You are on page 1of 4

ROMARINDA INTERNATIONAL SCHOOL

Himlayan Road, Tandang Sora, Q.C

Ikalawang Markahang Pagsusulit


FILIPINO 9
Panuruang Taon 2014-2015

Pangalan: ____________________________________________________________________Marka: __________


Guro: Gng. Anne C. Sibayan Petsa: ___________
Pagkilala sa Mali
PANUTO: Tukuyin ang maling pararila o salita sa bawat pangungusap. Bilugan ang titik A, B, C o D kung nasaang bahagi ang
pagkakamali. Bilugan ang titik E kung walang Mali.

1. Si Bonifacio, Rizal at Mabini ay mga ulirang bayani ng ating lahi. Walang mali.
A B C D E
2. Patuloy ang kanyang pag- eensayo ng mabuti sapagkat nagbabakasakali siyang nagtatagumpay sa darating
A B C D
na kontes. Walang mali
E
3. Huwag mong hanapin ng masamang kahulugan ang pagtulong ko sa pamilya ni Patricia. Walang mali.
A B C D E
4. Ang mga katipunero ay nagtatag ng isang samahang magtanggol sa karapatan ng mga mahirap sa lipunan. Walang
A B C D E
5. Ayon sa doctor, ang ikinamatay ng tagapaningil ay isang malalang sobrang sakit sa atay. Walang mali.
A B C D E
6. Ng nabuksan niya ang bintana, tumagos sa silid ang mala-rosas na amoy ng hangin. Walang mali.
A B C D E
7. Ayon sa mga kastila noon, ang tao na hindi nakikiisa sa ipinatutupad ng pamahalaan ay isang rebelde. Walang mali.
A B C D E
8. Hindi lamang pagtuklas nang karunungan ang itinuturo ng guro sa mga mag-aaral kundi gayon din ang kagandahang-asal.
A B C D
Walang mali.
E
9. Ang bayan natin kong tutulungan natin ay tiyak na magtatagumpay. Walang mali.
A B C D E
10. Hindi siya nagtapos ng pag-aaral kaya’t siya ay nagtitinda na lamang sa bangketa. Walang mali.
A B C D E
Analohiya
PANUTO: Batay sa ugnayan ng unang pares sa bawat bilang, pumili ng wastong pares para sa pangatlong salita. Isulat ang titik
ng tamang sagot sa patlang bago ang bilang.

_____1. Poseidon: karagatan::Apollo:_____


a. araw b. buwan c. alak d. kulog
_____2. Kupido: pana:: Pandora: ______
a. suklay b. halaman c. kahon d. bulaklak
_____3. Hardinero: lupa ::mangingisda: ______
a. isda b. tubig c. lambat d. dinamita
_____4. Peligro: panganib::kalamidad: _____
a. kaligtasan b. sakuna c. tadhana d. lansangan
_____5. Kundiman: tainga:: pelikula: _____
a. ilong b. noo c. kamay d. mata
_____6. Ulan: patak:: bigas: ____
a. sako b. butil c. kilo d. sinandomeng
_____7. Venus:kagandan::Ceres : ____
a. kagalingan b. kabutihan c. karagatan d. kalupaan
_____8. Jose Rizal: Ilustrado:: Andres Bonifacio: ___
a. Indio b. mestizo c. katipunero d. pangulo
_____9. Umaga: bukang-liwayway:: gabi:____
a. Takip-silim b. saradong liwayway c. dapi’t-hapon d. hating gabi
____10. Ibong Adarna: Don Juan:: Noli Me Tangere: ____
a. Florante b. Don Juan c. Crisostomo Ibarra d. Simoun

IDYOMA
PANUTO: Basahin ang idyomak sa bawat pangungusap, salungguhitan ang angkop na kahulugan sa loob ng saknong.

1. Maiksi ang pisi ng mga rebeldeng sundalo.


(mayamutin, kapos sa pera, madaling mamatay)
2. Ang taong balat sibuyas ay mahirap pakisamahan
(mayabang, mayaman, maramdamin)
3. Ang sundalo ng gobyerno at rebelde ay langis at tubig.
(magkaaway, magkatalikuran, magkatimpla)
4. Dapat nating iguhit sa noo na di dapat magtiwala kaagad.
(ipinta, tandaan, kopyahin)
5. Lumaki ang ulo ng mga kamag-anak ng naupong oposisyon.
(nagkasakit, yumabang, tumaas)
6. Magaan ang bibig habang nangangampanya ang mga kandidato.
(palabati, palabiro, seryoso)
7. Mayaman ang nakaupo sa gobyerno ngunit nagdildil ng asin ang mga mamamayan.
(umaalat, nagtitinda ng asin, naghihirap)
8. Mahirap makisama sa mga taong bala’t sibuyas
(masakitin, mayabang, maramdamin)
9. Masamang damo lang ang nagtataksil sa bayan.
(masamang tao, mangmang, sira-ulo)
10. buhay ang loob ng mga bayani ng bayan.
(matapang, matigas, mataas)

