You are on page 1of 17

GABAY

AT DASAL
SA
PAGBI-BISITA IGLESIA
UNANG SIMBAHAN

N. Sa Ngalan ng Ama, ng Anak, at ng Espiritu Santo.

B. Amen.

N. Panginoong Hesukristo, sinabi mo “Kung mayroong dalawa o tatlong nagkakatipon sa


pangalan ko, naroon ako sa piling nila”. Tunghayan Mo kaming iyong mga lingkod na ngayo’y
nagkakatipon at sumasampalataya na Ikaw ay naririyan sa Banal na Sakramento.

Nawa ang aming pagninilay sa gabing ito sa mga huling habilin Mo sa Iyong mga alagad
ay magbukas ng aming puso sa ibayong pasunod at pagmamahal sa Iyo at sa aming kapwa.

B. Amen.

Pagbasa: Juan 13:13-35

Pagkaalis ni Judas ay sinabi ni Jesus, “Ngayo’y mahahayag na ang karangalan ng Anak


ng Tao; at mahahayag din ang karangalan ng Diyos sa pamamagitan niya. At kung mahayag na
ang karangaln ng Diyos, ang Diyos naman ang maghahayag ng karangalan ng Anak, at gagawin
niya ito agad. Mga anak, kaunting panahon na lamang ninyo akong makakasama. Hahanapin
ninyo ako; ngunit sinasabi Ko sa inyo, “Hindi kayo makapupunta sa paroroonan ko. Isang
bagong utos ang ibinibigay ko sa inyo: mag-ibigan kayo! Kung paanong inibig ko kayo, gayon
din naman, mag-ibigian kayo. Kung kayo’y mag-iibigan, makikilala ng lahat na kayo’y mga
alagad ko.”

(Sandaling katahimikan)

Salmo 51:1-6

Ako’y kaawaan, O mahal kong Diyos,


Sang-ayon sa iyong kagandahang-loob;
Mga kasalanan ko’y Iyong pawiin,
Ayon din sa Iyong pag-ibig sa akin!

Linisin mo sana ang aking karumhan


At ipatawad mo yaring kasalanan!

Ang pagsalansang ko ay kinikilala,


Laging nasa isip ko at alaala.
Sa iyo lang ako nagkasalang tunay,
At ang nagawa ko’y di mo nagustuhan.
Kaya may matuwid ka na ako’y hatulan,
Marapat na ako’y iyong parusahan.

Ako’y masama na buhat nang iluwal


Makasalanan na nang ako’y isilang
Nais Mo sa aki’y isang pusong tapat;
Puspusing Mo ako ng dunong mong wagas.

Dasalin: Ama Namin, Aba Ginoong Maria at Luwalhati sa Ama

Pangwakas:
Mga Hibik sa Kabanal-banalang Manunubos

Lahat: Kaluluwa ni Kristo, pakabanalin Mo ako


Katawan ni Kristo, iligtas Mo ako.
Dugo ni Kristo, tigmakin Mo ako.
Tubig mula sa tagiliran ni Kristo, hugasan Mo ako.
Pagpapakasakit ni Kristo, patatagin Mo ako.
Butihing Hesus, dinggin Mo ako.
Sa loob ng sugat Mo, ako’y itago Mo.
Huwag Mong ipahintulot na mawalay ako sa Iyo.
Sa nagpapahamak na kaaway ako’y ipagsanggalang Mo.
Sa sandali ng pagpanaw ako’y tawagin Mo.
At Iyong ipag-utos na lumapit ako sa Iyo.
Upang kaisa ng Iyong mga Banal
Ako’y makapagpuri sa Iyo sa kalangitan magpasawalang hanggan.
Amen.
IKALAWANG SIMBAHAN

N. Sa Ngalan ng Ama, ng Anak, at ng Espiritu Santo.

B. Amen.

N. Panginoong Hesukristo, sinabi mo “Kung mayroong dalawa o tatlong nagkakatipon sa


pangalan ko, naroon ako sa piling nila”. Tunghayan Mo kaming iyong mga lingkod na ngayo’y
nagkakatipon at sumasampalataya na Ikaw ay naririyan sa Banal na Sakramento.

