You are on page 1of 1

JudithD.

Matienzo Nobyembre 18,2010

Kursong Rizal

Si Rizal at si Bonifacio

Ang akdang Si Rizal at si Bonifacio ay hango sa talumpati ni Claro M. Recto na isang makabayan.
Sa akdang ito ay inilahad ang mga pagkakaiba ng dalawang bayani at kung ano ang kanilang ganap sa
pagkamit ng kasarinlan ng Pilipinas.

Sa una ay sinuri nya ang mga pahayag ngisang maka-Plutarco hinggil sa pagsasagawa ng
paghihimagsik laban sa Espanya. Si Rizal ang tinuturing na makatotohanan(realist) samantalang si
Bonifacio naman ang itinuring na mapangarapin (idealist). Ipinalagay nila na baligtad ang pagturing na
ito. Si Rizal ang mapangarapin at si Bonifacio ang makatotohanan. Mapangarapin si rizal sapagkat siya
ang utak, at si Bonifacio ang gumagawa at kumikilos sa totoong buhay sapagkat ang hangarin nya ay
makipaghimagsik.

Sa pananaw ni Claro M. Recto, si Rizal ang lumalabas na makatotohanan sapagkat sa kanyang


pagiging realista ay para niyang laging nakikita ang mga akala niyang mangyayari sa katotohanan na
talaga nga namang nangyayari dahil ang pinagbabatayan niya ay hango sa tunay na pangyayari din. Sa
bandang ito, ang kaniyang mga palagay ay nagiging makatotohanan kung kaya’t hindi niya
pinahalagahan ang kilusang ukol sa himagsikan. Kung si Rizal ang nasunod, hindi sana sumiklab ang
digmaan; ngunit dahil sa bugso ng damdamin ni Bonifacio umalab ang paniniwalang sa pamamagitan ng
himagsikan ay makukuha ang inaasam na kasarinlan. Ang nais ni Rizal ay legal lahat, walang himagsikan
at idaan sa kritikal at matining na pag-iisip. Ayaw niya ng mga sitemang ipinatupad ng mga Katipunero—
ang paghihimagsik.

Sa aking pananaw, may punto si Rizal kung kaya’t ayaw niya ng paghihimagsik. Subalit
naiintindihan kong ang nais ni Bonifacio ay magsama-sama ang mga Pilipino sa pagtatanggol ng sariling
bayan. Sa mga nobela ni Rizal na Noli Me Tangere at El Filibusterismo ay natulungan niya si bonifacio na
maiangat ang kamalayan ng mga Pilipino ukol sa liberalismo at nasyonalismo. Karagdagan pa rito, nais ni
Rizal na maging isang lalawigan na lamang ng Espanya ang Pilipinas sa halip na kolonya dahil kahit
papaano ay magiging pantay ang pagtingin at pagtrato ng mga prayle sa mga Espanyol at mga Pilipino;
ngunit di sang-ayon dito si Bonifacio,talagang nais nya ng kasarinlang walang nagdidikta.

You might also like