You are on page 1of 2

Pangalan ng Proyekto: Paggawa ng Lamp Shade (Recycled)

Layunin:
1. Maipakita ang tamang paraan ng paggawa ng Lampshade.
2. Mapanatili ang seguridad at kaligtasan sa paggawa.

Guhit/Ilustrasyon

Mga Kagamitan at mga Materyales:


 folder  bombilya
 bote ng 1.5 na softdrink  receptacle
 pebbles o maliliit na bato  switch
 barbecue stick  side cutter
 stranded wire #20 (1 metro)  Philips screwdriver
 glue stick  scotch tape/double side tape
Pamamaraan:

1. Kumuha ng malinis na bote ng 1.5 softdrink. Hiwain ang taas na bahagi ng


bote para lumaki ang butas. Lagyan ng mga pebbles o maliliit na bato ang
loob na magsisilbing pabigat upang hindi matumba ang stand ng lamp
shade.
2. Gupitin ang bawat gilid ng folder para ito ay magpantay. Pagkatapos,
pagdikitin ang dalawang magkabilang dulo. Ito ay maghuhugis cylinder.
Maaaring lagyan ito ng disenyo.
3. Tanggalin ang turnilyo sa takip ng swits upang mabuksan ito. May
dalawang turnilyo sa loob nito na magsisilbing dugtungan ng pinutol na
linya ng kuryente upang maging sindihan o patayan ng ilaw. Sukatin ang
kabuuang haba ng wire. Sa gitnang bahagi nito, paghiwalayin at putulin
ang isa sa dalawang strand ng wire. Ikabit sa magkabilang turnilyo ang
magkabilang dulo ng pinutol na strand ng wire. Siguraduhing ang kabilang
strand ng wire ay buo pa rin. Muling ikabit ang takip ng swits.
4. Makikitang may tig-dalawang pares ng linya ng wire sa magkabilang dulo.
Ang isang pares ng dulo ng wire ay ikakabit sa kabitan ng ilaw o bulb
receptacle. Balatan ang parehong dulo ng wire at idugtong sa
magkabilang wire ng bulb receptacle. Higpitan ang turnilyo. Sa kabilang
dulo ay ikabit naman ang plug na siyang isinasaksak sa wall socket.
Magkapareho lang ang proseso nito sa pagkakabit sa bulb receptacle.
5. Idugtong ang wire galing sa swits papunta sa receptable at ang isa pang
kabitan ng receptacle ay lagyan ng wire papunta sa isang wire ng line
cord. Pagkabitin ito.
6. Ikabit ang receptacle sa unahang bahagi ng bote at ikabit ang bombilya.
7. Kunin ang folder na hugis cylinder. Ikabit ito sa ibabaw ng bote, maglagay
ng tamang distansiya nang hindi dumikit dito ang bombilya.
8. Bago gamitin siguraduhin muna na malinis ang pinaggawaan upang
maiwasan ang aksidente. Patayin muna ang swits bago isaksak.
Paganahin na ang lampshade.

You might also like