You are on page 1of 5

***1***

Haay, naririnig ko na naman ang tunog niya.

Siguro nga sanay na sanay na akong marinig ang tunog na iyan. Sa


dinalas-dalas ko ba naman dito eh hindi malabong alam na alam ko na
ang tunog na iyon. Iba na kasi kapag volunteer ka. Hindi naman sa
nagsasawa na ako, pero tuwing naririnig ko kasi iyon parang... parang
hindi lang nagyayaya ng tao na pumasok sa loob kung hindi parang
isang bagong... bagong paalala.

Volunteer na ang family namin sa simula nung bata pa ako. Sabi ng


mga magulang ko, mas mabuti daw na nakakatulong ka. Alam kong
hindi na karaniwan sa mga tao ngayon na nagsasalita ng ganyan, pero
sa mga magulang ko... wala.. hindi nagbabago yung paningin nila sa
buhay.

I started singing since I was four. Don't get wrong. Nung sinabi kong
singing... I meant...

"Sapagkat sa 'yo nagmumula


Ang kaharian at kapangyarihan
At kapurihan
Magpakailanman, Amen."

Yeah. Singing, as in church choir. Religious kasi ang parents ko. So


yun, sinasama nila ako sa simbahan. Minsan kapag walang pasok,
pumupunta ako sa Day Care sa may gilid lang ng simbahan para
magbasa sa mga bata o kaya naman tumulong kung may gagawin
doon.

Nakalakihan ko na iyon. Nung una kasali pa ako sa weekend bible


study, tuwang-tuwa pa ako nun, tapos nung lumaki ako, ako na yung
nag-assist sa ibang mga nagtuturo doon.

But I'm not four.. or even 10 years old. I'm 15. At third year high
school na ako sa pasukan.

Only child lang ako. Kaya siguro ganun na lang kung ibuhos ng mga
magulang ko ang attention nila sa akin. I was adopted, at hindi ako
nalulungkot na ganun. Sinabi naman na nila sa akin maaga pa, at
inexplain nila na walang magbabago sa pagtingin nila sa akin. Hindi
kasi sila magkaanak, kaya nag-ampon na lang sila. And magic, ako na
yun.
Mahal na mahal ko yung Mama at Papa ko, at hinding-hindi na
magbabago yun. Lagi nga nilang sinasabi na GIFT FROM ABOVE daw
ako. Siguro isa na rin sa naging reason kung bakit sobrang religious ng
parents ko eh yung dahilan na hindi sila magkaanak. Noon kasi nung
hindi pa nila ako inaampon, lagi na daw silang nasa simbahan at
nagdadasal na sana bigyan sila ng anak.

Bakasyon pa namin nun pero malapit na yung pasukan nung magising


ako isang araw at naririnig ko na si Mama. Kinuha ko yung salamin ko
tapos lumabas na ako ng kwarto ko. Akala ko kung anong meron.. si
Mama lang pala. Nakahawak siya doon sa lababo namin, at
namumutla na siya.

"Mama, okay ka lang?" tinanong ko siya tapos hinimas ko yung likod


niya.

"Oo naman anak. Ayos lang ako. Nasobrahan lang siguro ng kain doon
sa seafood kagabi."

Pagkatapos niyang sinabi yun eh yumuko na uli siya doon sa lababo,


at alam niyo na yung kasunod nun.

Nakakaawa naman talaga ang Mama ko nun. Ang aga-aga tapos


ganun na.

Ako naman eh hindi na ako makatulog, kaya kinuha ko na lang yung


cellphone ko, at tinawagan ko yung bestfriend ko.

Hindi naman nagtagal, may sumagot naman. Yung sound eh parang


bagong gising pa. Hindi ko naman siya masisisi, past-6 pa lang ng
umaga.

"Hello?" parang tinatamad pa siyang sumagot ng telepono nun. "Sino


'to?"

"Ano ka ba, nakikita naman sa cellphone kung sinong tumatawag 'di


ba? Bakit tinanong mo pa kung sino?"

"Eh kasi naman... hindi ko tinignan." narinig ko na nag-hikab pa siya,


"Ano bang drama mo at ang aga-aga mo namang tumawag. Panira ka
ng momentum sa pagtulog eh."

"Hindi na kasi ako makatulog. Si Mama kasi narinig ko sa labas.


