You are on page 1of 8

Republic of the Philippines

Department of Education
Republic Region IV – A CALABARZON
Division of Cavite
District I of General Trias
Diagnostic Test in Edukasyon sa Pagpakatao 5

Pangalan: ______________________________ Petsa: ______________________


Baitang: ______________________________ Guro: ______________________

PANUTO: Basahing mabuti ang mga sitwasyon. Piliin at bilugan ang tamang sagot.

1. May programa ang inyong barangay hinggil sa pagpapanatiling malinis ng


inyong lugar, bilang isang mabuting mamamayan, paano mo maipapakita ang
iyong pakikiisa?
A. magwalis araw-araw C. pananatilihing malinis ang lugar
B. maglalagay ng paskil sa daan
2. Nagkayayaan ang magkakaibigan na mamasyal, nagdala kayo ng pagkain at
inumin. Ano ang gagawin ninyo upang maiwasan ang pagkakalat?
A. ilalagay ang kalat sa isang tabi at ibubunton
B. ihahagis sa daan
C. magbabaon ng supot na lalagyan ng basura
3. Alin ang magandang proyekto para sa parke?
A. paglalagay ng basurahan
B. paglalagay ng panuto hinggil sa pag-iwas sa dengue
C. paglalagay ng mga babasahin sa natatanging lugar
4. Kasama mo ang iyong mga kapatid na namasyal sa zoo. Ano ang
ipagbabawal mong gawin nila?
A. ang magtapon ng kalat sa basurahan C. ang magpakain sa hayop
B. ang mag-ingay
5. Habang nanunood ng mga magagandang tanawin, kumakain ka ng chewing
gum. Ano ang nararapat mong gawin kapag nais mong itapon?
A. idudura na lang C. ididikit sa ilalim ng upuan
B. ilalagay sa wrapper at ibubulsa mo at saka itatapon sa basurahan
6. Magaganda at makulay ang mga bulaklak sa parke , natukso kang pumitas ng
tatlo. Ano ang reaksyon mo dito?
A. sang-ayon ako B. depende kung may tanod o wala C. tutol ako
7. Sa pangangalaga ng halaman, inaalis ang ___________.
A. mga pugad ng ibon
B. mga murang bunga
C. mga dilaw na dahon
8. Kumakain ng mais si Aira sa loob ng pampasaherong dyip. Ano ang dapat
nyang gawin sa pagkatapos niyang kumain?
A. ilalagay ito ng maayos sa ilalim ng upuan
B. hahawakan o isusupot muna ito at itatapon sa basurahan
C. itatapon ito sa lansangan
9. Sino sa mga sumusunod ang tutularan mo?
A. Si Benny na malimit dumura sa dinadaanan
B. Si Ashley na tinatakpan ang bibig nat ilong kung nababahing
C. Si Vener na ngkakalat ng kendi Sa daan.
10. Mahalaga ang pagpapanatili ng kaangkupang pisikal.
A. upang hindi mabagot C.upang maging malusog
B. upang malibang
11. Gaano ka kadalas nag-eehersisyo ng katawan?
A. bastat mahina ang pakiramdam ko, ako ay nag-eehersisyo
B. may regular akong skedyul ng pag-eehersisyo araw-araw
C. sinisikap kong mag-ehersisyo nang madalas
12. Alin sa mga sumusunod ang maituturing na gawaing pangkaangkupang
pisikal?
A. pagluluto ng pagkain C. pagbasa ng aklat
B. pag-akyat sa hagdan
13. Sa paglalangoy mainam _____________.
A. Pagpahid ng sun block sa katawan C. lumayo sa karamihan
B. Iwasan ang tubig na malinaw
14. Araw ng Sabado at tapos na ang Gawain nila sa bahay. Ibig nilang
maglibang. Alin sa mga sumusunod ang isang libangang magpapalakas ng
katawan na maari nilan Gawain.
A. maglaro ng balibol C. paglalaro sa ulan
B. paglalaro ng baraha
15. Ano ang dapat tandaan sa pag-eehersisyong pisikal?
A. mag warm-up at mag- warm down ng tiglimang minute
B. bawal uminom ng tubig habang nag-eehersisyo
C. kahit pagod na dapat pa rin iktuloy ang ehersisyo
16. Alin sa mga gawaing ito ang kaangkupang pisikal?
A. pagbabasa ng magasin C.pagkanta
B. paglalampaso ng sahig
