You are on page 1of 13

Paano Maging the Best Student Ever

PASS OR FAIL?
Copyright © 2011 by Ronald Molmisa Cover design and illustrations by Nixon Na
Typesetting by Marianne C. Ventura Published (2011) in the Philippines by OMF
Literature Inc. 776 Boni Avenue Mandaluyong City, Metro Manila www.OMFLit.com ISBN
978-971- 009-093-8 Printed in the Philippines
Contents
Introduction Chapter 1 Chapter 2 Chapter 3 Chapter 4 Chapter 5 Chapter 6 Chapter 7
Chapter 8 Chapter 9 Chapter 10 Chapter 11 Endnotes

5 Orientation: Why Study? 7 How to Use Your Coconut: Learning and Intelligence 13
Reading, Memorizing and Note-taking 21 Study Smart 34 42

Excited about Exams

To Cheat or Not to Cheat 50 Write It Right 59 Time Out! Stressed na Ako! Usapang
Kaibigan 79 Terror ba ang Teacher mo? 92 This Way to Success 106 97 67
Introduction

TALAGA?
ahilig akong mag-aral. Mula kinder-

Studying,

Hobby:

garten hanggang ngayon, sa pag-aaral umiikot ang buhay ko. Pero nung grumaduate ako
ng high school, hindi ko alam kung ano ang gusto kong kunin sa college. Tuloy, I
spent the first two years of my college life trying to find the right course.
Pinakuha ako ng sangkatutak na tests sa Office of Student Counselling para malaman
kung anong kurso ang akma sa akin. Ang hindi ko alam, kasama pala dito ang pag-
assess kung paano ako mag-aral. Ang resulta: Pagdating sa good study habits, bagsak
ako! Nang sabihin sa akin yon ng student counselor, natauhan ako. Narealize ko na
hindi ko matatapos sa tamang
6

PASS OR FAIL?

panahon ang kurso ko kung hindi ko babaguhin ang style ko sa pag-aaral. Through the
years, the Lord has changed and transformed my academic habits. Pagkatapos ko ng
undergraduate degree ko, hindi ako nakuntento. Sinimulan ko ang graduate studies
habang nagtatrabaho bilang social science researcher. Nang matapos ko ang Masteral
degree ko, nagturo ako sa dalawang pinakasikat na university sa bansa. Kasabay ng
pagtuturo, naging pastor din ako ng mga young people. Ang hawak mo ngayon ay
produkto ng experiences ko bilang estudyante at teacher. Nasaan ka na ba ngayon sa
academic life mo? Malapit ka na bang matapos o daan-daang exams, quizzes, reports
at projects pa ang haharapin mo? At ang pinakamatinding tanong, ”Makasurvive ka
kaya?”
Orientation:

Study?
ung estudyante ka, one third ng 24 hours

Why

mo ay napupunta sa pag-aaral. Kung nasa high school ka, halos walong oras kang nasa
eskwelahan. Kung college student ka naman, minsan mas mahabang oras ang kailangan
mo dahil sa library research at pagsali sa extra-curricular activities. Ang
eskwelahan ang masasabi mong second home na magse-shape ng character at ugali mo.
Nag-aaral tayo dahil ayaw ni God na manatiling mangmang ang mga tao lalo na ang
Kanyang mga anak. Many people are destroyed due to the lack of wisdom.1 Kaya kung
kulang tayo nito, humingi tayo sa Diyos.2 Mapalad ang mga nais magkaroon ng
wisdom.3 Una, nagiging inspirasyon sila sa ibang tao.4 When wise people
8

PASS OR FAIL?

speak, knowledge becomes more attractive. Pangalawa, mas mahalaga ang wisdom kesa
anumang yaman sa buong mundo.5 At pangatlo, being wise is better than being
strong.6 Ika nga ng namayapang si Ernie Baron, batikang weathercaster, “Kung walang
knowledge, walang power.” BAKIT NGA BA KAILANGANG MAG-ARAL? Ang lahat ng pag-aaral
ay kailangang nakatuon sa ultimate purpose nito—ang makilala ang Diyos. Huh?
Pwedeng magtaka ka at sabihing, “Pano nangyari yun? Anong kinalaman ng Diyos sa
hindi ko masolb-solb na math equation?” Nag-aaral tayo ng iba’t ibang subjects para
maggrow ang knowledge natin kung gaano kadakila ang Diyos. Nag-aaral tayo ng
biology para malaman natin ang iba’t ibang species ng hayop at organism na ginawa
Niya. Nag-aaral tayo ng physics Anong kinalaman para malaman ang mga mga ng Diyos
sa hindi ko masolb-solb na natural laws na itinakda ni math equation? God para
maging maayos ang buhay natin sa daigdig. Ngunit tandaan natin na walang kabuluhan
ang wisdom kung hindi naman ito naglalapit sa atin sa pagkakilala sa Diyos. Basahin
ang kuwento ng mga philosophers na nakausap ni Apostle
ORIENTATION: WHY STUDY?