Masama yata yung pakiramdam. Nagsusuka." pinakinggan ko yung
pintuan ko kung ano nang nangyari kay Mama, pero mukhang wala
naman nang sound kaya siguro nakatulog na siya uli.

"Nagsusuka? Bakit daw?"

"Sa seafood daw yata kagabi. Ewan ko ba, napapadalas na nga eh." sa
totoo lang, nag-aalala na talaga ako.

Hindi kaya may sakit ang Mama ko?

"Napapadalas? Sa umaga ba madalas?" parang interesado na yng


bestfriend ko.

"Oo. Bakit interesado ka yata ngayon Tjay?"

"Oh My God! Hindi kaya buntis ang Mama mo?"

Nagulat ako sa sinabi ni Tjay. Grabe naman. Si Mama buntis? Eh hindi


nga sila magkaanak ni Papa tapos ngayon... Isa pa hindi maaari. 'Di
ba?

"Hoy Maria Teresa Jayne! Huwag ka ngang ganyan!"

"Hello? Baka naglilihi Mama mo. Hindi naman malabong after all these
years, magkakaroon ka na ng kapatid."

Napasandal na lang ako nun. Kahit na bago pa yun sa pandinig ko,


parang natuwa ako at the same time. Magkakaroon na ako ng kapatid!

"Ipacheck-up mo kaya siya.." suggestion naman ni Tjay, "Baka


mamaya buntis na nga pala talaga hindi niyo pa alam. Tapos baka
uminom ng gamot yan dahil alam niya sakit sa tiyan, sige, bawal yun
sa buntis!"

May point nga siya. Kung tutuusin, ayoko namang may mangyaring
masama sa baby brother ko, or sister..

"Tama. Papacheck-up ko siya. Kaya ang wala si Papa eh. Eh kung bigla
na lang sumpungin si Mama, 'di ko kaya siyang alalayan mag-isa no!"

"Sasamahan kaya kita! Ito naman! Wala akong gagawin ngayon eh."

"Thanks Tjay ah."


Ako na naghanda ng agahan namin nun dahil nga masama yung
pakiramdam ni Mama. Sinabi ko na kay Mama na ipapacheck-up ko
siya. Nung una ayaw pa, simpleng sakit sa tiyan lang daw yun. Pero
ayun, pumayag na rin.

Dumating naman si Tjay bandang 9 na. Tapos yun, umalis na kami ng


bahay.

Pagkalabas na pagkalabas ko nga may nakatyo doon sa may poste


namin pero kahit medyo malayo eh nakilala ko na kung sino.

"Oh bakit kasama mo yata Kuya mo ngayon?" hawak-hawak ko pa si


Mama sa braso niya, "Himala yata."

"Sina mader at pader kasi. Ipacheck-up din daw yan. Kagabi kasi hindi
makahinga. Inaatake ng asthma. Pero hindi naman sasabay sa atin
yan. Hinatid lang ako dito, tapos siya na daw pupunta mag-isa. So no
worries."

May Kuya nga si Tjay. Si Terrence. Pero ayun, sobrang sungit naman.
Sa tinagal-tagal ko nang bestfriend si Tjay, hindi pa kami
nagkakakilala ng formal. Ayon kay Tjay, ayaw daw ng kuya niya. I
wonder kung kilala nga niya ako eh.

"Hoy Tjay! Alis na ko! Bahala ka na!" sumigaw siya kay Tjay nun.

Nakasimangot si Tjay.

"Tingnan mo, ang galang talaga masyado niyan. Pasensya na po kayo


tita ah, ganyan talaga ugali niyan. Napaka-sama."

Nung naglalakad na paalis yung Kuya niya at sinasara na namin yung


gate, sumigaw yung Kuya niya ng...

"Good Morning po Ate! Ingat sa check-up."

Natawa si Tjay nun.

"May natitira pa palang paggalang sa katawan." tapos nakita niya na


tumakbo yung Kuya niya, "Hoy! Sige kapag ikaw hinika sa daan...
ewan ko lang sa iyo!"

Umalis na kami talaga sa bahay. In no time, nadala na namin si Mama


sa doktor. Ayun, ewan ko kung paanong test ginawa. Pina-ihi siguro or
something.

Kasi pagbalik nung doktor sa kinauupuan namin ni Tjay...

"It's positive."

You might also like