Professional Documents
Culture Documents
Salawikain at Kahulugan PDF
Salawikain at Kahulugan PDF
PABULA
- ay isang maiksing kuwentong kathang-isip na kinatha nuong unang panahon. Eto ay ginagampanan ng mga hayop na
nagsasalita at kumikilos na tulad ng tao. Ang pabula ay tumatalakay sa mga kilos at pag-uugali na nangangailangang
ituwid o baguhin dahil sa pagiging hindi mabuti o makatarungan.
Kabayo at ng Mangangalakal
Isang mangangalakal ang maghahatid ng dalawang sakong asin sa
palengke. Inilulan niya ang mga sako ng asin sa kanyang kabayo at
nagtungo sila sa palengke.
"Kung magpapadulas ako sa ilog ay tiyak na gagaan uli ang pasan ko,"
ang sabi ng kabayo sa kanyang sarili.
Ganun na nga ang ginawa ng kabayo. Muling nabutas ang mga sako
at ibang asin ay nabuhos sa ilog at ang iba naman ay nalusaw. Nguni't
sa pagkakataong eto ay nakahalata ang mangangalakal na sadyang
nagpadulas ang kabayo sa ilog.
"Aba, yan ang ipinataw sa iyong balikat ng ating amo kaya pagtiisan mo,"
anang kabayo na lalo pang binilisan ang paglalakad.
Makaraan pa ang isang oras at lalung tumindi ang init ng araw. Hindi
nagtagal at ang kalabaw ay iginupo ng bigat ng kanyang dala at siya
ay pumanaw.
Daga at ng Leon
Isang daga ang nakatuwaang maglaro sa ibabaw ng isang natutulog na
leon. Kanyang inaakyat ang likuran ng leon at pagdating sa itaas ay
nagpapadausdos siya paibaba.
Ang lobo, pagtatago kaniyang malungkot kalagayan sa ilalim ng isang masayangpagkukunwari, indulged sa isang labis-
labis pagpupuri sa tubig, ay sinasabi ito aywalang kapantay mahusay, at hinihikayat siya sa hagdanan. Ang kambing, nasa sa
isiplamang ng kanyang uhaw, thoughtlessly kumuha ng
puwesto down, kapag lamangbilang siya namamatay kanyang uhaw, ang Fox alam sa kaniya ng kahirapan sila
ayparehong sa, at iminungkahing ng isang pamamaraan para sa kanilang mga karaniwang makatakas. "Kung," sabi niya, "ikaw
ay ilagay ang iyong nasa unahan-paa sa mga pader, at yumuko ang inyong ulo, ako'y tatakbo up ng
iyong likod at makatakas,at tutulong sa iyo sa labas pagkatapos." Sa kambing kaagad assenting sa ito
pangalawang panukala, ang lobo leapt sa kanyang likod, at steadying kanyang sarili sa
ang kambing's sungay, umabot sa kaligtasan ang bibig ng mabuti, kapag siya agadginawa off bilang mabilis na bilang ay
maaaring siya. Ang kambing upbraided siya ngmga paglabag ng kanyang linay, kapag siya
ay lumingon at sumigaw: "Ikaw mangmanglumang kapwa Kung ikaw ay nagkaroon ng maraming mga talino sa
iyong ulo bilangikaw ay may mga buhok sa iyong balbas, hindi mo gusto ay wala na sa
harap monagkaroon siniyasat ang paraan ng up, o may nakalabas na ang iyong sarili sapanganib mula sa kung saan ikaw ay
nagkaroon ng walang ibig sabihin ng pagtakas. "
"Bakit, ikaw ay tiyak na isang sapat na gaganti, sa may na pinahihintulutan upang maglabas ng iyong ulo sa kaligtasan mula
sa bibig at pangil ng isang lobo. " Sa paghahatid ng mga masama, walang
nilaga, at nagpapasalamat kung kamakatakas pinsala para sa iyong panganganak.
ALAMAT
- ay isang uri ng panitikan na nagkukuwento tungkol sa mga pinagmulan ng mga bagay-
bagay sa daigdig. Karaniwang nagsasalaysay ang mga ito ng mga pangyayari hinggil sa
tunay na mga tao at pook, at mayroong pinagbatayan sa kasaysayan. Kaugnay ang
alamat ng mga mito at kuwentong-bayan.
Pagkakita sa halaman, naalaala niya ang braso ni Aging na ibinaon niya doon mismo sa
kinatatayuan ng puno. Nasambit niya ang pangalan ni Aging.
"Ang punong iyan ay si Aging!" wika ni Juana.
