You are on page 1of 4

Bauko 2 District Araling Panlipunan

Note: All questions aligned with this competency: Nasusuri ang katangiang pisikal ng daigdig.

EASY grade 8

Kung pag-uusapan ang lokasyon, ang mga sumusunod ay pawang mga tumutukoy nito: 1050 Kanlurang
longhitud, kanluran ng Pilipinas, Hilaga ng China, napapagitnaan ng kontinente ng Africa at Europe.
Sa apat na lokasyong ito, naiiba ang 1050 Kanlurang longhitud. Anong uri ito ng lokasyon?

A. Parallel B. Absolute C. Relative D. Vicinity


location location location location

AVERAGE grade 8
Sa 5 tema ng heograpiya, alin ang tumutukoy sa LUGAR?

A. Ang Mount Data ang karibal ng Madaymen sa bansag na “Switzerland of the Philippines” dahil
sa sobrang lamig na klima nito.
B. Matatagpuan ang Mount Data sa kanluran ng Monamon Norte, timog ng Sadsadan at hilaga ng Sinto.
C. Araw-araw, halos lahat ng mga tao sa Bauko 2 ay nagpupunta sa kanilang gulayan madaling araw
pa lamang.
D. Kabilang ang mga taga-Bauko 2 sa mga Kankanaey speaking Igorots.

DIFFICULT grade 8

Lahat ng sumusunod ay totoo tungkol sa International Dateline maliban sa isa. Alin ito?

A. Kurba-kurba ang international dateline dahil iniwasan ng linyang ito ang kalupaan.
B. Kung ang isang nabigador o manlalayag ay naglalakbay mula silangan at bumabagtas sa
international dateline upang makapunta sa kanluran, ang petsa kapag nakarating siya sa
kanluran ng international dateline ay magiging petsa kinabukasan. Halimbawa, kung ang petsa
sa silangan ng international dateline ay May 6, kahit isang oras lang ang ibiniyahe ng
manlalakbay mula sa silangan patungong kanluran ng international dateline, ang petsa ay
magiging May 7.
C. Upang maiwasan ang kalituhan sa mga manlalakbay at mga cartographers, ang international
dateline ay iginuhit sa unang meridian.
D. Ang international dateline ay malapit lamang sa Siberia, Aleutian Islands, Fiji Islands at
New Zealand.

CLINCHER (Grade 8)

Lahat ng sumusunod na pares ng sibilisasyon ay itinatag malapit sa mga katubigan maliban sa isa.
Alin ito?

A. Inca at Egypt
B. Egypt at Aztec
Bauko 2 District Araling Panlipunan
C. Mesopotamia at Egypt
D. Shang at Indus

EASY Grade 7

Piliin sa mga sumusunod na grupo ng mga bansa ang may mali kung ang pagbabatayan ay ang limang
rehiyon ng Asya.

A. South Korea, China, Japan, Taiwan


B. Oman, Bahrain, Cyprus, Lebanon
C. Turkmenistan, Afghanistan, Tajikistan, Uzbekistan
D. Thailand, Philippines, Malaysia, Timor Leste

AVERAGE grade 7
Bauko 2 District Araling Panlipunan
Tangway, pulo, delta at disyerto: Sa mga anyong lupa at anyong tubig na ito, naiiba ang disyerto.
Alin ang pinakatamang paliwanag kung bakit?

A. Ang disyerto ay malawak na lupain.


B. Sa mga anyong lupa at tubig na ito, disyerto lamang ang malayo sa tubig maliban sa mangilan-
ngilang mga oases.
C. Ang tangway, pulo at delta ay magkakasingkahulugan lamang.
D. Sa mga nabanggit, disyerto lamang ang hindi nakaranas ng kalakalan noong sinaunang panahon.

DIFFICULT Grade 7

Ang Yangshao, Catal Huyuc, Jericho at Lung-shan ay mga pamayanang naitatag sa Asya bago pa man
magkaroon ng mga sibilisasyon o kabihasnan sa mga lungsod. Ayusin sila ayon sa pinakamatanda o
pinakaluma hanggang sa pinakabata o pinakabago. Alin sa mga sumusunod ang tamang pagsasaayos?

A. Yangshao, Catal Huyuc, Jericho, Lung-shan


B. Catal Huyuc, Jericho, Lung-shan, Yangshao
C. Jericho, Catal Huyuc, Yangshao, Lung-shan
D. Lung-shan, Catal Huyuc, Yangshao, Jericho

CLINCHER Grade 7

Alin sa mga sumusunod na pares ng kaharian ang kasama sa Pinag-isang Silla o Unified Silla?

A. Goryeo at Baekje
B. Baekje at Gogoryeo
C. Buyeo at Choseon
D. Baekje at Balhae
Bauko 2 District Araling Panlipunan

You might also like