyon

Assessment
Gawain sa Pagkatuto Bilang 6
1. B
2. B
3. A
4. C
5. A

You might also like