You are on page 1of 15

FILIPINO IV

Date: ____________

I. Layunin:

A. Pamantayang Pangnilalaman

Naipamamalas ang kakayahan sa mapanuring pakikinig at pag-unawa sa napakinggan.

Naisasagawa ang mapanuring pagbasa sa iba’t ibang uri ng teksto at napapalawak ang talasalitaan.

B. Pamantayan sa pagganap

Nakasusunod sa napakinggang hakbang.

Nakabubuo ng timeline batay sa binasang talambuhay, o kasaysayan.

C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto

Naisasakilos ang napakinggang awit

F4PN-IVc-5

Naibibigay ang kahulugan ng salita sa pamamagitan ng pormal na depinisyon

F4PT-IVc-1.10

II. Paksa:

Pagsasakilos ng nakinggang awit.

Pagbibigay ng kahulugan ng salita sa pamamagitan ng pormal na depinisyon.

Sanggunian:

Kagamitan: Pptx, aklat, video ng awit “Masdan ang Kapalirigan”

III. Pamamaraan:

A. Balik-Aral sa nakaraang aralin at/o pagsisimula ng bagong aralin

Pagbabaybay, Balik-aral sa mga salitang di-pamilyar

B. Paghahabi sa layunin ng aralin

Ilahad ang mga salitang hango sa awitin: napapansin, pumanaw, isinilang, matitikman, gala,binawi
Ipagamit sa sariling pangungusap ang mga salita.
C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin

Itanong: ano ang napapansin ninyo sa ating mga ilog ngayon? Bakit kaya ito nangyari?

D. Pagtatalakay ng bagong konsepto at pagalalahad ng bagong kasanayan #1

Iparining ang awiting “Masdan Mo ang Kapaligiran”.Magbigay ng tanong tungkol sa awitin.

E. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #2

Pangkatang gawain:
Pagsasakilos sa bawat bahagi ng awiting narinig.
Pangkat I-Unang Bahagi
Pangkat II- Ikalawang Bahagi
Pangkat III-Ikatlo
Pangkat IV-Ikaapat
Pangkat V-Ikalima
F. Paglinang sa Kabihasnan

Itanong: ano ang naramdaman ninyo sa ating gawain?


Anong mensahe ang inihhatid ng awitin?

G. Paglalapat ng aralin sa pang-araw-araw na buhay

Paano natin mapapanatiling malinis an gating mga ilog?

H. Paglalahat ng Aralin

Paano ninyo nilapatan ng kilos ang awiting narinig?

IV. Pagtataya:

Muling iparinig ang awitin .Sabayan ito ng kilos na ginawa ng mga bata.

V. Takdang-Aralin:

Ipagpatuloy ang ganitong pagsasanay.


ARALING PANLIPUNAN IV

Date: ____________

I. Layunin:

A. Pamantayang Pangnilalaman

Ang mga mag-aaral ay naipamamalas ang pag-unawa at pagpapahalaga sa kanyang mga karapatan at
tungkulin bilang mamamayang Pilipino

B. Pamantayan sa pagganap

Ang mga mag-aaral ay nakikilahok sa mga gawaing pansibiko na nagpapakita ng pagganap sa kanyang
tungkulin bilang mamamayan ng bansa at pagsasabuhay ng kanyang karapatan

C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto

Natatalakay ang konsepto ng karapatan at tungkulin


Natatalakay ang mga karapatan ng mamamayang Pilipino AP4KPB-IVc-2 2.1

II. Paksa:

Mga Karapatan ng Mamamayang Pilipino

Sanggunian: TG pp. 149-153 LM pp. 337 - 345

Kagamitan: Foldables, pictures, aklat, flash drive, laptop, TV monitor, meta cards, SMC, strips ng
cartolina,cd player etc.