Magmula noon ang halamang iyon ay tinawag na "Aging" at sa katagalan ito`y naging saging.
Masayang nagkukwentuhan ang dalawa sa gitna ng gabi na pumalaot sa ilog. Ngunit may
napansin ang dalaga. Sa gitna ng dilim ay may magandang bulaklak ang nakita ang dalaga na
nakalutang sa tubig. Agad niya itong inabot. Subalit sa pag-bot niyang iyon, ang bangkang
kanilang sinasakyan ay nawala sa balance at nahulog ang binata. Sa di inaasahan, ang binata
ay hindi marunong lumangoy. Sa bawat paglutang ng binata mula sa pagkalubog , tinatawag
niya si Paz na tulungan siyang makaahon.
“Paz sigueme! Paz, sigueme!” Ang salitang ito ay Kastila na ang ibig sabihin ay sagipin mo ako.
Sa kasawiang palad, hindi natulungan ng dalaga ang binata. Ang huling salitang nabanggit ng
binata ay “Paz sig!” Hindi na muling lumutang ang binata at tuluyan na itong nalunod. Dahil sa
pangyayaring ito ang ilog ay tinawag nang “Pasig” o Ilog Pasig.
Alamat ng Rosas
Noong araw ay may isang magandang dalagang nagngangalang “Rosa,” na balita sa kanyang
angking kagandahan, kayumian, at kabaitan. Maraming nangangayupapa sa kanyang
kagandahan. Ngunit ni isa sa mga ito ay hindi niya mapusuan.
Dahil ang gusto ni Rosa ay ang maglingkod sa Panginoon at sa pagtulong sa mga
nangangailangan ng kanyang tulong. Ngunit si Cristobal, isang mahigpit niyang mangingibig, ay
di makapapayag na di mapasakanya ang dalaga, at ito’y nagtangkang agawin si Rosa at dinala
ito sa hardin.
Ngunit nananalangin si Rosa sa Panginoon at noon di’y siya’y naging bangkay. Sa takot ni
Cristobal ay ibinaon niya ang dalaga sa bakuran nito at saka siya lumayo sa pook na iyon
upang di na magbalik kailanman.
Mula noon ay hindi na nakita ng mga taga roon si Rosa. Sa halip, sa bakuran nito ay may isang
halamang tumubo na may bulaklak ngunit paghawak sa tangkay nito ay mapapasigaw ka dahil
sa talas ng tinik ng halamang hinahawakan. Dahil niloob ito ng Panginoon na gawing bulaklak si
Rosa na ang tangkay ay may mga tinik na tagapangalaga rito upang di-pagnasaang pupulin
lamang ng sinuman.
At ang lalong kahima-himala ay ang pagbuhos ng ulan kasabay ang paglakas ng ihip ng hangin.
Ngunit sa sandaling ilapag ng taong iyon at iwan ang mga bungang dala niya, ang landas sa
pauwi ay madaling matututuhan. Ang malaking tipak ng batong-buhay sa ituktok ng bundok ay
batyang pinaglalabhan ng engkantada.
Dahil sa paniwalang napakaganda ni Mariang Sinukuan at dahil rin sa magaagndang tugtugin
maririnig sa kabundukan, wala sinumang namamlagi roon sa pangambang baka magayuma sila
at hindi na muling makabalik sa kanilang tahanan.
“Salamat po, Diyos ko,” ag sagot ni Kabagan nang buong pakumbaba. Nagsimulang magtayo
ng dike si Kabagan. Kanyang itinayo ang teres ng palay na ayon sa tagubilin ng Kabunian.
Nagsigaya ang mga kapitbahay ni Kabanagan. Ang lahat ay tumulad hanggang ang buong
Ipugaw ay ay natalikupan ng mga teres na ngayo’y ating ipinagmalaki-hagdan-hagdang taniman
ng palay na itinayo ng ating mga ninuno, isang obra maestro ng inhenyeriya.
Alamat ng Palay
Noong unang panahon ang mga tao ay walang palay. Ang kanilang kinakain ay gulay, bungang-
kahoy, isda, at mga hayop. Sila ay nangangaso sa gubat at nangunguha ng bungang-kahoy sa
parang. Sila ay maligaya roon.
Nawala na ang mga hayop sa gubat at iilan na lamang ang mga bungang-kahoy. Ang mga tao
ay nalungkot.
Ang mga lalaki ay nangaso sa bundok. Sila’y pagod na pagod at gutom na gutom. Sila’y
nagpapahinga ng dumating ang magagandang dalaga. Ang mga ito ay engkantada pala. Sila ay
makapangyarihan subalit magagalang.