Nawa ang aming pagninilay sa gabing ito sa mga huling habilin Mo sa Iyong mga alagad
ay magbukas ng aming puso sa ibayong pasunod at pagmamahal sa Iyo sa aming kapwa.

B. Amen.

Pagbasa: Juan 14:27-31

“Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang ibinibigay ko sa inyo;
hindi ito katulad ng ibinibigay ng sanlibutan. Huwag kayong mabalisa; huwag kayong matakot.
Sinabi Ko na sa inyo, ‘Ako’y aalis, nguni’t babalik ako’. Kung iniibig ninyo Ako, ikagagalak
ninyo ang pagpunta ko sa Ama, sapagkat dakila ang Ama kaysa akin. Sinasabi ko na ito sa inyo
bago pa mangyari upang, kung mangyari na, kayo’y manalig sa bago sa akin. Hindi na ako
pakahahaba ng pagsasalita sa inyo, sapagkat dumarating na ang pinuno ng sanlibutang ito. Wala
siyang kapangyarihan sa akin, subalit dapat makilala ng sanlibutan na iniibig ko ang Ama at ang
ginagawa ko’y ang iniutos niya sa akin. Tumindig kayo; tayo!”

(Sandaling katahimikan)

Salmo 51:7-11

Ako ay linisin, sala ko’y hugasan


At ako’y puputi nang walang kapantay.
Sa galak at tuwa ako ay puspusin;
At muling babalik ang galak sa akin.

Ang kasalanan ko’y iyo nang limutin


Lahat ko nawang masama’y pawiin.

Isng pusong tapat sa aki’y likhain,


Bigyan Mo, O Diyos, ng bagong damdamin.

Sa iyong harapa’y h’wag akong alisin


Ang Espiritu Mo ang papaghariin.
Dasalin: Ama Namin, Aba Ginoong Maria at Luwalhati sa Ama

Pangwakas:

Mga Hibik sa Kabanal-banalang Manunubos

Lahat: Kaluluwa ni Kristo, pakabanalin Mo ako


Katawan ni Kristo, iligtas Mo ako.
Dugo ni Kristo, tigmakin Mo ako.
Tubig mula sa tagiliran ni Kristo, hugasan Mo ako.
Pagpapakasakit ni Kristo, patatagin Mo ako.
Butihing Hesus, dinggin Mo ako.
Sa loob ng sugat Mo, ako’y itago Mo.
Huwag Mong ipahintulot na mawalay ako sa Iyo.
Sa nagpapahamak na kaaway ako’y ipagsanggalang Mo.
Sa sandali ng pagpanaw ako’y tawagin Mo.
At Iyong ipag-utos na lumapit ako sa Iyo.
Upang kaisa ng Iyong mga Banal
Ako’y makapagpuri sa Iyo sa kalangitan magpasawalang hanggan.
Amen.
IKATLONG SIMBAHAN

N. Sa Ngalan ng Ama, ng Anak, at ng Espiritu Santo.

B. Amen.

N. Panginoong Hesukristo, sinabi mo “Kung mayroong dalawa o tatlong nagkakatipon sa


pangalan ko, naroon ako sa piling nila”. Tunghayan Mo kaming iyong mga lingkod na ngayo’y
nagkakatipon at sumasampalataya na Ikaw ay naririyan sa Banal na Sakramento.

Nawa ang aming pagninilay sa gabing ito sa mga huling habilin Mo sa Iyong mga alagad
ay magbukas ng aming puso sa ibayong pasunod at pagmamahal sa Iyo sa aming kapwa.

B. Amen.

Pagbasa: Juan 15-:1-4

“Ako ang tunay na puno ng ubas, at ang aking Ama ang tagapag-alaga. Pinuputol niya
ang bawa’t sangang hindi namumunga; at kaya namang pinuputulan at nililinis ang bawa’t
sangang namumunga upang lalong dumami ang bunga. Nalinis na kayo sa pamamagitan ng
salitang sinabi ko sa inyo. Manatili kayo sa akin at manatili ako sa inyo. Hindi
makapamumunga ang sangang hindi nananatiling nakakabit sa puno. Gayon din naman, hindi
kayo makapamumunga kung hindi kayo mananatili sa akin.

