You are on page 1of 2

Pagbasa at Pagsusuri ng iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik

Pagsusulit Blg. 2

I. Piliin ang sagot sa loob ng kahon.


1. Ito ay naglalaman ng mga impormasyong may kinalaman sa limang pandama. ____________________
2. Malinaw na paglalarawan at halos madama na ng mambabasa at nakabatay sa mayamang imahinasyon at hidi sa
katotohanan. __________________________
3. Paggamit ng mga salitang maaaring tumukoy ng paksang pinag-uusapan sa pangungusap. _______________
4. May binabawas na bahagi ng pangungusap subalit inaasahang maiintindihan pa rin ng mga mambabasa ang
pangungusap. ______________________
5. Ang tawag sa mga salitang ginagamit bilang pamalit o panghalili sa mga pangngalan. ___________________

Pang-uri Panghalip Substitusyon Reperensiya Ellipsis

Tekstong Deskriptibo Subhetibong Paglalarawan Obhetibong Paglalarawan

II. Basahin ang mga sumusunod na pangungusap at isulat kung ang paglalarawan ay obhetibo o subhetibo.

______________ 6. Ang perpektong kono ng Bulkang Mayon ay isang tanawing binabalik-balikan ng mga turistang
nagmumula pa sa iba’t- ibang panig ng bansa at mundo. Itinuturing itong pinakaaktibong bulkan dahil sa humigit-
kumulang limampung beses na pagsabog nito sa nagdaang apat na raang taon.

______________ 7. Ang bawat pagkaway ni Alden Richards ay tinutumbasan ng nakabibinging pagtili ng kanyang
mga tagahanga. Walang hindi maaskit sa kanyang malalalim na biloy na agad lumilitaw kapag ang kanyang maamong
mukha ay binubukalan ng matatamis na ngiti.

_______________8. Hindi si Jonathan ang tipo ng lalaking mangunguna sa away-kalye. Matngkad ngunit patpatin
ang katawan dahil sa bukod sa may kahinaang kumain ay wala rin gaanong hilig sa sports maliban sa pagsunod sa
ilang larong required sa PE.

______________ 9. Sa gulang na dalawampu ay maaaninag kay Donato ang kasipagan dahil sa matipunong
pangangatawan at magaspang na palad na pinanday ng kahirapan.

______________ 10. Naiwan sa balikat ni Andres Bonifacio ang responsibilidad sa mga nakababatang kapatid.
Nagtinda siya ng bastong yari sa yantok gayundin ang makukulay na abanikong papel na siya mismo ang gumawa.

III. Tukuyin kung anapora o katapora ang mga sumusunod. Salungguhitan ang pangngalan o ang paksa at
bilugan ang panghalip na ginamit panghalili sa pangngalan.

___________ 11. Kung makakausap mo ang mga bayani n gating bayan, ipaabot mo sa kanila ang taos-puso kong
pasasalamat.

___________ 12. Maunlad ang Lungsod ng Maynila, maraming kabuhayan ang makikita ngunit kailangan ditto ang
tibay at tatag para mabuhay.

___________ 13. Nararapat lamang silang bigyan ng pagkilala, ang mga bagong bayani ng kasalukuyang henerasyon.

___________ 14. Matulungin si Michael sa mga kapus-palad kaya’t siya ay pinagpapala n gating Panginoon.

___________ 15. Ito ang naging kanlungan ng aking pagkatao, ang bayang Pilipinas na pinagpala ng Maykapal.

IV. Isulat kung ang pangungusap ay may substitusyon, pagbibigay-kahulugan, pag-uulit, ellipsis o pag-iisa-isa.

16. Humingi ng kendi at tinapay si Lino, si Jenny naman ay inumin.

17. Mahalaga sa tao ang edukasyon. Ang edukasyon ang nag-aangat sa kanya tungo sa magndang buhay.

18. Si JC ay iniwan na ng magulang noong siya ay musmos pa lamang. Sa murang-isip ay nabuhay na siyang mag-isa.

19. Ang Pilipinas ay mayaman sa mga yamng-mineral. Ang ilan sa mga yamang-mineral ay ginto, bakal, at karbon.

20. Nakita mo ba ang mga medyas mo? OO, iyong mga itim.

You might also like