PAG-UNAWA SA BINASA
PANUTO: Basahin ang bawat sipi at sagutan ang mga tanong. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

Taong 1988 nang iwan silang mag-ina ng kanyang asawa kaya’t napilitan siyang magtrabaho bilang kargador ng gulay sa
Balintawak, Cloverleaf Market. Siya ay si Carmelita Brigido. Kindergarten lamang noon ang panganay niya. Madaling araw
ang pasok niya sa trabaho. Kumikita siya ng P150 isang araw, subalit tama lamang itong panustos sa mga pangangailangan ng
kanyang paslit.

Naaalala pa ni Carmelita na matapos ang pagbubuhat, aabutan siya minsan ng mga biyahero ng kaunting gulay na siya naman
niyang itinitinda malapit sa kanilang bahay sa Malabon pagsikat ng araw. Di nagtagal, nagtinda rin siya ng tsampurado para
pang-almusal ng mga kapitbahay at ginatan naman tuwing hapon.

Ani Carmelita, isang pastor ang nagturo sa kanyang gumawa ng homemade na suka at toyo na binebenta rin niya sa mga
kapitbahay. “Araw-araw ay sapat lamang ang kita ko para sa amin ng mg anak ko. Nagtatabi lang ako nang kaunti, P20
hanggang P25 araw-araw, hanggang sa makaipon ako ng P300 noong 1990,” aniya.
Nagtungo sa Divisoria si Carmelita at namili siya ng spaghetti blouses na tigsasampung piso bawat isa. Ibenenta nang P35
bawat isa. Ang kinita ay binili ng mga gamit sa katawan, hanggang sa lahat ng sulok ng Divisoria ay nalakbay niya sa
paghahanap ng maibebenta sa puwesto.

Maaga pa lamang ay nag-aayos nang paninda si Brigido sa dulo ng talipapa sa Damata, Letre Malabon. Kabilang sa mga tinda
niya ngayon ay mga damit pambata, laruan, tsinelas, underwear at iba pa. “Dati, naiiyak ako sa hirap ng aming buhay pero
natutuhan kong patawarin ang asawa ko, ang galit ko ay nawala, at natutuhan ko sa mga pangyayari sa buhay ko na dapat
talagang matutong maghanapbuhay ang isang babae,” ani Brigido. “Noon, umaasa lang ako sa asawa ko, pero ngayon,
natuto na akong humawak ng pera at alagaan ang pamilya ko.”

(Pinagkunan: Libre, PDI Publications, Enero 24, 2002)

1. Anong matinding dagok ng kapalaran ang dumating sa buhay ni Carmelita Brigido?


a. hindi siya nakapagtapos ng pag-aaral
b. kailangan niyang magtrabaho
c. iniwan siya at ng kanyang mga anak ng kanyang asawa
d. hirap siya mag-alaga ng pamilya
2. Anu-ano ang kanyang ginawang paraan upang mapag-aral ang kanyang mga anak?
I.Nagtrabaho sa pastor bilang kasambahay.
II. Naglako ng gulay sa Malabon.
III. Nagkargador ng gulay sa Balintawak.
IV. Nagtinda ng mga damit at iba pang gamit sa kaniyang puwesto.
V. Gumawa ng suka at toyo at nagbenta sa mga kapitbahay.

a. I,II,III, at IV c. II, III, IV at V


b. I, II, IV at V d. I, II, III at V
3. Anu-anong katangian ang taglay ni Carmelita upang maging huwaran sa bawat Pilipino?
a. masikap, malungkutin at maunawain
b. masikap, maabilidad at mapagpatawad

c. madasalin, maganda at matalino


d. masipag, madaladal at malakas
4. “Nagtatabi lang ako nang kaunti, P20 hanggang P25 araw-araw, hanggang sa makaipon ako ng P300 noong 1990,”
aniya. Anong pag-uugali ang ipinapakita ni Carmelita dito?
a. matipid b. maaalahanin c. matapang d. maunawain
5. “Noon, umaasa lang ako sa asawa ko, pero ngayon, natuto na akong humawak ng pera at alagaan ang pamilya ko.”
Anong mahalagang leksyon ang natutunan ni Carmelita na ipinapahiwatig sa saknong?
a. Ang babae ay dapat lumaban sa asawa.
b. Dapat matutong maghanapbuhay ang isang babae.
c. Dapat gumising ng umaga araw-araw.
d. Ang babae ay dapat nasa bahay lamang.