17. Nagkaroon ng paligsahan sa pagtakbo sa paaralan, kaagad naligo si Mark.
Ano ang maaaring idulot sa kanyang katawan?
A. lalakas at bibilis ang kanyang pagtakbo
B. magiging malusog ito
C. maaaring magkaroon ng karamdaman dahil siya ay hindi pa
nakakapagpahinga ng sapat
18. Aling laro ang mainam na ehersisyo sa katawan?
A. domino B. teks C. jumping rope
19. Mahalaga ang pagpapanatili ng kaangkupang pisikal
A. sa ating kabuhayan B. sa katahimikan ng bayan C. sa aking kalusugan
20. Magjo-jogging si Vener. Ano ang maaari niyang isuot?
A. short at sapatos na de goma
B. maong na pantaloon at tsinelas
C. pantalong uniporme at sapatos na balat
21. Tinatanong ka ng guro kung kaya mong mamuno sa isang pangkat. Ano ang
gagawin mo?
A. Susuriin muna ang uri at lawak ng Gawain kung makakaya bago
magpasya.
B. Tatanggapin kaagad ang Gawain nang di alam nito
C. Sasabihin kaagad na di ito kaya
22. Sa pagpili ng kasama sa pangkatang Gawain ay may nagsasabi sa iyo na
huwag isali ang isang kaklase dahil mahina ito. Ano ang gagawin mo?
A. Paniwalaan kaagad ang nagsabi nito.
B. Kukuha kaagad ng ibang kasapi
C. Susuriin muna kung ano ang makakayang gawin ng kaklaseng ayaw isali
bago magpasya kung tatanggapin o hindi.
23. Nabuhusan ng tubig ang papel na sinusulatan mo sa mesa na iniwanan mo
doon. Ang dalawang nakababatang kapatid mo ay nagtuturuan. Ano ang
gagawin mo?
A. Babatukan pareho
B. Itatanong muna sa kanilang dalawa kung ano ang nangyari at nabuhusan
ang sinusulatan mo bago magpasya kung ano ang gagawin sa kanila.
C. Bubuhusan sila ng tubig
24. Ikaw ay inatasan ng guro upang maging lider ng grupo para sa gagawing
pagtatanghal. Ano ang nararapat mong gawin upang mapabilis ang pag-
eensayo dahil sa kokonting panahon na lamang ang natitira para pag-aralan pa
ito?
A.Kakausapin ang mga kagrupo upang mapagdesisyonan at mapag-usapan
ang nararapat gawin para sa palatuntunan.
B. magkanya-kanya ng pag-eensayo
C.Ipapasa sa iba ang responsibilidad dahil hindi ito kayang gawin
25. Magbibigay ang inyong guro ng pangkatang gawain ngunit ang iyong mga
kagrupo ay palaging wala kapag gumagawa kayo ng inyong gawain. Ano
ang nararapat mong gawin?
A. Kausapin ang mga kagrupo at ipaliwanag sa kanila na dapat matapos iyon
agad
B.Humanap ng ibang kagrupo
C. Isumbong sa guro
26. Sa isang pag-uusap ukol sa suliraning pinag-aaralan sa klase ay may nalaman
kang impormasyon na maaaring makatulong sa kalutasan nito. Ano ang
gagawin mo?
A. Papabayaan na lang ang iba na magmungkahi ng kalutasan
B. Sasabihing may nalalaman kang impormasyon na maaaring makalutas ng
suliranin
C. Mahihiyang sabihin ito at baka mali
27. Isang kaibaigan mo nasa ika-6 na baitang ay nagpapatulong na maintindihan
ang isang gawain sa agham na alam mo na. Ano ang gagawin mo?
A.Tutulungan siya at ipapaliwanag ang nalalaman mo
B. Pababayaansiyang maghirap sa Gawain niya
C. Sasabihin sa kanya na patulong siya sa iba
28. Marami kang nakalap na impormasyon ukol sa suliraning ibinigay ng guro na
dapat ninyong pag-aralan, tinanong ka ng iyong kaklase ukol dito. Ano ang
gagawin mo?
A. Sasabihin ang nalalaman at ipapaliwanag ito sa mga kaklase
B. Magkukunwaring walang alam
C. Magsasawalang kibo na lang
29. Parehong magaling kumanta sina Nena at Ana kaya hindi malaman ng guro
kung sino ang isasali sa patimpalak na gagawin sa paaralan.Isa lamang ang
maging representante ng bawat pangkat?Ano ang dapat gawin ng guro?
