You are on page 1of 17

Patnubay ng Pagtuturo

MODYUL 1: MGA ANGKOP AT INAASAHANG


KAKAYAHAN AT KILOS SA PANAHON NG
PAGDADALAGA/PAGBIBINATA

I. MGA LAYUNIN
MGA PAMANTAYAN SA PAGKATUTO
Pangnilalaman Pagganap
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag- Naisasagawa ang mga angkop na
unawa sa mga inaasahang kakayahan hakbang tungo sa paglinang ng apat na
at kilos sa panahon ng pagdadalaga inaasahang kakayahan at kilos
/pagbibinata, sa kanyang mga talento, (developmental tasks) sa panahon ng
kakayahan, at kahinaan, hilig, at mga pagdadalaga/pagbibinata.
tungkulin bilang
nagdadalaga/nagbibinata
Batayang Konsepto: Ang paglinang ng mga angkop na inaasahang
kakayahan at kilos (developmental tasks) sa panahon ng pagdadalaga /
pagbibinata ay nakatutulong sa:
 pagkakaroon ng tiwala sa sarili,
 paghahanda sa susunod na yugto (stage) ng buhay (paghahanda sa
paghahanapbuhay at paghahanda sa pag- aasawa / pagpapamilya), at
 pagiging mabuti at mapanagutang tao.

A. MGA LAYUNIN SA PAGTUTURO


1.1 Magabayan ang mga mag-aaral sa pag- unawa sa sumusunod na
paksa:
a. Mga Layunin ng Mga Inaasahang Kakayahan at Kilos
(Developmental Tasks) sa Bawat Yugto ng Pagtanda ng Tao
b. Mga Inaasahang Kakayahan at Kilos sa Panahon ng
Pagdadalaga / Pagbibinata at mga Panuntunan sa Paglinang ng
mga ito
c. Mga Hakbang tungo sa Pagtatamo ng Bago at Ganap na
Pakikipag-ugnayan sa mga Kasing-edad
d. Mga Hakbang Tungo sa Paglinang ng Tiwala sa sarili
2.1 Malinang ang sumusunod na kasanayan sa mga mag-aaral:
a. Pagkilala sa mga inaasahang kakayahan at kilos sa panahon ng
pagdadalaga / pagbibinata
b. Pagbibigay-katwiran kung bakit kailangang linangin ang mga
angkop na inaasahang kakayahan at kilos sa panahon ng
pagdadalaga / pagbibinata

1
c. Pagtukoy ng mga hakbang tungo sa paglinang ng mga angkop
na inaasahang kakayahan at kilos sa panahon ng pagdadalaga /
pagbibinata
d. Pagtukoy ng mga pagbabago sa kanilang sarili mula sa gulang
na 8 - 9 hanggang sa kasalukuyan sa aspektong: (a) pakikipag-
ugnayan (more mature relations) sa mga kasing edad, (b) papel
sa lipunan bilang babae o lalaki, (c) asal sa pakikipagkapwa / sa
lipunan, at (d) kakayahang makagawa ng maingat na
pagpapasya
e. Pagbibigay-katwiran kung bakit mahalagang kilalanin ang mga
angkop na inaasahang kakayahan at kilos sa panahon ng
pagdadalaga / pagbibinata sa aspektong: pakikipag-ugnayan sa
mga kasing-edad, papel sa Lipunan, asal sa pakikipag-kapwa,
kKakayahang makagawa ng maingat na pagpapasya
f. Pagpapatutunay kung nakatutulong ang paglinang ng mga
inaasahang kakayahan at kilos sa panahon ng pagdadalaga /
pagbibinata sa pagkakaroon ng tiwala sa sarili (self-confidence)
at sa pagiging mabuti at mapanagutang tao
g. Pagpapaliwanag ng kaugnayan ng paglinang ng mga
inaasahang kakayahan at kilos sa panahon ng pagdadalaga /
pagbibinata sa paghahanda sa susunod na yugto ng buhay
(sa paghahanda sa paghahanapbuhay at paghahanda sa pag-
aasawa at pagpapamilya)
h. Pagsasakatuparan ng mga sariling paraan sa paglinang ng mga
inaasahang kakayahan at kilos sa panahon ng pagdadalaga /
pagbibinata
i. Pagbuo ng talaan ng mga positibong self-talk o affirmation tungo
sa paglinang ng tiwala sa sarili
j. Pagbibigay ng mga puna sa paraan ng ibang kabataan sa
paglinang ng mga inaasahang kakayahan at kilos sa panahon ng
pagdadalaga / pagbibinata

B. MGA LAYUNING PAMPAGKATUTO


Ipabasa sa mga mag-aaral ang pahina 1- 2. Isa-sahin ang mga
layuning pampagkatuto para sa Modyul 1 na nasa loob ng kahon.