(Sandaling katahimikan)

Salmo 51:12-17

Ang galak na dulot ng ‘yong pagliligtas,


Ibalik at ako ay gawin mong tapat
Kung magkagayon na, aking tuturuan
Sa Iyo lumapit ang makasalanan
Ingat Mo ako, Diyos kong manunubos,
Ang pagliligtas mo’y galak kong ibabantog
Turuan mo akong makapagsalita.
At pupurihin ka sa gitna ng madla.
Hindi mo na nais ang mga panghandog;
Sa haing sinunog di ka nalulugod
Ang handog ko, O Diyos, na karapat-dapat
Ay ang pakumbaba’t pusong mapagtapat.

Dasalin: Ama Namin, Aba Ginoong Maria at Luwalhati sa Ama


Pangwakas:

Mga Hibik sa Kabanal-banalang Manunubos

Lahat: Kaluluwa ni Kristo, pakabanalin Mo ako


Katawan ni Kristo, iligtas Mo ako.
Dugo ni Kristo, tigmakin Mo ako.
Tubig mula sa tagiliran ni Kristo, hugasan Mo ako.
Pagpapakasakit ni Kristo, patatagin Mo ako.
Butihing Hesus, dinggin Mo ako.
Sa loob ng sugat Mo, ako’y itago Mo.
Huwag Mong ipahintulot na mawalay ako sa Iyo.
Sa nagpapahamak na kaaway ako’y ipagsanggalang Mo.
Sa sandali ng pagpanaw ako’y tawagin Mo.
At Iyong ipag-utos na lumapit ako sa Iyo.
Upang kaisa ng Iyong mga Banal
Ako’y makapagpuri sa Iyo sa kalangitan magpasawalang hanggan.
IKAAPAT NA SIMBAHAN

N. Sa Ngalan ng Ama, ng Anak, at ng Espiritu Santo.

B. Amen.

N. Panginoong Hesukristo, sinabi mo “Kung mayroong dalawa o tatlong nagkakatipon sa


pangalan ko, naroon ako sa piling nila”. Tunghayan Mo kaming iyong mga lingkod na ngayo’y
nagkakatipon at sumasampalataya na Ikaw ay naririyan sa Banal na Sakramento.

Nawa ang aming pagninilay sa gabing ito sa mga huling habilin Mo sa Iyong mga alagad
ay magbukas ng aming puso sa ibayong pasunod at pagmamahal sa Iyo sa aming kapwa.

B. Amen.

Pagbasa: Juan 15:18-20

“Kung napopot sa inyo ang sanlibutan, dapat ninyong malamang napoot na ito sa akin
bago sa inyo. Kung kayo nga’y sa sanlibutan, iibigin kayo nito bilang kanya. Ngunit yamang
hindi kayo sa sanlibutan, kundi pinili ko kayo mula rito, ito’y napopoot sa inyo. Alalahanin
ninyo ang sinabi ko sa inyo: walang aliping higit kaysa kanyang Panginoon. Kung ako’y inusig
nila, uusigin din nila kayo’ kung tinupad nila ang aking salita, tutuparin din nila ang salita
ninyo.”

(Sandaling katahimikan)

Salmo 51:18-19

Iyong kahabagan, O Diyos, ang Sion;


Yaong Jerusalem ay muling ibangon

At kung magkayaon, ang handog na haing


Dala sa dambana, torong susunugin
Malugod na ito’y Iyong tanggapin.