Ang mga mngangaso ay kinumbida ng mga engkantada. Sila’y nagpunta sa yungib. Dito ay
napakarami pala ang engkantada. Sila’y may reyna. Sila’y nagsaya noon, nag-awitan, at
nagsayaw.
Nagkaroon ng kainan. Nakita ng mga mangangaso ang malalaking tagayan. Ang mga ito ay
punong-puno ng pagkain na puting-puti. Noon lamang sila nakakita ng putting pagkain.
Matapos ang kainan at ang mga lalaki ay nagging bata. Sila ay kumakas. Sila’y pinainom ng
puting alak at sila’y at nagging matalino.
Gusto ng umuwi ng mangangaso. Ang reyna ay nagsalita, ” Kayo’y bibigyan ko ng butyl. Ito’y
itanim ninyo sa tag-ulan. Alam kong kayo aymabubuti kaya iyan ay sisibol. Iyan ay
mamumunga. Aanihin ninyo ang bunga.”
“Ang mga butil na inani ay bayuhin at linisin. Ang butyl ay magiging bigas. Ito ay lutuin. Iyan ang
inyong pagkain. Iyan ang kaloob ko sa mga tao. Hala, umuwi na kayo.”
Sumunod sa bilin ang mga tao. Ang bigas na niluto ang kauna-unahang kanin sa daigdig.
Alamat ng Kawayan
Noong unang panahon ang puno ng Kawayan ay hindi yumuyuko. Mayabamg ito at taas-noo.
Ipinagmamalaki nito ang kanyang makinis na katawan.
Berdeng-berde ang kabuuan ng Kawayan. Sariwang sariwa ang kulay nito lalo na kapag
nasisikatan ng araw.
Pero mainggitin ang Kawayan. Lagi at lagging naiinis siya kung hindi pinahahalagahan. Kapag
nalallulan siya ng ibang puno at halaman ay nagtatanim siya ng galit. Masama siyang mapahiya
pagka’t tumatawag siya ng kaibigang handing maghiganti upang maiangat lang ang narumihan
niyang pangalan. May isang pagkakataong naparaan ang ilang kabataan sa kagubatan.
Nagpalinga-linga sila. Nang makitang wala man lang bunga ang kawayan, nilayuan nila ito.
Nilapitan nila ang puno ng Bayabas, at Santol. Tuwang-tuwa sila sa pamimitas ng mga bunga.
Inilpag nila sa damuhan ang dilaw na dilaw na bunga ng Santol t berdeng berdeng Bayabas.
Nilapitan din nila ang mga puno ng Makopa at Caimito. Namitas sila ng bunga. Matatamis at
pulang-pula ang Makopa. Hinog na hinog rin ang mga Caimitong kulay lila.
Tuwang-tuwa ang mga kabataan habang ang prutas ay pinagsasaluhan. Inggit na inggit naman
si Kawayan. Wala kasi siyang bunga na ipamimigay. Wala siyang silbi kung prutas ang pag-
uusapan.
Sa galit ng Kawayan ay tinawag niya ang kaibigang Hangin.Pinakamalakas na ihip ang higanti ni
Hangin. Nagbagsakan ang lahat ng bunga ng Santol, Bayabas. Caimito, at Makopa. Tuwang-
tuwa si Kawayan.
Minsan may nagawiang magkasintahan sa kagubatan. Nagpalinga-linga ang binata. Nang
makitang walang bulaklak na mapupurol sa puno ng Kawayanay nilayuan nila ito. Natuwa sila ng
maulinigan ang mga halamang Rosal at Sampaguita. Dali-dalingnamupol ng bulaklak ang
binata.Ang halimuyak ng Rosal at Sampaguita ay handog na napakaligaya sa dalaga. Dahilan
sa mga bulaklak ang magkasintahan ay lalong pinagbigkis ng matapat na pag-iibigan.
Inis na inis naman si Kawayan. Wala siya kahit isaman na bulaklak na maiaalay. Sa
pagkapahiya sa sarili tinawag niya ang kaibigang si Ulan.
Sunud-sunuran si Ulan. Upang maipaghiganti ang Kawayan, pinalakas ng Ulan ang kanyang
mga patak. Nasira ang mga magagandang tangkay nila Rosal at Sampaguita. Palihim na
napangiti si Kawayan.