2
Itanong: Mayroon Sa modyul na ito, inaasahang maipamamalas mo ang sumusunod
ba kayong gustong na kaalaman, kakayahan at pag-unawa
linawin tungkol sa
a. Natutukoy ang mga pagbabago sa sarili mula sa gulang na 8
mga layuning
o 9 hanggang sa kasalukuyan sa apektong: (a) pakikipag-
binasa? ugnayan (more mature relations) sa mga kasing-edad, (b)
papel sa lipuinan bilang babae o lalaki, (c) asal sa
pakikipagkapwa at sa lipunan, at (d) kakayahang makagawa
ng maingat na

b. Natatanggap ang mga pagbabagong nagaganap sa sarili


panahon ng pagdadalaga / pagbibinata

c. Naipaliliwanag na ang paglinang ng mga angkop na


inaasahang kakayahan at kilos (developmental tasks) sa
panahon ng pagdadalaga / pagbibinata ay nakatutulong sa:

 Pagkakaroon ng tiwala sa sarili

 Paghahanda sa susunod na yugto (stage) ng buhay


(paghahanda sa paghahanapbuhay at paghahanda sa
pag-aasawa / pagpapamilya), at

 Pagiging mabuti at mapanagutang tao

d. Naisasagawa ang mga angkop na hakbang tungo sa


paglinang ng apat na inaasahang kakayahan at kilos
(developmental tasks) sa panahon ng pagdadalaga
pagbibinata

II. PAUNANG PAGTATAYA


Pasagutan ang paunang pagtataya sa pahina 2-5. Hayaang markahan ng
mga mag-aaral ang kanilang sariling papel gamit ang susi sa pagmamarka sa
Annex 1. Makatutulong din kung isusulat ng guro sa pisara ang susi sa
pagmamarka. e.

3
2. Ang sumusunod ay ilan sa mga inaasahang 4. Sa yugto ng maagang pasgdadalaga o
kakayahan at kilos na dapat malinang sa pagbibinata, inaasahan na ang pagkskaroon ng
panahon ng pagdadalaga / pagbibinata maliban tinedyer ng kasintahan (girlfriend/boyfriend). Ang
sa _______ . pangungusap ay:

a. Pagsisikap na makakilos ng angkop sa a. Tama, dahil mahalagang mamulat ang


kanyang edad nagdadalaga o nagbibinata sa pagbuo
ng relasyon sa kabaligtarang kasarian
b. Pagtanggap ng papel sa lipunan na angkop sa maagang panahon.
sa babae o lalaki
b. Tama, dahil ito ay makatutulong sa
c. Pagtatamo at pagtanggap ng maayos sa kanya upang humawak ng isang
ugali sa pakikipagkapwa relasyon at magiging seryosong
relasyon sa hinaharap.
d. Pagtatamo ng bago at ganap na pakikipag-
ugnayan sa mga kasing-edad c. Mali, dahil mahalagang masukat muna
ang kahandaan ng isip at damdamin ng
3-4 Basahin at unawain ang mga talata sa ibaba. isang nagdadalaga/nagbibinbata sa
Pagkatapos, sagutin ang bilang 3-4. paghawak ng isang seryosong relasyon.

