You are on page 1of 1

KALIGIRAN NG PAG AARAL

Ang Juvenile Delinquency ay ang pagsangkot ng isang menor de edad, karaniwang nasa edad na 10 at 17
sa kahit anong illegal na krimen o gawain. Ang Juvenile Delinquency ay magagamit na pagkakakilanlan sa
mga bata na may masamang pang-uugali, matitigas ang ulo at sumusuway sa utos ng kanilang mga
magulang. Ang RA 9344 “Juvenile Justice and Welfare Act” ay tumutukoy sa Justice at Welfare bilang
isang sistema na nakikitungo sa mga bata na nag kasala sa batas. Nagbibigay na angkop na paglilitis sa
bata. Nagtatayo sila ng mga programa at serbisyo para masigurado ang pagbabago at pagunlad ng
bata.Sa halip na gamitin ang salitang ”Juvenile Delinquents” pinalitan ito ng “Bata” ayon sa nakatuon
sa RA 9344.

Ang bata ay isang taong wala pa sa 18 ang edad. Ang bata ay maaring parusahan ayon sa espesyal na
batas “Revised Penal Code”Ayon sa RA 10630 Ang mga pagsasala na maari lamang na mag-aplay sa bata
at hindi sa matanda ay tinatawag na “Status Offence” Ang mga halimbawa nito ay ang mga crurfew
violations at pag suway sa utos ng mga magulang. RA 9344 ay itinaas ang edad ng kriminal liability.

Mula sa siyam na taong gulang sa ilalim ng “Presidential Decree 603” Hanggang sa minimum na 15
taong gulang.Ang mga CICLS o (Child in Conflict With the Law) na may edad na 15 pababa ay ligtas sa
responsibilidad at pananagutan ng krimen. Maliban nalang kung napatunayan na kumilos ang bata nang
may pag intindi.

You might also like