Isang tanghaling tapat ay may dalawang matandang nahapo sa paglalakad. Upang
makapagpahinga, naghanap si Lolo Guillermo at Lola Jovita ng punong may malalabay na
sanga. Hindi man lang nila pinansin ang mga sanga ng Kawayan pagka’t makikitid ang mga
dahon nito. Natuwa sila ng namataan ang puno ng Banaba. Talagang mapapalad ang mga
dahon nito na masisilungan kung ikaw ay maiinitin ng sikat ng araw. Napansin ito ng
nakasimangot na Kawayan. Nang makaalis na si Lolo Guillermo at Lola Jovita ay tinawag ni
Kawayan ang mga kaibigang Tagak. Ipinaghiganti ng mga
Alamat ng Lansones
Sinasabing ang puno ng lansones ay karaniwang makikita sa Luzon. Gayunman, walang
gaanong pumapansin dito. Isang araw, isang magnanakaw ng kalabaw ang hinahabol ng mga
tao. Napagawi ito sa lansonesan at doon nagtago. Sapagkat gutom na gutom na rin ang
magnanakaw sa katatakbo, pumitas siya ng lansones at kumain. Nalason siya. Dinatnan siya ng
mga taong patay at may bakas pa ng bula sa bibig. Mula noon, pinagkatakutan ang lansones.
Walang nangahas kumain nito.
Minsan, isang babaing nakaputi ang dumating. Palakad-lakad ito sa may lansonesan. Pakanta-
kanta ang babae kaya marami ang nakatingin sa kanya pero nangangamba namang makipag-
usap. Nakita ng lahat na kumuha ng bunga ng lansones ang babae at nagsimulang kumain.
Inasahan ng mga nanonood na mamamatay siya pero walang nangyari sa kanya. Kinambatan
niya ang mga tao para lumapit. “Alam kong nagugutom kayo, inalisan ko na ito ng lason. Maaari
na ninyong kainin.” Takot pa rin ang mga tao. Pero inabutan sila ng babae ng lansones.
“Makikita ninyong may bakas ng kurot ang prutas. Iyan ang tanda na inalisan ko na ito ng lason.
Kumain na kayo.” At nawala ang babae.
Sinapantaha ng lahat na isang ada ang babae. Tinikman nilang lahat ang prutas. At naroon nga
ang bakas ng kurot, wari’y lalong nagpalinamnam sa lansones.
Ayon sa matatanda roon, may isang araw sa magkabilang dulo ng isla na may dalawang
higanteng dumating. Ang isa ay nagmula sa parting timog at ang isa naman ay sa hilaga. Ang
mga naninirahan doon ay nangangamba na baka magkita ang dalawa. Kaya’t nilisan
pansamantala ng tagaroon ang lugar. Sa inaasahang pangyayari nagkita nga ang dalawang
higante.
“Anong ginagawa mo sa aking nasasakupan!” Ito’y aking pag-aari at umalis ka na,” galit na
sinabi ni Higanteng mula saTimog . ” Maghanap ka ng lugar na iyong aangkinin.”
“Aba!, ako yata ang nauna rito at ito’y pag-aari ko na!” sagot ding galit ng higante mula sa
hilaga. “Ikaw dapat ang umalis!”
“Hindi maaari ito! Ito ay pag-aari ko!” sabay padyak ng Higante mula sa Timog at nayanig ang
lugar na parang lumilindol.
“Lalong hindi maaari!” mas malakas ang padyak ng Higante mula sa Hilaga.
Noong panahong iyon, ay katatapos pa lamang ang tag-ulan at maputik sa kinatatayuan nila.
Ginawa ng isang higante ay bumilog ng putik at binato sa isa. Subali’t gumanti rin ang isa at
humulma rin ng isang bilog na putik at siya ring binato sa kalaban. Walang tigil na batuhan ng
binilog na putik. Hanggang ang dalawa ay hingalin, naubusan ng lakas at nawalan ng hininga.
Tumumba ang dalawang higante na wala ng buhay.Marami ang nakasaksi sa pangyayari na
tagaroon.
Ang sumabat sa paningin ng mga tao ang mala-higanteng bolang putik na siyang ginamit ng
mga naabing higante sa pagbabatuhan.
Pagkatapos ng pangyayari, nagsibalikan ang naninirahan doon. Namuhay ng mapayapa at
masagana.Dahil sa bulubunduking ginawa ng mga higante na kulay tsokolate na sila ring
napakikinabangang taniman, ito ang pinagmulan ng Chocolate Hills.
Alamat ng Kasoy
Noong unang panahon ay nasa loob ng kasoy ang abuhing buto nito. Lungkut na lungkot ang
buto sapagkat madilim na madilim sa loob ng kasoy. Lalo itong nalungkot nang malamang
magdaraos ng isang handaan ang Adang kagubatan. Sa gabi ng handaan ay ipinatawag ng Ada
ang lahat ng hayop at halaman.
