Professional Documents
Culture Documents
D. Pagsulat NG Panukalang Proyekto at Ang Mga Elemento Nito
D. Pagsulat NG Panukalang Proyekto at Ang Mga Elemento Nito
PAGSULAT NG
PANUKALANG
PROYEKTO AT
ANG MGA
ELEMENTO NITO
I. TITULO NG PROYEKTO
Ang pahina para sa titulo ay kailangan
kung ang proposal ay mas mababa sa
tatlong pahina. Kasama sa pahinang ito
ang titulo ng proyekto, pangalan ng
nagpapanukalang organisasyon, lugar
at petsa ng preparasyon ng panukala at
alensyang pinaglalaanan ng panukula.
II. NILALAMAN
Idagdag ang pahina ng nilalaman kung
ang proposal ay aaot ng 10 o higit pang
pahina.
III. ABSTRAK
Ito ang huling ginagawa na bahagi ng
panunukala. Inaasahang makikita sa
abstrak ang pagtalakay sa suliranin,
layunin, organisasyon na responsible sa
implementasyon pangunahing aktibidad
ng proyekto at ang kabuuang badyet.
IV. KONTEKSTO
Ang bahaging ito ay naglalaman sa
sanligang sosyol, ekonomiko, political,
at kultural ng panukalang proyekto.
V. KATWIRAN NG PROYEKTO
1. pagpapahayag sa suliranin –
tinalakay sa bahaging ito ang tiyak na
suliranin pinagtutuunang solusyonan ng
panukala.
2. Prayoridad na pangangailangan-
Pinagtutuunan ng bahaging ito ang
pagpapaliwanag sa pangangailangan ng
mga tarhet na makikinabang dahil sa
pagkakaroon ng suliranin.
3. Interbensyon- ilalarawan sa bahaging
ito ang stratehiyang napili kung papaano
sosolusyunan ang suliranin at gayon din
tatalakayin kung papaanong nagdadala
ng pagbabago ang gagawing hakbang.
4. Mag-iimplementang Organisasyon-
Sa bagahing ito, ilalarawan ang
kapabilidad ng nagpapaukalang
organisasyon upang tugunan ang
suliranin inilahad.
VI. LAYUNIN-Ilalahad sa bahaging ito
ang masaklaw na layon ng panukalang
proekto kaugnay ng layong ito, isa-isahin
din ang mga tiyak na layuning nais
makamit ng panukala.
1. Dapat isa lamang ang masaklaw na
layunin ng panukala
2. Dapat na konektado ang masaklaw na
layunin sa bisyon ng pagpapaunlad o
pagpapabuti
3. Dapat napatutunayan ang merito ng
kontribusyon ng layon sa bisyon