III. Pamamaraan:

A. Balik-Aral sa nakaraang aralin at/o pagsisimula ng bagong aralin

Itanong sa mga bata kung anu-anong naibibigay sa kanila ng kanilang mga magulang, ng paaralan, at ng
pamayanan.
Bakit ito ibinibigay sa inyo?

B. Paghahabi sa layunin ng aralin

Pagpapakita ng mga larawan.


Ano kaya ang tawag sa natatanggap nating mga serbisyo at pngangailangan na ibinibigay sa atin?

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin

Ipabasa ang nasa ALAMIN NATIN sa LM pp. 337 – 339.


D. Pagtatalakay ng bagong konsepto at pagalalahad ng bagong kasanayan #1

Ilang uri ang mga karapatan? Ano ang ibig sabahin ng karapatan? Lahat ba ng mga tao ay may karapatan?
Ano-ano ang mga ito? (Sibil, Politikal, Panlupunan)

E. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #2

Pangkatang Gawain
I-Karapatang Sibil
II-Karapatng Politikal gumamit ng cluster map
III-Karapatang Panlipunan

F. Paglinang sa Kabihasnan

Gawin Mo
Isulat sa notebook ang mga karapatan na nasa larawan
Gawain C sa LM p. 343

G. Paglalapat ng aralin sa pang-araw-araw na buhay

Anong karapatan ito?


Hindi pinigil ng kanyang ama si Onyok na sumapi sa relihiyon ng kaniyang napangasawa.

H. Paglalahat ng Aralin

Nakapaloob sa Saligang batas ng 1987 ang mga karapatan na dapat tamasahin ng bawat Pilipino upang
makapamuhay nang Malaya at may dignidad. Ang karapatan ng mamamayan ay nauuri sa tatlo: karapatang likas,
ayon sa batas, at kontitusyunal. Ang konstitusyunal na karapatan ay napapangkat sa political, sibil, panlipunan at
pangkabuhayan, at karapatan ng nasasakdal.

IV. Pagtataya:

Panuto: Isulat kung anong karapatan ang mga sumusunod.


1.Karapatang mabuhay
2.Karapatang bumoto
3.Karapatang pumili ng relihiyon

V. Takdang-Aralin:

Gumihit ng isang larawan na nag papakita ng mga karapatan.


EPP IV

Date: ____________

I. Layunin:

A. Pamantayang Pangnilalaman

Naipamamalas ang pang-unawa sa batayang kaalaman at kasanayan sa pagbuo ng kapaki-pakinabang na


gawaing pang-industriya at ang maitutulong nito sa pag-unlad ng isang pamayanan

B. Pamantayan sa pagganap

Naisasagawa nang may kasanayan at pagpapahalaga ang mga batayang gawaing sining pang-industriya na
makapagpapa-unlad sa kabuhayan ng sariling pamayanan

C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto

Natatalakay ang kahalagahan ng kaalaman at kasanayan sa "basic sketching" shading at outlining

EPP4IA-0c-3

II. Paksa:

Sanggunian: TG p.224 LM p.471

Kagamitan: Pptx, aklat

III. Pamamaraan:

A. Balik-Aral sa nakaraang aralin at/o pagsisimula ng bagong aralin

Pagbalik-aralan ang mga alphabets of lines.

B. Paghahabi sa layunin ng aralin

Panimulang pagtatasa:

Ano-ano ang mga produktong ginagamitan ng basic sketching? Shading? Outlining? Na nakikita n inyo sa
mga pamilihan?

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin

Pagganyak

Gamitin ang tanong na nasa Pagganyak p. 224 ng TG


D. Pagtatalakay ng bagong konsepto at pagalalahad ng bagong kasanayan #1

Ilahad ang aralin sa pamamagitan ng pagbasa sa Nilalaman p. 471 ng LM

E. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #2

Pagtatalakay sa paksa; basic sketching, shading at outlining.

