You are on page 1of 5

ARALING PANLIPUNAN IV

Week 7-3rd Quarter

Hope– 12:30-1:10 Charity – 2:10-2:50 Faith -3:00-3:40

14 March 2024 Huwebes

I. Layunin
Nasusuri ang mga programa ng pamahalaan tungkol sa :
iprastraktura

A. Pamantayang Pangnilalaman
Naipamamalas ang pang-unawa sa bahaging ginagampanan ng pamahalaan
sa lipunan, mga pinuno at iba pang naglilingkod sa pagkakaisa, kaayusan, at
kaunlaran ng bansa
B. Pamantayan sa Pagganap
Nakapagpapakita ng aktibong pakikilahok at pakikiisa sa mga proyekto at
gawain ng pamahalaan at mga pinuno nito tungo sa kabutihan ng lahat
(common good)

II. Paksang Aralin


Paksa: Mga Programang Pangkapayapaan

Kagamitan: Flash cards,

White board/marker at LCD , power point

Sanggunian: Teacher’s Material ph. 125-126

Learner’s Material ph. 273-2278

AP4PAB-IIIf-g-6
Integrasyon: Filipino,ESP, MAPEH

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain

1. Pagganyak
Hanapin sa Hanay B ang inilalarawan sa Hanay A. Isulat ang
letra ng tamang sagot sa iyong kuwaderno.
B. Panlinang na Gawain

1. Gawain
Ang pagpapaunlad ng imprastraktura ay kabilang sa mga
nangungunang prayoridad ng pamahalaan upang mapanatili ang
paglago ng ekonomiya, makabuo ng mga bagong trabaho at
mapabuti ang kalidad ng buhay ng mga mamamayan sa bansa.

2. Pagsusuri
Ang imprastraktura ay tumutukoy sa mga pangunahing sistema at
serbisyo na kailangan ng isang bansa o organisasyon upang
mapatakbo nang maayos. Para sa isang buong bansa, kasama dito
ang lahat ng mga sistemang pisikal tulad ng mga network ng kalsada
at riles, mga gusali, mga linya ng telepono, kuryente at tubig, mga
cell tower, mga air control tower, tulay, tunnel, daungan,
paliparan, at iba pa, kasama ang mga serbisyo kabilang ang
pagpapatupad ng batas, pangangalaga ng kalusugan, edukasyon, at
iba pa
3. Paghahalaw

Mga Programang Pang-imprastraktura


Ang pagpapaunlad ng imprastraktura ay kabilang sa mga nangungunang prayoridad ng
pamahalaan upang mapanatili ang paglago ng ekonomiya, makabuo ng mga bagong
trabaho at mapabuti ang kalidad ng buhay ng mga mamamayan sa bansa.
Ang imprastraktura ay tumutukoy sa mga pangunahing sistema at serbisyo na kailangan
ng isang bansa o organisasyon upang mapatakbo nang maayos. Para sa isang buong
bansa, kasama dito ang lahat ng mga sistemang pisikal tulad ng mga network ng kalsada
at riles, mga gusali, mga linya ng telepono, kuryente at tubig, mga cell tower, mga air
control tower, tulay, tunnel, daungan, paliparan, at iba pa, kasama ang mga serbisyo
kabilang ang pagpapatupad ng batas, pangangalaga ng kalusugan, edukasyon, at iba pa.
Ang Kagawaran ng Pagawaing Pambayan at Lansangan o Department of Public
Works and Highways (DPWH) ay ang pangunahing ahensiya ng pamahalaan na
responsable sa pagpapatayo at pagpapanatili ng mga imprastraktura. Ang Public-Private
Partnership (PPP) ay isang kasunduang kontraktwal sa pagitan ng pamahalaan at isang
pribadong kompanya na nakatutok sa pamumunuhan, pagpaplano, pagpapatupad at
pagpapatakbo ng mga pasilidad sa imprastraktura at serbisyo. Ilan sa mga halimbawa ng mga
proyekto sa ilalim ng PPP ay ang North Luzon Expressway (NLEX)at South Luzon Expressway
(SLEX). Ang NLEX ay isang walumput-apat (84) na kilometrong expressway na
nagkokonekta sa Metro Manila sa mga probinsiya ng Gitnang Luzon. Habang ang SLEX
naman ay limamput-isang (51) kilometrong expressway na nagkokonekta sa Metro Manila sa
mga probinsiya ng Rehiyon 4-A o CALABARZON.
Ang Kagawaran ng Edukasyon o Department of Education (DepEd) ay may programang
tinatawag na School Building Program. Ang programang ito ay may layunin na pabutihin at
panatilihin ang mga pasilidad sa paaralan. Saklaw nito ang pagpaptayo, pagkukumpuni at
pagpapanatili ng mga pasilidad sa paaralan. Maraming bata ang nakakapag-aral dahil
halos lahat ng barangay ay may paaralan.
Ang Kagawaran ng Transportasyon o Department of Transportation (DoTr) ay may
tungkuling mangalaga at magpalawak ng maaasahang sistema ng transportasyon sa
bansa. Isa sa mga proyektong kasalukuyang isinasagawa sa ilalim DOTr ay ang Light Rail
Transit (LRT) 2 East Extension, na nagdaragdad ng apat (4) na kilometro ng bagong linya mula
sa istasiyon sa Santolan hanggang sa Masinag sa Antipolo. Ang mga proyektong ito ay
inilunsad upang matugunan ang pangangailang pang-transportasyon ng bansa. Isa pa rin
sa labis na pinagtutuunan ng pansin ng pamahalaan ay ang pagpapatayo at pagpapaayos
ng mga paliparan at mga daungan. Ang mga paliparan at daungan ay makatutulong sa
mabilis na paglalakbay at paghahatid ng mga tao at kalakal. Halimbawa na dito ang Iloilo
Commercial Port Complex at ang Mactan-Cebu International Airport. Sinimulan din ng Pasig
River Rehabilitation Commission ang rehabilitasiyon at pagpapaunlad ng Ilog Pasig at
mga kaakibat nitong mga estero.
Pinangangasiwaan naman ng Department of Information and Communications
Technology (DICT) ang paggamit ng mga makabagong teknolohiya upang mapabilis ang
komunikasyon ng mga tao. Nilalayon ng National Broadband Plan na mapabilis ang
paglawak ng paggamit ng fiber optics cables at wireless na teknolohiya upang mapagbuti ang
bilis ng internet. Ang Kagawaran ng Agrikultura o Department of Agriculture (DA) at
Kagawaran ng Repormang Pansakahan o Department of Agrarian Reform (DAR) ay
responsable sa pagtatayo ng farm-to-market roads, post-harvest facilities, at mga pasilidad na
patubig o irrigation. Ang mga proyektong ito ay isang mahalagang sangkalp sa
pagpapabuti ng produksiyon at pagpapanatili ng sektor ng agrikultura sa bansa.
Sa mga proyektong pang-imprastraktura ng pamahalaan na ipinatupad at ipatutupad
pa, inaasahan na pasisiglahin nito ang mga gawain sa maraming lungsod at lalawigan.
Ang mga trabahong lilikhain ay makatutulong sa pagpapaangat ng kalidad ng pamumuhay
ng mga Pilipino.

