You are on page 1of 7

RIZAL SCRIPT Prologo: Hurado (Kapitan Rafael Dominguez): Bajo la auturidad de la

corte española para condenar a Jose Protacio Mercado Rizal Alonzo Y Realonda muerte
por rebellion, sedicion y asociacion ilicita secado. En cuanto a la order en del
Gobernador Heneral Camilo Garcia Polavieja, Rizal se va e ejecutar desde el fondo
por los soldados españoles en la mañana Bagumbayan a las siete de la mañana.
(Dahan-dahan na ilapit ang pokus sa mata ni Rizal) Rizal (boses lamang) Minsan
ako’y nagtataka kung bakit inilagay ako sa sitwasyong sa aking palagay ay hindi
nararapat sa dalisay kong kaluluwa. Tinatanong ko sa aking sarili kung nagkamali ba
nang pagtatakda ang tadhana sa lugar at panahon ng aking pagiral. Ngunit sa
paglipas ng panahon napagtanto ko na may dahilan ang lahat ng ito; mayroong misyon
na inilaan sa akin. At hanggang sa huli ako'y lalaban... at hanggang sa huli handa
kong ialay maging ang aking buhay (Opening Credits) UNANG YUGTO SCENE 1 (Flashback.
May eksenang ipapakita bawat talata) Rizal (Boses lamang. Malungkot na tono.) Ako’y
ipinanganak noong ika-labing siyam ng Hunyo taong isang libo walong daan animnapu’t
isa sa pagitan ng alas onse at hatinggabi, isang Myerkules, ilang araw bago ang
kabilugan ng buwan sa baybaying bayan ng Calamba, Laguna. Ika-pito sa magkakapatid
at isa sa dalawang lalaking anak ng mga principallang sina Francisco Mercado at
Teodora Alonzo Y Quintos Realonda. Muntik nang mamatay ang aking ina sa panganganak
sa akin dahil sa eklampsiya; isang himala di umano ang bumuhay sa aking ina dahil
sa labis na pananampalataya niya sa Birhen ng Antipolo. Apat na taon ako nang
mamatay ang aking nakababatang kapatid na si Concha. Tandang-tanda ko pa ang labis
na kalungkutang aking nadama sa mga panahong iyon sapagkat siya ang nagiisang
kalaro ko sa bahay-bahayang nilikha ng aming ama. Ang mga luha ko nang mamatay si
Concha ay bunga ng aking pagmamahal pati na rin ang mga ala-ala naming nabuo na
dadalhin ko hanggang sa aking pagtanda. Sobrang pinapahalagahan ni nanang ang
edukasyon. Sa katunayan, siya ang aking unang guro, ang pumanday sa aking murang
kaisipan at magandang asal. Itinuro niya sa akin ang alpabeto, ang mga dasal,
pagbasa, pagsulat at artmetika. Tuwing sasapit ang takipsilim, tinitipon kaming
magkakapatid upang magdasal ng orasyon. At sa kabilugan ng buwan ay taimtim kaming
nagrorosaryo. Isang gabi habang tinuturuan ako ni nanang, napansin niyang hindi ako
nakikinig, sapagkat nakatuon ang aking pansin sa isang munting gamu-gamu na
nagpupumilit lumapit sa apoy ng lampara. SCENE 2 (Tagpo ni Doña Teodora at Pepe---
Gamu-gamu) Doña Teodora: Minsan daw, mayroong isang batang gamu-gamo na naakit sa
liwanag ng apoy. Miski anong paalala ng kanyang ina, na huwag siyang lalapit sa
apoy ay lapit pa rin ito nang lapit. Gustong gusto niya ang liwanag ng apoy kung
kaya’t sinuway niya ang bilin ng kanyang ina. Lumipad siya ng lumipad palibot sa
apoy, palapit nang palapit sa apoy hanggang nagliyab ang pakpak niya at tuluyang
siyang namatay. Pepe naintindihan mo ba ang ibig sabihin ng kwentong ng gamu-gamo?