Pagtuntong ng isang bata sa kanyang ika- d. Mali, dahil hindi pa nararapat na


labintatlong taon, nagsisimula ang matulin at kagyat magkaroon ng seryosong ang isang
na pagbabago sa kanyang pag-iisip at pag-uugali. tinedyer.
Kung dati ay kuntento na ang isang batang lalaki sa
paglalaro, ngayon ay tila naaakit na siyang tumingin 5. Si Cleofe ay iskolar sa isang pamantasang
sa kababaihan. Gayundin ang isang batang babae: mataas ang kalidad. Napaliligiran siya ng
nagsisimula na rin siyang kumilos na tulad sa isang mayayamang kamag-aral. Labis ang kanyang
ganap na babae. pagkabalisa dahil alam niayng hindi naman siya
makasasabay sa mga ito sa maraming bagay.
Sa panig ng kalalakihan, nagiging masilakbo Ano ang pinakamakatuwirang gawin ni Cleofe?
ang kanilang katapangan. Nagiging mapangahas
sila sa anumang bagay, warign a. Makipagkaibigan lamang siya sa kapwa
ipinagwawalambahala ang panganib, niya mga iskolar na mahirap din.
nagkukunwaring hindi nababalisa sa anumang
suliranin. Ito ang panahon na tila naghihimagsik ang b. Ipakita niya ang kanyang totoong
isang kabataan, waring di matanggap ang pagkatao.
katotohanang hindi pa siya gananp na lalaki at
nagpupuyos ang kalooban na pasubalian ito sa c. Kausapin niya ang kanyang mga
mundo. Ito ang panahon na ang isang lalaki ay wala magulang upang bumili ng mga gamit at
pang napapatunayan sa kanyang sarili at sa iba, damit na halos katulad ng sa
kaya napakalaki ng kanyang kawalan ng seguridad, mayayamang kamag-aral.
lagging humahanap ng pagkakataon na ipakita ang
kanyang kahalagahan. Sa pnig ng kababaihan, ang 6. Makiangkop sa kamag-aral na mayaman sa
isang nagdadalaga ay nagsisimulang iwan ang oras na sila ang kasama at sa mga kapwa niyang
daigdig ng mga manika at laruan, nag-iingat na iskolar na mahirap kung sila naman ang kasama.
kumilos nang magaslaw o tila bata. Isa siyang
bulaklak na nagsisimulang mamukadkad. 7. Masasabi lamang na ganap ang pakikipag-
ugnayan kung handang ipaalam ang lahat sa
Hango sa : kapwa. Ang pangungusap ay:
http://cpnhs.com/smf/index.php?topic=167.0
3. Ano ang pangunahing paksa ng sanaysay? a. Tama, dahil ito ay nagpapakita ng tiwala
sa kapwa.
a. Ang pagbabago sa panahon ng
pagdadalaga/pagbibinata b. Tama, dahil ito ang magiging simula ng
isasng malalim na pakikipag-ugnayan.
b. Ang mga karanasang pinagdaraanan ng mga
nagdadalaga/nagbibinata.
c. Mali, dahil sa kasapi ng pamliya lamang
c. Ang damdamin ng mga nararapat na sabihin ang lahat ng
nagdadalaga/nagbibinata sa mga pagbabagong sikreto.
kanilang pinagdaraanan.
d. Mali, dahil mahalagang magkaroon ng
d. Ang pagkakaiba ng pagbabagong limitasyon upang hindi magamit ang
pinagdaraanan ng isang nagdadalaga at mga impormasyon tungkol tungkol sa
pagbibinata. sarili laban sa kanya sa hinaharap.

4
8. Si Bernard ay mababa ang tiwala sa
sarili sa kabila ng kanayang talent. Hindi niya
ito ipinakikita sa paaralan dahil sa takot na
hindi ito maging kalugod-lugod sa iba pang
mga mag-aaral. Ano ang makatuwirang gawin
ni Bernard?

a. Kausapin niya ang kanyang sarili at


sabihin na hindi matatalo ng hindi
pagtanggap ng iba sa kanyang
talent ang kanyang pagnanais na
umangat dahil sa kanyang
kakayahan.

b. Humingi siya ng papuri mula sa Ipabilang sa mag-aaral ang


kanyang mga kaibigan at kapamilya kabuuang iskor na kanilang nakuha. Ipataas
na makatutulong upang maiangat
ang kanayang tiwala sa sarili. ang kamay ng mga batang nakakuha ng iskor
na 10 at bilangin ang mga ito. Itala sa pisara
c. Harapin niya ang mga hamon nang ang kabuuang bilang. Ipataas ang kamay ng
may tapang at hayaang nakakuha ng 5 hanggang 9 na puntos;
mangibabaw ang kanyang
kalakasan. bilangin at itala sa pisara ang kabuuang
bilang. Gayundin ang gawin para sa 0
d. Huwag niyang iisipin na mas hanggang 4 na puntos.
magaling ang iba sa kanya, bagkus
Kung lahat halos ng mga mag-aaral (95%) ay
isipin niya na siya ay nakaaangat sa
lahat. nakakuha ng iskor na 10, maaaring dumako
na ang guro sa bahaging Pagpapalalim.

