Siya’y mayroong bilugan na mukha at palaging nagtatae. Napakapasaway niyang bata dahil sa tuwing bibilhan siya ng lapis ay mawawala niya ito at ninanakaw niya ang lapis ng kanyang mga kaklase. Isang araw, nalaman ng nanay ni Penpen na nagnakaw uli siya. Kaya naman hindi na maiwasan ng nanay na magalit sa bata. Ngunit kahit anong saway pa ng nanay sa anak ay hindi naman pinapansin ni Penpen. Palagi na lang na bibilhan siya at mawawala. May nanakawin siya at matatae. Hanggang sa pagsapit ng makulimlim na hapon ay kumidlat at kumulog. Hindi ito pinansin ng nanay dahil narinig niya sa balita na may paparating na bagyo sa lugar nila. Ngunit nagtaka na ang nanay kung bakit hindi pa umuuwi si Penpen. Nagsimula na siyang mag-alala at hinanap ang anak. Nagtungo siya sa paaralan at sinabi ng mga kaklase ni Penpen ay huling nakita ang bata sa abandonadong playground. Nagtungo roon ang nanay pero may nakita siyang malaking hukay. Natagpuan niya ang bag at ang ID ni Penpen ngunit ang mismong bata ay wala roon. May nakita siya na parang lapis at nang sinubukang isulat sa papel, naglabas ito ng maitim na parang likido. Inalala ng nanay si Penpen at nagsimulang umiyak. Simula noon, tinawag itong ballpen.