Rizal (Boses lamang. Malungkot na tono. May eksenang ipapakita bawat talata.) Ang
kwentong ito ay labis na kumintal sa aking puso at diwa, gayunpaman, ako ay naging
batang gamu-gamo. Sumugba ako sa ningas kahit alam ko ang panganib na aking
haharapin. Oo, sinuway ko ang aking ina, subalit, anong aking magagawa? Ito ang
tanging paraang alam ko upang ipagtanggol ang aking aking bansa mula sa
pangaalipusta ng mga abusadong Español. Ang pagiging martyr ko ngayon ay alang
alang sa aking inang bayan, ang perlas ng silangan. (Babalik sa kasalukuyan...)
SCENE 3 (Maglalakad sa isang pasilya patungo sa isang kapilya. May dalawang kawal
siyang kasama) Kawal 1: Orden de la general, traerlo a la capilla, alguien puede
visitarlo Rizal: quien va a visitarme? Kawal 3: ya estan en capilla a padre Miguel
sadarre mata y padre luis viza(Tatakbo patungo kina Rizal. Sasaludo) SCENE 4
(Flashback)
Rizal (Boses lamang) Siyam na taon ako noon, nang ipatala ako ni Tatang sa isang
pribadong paaralan sa Biñan na pagmamayari ni Maestro Justiniano Aquino Cruz. Iyon
ang unang pagkakataon na nawalay ako sa aking pamilya. Tumira ako sa aking tiyahin
kasama si Leandro. (Tagpo ni Jose at Pedro) Pedro: Jose, bakit ang liit mo? Hindi
ka siguro pinapakain ng iyong ina, ano? (Tatawa ang mga kamag-aral ni Rizal) Rizal
(Boses lamang) Si Pedro ay anak ni Maestro Justiniano, ngunit hindi ito naging
balakid na pagbuhatan ko siya ng kamay. Walang maaaring uminsulto sa aking pamilya
na kanyang ginawa. Natalo ko siya kahit higit siyang malaki sa akin. Isang araw,
pinayuhan ako ni Maestro Justiniano na ipagpatuloy ang aking pag-aaral sa Maynila.
Hindi ko ito binigyan ng pansin sa mga panahong iyon. Ngunit dumating din ang araw
na iyon ay naganap. SCENE 5 (Tagpo habang natutulog si Paciano) Paciano:
(Papakitang nanaginip) (Sa panaginip) Padre Burgos: Bakit ninyo ko papatayin? Wala
akong kasalanan! Wala akong kasalanan! (Lalagyan ang ulo niya ng sako. Pilit na
inilalagay siya sa silya kung saan siya gagarotihin) Wala akong kasalanan! Paring
Español: Esta Burgos merece su suerte. Este es el destino de todos los subversivos
que se atreve a rebelarse contra la madre España. Yo creo que ningún indio jamás se
debe permitir que se convirtió en sacerdote. Ellos no son más que dolores de cabeza
(Yuyuko ang madla, ang iba ay mananalangin. Papakitang ginagarote si Padre Burgos.)
(Magigising si Paciano. Titig ng matagal kay Rizal) (Tagpo sa kwarto ng magkapatid)
Pepe: Bakit Tatang? (Uupo si Paciano)
Paciano: Nais lamang nila magkaroon ng pantay na karapatan sa mga paring regular
ngunit anong ginawa ng mga prayle? Pepe: Sumagi na naman ba sa iyong isipan si
Padre Burgos? Paciano: Pepe, pinaratangan nilang subersivo ang mga inosenteng pari
at pinatay! Sina Padre Burgos, Gomez at Zamora ay idinawit lamang sa pag-aalsa sa
Cavite. Hindi makatarungan ang ginawa nila. SCENE 6 (Tagpo sa sala) Padre Pedro
Casañas: Napakabilis ng panahon, parang kalian lamang nang bininyagan ang aking
inaanak. Naalala ko pa ang biro ni Padre Rufino na ang malaking ulo ni Pepe ang
nagpahirap sayong panganganak. (Tatawa ng mahinahon si Doña Teodora) Padre Pedro
Casañas: Saan ninyo nga pala balak pag-aralin si Pepe? DonFrancisco: Sabi ni
Maestro Justiniano makakabuti kay Pepe na magaral sa Maynila. Nais ko siyang ipasok
sa kolehiyo de san juan de letran; siguro sa Hunyo, tutungo kami sa Maynila upang
kumuha ng pagsusulit. (lalabas si pepe at paciano mula sa kuwarto) (Magmamano si
Paciano at Pepe kay padre Casanas) J. Rizal: Maganang Tanghali Padre (Habang
ngagmamano) Padre Casanas: (Hahaplusin ang buhok ni Rizal) Napakalaki mo na pepe,
konting panahon na lang mas mataas ka na sa akin. Saturnina: Padre, imposible po
ang inyong sinabi. Eh,hindi nap o tatangkad yan si Pepe. (tatawa lahat ng nasa
sala) Scene 7: Laguna de bay J. Rizal: Manong, ba’t nais ni tatang na Rizal ang
gamitin kong apelyido? Paciano: Dahil ang apelyidong Mercado ay mapanganib sa iyo,
lalong lalo na ngayong tutungo ka sa Maynila.