Maaaring gawing gawaing-bahay ang ilang mga gawain sa mga bahaging


Pagtuklas sa Dating Kaalaman at Paglinang ng mga Kaalaman, Kakayahan at Pag-
unawa para sa mga nakakuha ng 5-9 puntos.
Ang mga nakakuha naman ng 0 hanggang 4 na puntos ay maaring
mangailangan ng karagdagang gawain sa bahaging Paglinang ng mga Kaalaman,
Kakayahan at Pag-unawa.

III. PLANO NG PAGTUTURO-PAGKATUTO

A. PAGTUKLAS NG DATING
KAALAMAN
Mga Hakbang:
1. Ipagawa ang Gawain 1 sa
bahaging Pagtuklas ng
Dating Kaalaman sa mga
mag-aaral sa pahina 5 ng
Modyul 1.
2. Ipabasa ang Panuto at
saka itanong: Mayroon
bang kailangang linawin sa Panuto?

5
3. Ipabasa ang halimbawa sa
pahina 6.
4. Ilagay ang mga kagamitan sa
ibabaw ng mesa ng guro at
sabihing ito ay maaring gamitin
ng lahat ng mag-aaral. Ipaalala
ang halaga ng pagbibigayan at
pagtitiyaga sa paggamit ng
mga kagamitan.
5. Ipagawa ang gawain. Bigyan
sila ng 15 minuto para sa
gawaing ito.
6. Matapos ang 15 minuto ay
tumawag ng ilang mag-aaral
upang basahin ang kanilang
mga pagbabagong itinala sa
kuwaderno.
Gawain 2
Mga Hakbang
1. Idikit sa pisara ang inihandang “Tsart ng Profile Ko, sa
Paalala Noon at Ngayon”.
Gawain Sa 8-9
2 pahina tulong
ng mga mag-aaral, punan ang tsart ng mga halimbawa ng pagbabago na itinala
sa pisara sa unang gawain. Matapos ipabasa sa mga
mag-aaral ang Panuto at ang
halimbawa ng “Profile Ko, Noon at
Ngayon” sa Gawain 2, maaari
itong gawing Takda o Gawaing-
Bahay bilang kasunduan.

6
2. Ipabasa ang Panuto at halimbawa ng “Profile Ko, Noon at Ngayon” sa pahina 7.
Papunan ang Tsart sa pahina 8. Bigyan ang mga mag-aaral ng 15 minuto upang
buuin ang tsart.
3. Matapos ang 15 minuto, pangkatin ang mga mag-aaral. Hindi dapat hihigit sa
lima ang kasapi sa pangkat. Gamit ang binuong “Profile Ko, Noon at Ngayon”,
iisa-isahin at ipaliliwanag ng lider ng bawat pangkat ang mga nilalaman nito sa
kanyang pangkat.

Tayahin kung positibo o negatibo ang mga nagging pagbabago sa iyong sarili

4. Ipabasa sa mga mag-aaral ang Panuto para sa “Linya ng Profile Ko, Noon at
Ngayon”. Ipabasa ang ibinigay na halimbawa sa pahina 7.

Paalala: Makatutulong kung may nakapaskil o nakaguhit na kopya ng Linya ng


“Profile Ko, Noon at Ngayon” sa pisara.

7
Gamit ang halimbawang tsart ng “Profile Ko, Noon at Ngayon” sa pahina 8,
suriin ang halimbawang Linya ng Profile Ko, Noon at Ngayon sa pahina 9.

Halimbawa:
Ako Noon (gulang na 8-10) Ako Ngayon
Pakikipag-ugnayan Hal. Kalaro ko ang aking Hal. Karamay ko ang mga
sa mga kasing- mga kaibigan. kaibigan ko sa mga
edad hinaharap na suliranin.

Sa halimbawang ito, masasabing positibo ang pagbabago sa sarili sa


aspektong, pakikipag-ugnayan sa mga kasing-edad. Hayaang magtungo sa pisara
ang isa sa mga mag-aaral upang ilagay ang unang guhit sa Linya. Isusulat sa tapat
ng guhit ang aspekto ng pagbabago ukol dito. Gayundin ang gawin sa sumusunod
pang halimbawa.

Pakikipag-ugnayan sa kasing-edad
Dito ka
magsimula

Ipagawa ang
Linya ng Profile
Ko, Noon at
Ngayon sa
pahina 9.