Ang buong kagubatan ay nagliliwanag sa tama ng mga ilaw ng parol ng mga Alitaptap. Ang huni
ng mga Kuliglig at kokak ng mga Palaka ay sumasaliw sa awit ng mga Maya. Masayang
kasayaw ng mga Kuneho ang mga Usa, ng mga Elepante ang mga Tamaraw, ng Zibra ang
Tsonggo. Kapareha naman ni Kangkong ang Sitaw, ni Mangga ang Dalanghita, ni Saging ang
Papaya.
“Ayoko pong nakakulong sa madilim na lugar na kinalalagyan ko. Naiinggit ako sa ibang hayop
at halaman na tuwang-tuwa kapag may handaan sa kagubatan. Nakakasama sila sa
pagsasaya. Hindi lang nila naririnig kundi nakikita pa ang katuwaan ng lahat. Maawa kayo,
mahal na Ada. Gawan ninyo ng paraang makalabas po sana ako sa pagkakakulong ko sa loob
ng prutas na ito.”
Naantig ang maawaing damdamin ng mahal na Ada. Iwinasiwas nito ang nagniningning na
pananglaw. Sa isang iglap ay nakalabas sa madilim na kulungan ang Buto.”
Masayang-masayang napanood ng Buto ng Kasoy ang sayawan, kantahan, at pagkakatuwaan
ng mga hayop at halaman.
Ang malakas na pagkokak ng mga Palaka at paghuni ng mga Kuliglig ay sumaliw sa awit ng
mga Maya. Sa tuwa ng Elepanteay kumembut-kembot ito sa pag-indak. Napapasabay din sa
pagimbay ang mahagway na Kawayan kasama ang Pagong na nagbababa at nagtataas ng
bahay-bahayan.
Hatinggabi na nang iwasiwas na muli ng butihing Ada ang kaniyang makinang na pananglaw.
Hudyat iyon ng pamamahinga. Pinatay na ng mga Alitaptap ang parol nila.
Nalungkot ang Buto nang dumilim na ang paligid. Nahahalinhan ng takot at lungkot nang
kumulog at kumidlat.
Napansin ng Buto na nagsipagtago ang mga hayop sa mga kuweba. Mahigpit namang ikinabit
ng mga halaman ang mga ugat sa ilalim ng lupa.
Tulad ng dapat asahan, bumuhos na ang malakas na ulan. Takot at kinakaliglig sa lamig ang
Buto.
“Ga…Ganito pala sa labas. Ma…Mamamatay ka sa sobrang ginaw. Mabibingi ka sa ingay ng
kulog. Malamang na tamaan ka pa ng kidlat. A…Ayoko na sa labas.”
Hindi pinakinggan ng Ada ang abuhing Buto ng Kasoy. Bilang panghabambuhay na parusa ay
pinamalagi ng Adang manatili sa labas ng Kasoy ang abuhing Buto nito. Iyan ang Alamat ng
Kasoy at ng di nito makuntentong Buto.
SAWIKAIN
o idioma ay salita o grupo ng mga salitang patalinghaga ang
gamit at hindi tuwiran ang kahulugan.
1. Kapag mataas ang lipad, tiyak na malayo ang
babagsakan.
Kahulugan: Kapag ikaw ay masyadong hambog at hindi kontento kung ano ang
meron ka tiyak na dadating ang panahon na ikaw ay walang makukuha kahit
piso.
2. Kakaning-itik
Kahulugan: walang gaanong halaga, hindi maipagpaparangalan
3. Luha ng buwaya
Kahulugan: hindi totoong nag-dadalamhati, pakitang taong pananangis
9. Pagputi ng uwak
Kahulugan: walang maaasahan, walang kahihinatnan
11. Pusong-bakal
Kahulugan: hindi marunong magpatawad
13. Alilang-kanin
Kahulugan: utusang walang batad, pakain lang, pabahay at pakain ngunit walang suweldo.
14. Balitang-kutsero
Kahulugan: balitang hindi totoo o hindi mapanghahawakan.
15. Balik-harap
Kahulugan: mabuti ang pakikitungo sa harap ngunit taksil sa likuran.
20. Takaw-tulog
Kahulugan:mahilig matulog
Pinagsama-samang
Gawain
Proyekto sa Filipino II
(Salawikain,Sawikain,Bugtong,Pabula At
Alamat)
Ipinasa Ni:
Janine Joy M. Orpilla
II-Loyalty
Ipinasa Kay:
Ma’am Lacanilao