F. Paglinang sa Kabihasnan

Pagpapalalim ng Kaalaman p. 225 ng TG

G. Paglalapat ng aralin sa pang-araw-araw na buhay

Mahalaga ba ang basic sketching, shading at outlining? Bakit?

H. Paglalahat ng Aralin

Ano ang basic sketching? Shading? Outlining?

IV. Pagtataya:

Ipasagot: Bakit mahalaga ang basic sketching? Shading? Outlining? Gumamit ng rubric sa pagmamarka sa
sagot ng mag-aaral.

V. Takdang-Aralin:

Alamin ang mga produktong gumagamit ng basic sketching, shading at outlining.


ESP IV

Date: ____________

I. Layunin:

A. Pamantayang Pangnilalaman

Nauunawaan ang naipakikita ang pananalig sa Diyos sa pamamagitan ng paggalang, pagtanggap at


pagmamahal sa mga likha

B. Pamantayan sa pagganap

Naisasabuhay ang pananalig sa Diyos sa pamamagitan ng paggalang, pagtanggap at pagmamahal sa mga


likha

C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto

Napahahalagahan ang lahat ng mga likha: may buhay at mga material na bagay Sarili at kapwa tao:
paggalang sa kapwa tao

EsP4PD-IVa-c-10 13.1.2

II. Paksa:

Sanggunian: TG pp. 185 - 187 LM pp. 289 - 297

Kagamitan: Kuwaderno, bond paper, smiley board, gunting, PPTx, tsart, meta cards, larawan, flash drive, TV
monitor

III. Pamamaraan:

A. Balik-Aral sa nakaraang aralin at/o pagsisimula ng bagong aralin

Hangad ng bawat isa sa atin ang mabuhay ng matiwasay at payapa sa isang pamilya. Upang matamo ito,
bawat kasapi ng pamilya ay inaasahang gumawa ng kabutihan, magmahalan, magpakita ng pagmamalasakit at
paggalang, at higit sa lahat maipamalas ang kapayapaang panloob para makamtan ang magandang kinabukasan.

B. Paghahabi sa layunin ng aralin

Pagpapakita ng larawan ng isang pamilya. Magtanong tungkol dito.


C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin

Ipaliwanag ang ibig sabihin ng ekumenikal ( pinagsama-samang tao mula sa ibat-ibang uri ng sombahan o
pinaniniwalaan). Ipabasa ang nasa ALAMIN NATIN sa LM p. 289 -290.

D. Pagtatalakay ng bagong konsepto at pagalalahad ng bagong kasanayan #1


Pagtalakay tungkol dito.
Sino ang pinasasalamatan sa panalangin?
Bakit ipinagmamalaki ng mga nagdarasal ang kanilang komunidad?
Ano-anong kahilingan ang binanggit sa panalangin? Bakit?
Masasabi mo bang may kapayapaan ang mga nagdarasal? Magbigay ng patunay batay sa panalangin.
Paano kaya makakamtan ang buhay-kapayapaan na hinihiling ng mga nagdarasal?

E. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #2

Pangkatang Gawain
Bawat pangkat ay bubuo ng isang panalangin tungkol sa:
I- Kapayapaan
II- Pagpapahalaga sa Buhay
III- Pag-ibig at pagkakasundo

F. Paglinang sa Kabihasnan

Indibidwal na Gawain
Ipaliwanag ang kahalagahan ng isang masaya at mapayapang pamilya.
Mahalaga ba ito sa bawat isa?

G. Paglalapat ng aralin sa pang-araw-araw na buhay

Ang mag-ina ba ay nagpapakita ng pagmamahalan? Paano?

H. Paglalahat ng Aralin
Ano ang natutuhan ninyo sa aralin?
Ipabasa ang TANDAAN NATIN sa LM pp. 295-296

IV. Pagtataya:

Panuto: Piliin sa mga larawan ang nagpapakita na ikaw ay mahalagang bahagi sa iyong pamilya o
komunidad.