8
Sa paggamit
ng pahina 9-
10: Maaaring
ipagawa
bilang
takdang aralin
ang
Pagninilay
pagkatapos
ipaliwanag
ang panuto.
Ipasulat ito sa
kanilang
journal.

A. PAGLINANG NG KAALAMAN, KAKAYAHAN AT PAG-UNAWA


2.1 Ipabasa sa mga mag-aaral ang mga palatandaan ng pag-unlad bilang
isang nagdadalaga/nagbibinata sa pahina 11-13. Iisa-isahin ng guro ang
mga palatandaang ito.
2.2 Ipatukoy sa mga mag-aaral kung ang bawat palatandaan ay positibo o
negatibo. Hayaang ipaliwanag nila ito at pangatwiranan ang kanilang mga
sagot.
2.3 Bigyang-diin na bagamat maaaring totoo o naglalarawan sa kanila ang
ilan sa mga palatandaang ito, hindi nangangahulugan na tama ang mga
ito. Maaaring ang ilan dito ay hindi nila dapat gawin o ipamalas. Kaya
nga’t sa huling bahagi ng pag-aaral sa Modyul 1 ay inaasahang
mapamamahalaan nila ang mga pagbabagong ito sa iba’t ibang aspekto
ng kanilang pagkatao.

9
Paalala: Maaariing gumamit ng ibang kuwento o pelikula tungkol sa
pagdadalaga at pagbibinata para sa bahaging Paglinang ng mga
Kaalaman, Kakayahan at Pag-unawa. Tiyakin lamang na ang ipinakikita
rito ay ang mga angkop at epektibong pamamaraan ng pamamahala sa
mga pagbabagong pinagdaraanan ng mga nagdadalaga at nagbibinata.

Sa paggamit ng pahina 12: Mas makabubuti kung sama-samang panonoorin ng klase


ang pelikula. Mamamasid ng guro ang reaksiyon ng mga mag-aaral dito. Mas
makatutulong din kung pagagawain ng “movie review” o pagsusuri ng pelikula o kuwento
ang mga mag-aaral gamit ang mga gabay na tanong sa pahina 14. Mahalagang talakayin
ang mga naging pagsusuri ng mag-aaral sa klase. Gamitin ang rubric sa pagtataya ng
pagsusuri ng aklat o pelikula na inihanda sa Annex 2.

10
A. PAGPAPALALIM

Paalala: Makatutulong kung ang sanaysay ay ipababasa na sa mga mag-aaral


bilang Takdang Aralin.

1. Magpaskil ng katulad na paglalarawan at mga dialogue boxes sa pahina 13 sa


pisara. Sabihin: Tingnan ang larawan at ang mga sinasabi ng babae dito sa mas
nakababatang babae. Sino sa inyong palagay ang babaeng nagsasalita? Sino
naman ang kanyang kausap? Basahin nga ang sinasabi ng babae.
2. Ipabasa sa ilang mag-aaral ang sinasabi sa mga dialogue boxes. Sabihin:
Pansinin ang reaksiyon ng batang babae sa larawan. Ano kaya ang iniisip niya?
3. Tumawag ng ilang mag-aaral at hinging pangatwiranan ng mga ito ang kanilang
naging mga tugon.
4. Ipabasa ang kabuuan ng sanaysay sa pahina 13-20. Bigyan sila ng 15 minuto
upang basahin ang sanaysay.
5. Matapos ang 15 minuto ay pangkatin ang mga mag-aaral. Tiyaking hindi hihigit
sa sampu ang bilang ng kasapi sa pangkat. Hayaang magtalaga ang mga mag-
aaral ng lider at tagapag-ulat.
6. Bigyan ng activity card, Manila paper at pentel pen ang bawat pangkat.

11
Activity Cards

Activity Card 1

Panuto: Gamit ang overlapping concepts graphic organizer, tukuyin at isa-isahiin


ang mga konseptong nabasa mula sa pahina 13 – 14. Sa ibaba ng graphic
organizer, isulat ang maikling paglalagom ng mga konseptong nabasa.

Oras na ilalaan sa gawain: 15 minuto

Iulat ang inyong output sa klase.


Activity Card 2

Panuto: Gamit ang idea web graphic organizer, tukuyin at isa-isahiin ang mga
konseptong nabasa mula sa pahina 15 – 20. Sa ibaba ng graphic organizer,
isulat ang maikling paglalagom ng mga konseptong nabasa.