Paul sa Acts 17. Madalas nilang pag-usapan ang iba’t ibang diyus-diyusan pero hindi
nila kilala ang tunay na Diyos. Doon ipinakilala ni Paul si Jesus Christ na Siyang
Maylikha ng daigdig. Earthly knowledge is nothing compared to having a relationship
with God and knowing Him. Sinabi Niya sa pamamagitan ng prophet na si Jeremiah:
“Do not let the wise glory in his wisdom, nor let the mighty glory in his might; do
not let the rich glory in his riches; but let him who glories glory in this, that
he understands and knows Me, that I am the LORD, doing kindness, judgment, and
righteousness, in the earth; for in these I delight.”7

Matalino ka ba o gustong maging matalino? Ang tunay na edukado, hindi


ipinagyayabang ang talino niya, kundi pinaparangalan si God sa buhay niya. God
gives wisdom, knowledge, and happiness to those who please Him.8 True wisdom begins
with the fear of the Lord and forsaking of evil.9 Natanong mo na ba sa sarili mo
kung bakit kailangan mag-aral ng math? Bakit nga ba kailangang pag-aralan ang
algebraic expressions, geometry, derivatives and calculus? Do we really need to
study all these kung nursing naman ang
10

PASS OR FAIL?

kukunin nating course? Bakit kailangan nating mabaliw sa iba’t ibang formulas at
equations? Hindi naman tayo siguro magbibilang ng mga bagay-bagay para i-interpret
ang mga kilos ng pasyente in numeric terms at gumawa ng iba’t ibang graphs. This
argument may sound logical. Pero kailangan nating bunuin ang math dahil bahagi ito
ng edukasyon natin—pagdating sa pagdisiplina sa sarili. ILANG MARSHMALLOWS ANG
GUSTO MO? Isang study ang ginawa noong 1970s sa Stanford University na pinamagatan
nilang Marshmallow Test. Sa experiment ng psychologist na si Dr Walter Mischel,
ininvite niya ang mga four-to-six-year old kids na pumasok sa isang kuwarto.
Nakapatong sa desk ng mga bata ang isang maliit na marshmallow. Sinabi ni Dr
Mischel sa mga bata na aalis siya at babalik pagkatapos ng 15 minutes. Pinagbawalan
silang kainin ang marshmallow sa desk. Kapag nagawa nila iyon, bibigyan pa sila ng
isa pang marshmallow pagbalik niya. Pag-alis ni Dr Mischel, iba’t iba ang reaksyon
ng mga bata. May mga nilibang ang sarili para hindi matuksong kainin ang
marshmallow. Meron namang titig na titig sa marshmallow na nasa desk at sa
ORIENTATION: WHY STUDY?

11

stage. Ang ibang bata naman, inamoy-amoy at pinindot-pindot lang ang marshmallow.
Sa pagtatapos ng experiment, 66 percent ng mga bata ang hindi nakatiis na kainin
ang marshmallows nila. Ang natirang 33 percent ay nakapagpigil sa sarili nila.
Sixteen years later, binalikan at pinag-aralan ni Dr Mischel ang mga batang sumali
sa experiment niya. Doon niya nadiscover na ang mga batang hindi nakatiis kainin
ang marshmallow ay lumaking walang focus sa buhay. Marami sa kanila ay hindi naging
maayos ang takbo ng kanilang career. Ang iba ay laging heartbroken sa mga
relationships at ang iba nama’y hindi makakuha ng magandang grado. Samantala,
marami sa mga sumunod sa kanyang instructions na wag kainin ang marshmallows ay
nagkaroon ng magagandang grado sa mga subjects at nagtagumpay sa kanilang pag-
aaral. Dito nagsimula ang konsepto ng Emotional Quotient (EQ), related sa term na
Deferred Gratification o ang kakayahan ng isang tao na pigilan ang sarili at wag
munang gawin ang isang bagay na masarap para sa kanya, kapalit ng mas importante o
mas malaking reward. Pinatunayan ni Dr Mischel sa experiment niya ang link ng
pagpipigil o pagdidisiplina sa
12

PASS OR FAIL?

The greatest battle a student should overcome is the battle with self.

sarili at pagtatagumpay sa buhay.10 The greatest battle a student should overcome


is the battle with self. Kung meron siyang personal na relasyon sa Diyos, ito ang
magbibigay ng lakas sa kanya para gawin ang tama at masunod ang Kanyang kalooban.11
Kapag nagkaroon ka na ng disiplina at pasensya sa pag-aaral, angat ka na sa iba.
Pero hindi dito magtatapos ang lahat. Kailangang malaman mo rin ang strengths and
abilities mo. Saan ka nga ba magaling?

You might also like