V. Takdang-Aralin:

Gumuhit larawan na nagpapakita ng pagmamahalan ng pamilya


FILIPINO V

Date: ____________

I. Layunin:

A. Pamantayang Pangnilalaman

Naipamamalas ang kakayahan sa mapanuring pakikinig at pagunawa sa napakinggan

B. Pamantayan sa pagganap

Nakabubuo ng nakalarawang balangkas batay sa napakinggan

C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto

Naisasakilos ang napakinggang awit

Napapangkat ang mga salitang magkaka-ugnay

F5PN-IVc-f-5 , F5PT-IVc-j-6

II. Paksa: Pagsasakilos ang napakinggang awit. Pagpapangkat ang mga salitang magkaka-ugnay

Sanggunian: Punla 5 p127, Landas sa Pagbasa 6 p 9,22

Kagamitan: Tsart ng awit, larawan, Metacards

III. Pamamaraan:

A. Balik-Aral sa nakaraang aralin at/o pagsisimula ng bagong aralin

1.Pagsasanay :

Maglalaro tayo kagaya ng sa Family Frued.Magbigay ng mga trabaho na gumagamit ng pito?

2.Balik-aral:

Ano ang dapat natin tandaan kapag nais natin magpahayag tungkol sa isang nasaksihan ninyong pangyayari?

B. Paghahabi sa layunin ng aralin

A.Pagganyak :

Iparinig ang awit ng Smokey Mountain na Anak ng Pasig


C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin

Paglalahad : Pangkatin ang klase sa apat. Habang pinakikinggan ang awit ng Anak ng Pasig. Umisip kayo ng galaw o
kilos na nababagay sa lyrics ng awit. Hanapin ninyo sa lyrics ng awit ang magkakaugnay na salita o maari din umisip kayo ng
mga salitang kaugnay ng mga salitang may salunguhit sa lyrics.

D. Pagtatalakay ng bagong konsepto at pagalalahad ng bagong kasanayan #1

Pagtalakay : Pag –usapan ang mga kilos na pwedeng gamitin sa awit. Ano mga dapat isaalang- alang kapag naglalapat
ng kilos sa awit? Paano ninyo nasabi na magkaugnay ang mga salita?

E. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #2

. Pagpapayamang Gawain:

A.Gawin Ninyo: Kumuha ng kapareha.Ibigay ang pagkakaugnay ng bawat pares ng salita ay magkasingkahulugan o
magkasalungat:

1.Hangal : matalino 6.lihim: sekreto

2.Lumubog:lumutang 7.namangha:nagulat

3.Nagdaralita:naghihirap 8.dahop:sagana

4.Umuusok: umaaso 9.intindihin:unawain

5.Matagal:sandal 10. Nabatid: nalaman

F. Paglinang sa Kabihasnan

B.Gawin Mo

Kung papipilin ka ng isang awit na nagsasaad ng damdamin mo para sa ating bansa, anong awit ang pipiliin mo? Ilista sa hiwalay
na papel ang liriko o ang bahagi ng liriko ng awit na ito.

G. Paglalapat ng aralin sa pang-araw-araw na buhay

Paglalapat : Paano mo maipapakita ang pagmamahal mo sa ating inang kalikasan ? Isulat ito sa isang talata at
gamitan ng mga salitang magkaka-ugnay.

H. Paglalahat ng Aralin

Paglalahat : Ano ang natutunan mo sa aralin ? Ano ang dapat natin gawin upang manatiling maayos an gating
kapaligiran?
IV. Pagtataya:

. Pagtataya :

Ibigay ang mga salitang magkakaugnay at ang paraan ng pagkakaugnay ng mga ito (gamit, bahagi,lokasyon o ugnayan
sa kulay). Halimbawa sa bilang 1, ang watawat at tagdan ang magkaugnay. Ang paraan ng pagkakaugnay ay lokasyon dahil
ikinakabit ang watawat sa tagdan nito. Gawin ang bilang 2-10 sa sagutang papel.