Oras na ilalaan sa gawain: 15 minuto.

Iulat ang inyong output sa klase.

12
Activity Card 3

Panuto: Gamit ang organizational outline graphic organizer, tukuyin at isa-isahin


ang mga konseptong nabasa mula sa pahina 15 – 20. Sa ibaba ng graphic
organizer, isulat ang maikling paglalagom ng mga konseptong nabasa.

Oras na ilalaan sa gawain: 15 minuto

Iulat ang inyong output sa klase.

Paalala: Maaaring makakuha ng magkatulad na activity card ang ilang pangkat.


Maaaring gawing dalawang kopya ng Activity Cards 1 at 3 at ang Activity Card 2 ay
tatlo o higit pa.
7. Ipapaskil ang mga output ng bawat pangkat sa pisara at ipaulat ito.
8. Matapos ng mga pag-uulat, tiyaking magbigay ng paglilinaw sa ilang
mahahalagang konseptong hindi naipaliwanag nang wasto at sapat.

Pasagutan ang Tayahin ang Iyong Pag-unawa sa pahina 21. Bigyan sila ng 5
minuto upang gawin ito.

13
Magpaskil o gumuhit sa pisara ng replica ng graphic organizer sa pahina 21.
Tumawag ng ilang mag-aaral upang punan ang graphic organizer.

Ipasulat sa mag-aaral ang nabuong konsepto sa ilalim ng nakapaskil na mga


output ng bawat pangkat na graphic organizer. Piliin ang konseptong pinakamalapit
sa Batayang Konsepto na nasa kahon sa ibaba:

Ang paglinang ng mga angkop na inaasahang kakayahan at kilos


(developmental tasks) sa panahon ng pagdadalaga / pagbibinata ay
nakatutulong sa:
 pagkakaroon ng tiwala sa sarili ,
 paghahanda sa susunod na yugto (stage) ng buhay (paghahanda sa
paghahanapbuhay at paghahanda sa pag- aasawa / pagpapamilya), at
 pagiging mabuti at mapanagutang tao.

D.
E.
F. PAGSASABUHAY
Pagganap
Ipagawa ang “Tsart ng Aking Paraan ng Paglinang sa mga
Inaasahang Kakayahan at Kilos sa Panahon ng Pagdadalaga/Pagbibinata”

14
Sa paggamit ng pahina 22: Ang Tsart ng Aking Paraan ng
Paglinang ng…ay ipagagawa sa loob ng 2 linggo.

15
Paalala: Magtalaga ng kapareha ang bawat mag-aaral upang tiyaking
nasusundan at natataya ang mga tala sa Tsart ng bawat mag-aaral.
Pagawin ang bawat isa ng ulat ng mga pagbabago sa mga kilos at gawi ng
kamag-aral bunga ng pagsunod sa “Tsart ng Aking Paraan ng Paglinang
sa mga Inaasahang Kakayahan at Kilos sa Panahon ng
Pagdadalaga/Pagbibinata”. Ipapasa ng mga mag-aaral ang kanilang
journal. Basahin ang kanilang pagninilay at mamarkahan ito gamit ang
pamantayan sa Annex 2.

Pagsasabuhay

1. Ipagawa sa mga mag-aaral ang bahaging Pagsasabuhay sa pahina 24.


2. Ipabasa sa isang mag-aaral ang panuto. Pagkatapos, itanong: Mayroon bang
katanungan tungkol sa panuto?

3. Makatutulong kung magpapaskil ng katulad na halimbawa na nasa Modyul.


Bigyan ng panahon ang mga mag-aaral na basahin ang halimbawa na nasa
pisara.
4. Pagkatapos, ipabasa naman ang mga hakbang para sa kanilang pansariling
pagsusuri na nasa pahina 25.

16
5. Matapos ang panahon na ibinigay sa mga mag-aaral ay tumawag ng ilan na
magbabahagi ng kanilang ginawa sa harap ng klase.
6. Ibigay bilang takdang aralin ang isa pang gawain na nasa pahina 25, bilang
3.
7. Paghandain ang mga mag-aaral ng mga gabay na tanong. Kailangan itong
mabasa bago nila isagawa ang panayam.
8. Atasan ang mga mag-aaral na magbigay ng mga patunay sa pagsasagawa
ng gawain. Maaaring larawan o video habang isinasagawa ang panayam.

17

You might also like