Dasalin: Ama Namin, Aba Ginoong Maria at Luwalhati sa Ama

Pangwakas:

Mga Hibik sa Kabanal-banalang Manunubos


Lahat: Kaluluwa ni Kristo, pakabanalin Mo ako
Katawan ni Kristo, iligtas Mo ako.
Dugo ni Kristo, tigmakin Mo ako.
Tubig mula sa tagiliran ni Kristo, hugasan Mo ako.
Pagpapakasakit ni Kristo, patatagin Mo ako.
Butihing Hesus, dinggin Mo ako.
Sa loob ng sugat Mo, ako’y itago Mo.
Huwag Mong ipahintulot na mawalay ako sa Iyo.
Sa nagpapahamak na kaaway ako’y ipagsanggalang Mo.
Sa sandali ng pagpanaw ako’y tawagin Mo.
At Iyong ipag-utos na lumapit ako sa Iyo.
Upang kaisa ng Iyong mga Banal
Ako’y makapagpuri sa Iyo sa kalangitan magpasawalang hanggan.
IKALIMANG SIMBAHAN

N. Sa Ngalan ng Ama, ng Anak, at ng Espiritu Santo.

B. Amen.

N. Panginoong Hesukristo, sinabi mo “Kung mayroong dalawa o tatlong nagkakatipon sa


pangalan ko, naroon ako sa piling nila”. Tunghayan Mo kaming iyong mga lingkod na ngayo’y
nagkakatipon at sumasampalataya na Ikaw ay naririyan sa Banal na Sakramento.

Nawa ang aming pagninilay sa gabing ito sa mga huling habilin Mo sa Iyong mga alagad
ay magbukas ng aming puso sa ibayong pasunod at pagmamahal sa Iyo sa aming kapwa.

B. Amen.

Pagbasa: Juan 17:5-8

“Kaya, Ama, ipagkaloob Mo sa akin ngayon ang karangalang taglay ko sa piling Mo


bago pa likhain ang sanlibutan. “Ipinakilala Kita sa mga taong ibinigay mo sa akin mula sa
sanlibutan. Sila’y iyo; ibinigay Mo sila sa akin at tinupad nila ang Iyong salita. Ngayo’y alam
na nilang mula sa Iyo ang lahat ng ibinigay Mo sa akin; sapagkat itinuro ko sa kanila ang lahat
ng aking nabatid sa Iyo at tinanggap naman nila. Natitiyak nilang ako’y galing sa Iyo, at
naniniwala silang Ikaw nga ang nagsugo sa Akin.

(Sandaling katahimikan)

Salmo 55:1-7

Ang aking dalangi’y dinggin, Panginoon


O dinggin Mo ako sa aking pagtaghoy;
Lingapin Mo ako, ako ay sagipin,
Sa bigat ng aking mga suliranin.

Sa maraming banta ng mga kaaway,


nalilito ako at di mapalagay.
Ang dulot sa akin nila’y kaguluhan,
Namumuhi sila at galit na tunay.
Yaring aking puso’y tigib na ng lumbay,
Sa katakutan kong ako ay pumanaw
Sa tindi ng takot, ako’y nanginginig
Sinasaklot ako ng sindak na labis.

Wika ko, “kung ako lamang ay may pakpak.


Parang kalapit, ako ay lilipad;
Ako ay hahanap ng dakong panatag.
Aking liliparin ang malayong lugar,
At doon sa ilang mananahan.

Dasalin: Ama Namin, Aba Ginoong Maria at Luwalhati sa Ama

Pangwakas:

Mga Hibik sa Kabanal-banalang Manunubos

Lahat: Kaluluwa ni Kristo, pakabanalin Mo ako


Katawan ni Kristo, iligtas Mo ako.
Dugo ni Kristo, tigmakin Mo ako.
Tubig mula sa tagiliran ni Kristo, hugasan Mo ako.
Pagpapakasakit ni Kristo, patatagin Mo ako.
Butihing Hesus, dinggin Mo ako.
Sa loob ng sugat Mo, ako’y itago Mo.
Huwag Mong ipahintulot na mawalay ako sa Iyo.
Sa nagpapahamak na kaaway ako’y ipagsanggalang Mo.
Sa sandali ng pagpanaw ako’y tawagin Mo.
At Iyong ipag-utos na lumapit ako sa Iyo.
Upang kaisa ng Iyong mga Banal
Ako’y makapagpuri sa Iyo sa kalangitan magpasawalang hanggan.
IKAANIM NA SIMBAHAN

N. Sa Ngalan ng Ama, ng Anak, at ng Espiritu Santo.

B. Amen.

N. Panginoong Hesukristo, sinabi mo “Kung mayroong dalawa o tatlong nagkakatipon sa


pangalan ko, naroon ako sa piling nila”. Tunghayan Mo kaming iyong mga lingkod na ngayo’y
nagkakatipon at sumasampalataya na Ikaw ay naririyan sa Banal na Sakramento.

