Professional Documents
Culture Documents
Topic 7
PRODUKSYON
I. PRODUKSYON
Ang paglikha ng produkto at serbisyo upang matugunan ang mga pangangailangan at kagustuhan ng
tao
2. Lakas-Paggawa (Employment)
Ang pinakamahalagang salik ng produksyon
Sa salik na ito umiiral ang kontribusyon ng lakas tao upang mabuo ang isang produkto
Sahod ang kabayaran sa paglikha ng mga produkto at serbisyo. Ang sahod ay nauuri sa:
o Arawan
o Lingguhan
o Buwanan
o Taunan, etc.
Napapangalagaan ang lakas paggawa sa pamamagitan ng:
o Kodigo ng Paggawa ng Pilipinas (Labor Code of the Philippines)
Kalipunan ng lahat ng mga batas panlipunan at pangmanggagawa ng isang
bansa
Nangangalaga laban sa di-makatarungang pagtatanggol sa namamasukan sa
pamamagitan ng pagtukoy sa mga probisyong kailangang sundin tungkol sa
pagwawakas ng empleyo
Nagsasaad ito ng probisyon sa:
Pagtanggap ng bagong kawani at paglagay sa angkop na posisyon
Kalagayan ng pinamamasukan
Kalusugan, kaligtasan at kapakanang panlipunan
Pag-uugnayan ng kawani at pinaglilingkuran
Pagwawakas ng empleyo at pamamahinga sa serbisyo
o Mahahalagang Kaalaman Tungkol sa Empleyo:
Pagwawakas ng Empleyo (Termination of Employment)
Maaari lamang tanggalin ang empleyado kung siya ay:
o Di sumusunod at may maling kaasalan
o Palagiang nagpapabaya sa Gawain o tungkulin
o Panlilinlang, pandaraya o panloloko
o Pagkakasala at paggawa ng masama sa pinaglilingkuran
Pagbibitiw sa Empleyo (Resignation)
Di na kailangan ang paunawa (notice) kung ang pagbibitiw ay dahil sa:
o Pang-iinsulto ng nakatataas sa empleyado
o Di-makataong pagtrato ng tagapamahala
1
Eknomiks (First Grading)
Topic 7
o Paggawa ng krimen ng tagapamahala laban sa pamilya ng
empleyado o sa empleyado mismo
o Kalagayan sa Paggawa
Tumutukoy sa:
Oras ng paggawa
o Magtratrabbaho ng 8 oras lamang ang isang empleyado
o Kapag labis sa 8 oras, dpat bigyan ng overtime pay
Lingguhang pamamahinga
o Binibigyan ng 1 araw bawat lingo bilang araw ng pahinga
o Pag-eempleyo ng kababaihan
Mga prebilihiyo ng kababaihan:
Hiwalay na palikurang pambabae at panlalaki
Nursey
Maternity leave
o Pag-eempleyo ng mga kabataan
Kapag nag-eempleyo ng kabataan 15 – 18 taon, ito’y hindi dapat nakaabala sa
kanilang pag-aaral at dapat sila’y nangangalaga ng kanilang magulang
Mga dahilan ng Kawalan ng Trabaho:
o Pagpapalit ng paggawa
o Kawalan ng trabaho dahil sa teknolohiya
o Pagkawala ng trabaho dahil sa pag-ikot ng negosyo
Epekto ng kawalan ng trabaho:
o Epekto sa ekonomiya
Pagbaba ng antas ng pag-unlad
o Panlipunang epekto
Pagtaas ng antas ng kriminalidad
Paglala ng mga sakit
Gutom at laganap na kahirapan, etc.
Ugnayan ng mga kawani at ng Pinaglilingkuran:
o Ninanais na maitaguyod ang positibong relasyon ng kawani at ng pinaglilingkuran kaya
nabuo ang mga sumusunod:
Paglapat ng mga kasunduang pansamahan para sa paglutas ng mga alitang
paggawa
Kalayaang magtatag ng mga samahan o unyon
Mabilis at makatarungang paglutas ng alitang paggawa
Pagbibigay ng impormasyon tungkol sa mga karapatan at tungkulin ng mga
manggagawa
Pagsisikap tungkol sa kapayapaang pang-industriya
3. Kapital o Puhunan
Mga produktong yari na o gawang tao na ginagamit sa paglikha ng produkto
Hindi lamang sa anyong salapi
Maaaring uriin sa mga sumusunod:
o Fixed capital goods
Tumatagal at ginagamit nang paulit-ulit
Halimbawa ang makinarya, pagawaan at mga kagamitan
o Circulating capital goods
Mga produkto na ginagamit upang makagawa ng iba pang produkto
o Free capital goods
Mga produktong ginagamit ng isang beses lamang
o Specialized capital goods
Nagagamit sa bukod-tanging layunin
Halimbawa ang makinilya, sewing machine, oven, etc.
2
Eknomiks (First Grading)
Topic 7
o Interes ang kabayaran sa paggamit ng puhunan
Mga uri ng interes:
Tubong gross at net
o Tubong net (puro)
Halagang ibinayad nang walang patubo
o Tubong gross
Interes ng net at lahat ng tinubo ng negosyante
Tubong implicit at explicit
o Tubong implicit
Tubo sa paggamit ng sarilinng pera na ginawang
puhunan
o Tubong explicit
Tubong ibinabayad ng negosyante sa perang ipinuhunan
3
Eknomiks (First Grading)
Topic 7
Average variable cost – kapag ang total variable cost ay hinati sa dami ng
produktong nagawa
Average total cost – paghahato ng total cost sa dami ng produkto
Marginal cost – gastusin sa bawat karagdagang produktong gagawin
3. Iba pang gastusin
Di-hayagang gastos (Implicit cost)
o Gastos na nauugnay sa kabayarang tinatanggap mismo ng may-ari ng
negosyo
Hayag na Gastos (explicit cost)
o Mga gastos na may kinalaman sa tinatanggap ng mga may-ari ng salik na
hindi may-ari ng negosyo
Opportunity Cost
o Isinasakripisyong bagay upang gamitin sa kasalukuyang gamit nito