You are on page 1of 2

Pahina 1 ng 2

Kwento ni Mabuti Pagsusuri

ni: Genoveva Edroza-Matute

Mga Tauhan:

Mabuti: isang guro sa pampunlikong paaralan. Hindi mabuti ang tunay niyang pangalan,
nagging mabuti lamang ang tawag sa kanya sapagkat ito ang palagi niyang sinasabi sa klase
sa simula at katapusan. Kung minsan ay sinasabi niya rin ang salitang mabuti kapag wala na
siyang masabi o nalilimutan niya ang mga dapat niyang sabihin.

Si Mabuti ay Lapad sapagkat hindi siya nagbabago ng katauhan.

Fe: Ang estudyante ni Mabuti sa kwento kung saan siya ang batang nadatnan ni Mabuti sa
sulok ng silid-aklatan.

Si Fe ay biligan sapagkat dati ay negatibo siya mag-isip, simpleng problema, pakiramdam


niya siya na ang may pinakamabigat na rpoblema sa buong mundo. Ngunit nang makilala niya
si Mabuti, na sa kabila ng problema nito ay mabuti, nagging positibo na ang paningin niya sa
buhay.

Tagpuan:

Sa Paaralan

Ang uri ng paglalarawan ng tagpuan ay pahiwatig sapagkat hindi direktang sinabi sa akda na
sa ganitong lugar ginanap ang istorya.

Tunggalian:

Tao sa Sarili

Para sa akin ito ay tao sa sarili sapagkat si Fe lang naman mismo ang nagtakda sa
kanyang sarili na alamin kung ano ang suliranin ni mabuti.

Sinuri ni: Karen Dave Filipino


Pahina 2 ng 2

Naging tao sa sarili rin ito sapagkat sa kabila ng mga problema ni mabuti ay nagging
positibo pa rin ang pananaw niya sa buhay at ang tanging makapagsasabi lang sa ating sarili
kung kaya pa natin ay tayo rin mismo.

Suliranin sa Kwento:

Suliranin ni Fe na alamin ang suliranin ni Mabuti.

Banghay:

Ito ay tinatawag na paikut-ikot o circular sapagkat nagsimula ang kwento sa gitna na


tinatawag nating “in media res”.

Paningin:

Unang Tauhan

Unang tauhan sapagkat inilagay ng may-akda na si Genoveva Matute ang kanyang sarili sa
isa sa mga tauhan at ito ay si Fe. Bilang patunay ito ang unang pangungusap sa akda “Hindi
ko na siya nakikita ngayon” .

Uri ng Maikling Kwento ayon sa Kabalangkasan:

Katauhan – sapagkat tinitingnan natin ang katauhan ni Mabuti sa kwento.

Teorya:

Humanismo- sapagkat ipinapakita rito ang kabutihang tinagtaglay ni Mabuti sa kabila ng


kanyang mga problema.

Sinuri ni: Karen Dave Filipino

You might also like