1. watawat,awit,tagdan, bata (lokasyon)

2.langit, bughaw, burol,lupa

3.dagat,bapor,dyip, bus

4.dingding,palay, bahay,paaralan

5.panghiwa,palakol,kutsilyo,martilyo

6.pala,pako,panghukay, gunting

7.araro,gulong,kariton,puno

8.ibon,pugad,aso,pusa

9.kotse,garahe,kabayo,kambing

10.Pilipinas, Timog-silangan, malayo, lahi

V. Takdang-Aralin:

Magsaliksik sa iba’t ibang uri ng pangungusap na maaring gamitin sa pakikipanayam.


FILIPINO VI

Date: ____________

I. Layunin:

A. Pamantayang Pangnilalaman

Nagagamit ang sugnay na pang-abay na pamaraan, pamanahaon at panlunan

B. Pamantayan sa pagganap

Nagagamit ang sugnay na pang-abay na pamaraan, pamanahaon at panlunan

C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto

Paggamit ng Sugnay na Pang-abay na Pamaraan, Pamanahon at Panlunan

II. Paksa:

Sanggunian: BEC/PELC PAGSASALITA ph. 4, Banhay Aralin sa Filipino 6 ph. 176-179

Kagamitan: Aklat, tsart

III. Pamamaraan:

A. Balik-Aral sa nakaraang aralin at/o pagsisimula ng bagong aralin

Ano ang dapat tandaan sa pagsasagot ng mga tanong sa impormasyong napakinggan?

Pagwawasto sa Takdang-Aralin.

B. Paghahabi sa layunin ng aralin

Paano tayo gumagamit nang malinaw at angkop na pananalita?

Natatandaan mo ba ang tugmang ito?

Kaya daw tayo dapat tumigil sa paglalakad?

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin

Ano-ano ang mga pamantayan sa pakikinig ng isang impormasyon?

D. Pagtatalakay ng bagong konsepto at pagalalahad ng bagong kasanayan #1

Pagbasa sa kuwentong “Ang Mangingisda?


E. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #2

1.Paano tinulungan ni Urashima ang pagonng?

2.Paano gumanti ang pagong sa kanya?

3.Ano ang ipinagkaloob kay Urashima sa palasyo?

4.Sa inyong palagay, ano kaya ang tunay na nangyari?

F. Paglinang sa Kabihasnan

Piliin ang mga sugnay na pang-abay na ginamit sa mga pangungusap na hinango sa kuwento. Isulat ang
sagot sa loob ng tsart.

Hal:
Pamaraan Pamanahon Panlunan

Paano Kailan Saan

bigla Isang Sa harap


tanghali

1.Nanirahan si Urashima sa isang maliit na nayon na nasa bansang Hapon.

2.Nang siya’y pauwi sa kanilang tahanan, naraanan niya ang isang batang binabato ang pagong.

3.Naglakbay si Urashima na nakasakay sa likod ng pagong.

G. Paglalapat ng aralin sa pang-araw-araw na buhay

Buuin ang pangungusap na gumagamit ng sugnay na pang-abay na pamaraan, pamanahon at panlunan.

1.Maunlad ang bansa ___________.

2.Magiging malusog ang mga bata _____________.

3.Ang mga ibon ay __________.


H. Paglalahat ng Aralin

Ano-ano ang gamit ng sugnay na pang-abay?

IV. Pagtataya:

Gamitin sa pangungusap ang mga sugnay na pang-abay na pamaraan, pamanahon at panlunan.

1.sa tabi ng daan

2.magalang

3.sa susunod na lingo

4.sabay-sabay

5.sa kabilang bayan

V. Takdang-Aralin:

Sumulat ng isang talata tungkol sa mga Gawain moa raw-araw. Gumamit ng mga sugnay na pang-abay.

You might also like