Nawa ang aming pagninilay sa gabing ito sa mga huling habilin Mo sa Iyong mga alagad
ay magbukas ng aming puso sa ibayong pasunod at pagmamahal sa Iyo sa aming kapwa.

B. Amen.

Pagbasa: Juan 17:9-13

“Idinadalangin ko sila, hindi ang sanlibutan kundi ang lahat ng ibinigay Mo sa akin,
sapagkat sila’y iyo. Ang lahat ng akin ay iyo, at ang lahat ng iyo ay akin; at parangalan ako sa
pamamagitan nila. At ngayon, ako’y papunta na sa iyo; aalis na ako sa sanlibutan ngunit nasa
sanlibutan pa sila. Amang banal, ingatan mo sila sa pamamagitan ng kapangyarihan ng iyong
pangalan, pangalang ibinigay mo sa akin, upang sila’y maging isa, kung paanong tayo’y iisa.
Habang kasama nila ako, iningatan ko sila sa pamamagitan ng kapangyarihan ng iyong
pangalang ibinigay Mo sa akin. Inalagaan ko sila at ni isa’y walang napahamak liban sa taong
humanap ng kanyang kapahamakan, upang matupad ang Kasulatan. Ngunit ngayon, ako’y
papunta na sa iyo at sinasabi ko ito habang akoy nasa sanlibutan upang mapuspos sila ng aking
kagalakan.

(Sandaling katahimikan)

Salmo 4:1-3

Sagutin mo ako sa aking pagtawag,


Panginoong Diyos na aking kalasag;
Ikaw na humango sa dusa ko’t hirap,
Ngayo’y pakinggan Mo, sa aki’y mahabag.

Hanggang kailan pa kaya lilikhain


Niyong mga tao ang Iyong alipin?
Hanggang kailan pa nila iibigin
Ang walang halaga’t pagsisinungaling?

Dapat mapagkuro ninyo at malaman


Na mahal ng Panginoon
akong Kanyang hinirang,
Dininig Niya sa panawagan.

Dasalin: Ama Namin, Aba Ginoong Maria at Luwalhati sa Ama

Pangwakas:

Mga Hibik sa Kabanal-banalang Manunubos

Lahat: Kaluluwa ni Kristo, pakabanalin Mo ako


Katawan ni Kristo, iligtas Mo ako.
Dugo ni Kristo, tigmakin Mo ako.
Tubig mula sa tagiliran ni Kristo, hugasan Mo ako.
Pagpapakasakit ni Kristo, patatagin Mo ako.
Butihing Hesus, dinggin Mo ako.
Sa loob ng sugat Mo, ako’y itago Mo.
Huwag Mong ipahintulot na mawalay ako sa Iyo.
Sa nagpapahamak na kaaway ako’y ipagsanggalang Mo.
Sa sandali ng pagpanaw ako’y tawagin Mo.
At Iyong ipag-utos na lumapit ako sa Iyo.
Upang kaisa ng Iyong mga Banal
Ako’y makapagpuri sa Iyo sa kalangitan magpasawalang hanggan.
IKAPITONG SIMBAHAN
N. Sa Ngalan ng Ama, ng Anak, at ng Espiritu Santo.

B. Amen.

N. Panginoong Hesukristo, sinabi mo “Kung mayroong dalawa o tatlong nagkakatipon sa


pangalan ko, naroon ako sa piling nila”. Tunghayan Mo kaming iyong mga lingkod na ngayo’y
nagkakatipon at sumasampalataya na Ikaw ay naririyan sa Banal na Sakramento.