A.Piliin sa dalawa kung sino ang pinakamagaling at siya ang isasali sa
patimpalak
B. Tanungin ang buong klase at pagbotohan kung sino sa dalawa ang nara-
rapat isali
C.Hindi na lamang isasali ang dalawa para walang inggitan
30. Nakita mong nag aaway ang iyong dalawang kapatid .Ano ang nararapat
mong gawin?
A. Tanungin ang dalawa kung ano ang pinagsimulan ng kanilang pag-aaway
B. Pabayaang mag-away ang dalawa
C. Kakampi lamang sa isang kapatid
31.Isa kasa hurado sa isang patimpalak .Isa sa mga kalahok dito ay iyong kamag-
anak .Bilang hurado ano ang nararapat na maging desisiyon mo?
A. Papanalunin ang kamag-anak
B. Papanaluhin kung sino ang nararapat na manalo
C. Hindi na pasasalihin ang kamag-anak upang walang reklamo
32. Nagkaroon ng eleksiyon sa inyong klase at ang mga nominado ay ang kai-
bigan mo at ang nangunguna sa inyong klase. Alam mong hind magam-
panan ng iyong kaibigan ang magiging tungkulin sa inyong paaralan. Ano
ang nararapat mong gawin?
A.Iboboto ang nararapat sa posisyon
B. Hindi na lang iboboto
C. Hihikayatin ang kaibigan na huwag na lamang sumali sa eleksyon
33. Ginawa kang lider sa inyong pangkat sa pagbibigay at pangungulekta ng
aklat dapat ingatan ang pagbibilang ng aklat na isasauli dahil mananagot ka
sa mawawalang aklat. Paano mo tatanggapin ang pananagutang ito?
A. Sasabihin sa guro na iba na lamang ang gawin niyang lider
B. Tatanggapin kaagad ang gawain
C. Tatanggapin ang pananagutan ng maluwag sa kalooban
34. Naghahanap buhay ang mga magulang mo upang makapag-aral ka. Ano ang
Dapat mong gawin?
A. Maglaro lang sa paaralan
B. Mag-aaral mabuti sa paaralan
C. Mamamasyal habang may klase
35. Magaling ka sumayaw pero ito at hindi alam ng iyong mga kaklase.
Nagkaroon ng paligsahan sa pagsasayaw at nangangailangan pa ng isang
miyembro .Ano ang gagawin mo?
A. Sasali sa sariling pangkat at ipapakita ang kakayahan sa pagsasayaw
B. Hindi sasali
C. Magkukunwaring di marunong sumayaw
36. Biniyayaan ka ng kagalingan sa pagkanta. Ano ang nararapat mong gawin
sa biyayang ito?
A. Sasali sa mga patimpalak at ipapakita ang kakayahan
B. Itatago na lang ang kakayahan dahil baka mapahiya
C. Ipagyayabang ito sa lahat
37. Binigyan kayo ng gawain ng inyong guro at kailangan ipaliwanag ito sa
unahan .Isa sa mga katanungan niya ay magbigay ng kongklusiyon ukol
sa inyong ginawa. Ano ang nararapat mong gawin upang maipaliwanag ito?
A. Susuriin ang ginawa at pag-aaralan ito upang maipaliwanag ito ng
mabuti
B. Hindi na lamang magpapaliwanag sa unahan
C. Sasabihin sa guro na hindi mo alam ang sagot
38. Ipinag-utos ng kapitan ng inyong barangay ang paggamit ng basurahan
ng bawat bakuran dahil sa masamang dulot nito sa kapaligiran .Bilang ma-
mamayan ng inyong barangay .Ano ang dapat gawin ng inyong pamilya?
A. Hindi papakinggan ang utos
B. Manghihitam ng basurahan sa tapat ng bahay
C. Maglalagay ng sariling basurahan sa tapat ng bahay
39. Mag-uulat ang iyong kamag-aral ng may marinig ka na hindi tama sa
iyong palagay.Ano ang gagawin mo?
A. Sisigawan siya na mali ang inuulat niya
B. Hahadlangan ang pagsasalita niya
C. Hihintaying matapos sa pag-uulat ng kaklase bago sabihin ang iyong
nalalaman
40. Nagtatrabaho ang nanay mo kaya t sa iyo iniwan ang pag-aasikaso sa mga
nakakabata mong kapatid.Ano ang gagawin mo?
A. Sasabihin sa nanay na hindi mo kaya ang pinagagawa niya
B. Sisikaping gampanan ang pananagutang pinagagawa niya
C. Pababayaan ang mga kapatid

