You are on page 1of 2

Aba Po Santa Mariang Hari, Ina ng Awa.

Ikaw ang kabuhayan at katamisan; Aba pinananaligan ka namin.


Ikaw nga ang tinatawagan namin, pinapanaw na taong anak ni Eva.
Ikaw rin ang pinagbunbuntuhang hininga namin ng aming
pagtangis
dini sa lupang bayang kahapis-hapis. Ay aba, pintakasi ka namin,
ilingon mo sa amin, ipakita mo sa amin ang iyong Anak na si
Hesus.
Santa Maria, Ina ng Diyos, maawain, maalam at matamis na
Birhen.

V. Ipanalangin mo kami, Reyna ng kasantusantuhang Rosaryo.


R. Nang kami’y maging dapat makinabang ng mga pangako ni
Hesukristo.

PANALANGIN PAGTATAPOS NG ROSARYO

Manalangin tayo:

Diyos at Panginoon namin, na ang bugtong na Anak Mo ay siyang


ipinapagkamit namin ng kagalinga’t kabuhayang walang hanggan
sa pamamagitan ng kanyang pagkakatawang-tao, pagkamatay at
pagkabuhya mag-uli, ipagkaloob Mo, hinihiling namin sa Iyo, na sa
pagninilay-nilay namin nitiong mga misteryo ng Santo Rosaryo ni
Santa Mariang Birhen ay hindi lamang matularan namin ang mga
magagaling na halimbawang nalalarawan sa amin; kundi naman
makamtan namin ang mga kagalingang ipinangako sa amin; alang-
alang kay Hesukristo Panginoon namin; na kapisan Mo at ng
Espiritu Santo nabubuhay at naghahari magpasawalang hanggan.
Siya nawa. Amen.

Misteryo ng Tuwa
(Lunes at Sabado)

1. Ang pagbati ng Arkanghel San Gabriel kay Santa Maria.


2. Ang pagdalaw ni Santa Maria kay Santa Isabel .
3. Ang pagsilang ni Hesus sa Belen.
4. Ang paghahain kay Hesus sa templo.
5. Ang pagkawala at pagkakita kay Hesus sa Templo ng
Herusalem.

The Joyful Mysteries | Ang mga Misteryo ng Tuwa


(Lunes at Sabado)
1)Ang pagbati ng Angel sa Mahal na Birhen
2) Ang Pagdalaw ng Birhen Maria kay Sta. Isabe
3) Ang pagsilang sa mundo ng Anak ng Diyos
4) Ang paghahain sa Templo ng Anak ng Diyos
5) Ang pagkakakita kay Hesus sa
The Luminous Mysteries| Ang mga Misteryo ng Liwanag
(Hwebes)
1)Sa kanyang binyag sa ilog Jordan
2) Sa kanyang pagpapahayag ng kanyang sarili sa kasalan sa Cana
3) Sa kanyang pagpapahayag ng Kaharian ng Diyos, sa pagtawag
patungo sa pagbabago
4) Sa kanyang Pagbabagong-anyo
5) Sa kanyang pagtatatag ng Banal na Eukaristiya, bilang
pagpapahayag na Sakramental ng Misteryo Paskawal

The Sorrowful Mysteries | Ang mga Misteryo ng Hapis


(Martes at Biyernes)
1)Ang panalangin ni Hesus sa Halamanan
2) Ang paghampas kay Hesus na nakagapos sa haliging bato
3) Ang pagpuputong ng koronang tinik kay Hesus
4) Ang pagpapasan ng krus ni Hesus
5) Ang pagkapako at pagkamatay ni Hesus sa krus

The Glorious Mysteries | Ang mga Misteryo ng Luwalhati


(Myerkules at Linggo)
1) Ang pagkabuhay muli ni Hesukristo
2) Ang pag-akyat sa langit ni Hesukristo
3) Ang pagpanaog ng Diyos Espiritu Santo sa mga Apostoles at sa
Mahal na Birhen
4) Ang pag-akyat sa langit ng Mahal na Birhen
5) Ang pagpuputong ng korona sa Mahal na Birhe

You might also like