You are on page 1of 3

Kagawaran ng Edukasyon

Rehiyon III
Dibisyon ng Lungsod ng San Fernando(P)
Ikaapat na Markahang Pagsusulit sa Filipino I

Pangalan: Iskor:
Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. “ Wow ! Napakaraming bulaklak”! Anong damdamin ang ipinapahayag ng nagsasalita sa
pangungusap?
a. natutuwa b.malungkot c. galit d. natatakot
2. “ Naku! Ang aso ay papalapit sa atin.” Ang pangungusap ay nagpapahayag ng anong
damdamin?
a. nasasabik b. malungkot c. natatakot d.galit
3. Anong damdamin ang ipinapahayag ng nagsasalita sa pangungusap?
“ Yehey! Nanalo ako!”
a. natutuwa b.malungkot c. galit d. natatakot

4. Mainit ang sikat ng (araw). Alin ang kasalungat ng salita na nakasalungguhit?


a. malambot b. malamig c. mahaba d. makulay

5. Mabilis na tumakbo ang (kabayo) ni Allan. Alin sa mga larawan ang may
kasalungat na katangian ng salitang may salungguhit?

a. b. c. d.
6. Anong magkasalungat na salita ang tugma sa mga larawan?

a. mahaba-maiksi b. malambot-matigas c. mainit-malamig


d. mabilis-mabagal
7. Ano ang emosyong akma sa pangungusap? “Itay may ahas sa banyo!”
a. masaya b. malungkot c. galit d. nabigla
8. Napasigaw ng malakas si Ben nang makita niya ang ahas sa loob ng kanilang sala. Ano ang
naramdaman ni Ben nang makita niya ang ahas?
a.nagagalak b. malungkot c. nabigla d. nagalit
9. Maingay na naglalaro ang mga bata sa parke. Sila ay .
a. masaya b. umiiyak c. takot na takot d. nagagalit
10. Biglang tumahamik si Toni nang makita niya ang kanyang mababang marka. Alin sa mga
sumusunod ang naglalarawan sa naramdaman ni Toni?
a. Siya ay tuwang-tuwa.
b. Si Toni ay galit sa kanyang guro.
c. Nasasabik siyang makita ang kanyang marka.
d. Nalungkot si Toni ng makita ang kanyang marka.
11. Sabay-sabay na nagsigawan ang mga kabataan nang makita nila ang kanilang idolo. Bakit
biglang nagsigawan ang mga kabataan nang makita ang kanilang idolo.
a. Sila ay tuwang-tuwa nang makita ang idolo.
b. Galit na galit sila sa kanilang idolo.
c. Natakot sila sa kanilang idolo
d. Malungkot sila sa pagdating ng kanilang idolo.
12. Aling pangungusap ang nagpapakita ng facial expression na .
a. “Naku! Hinahabol tayo ng aso!”
b. “Sunog! Nasusunog ang bahay!”
c. “Aha! Kinain mo ang saging”
d. “Naku! Ang baba ng nakuha ko sa pagsusulit.”
13. “Yehey! May bago akong bisikleta.” Anong facial expression ang ipinapakita sa
pangungusap?

a. b. c. d.
14. Pumasok si Anton sa bakuran ni Mang Ando. Hinabol siya ng mabangis na aso na alaga ni
Mang Ando. Anong facial expression ang angkop sa sitwasyon?

a. b. c. d.

15. Anong pangungusap ang akma sa facial expression na ?


a. “ Ay! Nahulog ang bata !”
b. “Wow! Ang sarap ng luto ni nanay.”
c. “ Naku! Nadapa si Rosa!”
d. “ Aray!Ang sakit ng ulo ko.”
16.Nagmamadali si Lina sa pagpasok sa paaralan. Nahulog ang baon niyang pera nang hindi
namamalayan. Anong facial expression ang makikita kay Lina?

a. b. c. d.
17. Naglalakad pauwi si Melo nang bigla siyang sinuntok ng kanyang kaklase. Anong facial
expression sa sitwasyon ang makikita kay Melo?

a. b. c. d.
18. Mahigpit na niyakap ni Joan ang ina nang makita niya ito pagkagaling sa bakasyon kina
lolo at lola. Bakit mahigpit ang pagkayakap ni Joan sa kanyang ina?
a. Siya ay sabik na makita ulit ang ina. c. Ayaw niyang makita ang kanyang ina.
b. Iiwan siya ng kanyang nanay. d. Ayaw umuwi Joan sa kanila.
19. Narinig ni Cathy ang tunog ng bell sa kanilang paaralan kaya binilisan niya ang paglalakad.
Siya ay .
a. hinahabol ng aso c. nagmamadaling pumasok
b. nakikipaghabulan sa kaklasi d. tumatakbong pauwi
20. Malakas na palakpakan ang narinig sa manonood pagkatapos umawit ni Rina. Ano ang ibig
sabihin ng malakas na palakpakan ng mga tao?
a. Naiinip ang mga tao.
b. Humanga ang mga tao kay Rina.
c. Gusto nilang tumigil si Rina sa pag-awit.
d. Natuwa ang mga tao sa ibang mang-aawit.

21. Naghahanda ng almusal si Nanay nang makita niyang matamlay ang kanyang anak. Ano ang
kahulugan ng salitang nakasalungguhit?
a. maliksi b.masigla c. naiinis d. malungkot
22. Sa awit na “Maliit na Gagamba” , ano ang ibig sabihin ng itinaboy?
a. pinatuloy b. pinaalis c. pinaakyat d. pinababa
23. Humigop ng mainit na sabaw si Mang Jose dahil malamig ang panahon. Alin sa
pangungusap ang magkasalungat na pang-uri?
a. malamig-panahon c. sabaw-humigop
b. panahon-humigop d. mainit-malamig
24. Naglalakad pauwi ng bahay si Ana nang maramdaman niya ang malakas na ihip ng hangin.
Ano ang kasalungat na salita ang nakasalungguhit?
a. matibay b.maingay c. mahina d. marupok
25. Maramot na bata si Noli kaya marami ang ayaw makipaglaro sa kanya. Ano ang
kasalungat ng salitang maramot?
a. masaya b.mapagbigay c. malinis d.mabait
26. Tuwang-tuwa si Martha sa kanyang natanggap na regalo.Alin sa mga sumusunod na salita
ang kasalungat ng salitang nakasalungguhit.
a. masaya b.malungkot c.takot na takot d. nagagalit
27. Si Amy ay isang matalinong mag-aaral. Alin sa pangungusap ang kasingkahulugan ng
matalino?
a. masipag b. marunong c. matiyaga d. masikap
28. Makalat sa loob ng bahay nang datnan ni Nanay. Ano ang kasingkahulugan ng salitang
nakasalungguhit?
a. malinis b. makintab c. marumi d. mabaho
29. Ang mga bulaklak sa kanyang hardin ay talagang kaakit-akit. Alin sa mga sumusunod na
salita ang kasingkahulugan ng nakasalungguhit?
a. mabango b. malinis c. maganda d. nalalanta
30. Nagmamadaling umuwi si Rita upang ipakita sa ina ang nakuha niyang mataas na marka sa
kanilang pagsusulit . Ano kaya ang mararamdaman ng ina ni Rita?
a. magagalit b. malulungkot c. matutuwa d. matatakot

You might also like