Iguhit ang bituin kung nagpapakita ng pagtupad at pagpapahalaga sa pangako at bilog


kung hindi
____________ 41. Sabado ng hapon ng pumunta si Jade sa plasa dahil iyon ang napagkasun-
duan nila ng kanyang mga kaklase.
_____________42. Humiram si Ana ng pera kay Nena at kaagad niya ito ay bayaran ng nakuha
niya ang suweldo niya.
____________ 43. Pinilit ni Lina na mapag-aral ang mga kapatid dahil nangako ito sa ina na
pag-aaralin ang mga ito.
____________ 44. Ipinagbilin ng ina ni Lina na huwag aalis sa paaralan hanggat hindi ito duma-
dating. Nakita ni Lina ang kanyang mga kalaro ng uwian na at sumama
siya dito.
____________ 45. Napagkasunduan ni Ana at ni Betty na sa SM sila magkikita ngunit hindi
dumating si Ana sa lugar na kanilang pinag-usapan.
____________ 46. Pinanindigan ni Lita ang kanyang sinabi kay Nena.
___________ 47. Nangako si Ana na ibabalik niya ang aklat na hiniram ngunit nalimutan
niyang isauli ito.
____________ 48. Hindi nagbayad ng utang si Aling Marta kay Mang Celso.
____________ 49. Tinupad ni Ana ang pinagkasunduan nila ni Nena.
____________ 50. Dumating si Sisa sa tamang oras ng pinag-usapan nila ni Susan.
Lagyan ng (/) kung ito ay nagpapakita ng pagmamalasakit sa kapwa at (x) kung hindi.

____________ 51. Hindi papansinin ang taong humihingi ng tulong para hindi madamay.
____________ 52. Pagtulong at pagtuturo sa kamag-aral na nahihirapan sa paggawa ng takdang
aralin.
____________ 53. Bubuhatin ang bayong na bitbit ng matanda.
____________ 54. Pagbibigay ng limos sa mga pulubi at nangangailangan.
____________ 55. Hindi papansinin ang mga kamag-aral na nag-aaway.
____________ 56. Ipapamahagi ang pagkain sa ibang tao.
____________ 57. Pagtulong sa mga nasalanta ng bagyo.
____________ 58. Pagtulong sa matanda habang tumatawid sa kalsada.
____________ 59. Lalayuan ang pulubing nakita dahil ito ay marumi.
____________ 60. Hindi pagtanggap ng anumang kabayaran sa pagtulong na ginawa.

Basahing mabuti ang mga sitwasyon. Piliin ang tamang sagot.