4. Paglalapat
Sagutin kung Tama o Mali ang mga sumusunod na
pangungusap. Isulat ang sagot sa kuwaderno.=

____________1. Ang mga paliparan at daungan ay ginagamit


upang mabilis na makapaglakbay at makapaghatid ng mga
kalakal sa iba’t ibang panig ng mundo.
___________2. Maraming bata ang nakapag-aaral dahil
halos lahat ng barangay ay may paaralan.

___________3. Sa paggamit ng makabagong


teknolohiya napapabilis ang komunikasyon sa buong
bansa.
____________4. Ang Department of Public Works and Highways
ang nangangasiwa sa mga pagawaing bayan at lansangan.
___________5. Hindi tinutugunan ng pamahalaan ang mga
pangangailangan ng mamamayan

5. Paglalahat
Anu- ano ang mga ahensya ng pamahalaan para sa imprastraktura,
at ano ang kanilang mga tungkulin?

IV. Pagtataya
Basahin ang mga tanong. Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ito sa iyong kuwaderno.
______1. Ano ang pangunahing ahensiya ng pamahalaan na responsble sa pagtatayo at
pagpapanatili ng mga imprastraktura?
A. DepEd B. DPWH C. DoTr D. DA
______2. Ito ang responsable sa pagtatayo ng farm-to-market roads, post-harvest facilities at
mga pasilidad na patubig o irrigation.
A. DICT B. DA at DAR C. DPWH D. DND
______3. Ito ang proyekto ng pamahalaan na may walumput-apat na
kilometrong expressway na nagkokonekta sa Metro Manila at sa mga probinsya ng Gitnang
Luzon.
A. NLEX B. SLEX C. LRT 2
D. MRT 3
________4. Pinangangasiwaan nito ang paggamit ng mga
makabagong teknolohiya upang mapabilis ang komunikasiyon ng mga tao.
A. PPP B. DoTr C. DICT
D. DA
________5. Layunin ng programang ito na pagbutihin at panatilihin ang mga pasilidad
ng paaralan.
A. School Building Program C. Public-Private Partnership
Commercial Port Complex D. National Broadband Plan
V. Takdang Aralin
Kopyahin ang tsart. Punan ang bawat kolum ayon sa hinihinging detalye. Sundan
ang ibinigay na halimbawa.

Ahensiya ng Pamahalaan Proyekto Paglilingkod


Halimbawa: DoTr paliparan, daungan Mabilis na paglalakbay ng tao
at paghahatid ng kalakal
1. DPWH
2. DICT
3. DepEd
4. PPP
HOPE CHARITY FAITH

5 x _____ = _____ 5 x _____ = _____ 5 x _____ = _____

4 x _____ = _____ 4 x _____ = _____ 4 x _____ = _____

3 x _____ = _____ 3 x _____ = _____ 3 x _____ = _____

2 x _____ = _____ 2 x _____ = _____ 2 x _____ = _____

1 x _____ = _____ 1 x _____ = _____ 1 x _____ = _____

0 x _____ = _____ 0 x _____ = _____ 0 x _____ = _____

You might also like