J. Rizal: Bakit? Paciano: Madadamay ka sa paghihiganti ng mga demonyong nakasaya sa
ating pamilya. Pinagiinitan tayo ng mga kastila dahil nagging malapit tayo kina p.
burgos. Pati pagtanggi ni tatang sa pagtaas ng buwis ay binigyan nila ng kahulugan.
Kaya ikaw Pepe magaral ka nang mabuti, huwag mong ipapahiya an gating pamilya. J.
Rizal: Oo, manong Francisco Mercado:Paciano, pepe halina’t baka tayo’y gabihin.
Scene 8: (Nasa Kalesa) Napagapasyahan ni tatang na pagaralin ako sa Escuela Pia sa
halip na pagaralin ako sa kolehiyo de San Juan de Letran. Marahil, dahil ito sa
makabagong paraang pangedukasyon ng mga heswitang pari. Sa taong iyon, huminto si
Manong sa pagaaral na hindi ko lubusang maintindihan. Sabi niya sa akin na hindi
niya kayang sikmurahin na makakita ng paring kastila mula nang binitay si padre
Burgos; ang poot na naramdaman niya ay nakaukit sa kaniyang puso at kailanman man
ay hindi ito mawawala. P. Jose Bech

Scene 9: Sa tahanan (Dadakipin si Dona teodora ng mga alperes) Dona teodora: Saan
ninyo ako dadalhin, hindi ko linaso ang aking biyanan. Nagkakamali kayo! Scene
10( Sta. Isabel) Guro at Rizal: Vibre la lengua / divina de cervante in mortal En
lanacion Filipina, cantemos indio un himno de home na je .
Al idio ma glorioso de nuestra litad. Que retumbo en los valles y enlas sel vas
ignoratas. Triumte surit mo so no ro cunnomor de tempestad. Lengua noble del de
coro de la amor la verdad (titingin ang guro kay Rizal) Guro: Aba jose, humuhusay
ka na sa pagbabasa ng espanol. Hanggang dito na lang siguro ang ating leksiyon sa
araw na ito. J. Rizal: Salamat Maestro Guro: walang anuman. Magingat ka sa iyong
pag uwi J. Rizal: paalam Guro : Paalam Scene 10: (sa dormitoryo) Boy: Jose, may
natanggap kang sulat
Jose: Salamat (papasok sa silid) SA minamahal kong kapatid Pepe kamusta ka na?
Matagal na panahon na rin nang huli tayong magkita. Nasasabik na kaming makapiling
ka muli. Gayunpaman, huwag kang umasa na magandang balita ang hatid ko sa iyo.
Tuwiran ko nang sasabihin ang problema sa ating tahanan, dinakip si nanang ng mga
alperes. Pinagbintangan siyang nang lason. Alam kong ikalulungkot at ikagagalit mo
ang balita tulad ng aming nadama. Sa katunayan nga ay ayaw kong sabihin ito sa iyo,
ngunit ano ang aking magagawa. Malalaman at malalaman mo rin ito. Pepe,magaral ka
ng mabuti at lagi kang magingat. Nagmamahal Saturnina

You might also like