You are on page 1of 2

ANG PAGBASAK AT MULING PAG AHON

PAG-ASA PROGRAMME (DULANG PANG RADYO)

Mga kwentong nag bibigay pag-asa


Kwentong nagbibigay inspirsyon sa bawat isa

Ngayong gabi matutunghayan natin ang isang istorya ng pagkalugmok sa droga at pagbangon nito sa pagkadapa.

Narito ang isang lalaki na magbabahagi ng kaniyang kwento.

PINAGGANAPAN ( Inuman sa isang kaarawaan ng kumpare)

Jayson : Uy! Happy Birthday pare.

Nick : Salamat pareng Jayson! Tumagay ka pa diyan at magpakalasing.

Jayson : Naku pre di narin ako magtatagal may pasok pa kasi ako bukas. Pati si misis ay nag-aantay

Nick : Pre naman! Misis lang yan wag kang matakot dun napapalitan pa naman yun! Hahaha! Saka pare may
ipapasubok ako sayo pare! Sigurado magugustuhan mo.

Jayson : Hay naku! Ang kulit mo pare sige na nga try natin yan!

Nick : Oo pre ako bahala sayo tara dito sa kwarto pre. Sure heaven to pre.

Narrator : Doon na nga nagsimula ang akalang tunay na kasiyahan, Ngunit kaguluhan pala ang hatid.

Misis : Ohh!! San ka nanaman galing at bakit namumula ang mata mo? Lasing ka nanaman!!

Jayson : Wala kang pake! Pahingi akong pera.

Misis : Ano kaba Jayson! Wala ka na ngang trabaho dahil dyan sa bisyo mo, Ang kapal ng mukha mo manghingi ng pera
sakin! Wala ka namang binibigay na pera sa akin!

(Sinampal si misis) Anong sabi mo?

Misis : aray ko! Wag mo kong saktan

Anak : Mama, Papa wag kayong mag-away! Huhu!

Tatay : (Nag hagis ng bote)

Misis : Maghiwalay na tayo kung lagi mo akong sasaktan!! Ayoko na sayo! lalayas na ako! At isasama ko ang anak ko.

Jayson : Edi lumayas kayo dito sa pamamahay ko!

Narrator: Dahil nga sa pinagbabawal na gamot nawalan si Jayson ng trabaho at nasira ang kanyang pamilya.

Narrator : Nagising si Jayson sa putok ng baril, sa serena ng ambulansya at sa ingay ng mga tao.

Jayson : Anong nangyari?

Kapit bahay : Nagtotokhangan na nabaril ang kumpare mong si Nick, kaya kung ako sayo mag bago kana! Baka ikaw na
ang susunod.

(Pumasok ng bahay si Jayson)

Jayson : Gusto ko nang magbago, ayokong mangyari sakin ang nangyari kay pareng Nick. Mabuti pa siguro kung
magpaparehab ako.

Narrator: Nag didisyon si Jayson na magbago. Siya ay nagparehab sa kanyang barangay. Pagkatapos noon hinanap niya
ang kanyang pamilya.

You might also like