Mayroon nang paniniwala sa mga anting-anting bago pa man dumating ang mga kastila sa pilipinas. Sa pananaw ng mga
katutubong Pilipino, ang mundo ay punung-puno ng mga espiritu o anito, na nagtataglay ng galing at ibang bagay, na
ipinagkakaloob lamang sa mga piling tao.

Gayundin, may kanya-kanyang potensiya di-umano ang mga bundok, kuweba, sapa, ilog, talon, halaman, hayop at pati na tao,
ngunit ang potensiyang ito’y makakamit lamang ng isang taong malinis ang puso, budhi, at diwa, at sa masusing pagtupad ng
ritwal, gaya ng taimtim na pagdarasal.
Pinagyaman at pinagyabong ang paniniwala sa anting-anting ng mga relihiyong Kristiyano. Bagaman itinuring na superstisyon
ng mga katoliko at ng Protestante and pananalig sa bisa o anting-anting, sa mga relihiyon na ring ito nakahanap ang mga
katutubo ng samo’t-saring detalye ng istorya, dogma o ritwal, na nagpapatibay pang lalo sa kanyang “superstisyon”.

Sa katunayan, nagkaroon ng pagpapalitan ng impluwensiya sa pagitan ng Kristiyanismo at ng matatandang paniniwala.


Halimbawa nito ang mga dasal: noon, Latin ang gamit ng mga pari. Di kalaunan, ginamit ito ng mga matanda bilang “orasyon”
sa kanilang mga anting-anting, at mga inuusal sa mga oras ng kinakatwan ng mga anting-anting, ay ginamit ng Kristiyanismo
sa kanilang pagpapalaganap ng mga Krus, scapulet, at iba pang mga bagay na relihiyoso. Sa paglipas ng panahon, ang mga
bagay na ito na ang pumalit sa mga makapangyarihang bato o talismang itinuring na anting-anting ng nakararami.

Halaw mula sa “Potensiya, Bisa at Anting-anting” ni Prospero Covar

1. Mula sa Kristiyanismo, anu-anong bagay ang itinuring ng mga mamamayang katumbas ng kanilang mga
paniniwalang pinaratangang “superstisyon” ng simbahan?
a. Mga kasuotan ng pari
b. Mga Kuwento, mga krus at iba’t ibang uri ng panalanging inuusal sa Latin.
c. Mompo, o ang grape wine na ginagamit sa misa
d. Ang Bibliya
2. Kanino ipinagkakaloob ang mga anting-anting, batay sa mga paniniwala ng sinaunang Pilipino?
a. sa mga lalaki
b. sa mga babaylan at asog
c. sa mga dato
d. sa mga piling taong may mabuting kalooban
3. Batay sa sipi, sa paanong paraan mapag-iingatan ng isang tao ang taglay na anting-anting?
a. Sa pamamagitan ng paglaban sa mga masasamang taong naglalayong kunin ito
b. Sa pamamagitan ng pagdarasal
c. Sa pamamagitan ng pakikipag-usap sa mga anito o espiritu ng kalikasan
d. Sa pagpapanatili ng mabuting kalooban at pagsunod sa mga ritwal
4. Ano ang pananaw ng mga katutubong Pilipino ukol sa mga espiritu o anito?
a. Ang mundo ay punong-puno ng mga elemento na gaya ng mga ito.
b. Ang mundo ay bilog at hindi palapad.
c. Ang mundo ay puno ng kababalaghan.
d. Ang mundo ay nagtataglay ng mahika.
5. Ayon sa binasang sipi, aling grupo ang nagpayaman at nagpayabong sa paniniwala sa anting- anting?
a. Relihiyong Budhismo c. Relihiyong Muslim
b. Relihiyong Kristiyano d. Relihiyong Hinduismo

WASTONG GAMIT
PANUTO: Salungguhitan ang salitang dapat gamitin sa pangungusap.

1. (Nang, Ng) magsikap si Nico ay natamo niya ang tagumpay.


2. Sa likod ng ulap ay (magkaroon, may) nakakubling liwanag.
3. Hindi kumikibo (si, ang) babaeng naghahanap ng kanyang nawawalang anak.
4. (Subukin, Subukan) nating isama si Reyster sa ating mga Gawain.
5. Ang pagsisikap (ng, nang) munting paslit ay ginagantimpalaan ng Diyos.
6. (Iwan, iwanan) mo ako ng magandang alaala sa iyong paglisan.
7. Ang kapatid (kung, kong) bunso ay tunay ngang nakakawili.
8. (Pahirin, Pahiran) mo ang pawis sa ilong mo.
9. Mayroon (nang, ng) kultura ang ating mga ninuno bago pa man dumating ang mga mananakop.
10. (Subukin, Subukan) mo ang katapatan ng iyong kaibigan.

You might also like