61. Kahit maliit ang bakuran nila Marcos, makakapagtanim pa rin siya ng
halaman sa
A. Dingding B. paso o lata C.sa loob ng bahay
62. Kung gagawa ang kabataan ng proyekto para sa isang pasyalang bayan o
parke, alin ang irerekomenda mo?
A.Paglalagayng mga karatulang nagtuturo kung saan ang palikuran
B.Paglalagay ng panuto hinggil sa pagpatay ng sunog
C.Paglalagay ng donation boxes sa ikakaganda ng parke
63. Malaking kapinsalaan ang dulot ng ___________ sa pangingisda.
A.paggamit ng dinamita C. paggmit ng buslo
B. paggamit ng sibat
64. Alin ang pinakamainam na tapunan ng basura?
A. Tabing ilog C. tabing kalye
B. land fill
65. Sino ang ihahalal mong pangulo sa inyong samahan?
A. Si Ana na maganda at mapera ngunit mapagmataas
B. Si Ben na matalik mong kaibigan ngunit palaging pikon
C. Si Ashley na kilala sa kabaitan at mapagkumbaba
66. Paano mo tatanggihan ang inaalok na sigarilyo ng iyong kaklase?
A.tatanggihan ng maayos at sasabihan na masama ito sa kalusugan
B. para sa matanda lang yan
C. sa ibang lugar na lang maninigarilyo
67. Kung mamimili ang nanay mo ng insecticides, aling produkto ang
irerekomenda mo?
A. Yung maraming laman ngunit mura
B. Yung gawa sa mga natural na sangkap
C. Yung mahal at pinakabagong produkto
68. Sa volleyball, nagaaway ang yellow team na binubuo ng iyong kamag-aral at
green team mula sa ibang seksyon, ito ay humantong sa sigawan at iringan.
Ano ang gagawin mo?
A. Kakampihan ko ang yellow team at makikipag-away din
B. Iiwasan ko ng manood ng laro nila
C. Lilinawin ko muna at magiisip ng paraan para magkasundo sila
69. Sadyang kinalimutan ni Aaron ang habilin ng ina na pakainin ang mga
alagang hayop. Ang ginawa niya ay ____________.
A. Magandang halimbawa C. hindi dapat gayahin
B. Pambihirang asal
70.Napansin mong hindi sumasali sa laro si Lyka dahil nahihiya. Ano ang
gagawin mo?
A. Tatanungin ko siya kung gusting sumali
B. Lalapitan at hihikayatin ko siya na sumali sa laro
C. Hindi ko bibigyang pansin si lyka
71. Pinagsuspetsahan ng iyong mga kamag-aral si Rose na kumuha ng
nawawalang
pera ni Angel. Kung ikaw ang pangulo ng klase, ano ang gagawin mo?
A.Kakausapin ko si Rose na magtapat kung saan niya inilagay ang pera
B. isusumbong sa guro si Rose
C.Huwag munang manghusga at tiyakin muna kung paano ito nawala
72. Bago gumawa ng pasya at konklusyon, mainam na _______________.
A. Suriing mabuti ang sitwasyon
B. Maging mabilis magpasya
C. Iwasan ang malalim na pag-aaral
73. Dahil sa maduming tubig, laganap ang diarrhea at cholera. Ano ang
imumungkahi mo sa iyong kasambahay?
A.Pakuluin ang maduming tubig
B. Mag-imbak ng tubig
C. Lagyan ng yelo ang iinuming tubig
74. Ano ang maitutulong mo sa pagpapalaganap ng impormasyon tungkol sa pag-
iwas na sakit na dengue?
A. Humingi ng donasyong gamut
B. Hikayatin ang mga bata na magpabakuna
C. Tumulong sa pamamahagi ng leaflets tungkol sa dengue
75. Kung nadiskubre mo na ang binili mong gamit/bagay ay may depekto ano ang
gagawin mo?
A. Magrereklamo sa tindahan
B. Hindi na lang bibili sa tindahang iyon
C. Isasangguni kaagad at isasauli ang bagay na nabili.

Inihanda ni:

AGNES C. DIONIDO
Master Teacher I

You might also like