You are on page 1of 3

Ang lipunan ay isang pangkat ng mga tao na binibigyan ng katangian o paglalarawan sa mga huwaran ng

mga pagkakaugnay ng bawat isa na binabahagi ang naiibang kultura at/o mga institusyon. Ang Lipunan
din ay isang pangkat ng mga taong nagtutulungan at nagkakaisa. Mas malawak, isang ekonomika,
panlipunan at imprastrakturang industriyal ang lipunan, na binubuo ng isang magkakaibang maraming tao.
Maaaring magkakaiba ang mga kasapi ng isang lipunan mula sa iba't ibang mga pangkat etniko.
Maaaring isang partikular na pangkat etniko ang isang lipunan, katulad ng mga Saxon,
isang estadong bansa, katulad ng Bhutan, o sa mas pinalawak pang grupo, katulad ng Kanlurang lipunan.
Maaaring tumukoy din ang salitang lipunan sa mga organisadongboluntaryong asosayon ng mga tao para
sa mga layuning relihiyoso, kultural, mala-agham, pang-politika, patriyotiko, o ibang pang
dahilan. Sosyolohiya ang siyentipikong, o akademikong, pag-aaral ng lipunan at kaugalian ng mga tao.
Maari rin itong tumukoy sa yunit ng isang lipunan.

Kahalagahan:
Ang kahalagahan ng lipunan ay higit pa sa kahalagahan ng yaman o anumang salapi ito ay isang grupo
ng tao kung saan nagtutulong tulong ang mga tao. Dito rin nila nakikita ang kanilang mga
pangangailangan sa buhay.
Uri ng lipunan:
ayon kay Fr. De Torre, mauuri ang lipunan sa dalawa - natural at artipisyal. Sinasabing natural ang isang
lipunan kung ito ay naitatag nang kusa dala ng likas na pangangailangan ng tao, gaya ng pamilya at
lipunan sibil. Samantala, Maituturing itong artipisyal na lipunan kung ang dahilan ng pagkakatatag nito ay
sinadya para sa kapakanan ng isang tiyak na pangkat. Ang halimbawa ng artipisyal ay gaya ng paaralan,
samahang panghanapbuhay, mga NGO's, at iba pa.

MGA ELEMENTO NG LIPUNAN

1. Tao o Mamamayan - ang pinaka mahalagang elemento ng lipunan na naninirahan sa isang tiyak na
teritoryo o lupang sakop ng lipunan.

2. Teritoryo - ito ang lawak na nasasakupan ng isang lipunan at kung saan nananahan ang mga
mamamayan nito.

3. Pamahalaan - Ito ang organisasyon na namamahala sa mga pagpapatupad ng mga batas at mga
kautusan at nagpapahayag sa kalooban ng lipunan.

4. Soberanya -pinakamataas na kapangyarihan ng lipunan para mapatupad o mag-utos ng kagustuhan


nito sa mga mamamayan sa pamamagitan ng mga batas. Ito ang likas at lubos na karapatan at
kakayahan ng lipunan na mag pairal ng sariling mga layunin at naisin ito sa pamamagitan na batas na
malaya sa kontrol o panghihimasok ng ibang lipunan.

Ang kahirapan ay tumutukoy sa kalagayan o katayuan ng isang tao na walang isang halaga ng mga pag-
aaring materyal o salapi.[1] Ang absolutong kahirapanang kalagayan o katayuan ng hindi pagkakaroon ng
paraan o pamamaraan upang makayanan o makapagdulot magkaroon ng payak o basikong mga
pangangailangang pantao, katulad ng malinis na tubig o naiinom na tubig, nutrisyon, pangangalagang
pangkalusugan, kasuotan, at tirahan.[2][3] Ang relatibong kahirapan ay ang kalagayan ng pagkakaroon ng
mas kakaunting mga mapagkukunan o mas kakaunting kitang salapi kaysa ibang mga tao sa loob ng
isang lipunan o bansa, o kapag inihambing sa mga karaniwang bilang sa buong mundo. Ang suplay ng
mga pagkain na pangangailangan ay maaaring malimitahan ng mga limitasyon sa mga serbisyo ng
pamahalaan gaya ng korupsiyon, ilegal na paglisan ng kapital, mga kondisyonalidad sa utang at sa
pagkaubos ng utak ng mga propesyonal na pang-edukasyon at pangkalausugan.

Endo at contractualization ang tawag sa paulit-ulit na pagsailalim sa mga manggagawa sa iilang buwang
kontrata lamang sa trabaho nang sa gayo'y hindi sila maging regular at magkaroon ng benepisyong
ibinibigay sa regular na manggagawa.
Ang basura ay anumang uri ng bagay na maaaring hindi na kakailanganin at hindi na nararapat gamitin.
Taliwas naman ito sa paraan ng pagreresiklo, o ang paraan ng pag-kumpuni at pag-ayos muli ng isang
bagay upang magamit muli ito.

An extrajudicial killing (also known as extrajudicial execution) is the killing of a person by governmental
authorities without the sanction of any judicial proceeding or legal process. Extrajudicial punishments are
mostly seen by humanity to be unethical , since they bypass the due process of the legal jurisdiction in
which they occur. Extrajudicial killings often target leading political, trade union, dissident, religious, and
social figures and are only those carried out by the state government or other state authorities like the
armed forces or police, as extra-legal fulfillment of their prescribed role.

You might also like