You are on page 1of 2

Aziza; una sa lahat magandang umaga sainyong lahat nandito kami sainyong harapan upang itanghal ang

aming balagtasan ako ang inyong lakandiwa na si aziza sino nga ba ang karapat dapat na ituring na
pambansang bayani ng pilipinas si drjose rizal na ginamit ang kanyang utak sa pamamarang pagsusulat
o si andress bunifacio na nagtaya ng kanyang buhay sa pamamagitan ng dahas

Namera; si rizal ang dapat na ituring na pambansang bayani sapagkat si rizal ang dakilang manunulat at
propesyonal na nagsulong ng reporma sa pamamaraang makatarungan. Kaniyang isinulat ang noli at el
filibusterismo mga akdang makabuluhan na nagpukaw sa damdamin ng bayan tungo sa kalayaan.

Norhaina;subalit si bonifacio ang nararapat na bayani ng sambayanan sapagkat ang tunay na kalayaan
ay hindi lamang sa salita at sulat kundi sa gawa at pikikibaka laban sa mananakop kaya si bonifacio ang
ama ng rebolusyon at kilusang makabayan sapagkat siyay nagbuwis ng buhay para sa bayan at nagbukas
ng landas tungo sa tunay na kalayaan.

Namera;sabihin na natin na namatay si andres bonifacio para sa bansa hindi bat si rizal din naman
namatay din si rizal para sa ating bansa namatay siya para makamit ang ating kalayaan.

Norhaina ;ano nga ba ang nagawa ni rizal kundi ang mag sumulat ng mga nobela

Namera; kung hindi nagsulat si rizal ng mga akda kung hindi niya binuksan ang mga mata at diwa ng
mga pilino ay hindi makikita ng mga Pilipino ang kalagayan ng bansa sa ilalim ng espanyol

Norhaina;subalit si bonifacio ay pinaglaban niya ang kanyang bayan hindi siya sumulat ng libro, hindi siya
umupo lang sa upuan, hindi siya humawak ng lapis kundi siya ay tumayo at nakipag laban ng boung
tapang, hawak ang kanyang sandata

Aziza: Ang bawat isa sa atin ay may kanya-kanyang pananaw kung sino sa pagitan nina Rizal at
Bonifacio ang higit na karapat-dapat na ituring na pambansang bayani

Norhaina: Si Bonifacio ay hindi lamang basta nagpakita ng tapang, kundi nagpakita rin siya ng
kahandaan na isakripisyo ang lahat para sa kalayaan ng ating bansa.Hindi siya nag-atubili na
humawak ng sandata at harapin ang mga Espanyol sa labanan. Sa kanyang mga ginawa, nagbigay
siya ng inspirasyon sa mga Pilipino na ipaglaban ang kanilang kalayaan.

Namera: Ngunit hindi rin maipagkakaila na ang mga akda ni Rizal ay nagmulat sa ating mga isipan
at nagbigay sa atin ng kamalayan sa ating kalagayan. Sa pamamagitan ng kanyang mga nobela,
natuto tayong mag-isip at magtanong. Natuto tayong maging kritikal at maghanap ng solusyon sa
ating mga problema
. Aziza: Pareho nga silang may malaking kontribusyon sa ating kasaysayan. Si Rizal, sa kanyang
mga akda, at si Bonifacio, sa kanyang tapang at determinasyon. Sa kanilang mga ginawa, natuto
tayong lumaban at magkaisa para sa ating kalayaan. Sa huli, ang mahalaga ay hindi kung sino ang
higit na karapat-dapat na ituring na pambansang bayani, kundi ang ating pagpapahalaga at pag-alala
sa kanilang mga sakripisyo at kontribusyon para sa ating kalayaan.
Namera; s

You might also like