Nawa ang aming pagninilay sa gabing ito sa mga huling habilin Mo sa Iyong mga alagad
ay magbukas ng aming puso sa ibayong pasunod at pagmamahal sa Iyo sa aming kapwa.

B. Amen.

Pagbasa: Juan 17:24-26

“Ama, nais kong makasama sa aking kinaroroonan ang mga ibinigay Mo sa akin, upang
mamasdan nila ang karangalang bigay Mo sa akin, sapagkat inibig mo na ako bago pa nilikha
ang sanlibutan. Makatarungang Ama, hindi ka nakikilala ng sanlibutan, ngunit nakikilala kita; at
nalalaman ng mga ibinigay mo sa akin na ikaw ang nagsugo sa akin. Ipinakilala kita sa kanila at
ipakikilala pa, upang ang pag-ibig na sa akin ay sumapuso nila at ako nama’y sumakanila.

(Sandaling katahimikan)

Salmo 137, 1-2a; 2bk-3.4-5.7k-8

Ako, Poon, buong pusong aawit ng pasalamat,


Sa harap ng mga anghel pupurihin kitang ganap.
Sa harap ng iyong templo ay yuyuko at gagalang,
Pupurihin kita roon, pupurihin ang yong ngalan.
Dahilan sa pag-ibig mo sa iyong katapatan,
Ika’y tunay na dakila, pati ‘yong kautusan.

Noong ako ay tumawag, tinanggap ko ang tugon mo,


Sa lakas mong itinulong ay lumakas agad ako.
Dahilan sa pangako mong narinig ng mga hari,
Pupurihin ka ng lahat at ikaw’y ipagbubunyi
Ang lahat ng ginawa mo ay kanilang aawitin,
At ang kadakilaan mo ay kanilang sasambitin.

Nahahandang harapin mo mapupusok kong kaaway,


Ligtas ako sa piling mo, sa lakas na iyong taglay.
Yaong mga pangako mo ay handa mong tupding lahat,
Ang dahilan nito, Poon, pag-ibig mo’y di kukupas,
At ang mga sinimulang Gawain may magaganap.

Dasalin: Ama Namin, Aba Ginoong Maria at Luwalhati sa Ama

Pangwakas:

Mga Hibik sa Kabanal-banalang Manunubos

Lahat: Kaluluwa ni Kristo, pakabanalin Mo ako


Katawan ni Kristo, iligtas Mo ako.
Dugo ni Kristo, tigmakin Mo ako.
Tubig mula sa tagiliran ni Kristo, hugasan Mo ako.
Pagpapakasakit ni Kristo, patatagin Mo ako.
Butihing Hesus, dinggin Mo ako.
Sa loob ng sugat Mo, ako’y itago Mo.
Huwag Mong ipahintulot na mawalay ako sa Iyo.
Sa nagpapahamak na kaaway ako’y ipagsanggalang Mo.
Sa sandali ng pagpanaw ako’y tawagin Mo.
At Iyong ipag-utos na lumapit ako sa Iyo.
Upang kaisa ng Iyong mga Banal
Ako’y makapagpuri sa Iyo sa kalangitan magpasawalang hanggan.
BISITA IGLESYA

1. Ang pagdalaw ng iba’t ibang simbahan


kung Huwebes Santo ay isang sakripisyo
at hindi pamamasyal.

2. Maaaring dumalaw sa kahit ilang


simbahan o maaaring sundin ang
matandang kaugalian na pitong simbahan
ang dadalawin.

3. Hindi ito panahon para sa Daan ng


Krus kundi para pagdalaw sa Santisimo
Sakramento na nasa repository.

Pag-aari ng:
JOY IN THE SPIRIT PRAYER GROUP
Severna Park, Maryland
http://www.orgsites.com/md/jits
Sa kagandahang-loob ni:
Clarisse Castro
Christ Young Professional
Parokya ni San Juan Nepomuceno
Cabiao, Nueva Ecija, Philippines

You might also like